ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 32

Whroxie

"LAYUAN mo ang anak ko!" Parang hindi napa-process ng utak ni Geallan ang mga sinasabi ng mama ni Dock.

Inimbitahan siya nitong lumabas at nagkita nga sila sa isang restaurant. Hindi niya akalain na kasama nito si Princess. Magkatabing nakaupo ang dalawa habang siya ay nasa harapan nito. At ang bungad sa kanya ay layuan niya si Dock.

"Si Princess ang gusto ko para kay Dock. Alam mo, hija, okay ka naman para sa 'kin pero iyon nga lang alam kong hindi ka makakabuti kay Dock. My son doesn't deserve you." Ikinuyom ni Geallan ang kamay na nasa ibabaw ng mga hita habang ang mata ay hindi kumukurap na nakatitig kay Adeline.

"I was suffering from depression and Princess was there to take care of me. Habang ikaw nasaan? Flirting with your ex boyfriend who happened to be your sister's husband." Bumuka ang bibig niya pero itinikom din nang walang salitang lumabas mula roon. Gusto niyang depensahan ang sarili pero hindi niya magawa. Masyado siyang naguguluhan sa mga nangyayari. Ano ang sinasabi nitong inalagaan ito ni Princess.

"You heard her right, Geallan," Princess butted in. Her mocking face made her hands clenched even more.

"Ako ang kasama ni Dock sa Sweden nang mga panahong naroon siya kasama si mama. Nagkabalikan kami. Pero alam mo naman si Dock. He had been always acting nonchalant. Kapag nagsawa maghahanap muna ng iba pero babalik din sa akin. Don't you see, Geallan? He had chosen me to be with him and to take care of her mother over you. Ibig sabihin mas komportable siya sa 'kin. Mas gusto niyang ako ang kasama niya na solusyunan ang mga problema at ikaw... pangkama ka lang."

Itinaas niya ang kamay sa mesa at mahigpit na hinawakan ang bag. Kailangan niya nang umalis. The information she had learned  is too much and it's making her feel sick. She suddenly felt pathetic and weak. Nagmukha siyang tanga. Ang katotohanan na hindi siya gusto ng ina ni Dock ay masakit na. Pero ang malaman na magkasama si Dock at Princess sa Sweden pagkatapos siyang iwan ay higit na masakit.

Pakiramdam niya ay hahagulhol siya ano mang oras at ayaw niyang gawing kahiya-hiya ang sarili niya. Walang kahit anumang salitang lumabas mula sa kanyang bibig. Tumayo siya.

"Oh, wait, hindi pa tayo tapos mag-usap. Huwag kang bastos, Geallan!" Buong higpit niyang hinawakan ang kanyang bag. Parang gusto niya iyong ihampas kay Princess.

"Alam mo bang magkakaroon na sana kami ng anak ni Dock." Her heart is pounding hard and fast inside her ribcage even more.

"I got pregnant but I had miscarriage. It's my fault. Hindi ako naging maingat. Our relationship go through rocky patches after that. And up until now ay malaki ang tampo niya sa 'kin dahil sa pagkawala ng anak namin. Kaya siguro binabalikan ka. Inalok ka pa talaga ng kasal, but don't flatter yourself. Hindi pagmamahal 'yon! Ginagawa ka lang niyang panakip-butas."

Every word that spewed out from her mouth is like a sharp razorblade going through her heart, slicing it into million pieces. She felt so much pain take hold of her body. She has to leave before she could burst into tears and embarrass herself.

She steadied her shaking legs and managed to walk straight into the exit. As soon as she got out the door, tears flooded her eyes and spilled down her cheeks. Pilit na nilabanan ang hikbing gustong kumawala.

"Geallan?" Luhaan niyang ibinaling ang tingin sa pinanggalingan ng boses.  Si Viel at Saphira ang naroon, ang mga kapatid ni Dock. Sa halip na makipagbatian sa mga ito ay patakbo niyang tinungo ang sasakyang nakaparada lang sa tapat ng resto at agad na lumulan. Agad namang umayos mula sa pagkakaupo si Mang Nelson, ang kanilang family driver.

"Ayos ka lang ba, Brielle?" Mahihimigan ng pag-alala ang matanda habang nakatingin ito sa lumuluhang si Brielle mula sa rearview mirror.

"Uwi na po tayo," mahina niyang usal at isinandal ang gilid ng ulo sa salaming bintana.

Buong byahe ay lumuluha si Geallan. Hindi niya mapigilan. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Agad siyang umibis ng sasakyan at mabilis ang mga hakbang na pumasok ng bahay. Ang nakaugaliangang hanapin muna ang lola, lolo at mommy niya pagdating ng bahay bago umakyat sa silid ay hindi na niya ginawa. Ayaw niyang makita ng mga ito ang pamumugto ng kanyang mata.

