Chapter 33
"UMALIS ka na, Dock! Wala kang ginawa kundi ang saktan ang anak ko. Kung hindi gusto ng nanay mo si Brielle, hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sainyo." Taboy ni Seg kay Dock. Galit na galit ito at ayaw siyang payagang makausap si Geallan. Pagkagaling niya sa bahay ng kanyang mama ay sa mansiyon ng mga Cabral siya dumeretso. At tama nga ang hinala niya. Kung ano-ano ang pinagsasabi ng kanyang mama at Princess kay Geallan.
"Tito, please. It was just misunderstanding. Please, let me talk to Geallan."
"No! She doesn't want to talk to you. At kahit ako hindi ko gustong lalapit ka pa sa anak ko."
"Tito, please!"
"Umalis ka na!" Tumingin siya sa mansiyon. Hindi maaaring hindi niya makausap si Geallan.
"Gealllan!" Malakas niyang sigaw.
"Geallan, please mag-usap tayo! Hayaan mo akong magpaliwanag."
"Umalis ka na, Dock, kundi ipapakaladkad kita sa mga gwardiya!" Banta ni Seg pero hindi niya ito pinansin. Kung magpapasindak siya sa galit nito mas mawawalan siya ng tsansang makausap si Geallan. Mas lalong nagalit si Seg sa hindi niya pagtinag. Itinulak siya nito at pilit na pinalabas ng gate pero nagmatigas siya.
"Daddy!" Napatigil ang dalawa at bumaling kay Geallan na nakatayo hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Wala itong emosyon habang nakatingin sa kanila.
"Kakausapin ko po siya," ani Geallan sa ama.
"Are you sure, Brielle?" Tumango ito. Kahit na mukhang ayaw ni Seg ay napilitan itong iwan si Geallan at Dock.
"Geallan, baby!" Inilang hakbang niya ang kinatatayuan ni Geallan at buong higpit niyang niyakap ang kasintahan pero hindi ito gumanti.
"I'm sorry. Kung ano man ang sinabi ni Mama at Princess, please, huwag kang magpaapekto. Hayaan mo akong magpaliwanag." Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pilit na bumitaw mula sa pagkakayakap niya.
"Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at umalis ka na pagkatapos." Lalo siyang nafu-frustrate sa kawalang emosyon ni Geallan. Mukhang galit talaga ito.
"Geallan, about Princess. Oo nakasama ko siya sa Sweden." Ang pagtitig ni Geallan sa kanya ay naputol nang ikurap nito ang mata at mag-iwas ng tingin. She was hurt. And that made him wanted to hurt himself.
Tumango-tango ito kapagkuwan.
"Naiintindihan ko na. Maaari ka nang umalis."
"Geallan, please. It's not what you think. Sumunod siya sa Sweden. Wala akong nagawa nang pinatira siya ni mama sa bahay. Malaki ang naging tulong niya kay mama kaya--"
"Tama na, Dock. Malinaw na sa 'kin ang lahat. At ayos lang 'yon. Naiintindihan ko. Sige na, umalis ka na." Hinugot ni Geallan ang singsing mula sa daliri. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay iyon sa palad niya.
"Ano 'to?"
"Hindi ko na kayang magpakasal sa 'yo sa maraming dahilan. Una ayaw ako ng mama mo para sa 'yo. Pangalawa hindi mo naman talaga ako kailangan sa buhay mo."
"I need you."
"Ngayon. Pero paano kapag na-depress na naman ang mama mo? Nagkaproblema ka na naman. Bibitawan mo ulit ako at pipiliin si Princess dahil alam mong siya ang mas makakatulong sa 'yo at hindi ako."
"Geallan, no!" Sinubukan niyang lapitan si Geallan pero umatras ito at itinaas ang dalawang kamay. Itiniim nito ang mukha at maka-ilang ulit na kumurap. Kapansin-pansin rin ang pagbaba-taas ng dibdib nito. Tila may pinipigil na emosyon.
"H-hindi mo ako mahal, Dock. Kasi kung mahal mo talaga ako hindi mo ako bibitawanan kahit anong problema pa ang kinakaharap mo." Tila ito nabibikigan habang nagsasalita.
