ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 31

Whroxie

"Hi, kuya! You look so happy today."

"Hey, little sis. You look so beautiful today, huh?" Humalik sa kanya ang kapatid na si Viel pagpasok palang niya ng mansiyon.

"Lagi naman."

"Oh, mas gaganda ka kapag isinuot mo 'to." Inabot niya rito ang paper bag na naglalaman ng sunflower top na dapat ay para kay Geallan.

"Where's, mama?"

"In the garden. Talking with her orchids." Tinapik niya ang kapatid sa braso at tinungo ang harden. Napangiti siya nang makita ang kanyang mama na nag-e-spray ng fertiliser mixture sa mga alagang orchids.

Yumakap siya sa ina mula sa likuran at hinalikan ito sa pisngi. Nakangiti itong lumingon.

"Hello, son. How's your meeting with  Cabral?" Hindi mapigilan ni Dock ang malapad na ngumiti. Hinarap siya nito.

"Hmm-hmm! It seems to be good news, huh? Pumayag na ba si Geallan na magpakasal sa 'yo?"

"Yes, mama. Pumayag na siya." She finally wore the ring. Hesitant but she accepted his proposal eventually.

Ipinaalam niya sa kanyang mama ang plano. Nakitaan niya ito ng kaba pero binigyan niya ito ng assurance na hinding-hindi siya mawawala sa mga ito.

"I'm so happy for you, son. When can I meet my future daughter-in-law again and her family? Dapat tayong mamanhikan."

"Yes, ma. Tita and Tito wanted to talk to you." 

"Kuyaaaaa! This is so ewww!" Napangiwi siya sa maarteng tili ni Viel. Nakabusangot ito habang nagma-martsa palapit sa kanila bitbit ang damit.

"Sunflower top!"

"What's wrong? Actually para kay Geallan talaga 'yan pero parehas kayo ng reaksiyon. Mas maarte ka nga lang.  Ayaw niyang tanggapin."

"Ang cheap mong magregalo, ah!"

"Maganda naman, ah. Saka suggestion 'yan ni Alford." Namo-mroblema siya kung paanong susuyuin si Geallan. Walang epekto ang pabulaklak, tsokolate at stuff toys niya at itong si Alford 'yan ang suhesyon. Iyon daw ang gusto ng mga kababaehan ngayon.

"Actually it's cute naman. Pero, kuya, magmumukha kang myembro ng dance troupe o kaya street presentation kapag sinuot mo 'to sa labas. Sunflower everywhere." She rolled her eyes.

"Ang arte mo!"

"Hmp! Ibibigay ko na nga lang 'to kay Cecilia," Viel said, walking away. Si Cecilia ay kasambahay nila. Mahilig nga 'yon sa floral clothing. Laging may malaking bulaklak pa sa ulo. Always wearing a sunflower apron.

"Ahm, Dock. About Princess. I think you should talk to her about this. Alam mo namang--"

"Ma, wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Malinaw ang bagay sa pagitan naming dalawa."

"But she sacrificed everything for you. For us." Hinilot ni Dock ang batok.

"I already thanked her about what she'd done for you. And I'll be forever grateful to her pero kailangan ko na siyang iwasan. Ayaw kong masira na naman kami ni Geallan ng dahil sa kanya.  Lalo't ikakasal na kami ni Geallan."

"Ikakasal kayo ni Geallan?" Sabay na naibaling ng mag-ina ang tingin sa direksyon ng pinanggalingan ng boses.

"Princess hija, napadalaw ka?" Agad itong nilapitan ng ina at nakipagbeso rito pero ang mata ni Princess ay nakatuon kay Dock. Nagtatanong. Nanghuhusga.

"Ahm, Ma! I have to go. Babalik na lang ako." Hinalikan niya ang ina sa pisngi at iniwan ang dalawa. Alam niyang kukulitin na naman siya ni Princess kaya iiwas na lang siya.  Nakalabas na siya ng mansiyon nang marinig ang boses ni Princess.

"Dock. Dock, talk to me!" she demanded. Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, tuloy-tuloy niyang tinungo ang nakaparadang sasakyan pero bago man niya mabuksan ang pinto ay nahawakan na ni Princess ang kanyang braso at humarang ito sa pinto.

"Princess, not now."

"Magpapakasal ka kay Geallan? Paano ako?" Dock rubbed his temple with his finger.

"Princess, matagal nang tapos kung ano mang relasyon mayroon tayo. From the very start you know what kind of relationship we have. And that's it."

"But I love you!" she said almost begging, tears gathering in her eyes. 

He suddenly felt a pang of guilt. Umasa si Princess pero simula pa lang naman alam na nito ang pinasok na relasyon sa kanya. Inabot niya ang balikat nito at bahagyang pinisil.

