ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 34

Whroxie

"MAma, stop manipulating Kuya Dominick's life! Kasi kung tutuusin wala kang karapatan na sabihin kung sino ang dapat at hindi  niya pwedeng mahalin! Kung boto ka kay Princess e 'di kayo ang magpakasal!" Reviel couldn't control her anguished scream. Kakalimutan niya munang nanay niya ang kausap niya na hindi naman talaga nagpapakananay sa kanila. Awang-awa siya sa kapatid. Para itong batang iyak nang iyak habang paulit-ulit na sinasabing mahal na mahal nito si Geallan.

"Reviel, sumusobra ka na!"

"No, 'Ma! Kayo ang sumusobra! Wala po kayong utang na loob kay Kuya Dominick!" Her mother mouth agape in shock at Viel's unbelievable words.

"Ginawa niya ang lahat para sa pamilyang 'to. He did everything his best to provide us a better life. To provide a stable foundation for our future. Kung hindi dahil sa kanya tingin niyo po hanggang ngayon may negosyo pa tayo? Tingin niyo may ipinang-iinom ka pa gabi-gabi? At his  very young age, he had to take over the responsibility of being the padre de pamilya. He had been working his ass off not because he was enjoying what he was doing, kundi para bigyan tayo ng maayos na buhay." Dahan-dahang umupo si Adeline at sunod-sunod na tumulo ang luha.

"Alam mo bang takot si kuya na mag-commit sa mga nakakarelasyon niya dahil sa dami niyang obligasiyon sa atin. And now he's in love and finally wants to have his own family, pero ipinagkakait mo 'yon, 'Ma!"

"You don't understand me!" Adeline said with sob.

"Then ipaintindi mo po sa 'kin dahil hindi ko talaga maintindihan."

Umiling si Adeline.
"I can't!"

Viel put her hands on her hips, shaking her head.

"Takot kang mawala si Kuya sa atin. I get it. Pero, 'Ma, hindi mawawala si Kuya sa atin kahit na ikasal pa siya; kahit na magkaroon pa siya ng sarili niyang pamilya. Pero sa ginagawa mo, posible ngang layasan tayo ni kuya. And I swear, 'Ma. Sa oras na ginawa ni Kuya Dominick 'yon, sasama ako sa kanya. I will leave this fucking dysfunctional family!" Viel turned her back on her mother and stomped up the stairs to her bedroom.

Ang kapatid na si Saphira na nakatayo sa may hagdan na kanina pa nakamasid sa dalawang nagtatalo ay nilapitan ang inang umiiyak. Si Nyke naman na napatigil kanina sa pagpasok dahil sa pag-aaway ni Viel at Adeline ay lumapit rin sa salas kung saan nakaupo ang kanyang ina na umiiyak. Umupo ito sa pang-isahang sofa, pinagmasdan ang inang umiiyak.

"Tahan na, 'Ma!" alo ni Saphira rito.

"May point si Viel, 'Ma. Dapat hindi mo pinanghihimasukan ang pakikipag relasyon ni Kuya Dock. Dalaga si Geallan at mabait. Naiintindihan ko kung panghihimasukan mo ang pakikipagrelasyon ni Kuya Nyke dahil talaga namang nakakabahala ang pagpatol niya sa matatanda pero hindi ang kay Kuya Dock."

"Hoy! Bakit ako nadamay riyan?" sita ni Nyke kay Saphira.

"I'm stating a fact, kuya."

"Gusto ko naman si Geallan but...." Muli ay impit itong umiyak.

"'Ma, huwag kang nagpapauto kay Princess. Kung ako ang tatanungin mo hindi ko gusto ang babaeng 'yon. She's  a freak like her mother. I could sense that she was being nice to you dahil kay Kuya Dock. Pero lalabas ang tunay na ugali ng babaeng 'yan kapag nakasal sila ni kuya. Gusto mo ba na ikaw ang maging dahilan nang pagkasira ng buhay ni Kuya Dock?" Umiling ang kanyang ina habang patuloy sa pag-iyak.

"And imagine this, 'Ma. Kapag nakatuluyan ni Kuya Dock si Princess at si Kuya Nyke ang nanay ni Princess. That's eww, right?! It got people thinking of how peculiar our family is. Nakakahiya--- aw!" Binato ito ni Nyke ng throw pillow.