"Brielle, apo." Nasa hagdan na siya nang marinig ang boses ng kanyang Lola Lana.

"Nandiyan ka na pala. Halika, naghanda ako ng meryenda." Hindi niya magawang lumingon sa abuela na nasa baba ng hagdan.

"Ahm. Mamaya na lang po, lola. Medyo masakit po ang ulo ko. Sunod na lang po ako," aniya na hindi lumilingon. Hindi na niya hinintay pa ang pagtugon ng abuela. Pumanaog at tumuloy siya sa kanyang silid at ang kanina pa pinipigil na pag-iyak ay naibuhas din sa wakas na hindi kailangang nang pagpipigil. Nakadapa siyang umiyak sa kama. Gusto niyang maibsan ang sakit na nararamdaman. Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman.

Nasa ganoong ayos  siya nang bumukas ang pinto.

"Brielle, what happened?" It was Tanya's voice. Umupo ito sa gilid ng kama. Hinawakan ang kanyang braso.

"Brielle, anak, tell me what happened?" Marahang hinaplos nito ang likod ng kanyang ulo. Luhaang ibinaling ni Geallan ang mukha sa ina.

"Brielle!" She crawled toward her mother and she clung to her so desperately. Tanya held her tightly as her body convulsed in sobs.

"Oh, Brielle, what's happening. Tell me." Tanya whispered into her hair as she held her. Hindi siya sumagot yumakap lang siya ng buong higpit habang hindi matigil sa pag-iyak.

"Mommy's here, baby." Tanya kissed her hair.

Kung may isang bagay man siyang ipagpapasalamat ay ang pagkakaroon ng isang mapagmahal na ina. Noon walang nagku-comfort sa kanya kapag malungkot siya. Pero ngayon ay nasa bisig na siya ng kanyang mommy kaya kahit masakit ang pinagdadaanan ay nararamdaman niyang masuwerte pa rin siya. May kumukontra sa sakit.

"MA, ano 'to? 'Di ba nag-usap na tayo? Bakit ngayon nagbabago ang isip mo?" Hindi makapaniwala si Dock sa mga naririnig mula sa ina. Hindi na nito gustong magpakasal siya kay Geallan. At hindi niya maintindihan kung at kung saan nanggagaling ang galit nito. Nagsumbong din sa kanya si Viel na nakita niya si Geallan kahapon na lumabas ng restaurant at umiiyak at kasunod lang nito ang mama niya at Princess. He confronted her mother and she didn't deny it. Sinabihan raw niya si Geallan na layuan siya. At ang inaalala niya ay kung ano pang sinabi nito at ni Princess sa kasintahan. Kagabi sinubukan niyang tawagan si Geallan pero hindi sinasagot.

"Si Princess ang pakasalan mo kung gusto mo at hindi si Geallan. Listen to me, son. This is for your own good."

"I don't understand, Ma. Bakit nagkakaganyan ka bigla?" Iritado siyang nagpapabalik-balik sa patio sa may harden.

Kinuna ni Adeline ang folder at inalabas mula roon ang mga larawan at pahagis na ikinalat sa mesa. Niyuko niya ang mga iyon at napakunot-noo nang makitang larawan iyon ni Geallan at Javan. Kinuha niya ang isa sa kung saan magkayakap si Javan at Geallan. His eyes flitted to her mother.

"Ma, it's nothing. They were best friend."

"And ex lover," Adeline added.

"Javan is married. Matagal na silang tapos."

"Si Javan ang mahal niya. Her first love and someday when she realizes that she still loves that man. She will be leaving you like your father did to me. To us!" Pain flickerd across her mother face and tears started willed up in her eyes. Mariing pumikit si Dock at minasahe ang sentido.

"Ma, please--"

"Look at this!" Pagalit na inabot sa kanya ng ina ang larawang nakataob kanina sa mesa. Muli ay nagdikit ang kanyang mga kilay sa nakikitang larawan. Inabot niya ito at pinakatitigan. Tumingin siya sa ina, nagtatanong.

"What's this?" he muttered. Tumango si Adeline, parang sinasagot ng 'oo' ang katanungan niya sa isip.

"Ang dahilan kung bakit tayo iniwan ng papa mo. Ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin. At siya rin ang dudurog sa 'yo at iyon ang hindi ko papayagan." Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng ina.

"Enlighten me, Ma. I don't understand."

"Don't you get it, Dominick? Jacinto Vandrict Ecleo and her mother are the reasons why we have a broken family." Hindi makapaniwalang napatitig si Dock sa ina.