"I'm sorry, Princess. I've appreciated you but I can't love you back." Princess stepped aside when he opened the car door. Natigil ang pagpasok niya nang muling magsalita si Princess.

"Alam ba ni Geallan na magkasama tayo sa Europe in your entire stay there? Alam ba niyang may nangyari sa atin?" Tumiim ang kanyang mukha at galit na hinarap ito. Ang guilt na nararamdaman ay naglahong bigla sa nakikitang aura ng mukha nito. Matapang at kahit ano mang oras ay mukhang may gagawing masama.

"Walang nangyari sa atin, Princess!" he said roughly.

"Sige, paniwalain mo ang sarili mong wala nga."

"Lasing na lasing ako n'on, pero kahit na kailan alam ko ang ginagawa ko kahit lango ako sa alak. Tigilan mo ako, Princess." Muli niya itong tinalikuran.

"May nangyari sa atin at nabuntis mo ako, Dock!"

"Shut up, Princess!" He grabbed her by her shoulders and squeezed them as hard as he could until Princess groaned in pain.

"Don't you dare ruin my relationship with Geallan or else I'm gonna fucking kill you!"

"Dock! Ano ang ginagawa mo!" Nahismasmasan sa matinding galit si Dock nang lapitan sila ng kanya mama at awatin.

"Dock, kailan ka pa nanakit ng babae?" kastigo sa kanya ng ina. Pumasok siya ng sasakyan at agad na pinaandar iyon palabas ng nakabukas na gate. His chest heaved, and he took a deep breath, trying to calm himself.

He pulled up the car at the curb. He took the cell phone from the dashboard and browsed through his contact list until he found the number he was looking for and hit 'dial'. He sighed as he waited for Brixx to answer his call. Si Brixx ay anak ng isa sa major shareholder ng kompanya at siyang namamahal sa headquarter sa Europa.

"Del Fierro?"

"Brixx, I need your help."

"About?"

"You know Princess, right?"

"Your girl," he said lazily.

"She's not my girl, but she's kinda obsessed over me."

"Hmm-hmm. So what about her?"

"She's claiming that I was the father of her unborn child who's already dead.  Princess suffered a miscarriage when we were still in Sweden."

"W-what? She got pregnant but she lost the child?"

"Like what I've said. I just wanted to know the truth. I'm pretty sure that I wasn't the father of that child. She's just lying. I've never been slept with her after we broke up."

Damn! Siguradong walang nangyari sa kanila ni Princess. Nang magpasya siyang magtungo sa Europa kasama ang ina hindi naging madali para sa kanya ang lahat. Kahit siya hindi niya akalain na ganoon katinding pangungulila ang mararamdam para kay Geallan. Gustong-gusto niyang bumalik ng Pilipinas noon pero sa tuwing makikita ang lagay ng ina at problema sa negosyo ay sapat para mas piliing manatili nalang sa Europa pansamantala.

Alak ang naging karamay  niya sa gabi. Princess was there, too. She took a short course in fashion design. Pero sigurado siyang dahilan lang nito iyon para sundan siya. Ang alam niya ay nag-aral na ito sa London ng kursong iyon. Hindi rin ito pumapasok  at halos inuubos ang oras sa pagdalaw sa kanilang mag-ina hanggang sa alukin ito ng kanyang ina na doon na lang tumira sa kanila sa halip na sa mamahaling apartment.  Gusto man niyang pagtabuyan si Princess hindi niya nagawa dahil aminado siyang malaki ang naitulong nito sa recovery ng kanyang ina. Mabilis na naka-recover ang kanyang ina dahil na rin sa presensiya ni Princess. Masayahin ang dalaga at lagi nitong ipinapasyal ang ina, minsan ay kasama pa siya.

Minsang malasing siya ay sinubukan ni Princess na akitin siya at sumiping sa kanya pero paulit-ulit niyang sinabi ritong si Geallan ang mahal niya. Kinabukasan nagising na lang siyang kasama ito sa kama at kapwa sila walang saplot. Pero sigurado siyang walang nangyari. Hindi naman kataka-takang hubot-hubad siya. He used to sleep in his birthday suit. At kung sakali mang may nangyari sa kanila ni Princess malalaman niya 'yon. He had sex with numerous women in his lifetime at walang kahit isa sa mga 'yon ang hindi niya naalala kinabukasan kahit lasing pa siya.

"Brixx, still there?" tanong niya sa kabilang linya nang matahimik ito nang matagal.

"Yeah, yeah, still here. Um. So you want me to snoop?"

"Sort of. I just really want to know the truth. Maybe she had been with other man when we were in Sweden."