"Sumusobra ka na! Wala kaming relasyon ni Mrs. Smith."

"Really? Late ka sa balita, Kuya Nyke. Everyone  knows about you and that woman pero ikaw hindi mo alam?" Saphira rolled her eyes.

"'Ma, kung mayroon kang dapat manipulahin dito si Kuya Nyke, 'yon kasi hindi niya alam ang mali sa tama," patuloy ni Saphira.

"Ikaw na babae!" Tumayo si Nyke at sinugod si Saphira. Ihiniga nito ang kapatid sa sofa at kiniliti nang kiniliti na tila kinakatay naman na baboy nang magtitili ito.

INAYOS ni Geallan ang gamit at isinukbit ang bag sa kanyang balikat bago tumayo sa silya. Wala man lang siyang naintindihan sa discussion ngayon. Buong klase ay lutang siya. Ang dami-dami niyang iniisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Dock, maging ang naging pag-uusap nila ng ina ni Dock at Princess. At sa tuwing naaalala niya iyon ay sobrang kalungkutan ang kanyang nararamdaman at madalas ay hindi niya namamalayang umiiyak na siya. Ayaw pa sana siyang papasukin ng kanyang mommy pero para siyang lalong mababaliw kung magkukulong lang siya sa kanyang silid. 

Natigilan si Geallan nang sa paglabas niya ng classroom ay naroon ang nanay ni Dock. Mahigpit na pumulupot ang kanyang mga daliri sa strap ng kanyang bag habang ang hininga ay tila napigil sa kanyang lalamunan. Asiwa itong ngumiti bago humakbang palapit sa kanya. 

"Ahm... can we talk, hija?" Geallan gave Adeline a long, evaluating look. Ang nakikita niyang babae ngayon ay malayo sa babaeng nakausap niya ilang araw na ang nakakaraan; intimidating, fierce, a filthy rich woman.  Pero ngayon ay nakikita niyang muli ang babaeng nakilala niya noon. Isang mabait na tao.

"Kung ang ipinunta mo po rito ay ang tungkol kay Dock pa rin. Sinunod ko na po ang gusto niyo. Tapos na po kami ni Dock."

"Alam ko. Kaya nga ako nandito para sana pakiusapan kang balikan mo si Dock." Geallan brows furrowed together in confusion. Ano ba ang trip ng nanay ni Dock? Mukhang hindi yata simpleng depresyon ang sakit nito kundi acute mental disorder na. Inabot ni Adeline ang kamay ni Geallan. 

"Please hear me out before you jump to any conclusions. Please, hija!" 

NAGTUNGO si Geallan at Adeline sa isang coffee shop na nasa loob ng unibersidad. Pinili nila ang mesa sa pinakasulok at magkaharap na umupo. Pinagbigyan niya ang pakiusap nito dahil mukhang sincere naman.

"I just want to say sorry about what happened the last time we've talked. Hindi ko gustong-- Alright. I intended to hurt your feelings para lang layuan mo si Dominick." 

"Naiintindihan ko po. Bilang isang ina, may mga gusto po talaga kayo para sa anak niyo. At tingin niyo hindi ako makakabuti para kay Dock."

Umiling si Adeline.

"I like you for my son, Geallan. Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung sino ang gusto ng anak ko as long na magiging masaya si Dock. May mabigat na dahilan lang talaga ako."

"Si Princess po. Mas gusto mo siya para kay Dock. Huwag po kayong mag-alala. Wala na akong balak na makipagbalikan pa kay Dock. Siguro nga si Princess talaga ang mahal niya." 

"Hindi. Ikaw ang mahal ng anak ko. I had witnessed how he suffered from being away from you when where in Sweden. Ikaw ang lagi niyang ikinukwento sa 'kin. Kung gaano ka niya kamahal. Na ikaw ang first love niya. Iyong mga magaganda niyang kwento tungkol sa love story niyong dalawa ang isa sa dahilan kung bakit siguro ako naka-recover from depression. At aaminin kong malaki ang naging parte ni Princess sa recovery ko."