"Ipinaglaban ng papa mo ang batang 'yan noon. Ibinigay niya ang pangalan niya sa batang 'yan. Mas pinili niyang maging ama sa batang hindi niya kaano-ano dahil sa pagmamahal niya sa ina niyan. Iniwan niya tayo. Iniwan niya kayo. At ngayon, iyon na naman ang ginagawa nila. Nauulit sa 'yo ang ginawa na nila noon."

Muling ibinalik ni Dock ang tingin sa larawan. The image of his father, his mistress and Javan was in the middle. They are image of an small but perfect family but it's making him feel sick. Napaatras si Dock hanggang bumanggang ang likod ng kanyang hita sa upuan. Dahan-dahan ang ginawa niyang pag-upo habang matamang nakatitig sa larawan.

Si Javan ang batang minahal ng kanyang ama kahit hindi nito iyon kadugo. Mas piniling magpakaama sa batang hindi nito kaano-ano kaysa sa kanilang magkakapatid. Si Javan. This can't be happening!

Ano'ng mayr'on sa 'yo at mas pinili ka ng ama ko? His teeth gritted.

Hindi siya makapaniwala! Hindi namalayan ni Dock na mahigpit na ang pagkakahawak niya litrato.

"Iiwan ka rin ni Geallan dahil si Javan talaga ang mahal niya, Dominick. Maniwala ka sa 'kin.  First and true love will remain in people's heart. Masasaktan ka lang. Ayaw kong mangyari sa 'yo ang lahat ng pinagdaanan ko."

Dock lifted his gaze to his mother. He slowly released the breath he'd been holding. 

"Jacinto Vandrick Ecleo?" He laughed  humorless. Awesome! His father name is Jacinto Dominick Ecleo. Isinunod dito ang pangalan niya at ang isa sa pangalan nito ay kay Javan ibinigay. His father used to call him Jad. Ang kanyang lolo naman ang nagbigay sa kanya ng palayaw na Dock at iyon ang mas nakasanayan ng lahat. At siguradong ang ama niya rin ang nagbigay ng nickname na Javan dito.

Fucking great! Si Javan ang nagmukhang tunay na anak dahil dinadala nito ang pangalan ng ama at sila ay bastardo dahil ang pangalan ng kanilang ina ang ginagamit nila. Inihilamos niya ang palad sa mukha. Sumabunot sa buhok at tiim ang bagang na muling tumingin sa larawan.

"This can't be, Mama!"

"But it is, son. Ito ang masakit na katotohanang kailangan mong tanggapin."

"No, Ma! Wala akong pakialam sa kanila! Wala na akong pakialam kay Papa. At hindi kami magkakaproblema kung hindi magiging conflict ang Javan na 'yon sa amin ni Geallan. Alam ko at tiwala akong ako ang mahal ni Geallan."

"Oh, Dominick! Masasaktan ka lang sa pagmamahal mo sa babaeng 'yan. Believe me, son!"

Tumayo si Dock at initsa ang larawan sa mesa saka iniwan ang ina. Mabilis namang kinuha ni Adeline ang mga larawan at sinundan si Dock. Sa pagmamadali nito ay nabangga nito si Viel na lumabas ng pinto patungong patio.

"Dominick, makinig ka sa 'kin!"  Hiyaw ni Adeline habang nakasunod kay Dock.

"Anong problema ng dalawang 'yon?" Umupo si Viel sa binakanteng silya ni Adeline kanina. Kinuha ang nag-iisang larawan na nasa mesa. Tumaas ang kilay nang makita ang larawan ng isang gwapong lalaki. Naka-jeans pero walang pang-itaas.  Ang background ay karagatan habang nakasandal ito sa bangka.

"Wow! Hottie. Who is he?" usal niya sa sarili. Nilingon niya ang pinto at kapagkuwa'y muling itinuon ang tingin sa larawan. Her finger trailing over his face in  the photograph.

"He's painfully handsome," she said, drinking in his handsome feature.

Tall. Dark. Painfully handsome.

Her finger slid over his bare torso. Muscular chest, tone abdomen and impressive v-line that could make women drool with lust. Not to mention the trail of dark hair that led from his navel downward. And now she is wondering how huge and what looks like the thing below his navel. But she could tell he was huge. The visible bulge in his jeans was solid evidence. Inilapit ni Viel ang mukha sa larawan at tinitigan ang umbok sa pantalon nito. Napalunok si Viel at bigla ay may naramdamang something na nakakakiliti sa pagitan ng hita niya. Nanglaki ang mata niya at agad na nailayo sa mukha ang larawan.

"Kailan ka pa naging manyak, Reviel?" Saway niya sa sarili.

"Sino ba kasi ang lalaking ito?" She sighed, curious. While staring at the man in the photograph she suddenly gasped as something popped into her head.

"OMG! Hindi kaya tumatandang paurong na rin si Mama. Baka naman pumapatol na rin sa bagets kaya nagtatalo ang dalawang 'yon. Eww!" 

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store