"Don't worry, buddy. I got this. Just provide me some info about her, that will help for this investigation like which hospital she had confined after her miscarriage."

"Thank, buddy. I'll send it later." He disconnected the call and leaned back in the chair and released an audible sigh.

"Kailangan malaman ni Geallan ang tungkol kay Princess." His grip on the steering wheel tightened. Bakit binaliwala niya ang bagay na ito? He was focusing on how to win her back at binaliwala ang bagay na maaaring maging conflict sa kanila ni Geallan. So fucking stupid!

"I'M so sorry, Princess. I like you a lot and I'll be very happy if you will be my daughter-in-law but Dock's heart belongs to Geallan and I respect that. My son's happiness is also mine. I'm sorry, darling." Princess's hands fisted into ball under the table where she and Adeline, Dock's mother were sitting. Pilit na kinakalma ng dalaga ang sarili para hindi sumabog ang nararamdamang galit.

Dahan-dahan siyang bumuntong-hininga at dinala ang kamay sa ibabaw ng mesa. Ginagap ang kamay ni Adeline na nasa mukha ang matinding awa para kay Princess.

"Mama Adeline, I can accept that if that woman is deserving for Dock's love. But no! She had never been faithful with Dock. While Dock had drown his sorrows in the wrong way in Sweden, she was flirting with her ex boyfriend here." Kumunot ang noo ni Adeline sa sinabi ni Princess.

"What do you mean?" Sinulyapan ni Princess ang puting envelope na nasa mesa. Kinuha niya iyon at inilabas ang laman. Ipinatong ang tatlong pirasong larawan sa mesa at itinulak palapit sa ginang.

Kinuha naman iyon ni Adeline at sinuri isa-isa. Ang dalawa ay larawan ni Javan at Geallan na magkayakap at ang isa ay close-up photo ni Javan.

"'Yan po ang ex boyfriend ni Geallan. Nang magtungo si Dock sa Sweden muling nagkabalikan ang dalawa. Alam mo po bang pinatira pa ni Geallan ang lalaking 'yan sa bahay ni Dock noong mga panahong nagsasama pa ang dalawa. Walang kaalam-alam si Dock na ex boyfriend 'yan ni Geallan. Kaibigan. Iyon ang pakilala ni Geallan sa lalaking 'yan kay Dock. They lied to Dock para lang magkasama sila." Thanks for having a great private investigator. She learned so much important informations about Geallan and Javan's personal life that can be used to ruin Dock's and that bitch's relationship.

"That man is Geallan's sister husband." Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Adeline nang muling tumingin kay Princess. Confusion had written all over her face.

"Yes, Mama Adeline. She's totally disgusting para patulan ang sariling bayaw. Pero actually si Geallan at Javan naman talaga ang totoong magkarelasyon pero inagaw ng kapatid niya. At dahil nga first love ni Geallan si Javan and up until now ay mahal pa rin niya ito kaya madali niyang napatawad at nakipagbalikan."

"Pero hindi. Kung mahal pa rin ni Geallan ang lalaking ito bakit siya magpapakasal kay Dock?" Princess fought the urge to roll her eyes. She wanted to slap this woman for being so stupid.

"Dahil si Dock po ang nagpupumilit. Ipinagsisiksikan ni Dock ang sarili kay Geallan kahit hindi siya mahal nito. And maybe Geallan wanted to impress her family. It was obviously a wise decision ang magpakasal sa isa sa pinakamayaman sa bansa kaysa sa isang dukha na may asawa... oh, and there's more."

Kinuha ni Princess ang natitirang  larawan sa loob ng envelope at pataob na inabot sa ginang. When Adeline flipped the picture over and stared at it, a sharp gasp escape of her. Her eyes flitted back to Princess who's rejoicing inside for the sweet taste of victory. But she's masking it. Sympathy ang makikita sa panlabas na kaanyuan nito.

"He's the son, Mama," she said softly. At mga sumunod pang mga sinabi ni Princess kay Adeline ay tuluyang nagpaluha rito hanggang sa magpaalam na ito. Dala ang ilang larawan. Muntik pa itong matumba habang naglalakad sa panghihina sa mga nalaman.

Nang tuluyang makaalis ay lumapit kay Princess ang kaibigang si Andrea na umupo sa kabilang mesa para bigyan sila ng privacy ni Adeline.

"You are so evil, Princess. Tingin mo ba sa ginawa mo mapapasa'yo na si Dock? God, bitch. You are so obsessed with him. Ginawa mo na ang lahat pero walang nangyayari."

"Not this time. Dock will be mine. Nagkabalikan na kami noon. Ako lang ang binalikan niya sa exes niya."

"And also Geallan at si Geallan lang din ang hinabol-habol niya."