"Pero sumiping pa rin siya kay Princess." Iyon ang masakit na katotohanan; katotohanang paulit-ulit na dumudurog sa puso niya. Sa tuwing maiisip niya kung paanong halikan at haplusin si Princess ni Dock ay hindi niya mapigilang maiyak. Mahal na mahal niya si Dock kaya sobrang sakit para sa kanya ang mga nalaman. Binigyan niya ito ng tsansa pero hindi pa rin ito naging matapat sa kanya.

Pero gusto niyang magpakatatag. Ayaw niyang ipakita na nasasaktan siya kaya sa halip na sumbatan si Dock ay mas minabuti niyang ipakita ritong wala itong halaga sa kanya. Mas minabuti niyang ipamukha ritong hindi niya ito kailaman minahal; na si Javan lang ang lalaking mahal niya at mamahalan. Pride na lang ang mayroon siya at ayaw niyang pati iyon ay kunin pa sa kanya.

"Hija, hindi! Akala ko rin talagang nangyari 'yon at ayaw lang aminin ni Dock." May kinuha itong ilang nakatuping papel mula bag at inilapag sa mesa sa kanyang harapan.

"Some informations about Princess' pregnancy." Dinampot iyon ni Geallan at sinimulang basahin ang nilalaman ng papel.

"Ibinigay 'yan sa 'kin ni Brixx kahapon lang. Ang taong pinakiusapan ni Dock na mag-imbestiga. Totoong nabuntis si Princess, pero hindi totoong nakunan siya. She had aborted the poor child." Geallan's eyes flitted to Adeline, shocked.

"Nabuntis siya at alam niyang sa oras na lumabas ang bata hindi niya maaaring sabihing anak ni Dock ang bata. At masisira ang lahat ng plano niya sa anak ko. Si Brixx ang ama ng ipinagbuntis ni Princess. Inamin mismo iyon ni Princess kay Brixx." Hindi siya makapaniwala. Sobrang makasarili ni Princess para patayin ang sariling anak para sa pansariling interes. May ganitong klaseng tao pala talaga. May sasahol pa pala sa ginawa ng kanyang Nanay Alma sa kanya.

Muling inilapag ni Geallan ang papel sa mesa.

"Kaya po ba gusto niyong balikan ko si Dock dahil dito."

"Hindi. Hindi naman si Princess ang rason kung bakit tutol ako sa relasyon ninyo ni Dock. Nagkataon lang na may kaugnayan ka sa mga taong hindi ko na gusto pang makita." Naguguluhan si Geallan sa sinasabi nito.

"At natatakot ako para sa anak ko. Natatakot ako na baka ewan mo rin siya. Takot akong masaktan siya. Baka mas piliin mo ang lalaking una mong minahal katulad nang.... nang ginawa ng asawa ko."

"Ano po ang ibig niyong sabihin na may kaugnayan ako sa mga taong hindi mo gustong makita?" Muling may inilabas si Adeline sa bag. Inilapag nito sa mesa ang larawan at itinulak palapit sa kanya. Nagtatakang kinuha niya iyon. Family picture nina Javan?

"Bakit po mayroon kayo nito?"

"That's your former boyfriend, right?"

"Opo."

"Si Jacinto..." bigla na lang tumulo ang luha nito mula sa mata. Galit, kalungkutan at sakit ang mababanaag sa mukha nito.

"Siya ang dati kong asawa. Ang ama ng mga anak ko." Her eyes and her mouth were frozen wide open in an expression of stunned surprise.  Geallan sat in shocked silence for a few minutes, trying to process what Adeline said. Bumuka ang kanyang bibig pero muli rin itinikom nang walang salitang maapuhap. She's too stunned to talk. It was as if Adeline just dropped a bomb.

"Hanggang ngayon galit na galit ako sa pamilyang 'yan. Hindi ko makalimutan ang ginawa nila sa akin. Sa aming mag-iina."

"Magkapatid si Dock at Javan?" Halos pabulong niyang tanong.

"No! And thank God, not."

"Ano pong ibig niyong sabihin? Paanong hindi sila magkapatid kong iisa ang kanilang ama."

"So pinandigan talaga ni Jacinto at Cynthia ang kasinungalingan nila." Pinahid nito ang basang pisngi ng puting panyo.