"I'm sorry. I can't justify what I've done. Alam kong mali at nasaktan kita. But one thing I'm sure is that I love you and I don't know what to do if I'll lose you again."
"Kaya mo. Nakaya mo noon at kakayanin mo. Hndi na kita kayang tanggapin sa buhay ko, Dock. You had caused nothing but trouble and I'm getting tired to deal with it." Tinalikuran siya ni Geallan pero agad niya itong niyakap mula sa likuran.
"Galit ka lang kaya nasasabi mo 'yan. Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iwan. I know you love me, Geallan." He whispered into her hair as he clung to her desperately. A long silence settled between them until Geallan broke it with a hurtful statement he couldn't accept.
"Hindi kita mahal, Dock."
"Hindi ako naniniwala. Alam kong mahal mo na ako noon pa man. Nararamdaman ko 'yon." Kinalas ni Geallan ang braso ni Dock na nakapaikot sa katawan ni Geallan at humarap ito sa kanya.
"Kilala mo ako. Sinasabi ko ang totoong nararamdaman ko. Napilitan lang naman akong magpakasal sa 'yo dahil sa ginawa mo. Sobra akong nahihiya kina daddy--"
"No! I don't believe you!" Sinapo niya ang maglabilang pisngi ng dalaga at inilapit ang mukha rito. Pinakatitigan niya ito sa mata na para bang doon niya makikita ang totoo nitong nararamdaman.
"You are just lying kasi galit ka!" Inalapat niya ang noo sa noo ng dalaga.
"I love you so much!" Pilit na kumawala si Geallan mula sa pagkakahawak ni Dock at muling umatras.
"Narinig mo na bang sinabi kong mahal kita? Kung mahal kita noon pa man sinabi ko na, Dock. Si Javan... hanggang ngayon siya pa rin talaga ang laman nito." Itinuro ni Geallan ang bahagi ng puso. At iyon ang mga salitang hindi niya gustong marinig kailan man. Mga salitang kinatatakutan niya dahil alam niyang siyang dudurog sa kanya.
"Kung hindi lang kasal si Javan at Alice matagal ko na siyang tinanggap ulit sa buhay ko. Ikaw ang pinili kong pasakalan dahil iyon ang gusto nina daddy. Iyon ang tama. Gusto kitang mahalin pero hindi ko magawa. Si Javan ang mahal ko noon, ngayon at siya lang ang mamahalin ko habang buhay." The anxious knot grew until it made his chest tight with so much pain.
"Umalis ka na! Tapos na tayo!" Mabilis na tumalikod si Geallan at pumasok ng mansiyon habang si Dock ay nakatayo, tulala habang paulit-ulit na naririnig ang mga binitawang salita ni Geallan.
"Mama, I have to go potty. Really bad," a nine year-old Dominick told to her mother who's busy shopping.
"Okay, son. I'll go with you."
"You can't go into the men's toilet . I can go alone!" Mabilis na tumakbo si Dominick palabas ng boutique habang ang inang si Adeline ay nataranta naman.
Dominick rushed to the comfort room. Halos katabi lang naman ng boutique kung saan abalang namimili ang kanyang ina. Nang makita ang bakanteng urinal toilet bowl na napapagitnaan ng dalawang lalaking nagbabawas ay tinakbo niya iyon. Niyuko siya ng lalaki at nginitian naman niya ito.
Nang matapos ay agad ding lumabas at naroon na ang kanyang ina. Nakangiting inilahad ni Adeline ang kamay sa kanya na inabot naman niya.
"Next time, 'wag kang tatakbo basta-basta, Dominick. You are still a baby."
"I'm a big boy, ma."
"Hmp! Let's go there na." Tukoy nito sa boutique na pinanggalingan nila. Magkahawak kamay ang mag-ina na bumalik ng boutique pero natigil siya sa paghakbang nang makita ang pamilyar na mukha. Bumitaw siya sa kanyang mama. Tumuloy na ito sa loob habang siya ay nanatiling nakatayo sa labas at nakatingin sa lalaki.