"Shut up!" Princess snarled at her.

"Pero tama bang idamay mo ang mama ni Dock. She is suffering from depression at hindi biro 'yon."

"I don't care! Idadamay ko ang dapat idamay just to have him back. Ang laki ng naging sakripisyo ko para kay Dock. I took care that crazy old woman. Iyong offer sa 'kin sa Manhattan inisantabi ko muna para sa kanila. Para mag-alaga ng isang baliw na babae na hindi maka-move on sa past."

Andrea shook her head in disapproval. "At nakikita kong magiging katulad ka rin niya. Baliw ka na rin. Mas baliw at nakakatakot ka na. Ang daming lalaki, Princess. Maraming nagkakagusto sa 'yo. Why don't you give at least one of them a chance and move on from Dock. He doesn't even deserve you."

"Si Dock lang ang gusto ko. Hindi mo kasi ako naiintindihan, Andrea. He treated me like a queen. He made me feel that I'm special at siya lang ang tanging lalaking nagtrato sa 'kin ng ganoon. He fits all my requirements in a guy," she insisted.

"Princess, he treated you  the same way he treated others. Kilala si Dominick del Fierro sa pagiging pa-fall. Since you are not in a place of mutual passionate love, your efforts were useless.  You are wasting your time, bitch. Believe me! At isa pa ikakasal na siya."

"Mapaghihiwalay ko sila. Napaghiwalay ko na sila 'di ba? Ang mama niya ang kahinaan ni Dock at iyon ang gagamitin ko. Babaliwin ko ulit siya."

"Poor woman," Andrea uttered.

"She deserves it. Akala niya hindi ko alam na hindi niya naman talaga ako gusto. Wala siyang interes na makilala ako noon pa man dahil sa reputasyon ng pamilya namin."

"Paano ka naman kasing magugustuhan, eh, ang nanay mo pinag-iinteresan si Nyke. Jusko! Kahit naman siguro ako hindi ko gustong ma-involve sa pamilya mo. Opps! Sorry. Kidding aside." Bawi nito nang matalim itong titigan ni Princess.

"Wala akong pakialam kung hindi niya ako gusto. Mapapasaakin si Dock. I swear to hell!"

Si Princess ang dahilan ng pagbalik ng depresyon ni Adeline noon. Siya ang dahilan kung bakit nag-cross ang mga landas nito ng dating asawa at babaeng ipinagpalit rito. Manipulado niya ang lahat ng nangyayari pero ang hindi niya mamanipula ay ang puso ni Dock. Buong akala niya ay mamahalin na siya ni Dock pagkatapos ng lahat ng sakripisyong ginawa niya. Sumunod siya sa Sweden at ipinalabas na mag-aaral ng fashion design doon. Pero nang gumaling si Adeline na dahil lang din naman sa kanya; dahil sa lahat ng effort niya ay babaliwalain pa rin siya.

Si Dock ang lalaki gusto niyang makasama habang buhay. Alam niyang magiging mabuting asawa ito at ama sa mga magiging anak nila. Hindi niya gustong matulad sa sariling ina na walang kwentang mga lalaki ang sinasamahan. Tatlo silang magkakapatid pero iba-iba ang ama. Iniputan ng nanay niya ang unang asawa nito, ang ama ng kanyang panganay na kapatid na si Khaylene. Ang buong akala niya ay isa silang Balcita ng kanyang sinundan na kapatid na si Queenie. At iyon rin ang pagkakaalam ng kawawang matanda. Iyon pala ay anak sila sa labas. Nang magkabukingan. Ayon. Minaltrato na silang magkapatid ng ituring nilang ama. Pero pagkatapos ng isang buwan ay namatay ito. Unti-unting nanghina. Only God knows what really happened. Or maybe, also her mother knew. But eventually she had thought that that man deserved to be cheated; deserved to die dahil hindi rin naman ito naging mabuting asawa.

Naiintindihan niya rin ang kanyang ina sa panglalaki nito. Babaero rin naman ang ama nila at maraming bisyo. He even fucked their servants kung saang-saang parte ng kanilang bahay noong nabubuhay pa ito at mismong siya ay nakita iyon.

Mula rin ng malaman nitong bunga sila nang pagtataksil ng ina ay nag-iba ang tingin nito sa kanila. Nagkaroon ito ng pagnanasa sa kanilang magkapatid.

At ang sarili niyang ama ay hindi siya matanggap. Damn him! Hindi niya ito kailangan sa buhay niya. Si Dock! Si Dock lang ang kailangan niya at sisiguraduhin niyang magkakaroon siya ng isang masayang pamilya na hindi naibigay ng kanyang magulang sa kanilang magkakapatid. She will do everything to have him back!

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store