"Bukod sa pagiging magkasintahan, best friend din ang dalawa. Jacinto is an employee in our company. Nakikita ko si Cynthia noon na nagpupunta at sinusundo si Jacinto. Hanggang sa maghiwalay ang dalawa. Nagtungong Japan si Cynthia. And one day dala ng kalungkutan at alak, may nangyari sa amin at si Dominick ang naging bunga. Ikinasal kami pero isang araw kung kailan apat na ang anak namin saka bumalik si Cynthia. Nalaman ko na lang na inako ni Jacinto na sariling anak ang batang 'yan kahit hindi niya ito kadugo..." Muli na naman itong lumuha.

"Ang usapan namin ay hindi na siya makikipagkita sa mag-inang 'yan. Pero isang araw nalaman ko na lang na patuloy pa rin pala siyang nagpapakatatay sa batang 'yan. I even caught them kissing in front of that child. Klaro na pinili niya ang mag-ina kaysa sa amin." Namimigat ang dibdib ni Geallan sa mga nalaman. Nararamdaman niya ang sakit na nararamdaman ni Adeline. Kung siya marahil ang nasa kalagayan nito ay magagalit din siya nang sobra. Pero si Javan. Walang alam si Javan sa bagay na ito at sigurado siyang masasaktan si Javan kapag nalaman ito.

"Wala pong alam si Javan dito. Ang alam niya nagta-trabaho ang papa niya sa ibang  bansa. At noong ten siya, umuwi si Tatay Jacinto mula Saudi at hindi na umalis. Iyon ang pagkakaalam niya."

Pagak na tumawa ang babae.

"Iyan ang mga panahon na tuluyan na kaming iniwan ni Jacinto. Wala akong maisagot sa mga anak ko sa tuwing tatanungin ako kung kailan babalik ang kanilang ama. Si Dominick ang alam kung higit na nasaktan dahil alam niya ang totoo. Nakita niya kung paanong lambingin ni Jacinto ang Javan na 'yan. Minsan tinanong pa niya ako kung hindi ba siya mabuting anak para mas piliin ni Jacinto ang batang 'yan kaysa sa kanya. As a mother. I was so hurt for my son. And afraid that he might be experiencing  the same thing that happened to me in the past, kaya hindi ako sumang-ayon sa relasyon niyo nang malaman ko ang tungkol sa Javan na 'yan. Baka ewan mo rin ang anak ko."

"Mahal ko po si Dock." Bagamat tipid ang ngiting ibinigay ni Adeline, nasa mukha naman nito ang kasiyahan dahil sa sinabi niya.

"Alam na po ba ni Dock ang tungkol kay Javan?"

"Alam niya. Sinabi ko. Pero nanindigan siya na mahal mo siya at hindi mo siya iiwan. Na hindi mo babalikan ang Javan na 'yan."

"Oh!" Hindi mapigilan ni Geallan ang maiyak. Kitang-kita niya ang sakit sa mukha ni Dock nang sabihin niyang hindi niya ito mahal dahil si Javan ang mahal niya. Kailangan niyang magpaliwanag. Siguradong nasaktan niya ito nang sobra. Marahil ay inisip ni Dock na sa pangalawang pagkakataon ay inagawan na naman siya ni Javan.

"Nasaan po si Dock? Gusto ko po siyang makita. Kailangan ko siyang makausap."

Umiling si Adeline.

"Hindi ko alam. Ilang araw na siyang hindi pumapasok sa opisina at wala rin sa condo niya. Tinawagan ko na ang lahat na pwedeng tawagan pero wala rin silang alam."

"Sina Kuya Tres. Magpapatulong ako sa kanila." Ginagap ni Adeline ang dalawang kamay ni Geallan.

"May ipapakiusap sana ako sa 'yo, Geallan."

"Ano po 'yon?"

"Alam kong wala akong karapatang hilingin ito pero sana mapagbigyan mo ako. Pakiusap, hija... Putulin mo ang ugnayan mo kay Javan at maging sa pamilya niya." Kaibigan niya si Javan. Pero ex lover pa rin niya ito at hindi nga maganda kung makikipagkaibigan pa siya rito kung may karelasyon na siyang iba. At lalo na't ito pa pala ang naging dahilan nang pagkasira ng pamilya ni Dock. Kung iyon ang makakapagpanatag ng loob ni Adeline ay gagawin niya.

Marahan niyang pinisil ang kamay ni Adeline.