"Papa?" Malapad siyang ngumiti nang makumpirmang ang kanyang papa nga iyon. May hawak itong robot na laruan. Siguro binili nito para sa kanya o kaya'y para sa kapatid niyang si Nyke. Excited na tumakbo si Dominick para lapitan ang ama.
"Papa!" Tawag niya rito. Lumingon ang kanyang ama sa ibang direksyon. Malapad na ngumiti at pa-squat na umupo. Ibinuka ang mga bisig. Natigil sa pagtakbo si Dominick nang makita ang batang lalaki na sinusundan ng isang babae. Hindi nalalayo ang edad sa kapatid niyang si Nyke. Apat o limang taon.
"Tatay!" tili ng bata at sinalubong ito ng yakap ng kanyang ama. Masayang binuhat. Tuwang-tuwa ang bata nang ibigay ng kanyang ama ang laruang robot dito.
"Nagustuhan mo ang regalo ni Tatay, hmm?"
"Opo, tatay! Ang ganda! Sobra sobrang ganda" Masayang tawa mula sa kanyang ama ang umalingawngaw dahil sa pagkagiliw sa bata. Pero ang pagtawa nito ay natigil nang mabalingan ang batang Dominick na naguguluhan sa nakikita.
"J-jad?" Ang kaligayahan sa mukha ng ama ay nahalinhinan nang pagkabahala. Humakbang si Dominick pero bago pa man siya makalapit sa ama ay may humawak na sa kanyang balikat. Tiningala niya ito. Ang kanyang ina. Nasa mukha ang hindi maipaliwanag na emosyon.
"Mama, who's that kid? Why is he calling my papa tatay?" Ipinaikot ni Adeline ang braso sa balikat ni Dock. Hinawakan niya ang kamay ng ina nang pamansing nanginginig iyon at pinisil.
Ibinigay ng kanyang ama ang bata sa babaeng kasama nito na mukhang kabado. His father took two steps toward them and paused. His hands clenched to his side as he's staring at them, obviously at a loss for what to do. He looks so worried.
"Adeline," usal nito.
"Let's go, Dominick!"
"But, mama!"
"I said let's go!" Sa unang pagkakataon ng buhay niya ngayon lang siya nasigawan ng ina. Kahit makulit siya laging malumanay itong magsalita sa kanya. Mahigpit ang hawak ng kanyang mama sa kamay niya at halos kaladkarin siya palayo. Ang tanging nagawa niya ay tanawin ang kanyang ama habang papalayo sila ng kanyang ina.
"HINDI ko siya anak! At wala kaming relasyon." Mula sa labas ng silid ng kanyang magulang ay rinig niya ang pagtatalo ng mga ito. Nakatayo siya sa labas ng pinto ng silid ng magulang.
"Anak siya ni Cynthia sa nobyo nito pero hindi siya pinanagutan. Ako ang pinakilalang ama ng bata. Adeline, makinig ka muna. Hayaan mo akong magpaliwanag."
"Don't fool me! I'm not that stupid to believe your shit and that woman didn't do terrible stuff behind my back! She's your former lover, pumayag kang maging ama ng bata dahil mahal mo pa rin siya." Hindi umimik ang kanyang ama. Nagpatuloy ang galit na boses ng ina sa panunumbat.
"'Di ba? Until now you still love her. Did you regret marrying me? Did you regret na nabuntis mo ako? Kung hindi lang sana ako nabuntis malaya ka sana ngayon."
"Adeline!"
"Hindi ka na nahiya sa mga anak mo! Nakita ni Dominick. Nagtatanong ang bata kung bakit tatay ang tawag sa 'yon ng batang 'yon." Malungkot na bumalik ang batang Dominick sa kanyang silid at nanalukbong na lang.
Simula noon ay may nag-iba sa kanyang mama. Halos hindi na ito umuuwi at ibinubuhos ang buong oras sa opisina. Madalas ay umiinom ng alcohol hanggang sa tuluyang nagkahiwalay ang mga magulang niya.