"Makakaasa po kayo."

"Salamat, hija." Bakas sa mukha nito ang ginhawa sa sinabi niya.

Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap ay sabay na lumabas ang dalawa. Pero sa paglabas ay may hindi inaasahang taong makikita. It's  Princess, wearing the beautiful mask. A mask that's hiding her true personality, allowing her to adopt the persona of any character of her choice. Isang demonyetang nag-aanyong anghel ang nakikita niya sa babaeng ito.

"Mama Adeline." Teary-eyed itong lumapit kay Adeline. Adeline raised her hand, stopping her.

"I know everything, Princess. And I can't believe that you are capable of doing such horrible things. You are a murderer!"

"Mama, no! Don't believe Brixx. Sinisiraan lang niya ako sa 'yo--"

"Stop it, Princess! Hindi na ako magpapauto pa sa 'yo!" Ang maamo at tila iiyak na mukha ng babae ay nag-iba. Tumalim ang mata at tila ano mang oras ay handang manakit.

"Wala kang utang na loob! Kung hindi dahil sa 'kin siguradong tuluyan ka ng nabaliw!" Sinugod nito si Adeline at hinaklit ang braso.

"You evoked all the devil instincts that I have. I've sacrificed everything para sainyong mag-ina. Inalagaan kitang baliw ka tapos babaliwalain mo rin lang ako! You and my mother are fucking the same! Pulos kayo walang kwenta!" Umungol sa sakit si Adeline nang bumaon ang mahahabang kuko ni Princess sa balat nito. Napilitang makialam si Geallan. Inawat niya si Princess at nang hindi ito kumalma ay napilitan siyang itulak ang babae.

"You bitch!" Galit na sumugod sa kanya si Princess. Umigkas ang kamay nito para sampalan si Geallan pero bago pa man iyon tumama sa kanya ay may humablot na sa buhok nito at marahas na hinila. Tumimbuwang si Princess sa lupa. Galit itong tumitig sa babaeng nanakit dito pero pinaymawangan lang ito ng babae.

"Subukan mo lang saktan ang isa sa kanila at manghihiram ka ng mukha sa aso." Matapang na banta ni Viel. Dito rin nag-aaral si Viel. Madalas niyang makita ito pero umiiwas siya. Hindi siya nagpapakita rito.

Tumayo si Princess. Matalim siyang pinukol ng titig.

"We're not over! Babalikan kita--" natigalgal ito nang biglang sampalin ni Viel ng ubod nang lakas.

"Bakit babalik ka pa kung pwede naman nating tapusin ngayon?" taas kilay na sabi ni Viel.

"Ugh!" Galit na nagmartsa palayo si Princess, sapo ang nasaktang pisngi.

"Hays! Bakit kasi kayo nagpapaapi sa babaeng 'yon! Dapat sa mga katulad ni Princess ginagamitan agad ng kamaong bakal." Nagkatinginan si Adeline at Geallan at nagkangitian na lang.

"Brielle!!" Isang tili ng babae ang nagpalingon sa kanilang tatlo. Si Nadia. Kumaway ito habang patakbong lumapit sa kanila. Lumingon ito mula sa likuran.

"C'mon, there she is," anito sa kasama na ikinabahala ni Geallan. Si Javan.

"Hey! Kanina ka pa namin hinahanap nitong si Javan." Humahangos pa si Nadia nang makalapit sa kanila.

"Geallan," bati sa kanya ni Javan. Binalingan niya si Adeline. Nabahala si Geallan nang makita ang pamumutla nito habang nakatitig kay Javan.

"Tita." Inabot niya ang nanginginig na kamay nito. Sumunod na nanginig ang katawan ng ginang. Kinabig ni Geallan ang babae at niyakap. Itinalikod niya ito mula kay Javan.

"Okay lang po, tita. Relax lang po."

"'Ma, are you alright?" Nag-aalalang lumapit si Viel at hinaplos ang likod ni Adeline.

"Javan, pwede bang umalis ka na muna. Tatawagan na lang kita," pakiusap niya sa binata.

"Pero..."

"Please, Javan. Please!" Tumango ito saka humakbang paatras, naguguluhan habang nakatingin sa kanila at tuluyang tumalikod.

"He looks familiar." Narinig niyang usal ni Viel.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store