Unwanted pregnancy at siya ang naging bunga. Hindi siya ginustong mabuo ng kanyang ama. Siguro siya ang naging dahilan kung bakit nasira ang mga pangarap nito. Si Javan. Si Javan ang mas pinili nitong maging anak kaysa sa kanila. At ngayon si Javan ulit ang pinipili ni Geallan. Paulit-ulit siya nitong inaagawan. Paulit-ulit nitong sinisira ang buhay niya. Inaagaw ang mga taong mahal niya. Ang kanyang kaligayahan.
Tinungga ni Dock ang laman ng bote ng alak na nangalahati na. Nakasalampak siya sa sahig habang nakasandal sa sofa. Sa pag-unat niya ng paa ay nasipa niya ang baso dahilan para gumulong iyon palayo at gumawa ng ingay na bumulabog sa madilim at tahimik na bahay. His life is fucking miserable and no body cares about him. Sa tagal ng panahon na pagtatrabaho; sa pag-intindi sa lahat ng obligasyon na nakaatang sa kanya ngayon lang siya nakaramdam ng matinding kapaguran. He can't live like this anymore. He wants Geallan in his life. He wants Geallan!
He didn't like what he felt. The pain he felt in his chest is so unbearable. Tinitigan niya ang boteng hawak, dinala iyon sa bibig at muling tumungga nang biglang lumiwanag ang buong kabahayan.
"Kuya Dock." He heard his sister's voice, Viel.
"My God, what are you doing?" Inagaw ni Viel ang bote mula sa kanya. Natapon ang laman niyon, ang iba ay sa damit niya natapon.
"Kuya, what are you doing? Ano ang nangyari dito sa bahay mo at ganito kakalat?" Pilit niyang inabot ang bote kay Viel pero inilayo nito iyon.
"Viel, let me. I need that."
"No! Lasing na lasing ka na." Inalapag ng kapatid ang bote ng alak sa center table at lumuhod ito sa gilid ni Dock. Dock aware of how much of a fuck up he is right now but he didn't care.
"Kuya, what's wrong?"
Nilukot ni Dock ang mga binti. Itinukod sa tuhod ang mga siko at isinabunot ang dalawang kamay sa magulong buhok.
"Kuya." Nag-aalalang hinaplos ni Viel ang braso ng kapatid. Nag-angat ng ulo si Dock mula sa pagkakayukyok. He looked at her sister with heavy lidded eyes.
"Mabait ba akong kuya, Viel?"
"Of course. You are the best kuya."
"Naalagaan ko naman kayo 'di ba? Hindi naman ako nagkulang." Viel shook her head viciously.
"Of course not! Wala kang pagkukulang sa amin."
"Then why? Why Can't I be happy? Bakit ipinagkakait sa 'kin na maging masaya ako? All I want is to be with someone that I love. Iyon lang naman ang gusto ko pero ang hirap-hirap makuha." Ang tanging nagawa ng kapatid ay titigan si Dock. Awang-awa sa nakikitang itsura ng kapatid.
"Mahirap ba akong mahalin?"
"No! Kuya, you are the type of person that easy to fall in with. You are such a nice person. No doubt why Princess was head over heels in love with you. And I know Geallan loves you too."
Dock shook his head.
"She doesn't love me. She loves someone else, Viel! At si Mama... hindi niya gusto si Geallan para sa 'kin. Kaya ngayon ayaw na akong tanggapin ni Geallan dahil kay Mama! Hindi ko yata kaya, Viel!" Dock suddenly burst into tears. Violent sob racked his body.
"Kuya!" Hindi mapigilan ni Viel ang maluha sa pagkahabag kay Dock. She was astonished. Ngayon lang nito nakita ang kapatid na nagkaganito. She had never seen her brother cried. She had never seen her brother looking vulnerable. He really loves Geallan. Niyakap ni Viel si Dock. She knew her touch would comfort him and possibly bring his walls back.
"Everything is gonna be alright, kuya. I promise that." She will do everything to fix this problem for her brother. Her brother doesn't deserve this. Magtutuos sila ng kanyang mama.
Viel stroked her brother's hair gently. She had never known that grown-ups would cry too.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store