Chapter 35
I dedicated this chapter to Ms. Ramnor30 and to Jobelle Basi! Happy happy birthday mga sissy! 😘😘
---
SAKAY ng isang luxury helicopter lumipad sina Geallan patungong Dinagat Island kasama ang mga kaibigan ni Dock at mga asawa nito. Nakaupong magkakatabi si Geallan, Tres at Mhelanie at sina Lyca, Alford at Wilson ay kaharap nilang nakaupo.
Ayon kay Tres posible raw na nasa Bantigue Island ito. Islang pag-aari ni Dock. Hindi siya makapaniwala na si Dock na ang isa sa may-ari ng islang pag-aari ng pamilya ni Javan. Nasabi ni Dock noon na may isla nga ito sa lugar nila pero hindi niya akalain na ang Bantigue Island iyon. Wala rin alam ang pamilya ni Dock sa karamihan sa properties na binibili ni Dock dahil wala naman ngang pakialam ang mga ito.
Dumungaw si Geallan sa bintana. Naiinip siya. Gusto niyang makarating agad sa isla. Sana nandoon si Dock. Sana hindi ito galit sa kanya. Sana tanggapin pa siya nito.
Niyuko ni Geallan ang kamay nang hawakan iyon ni Tres.
"Relax," ani ng kapatid.
"Kinakabahan ako, kuya. Paano kung hindi na ako tanggapin ni Dock?" Pinisil nito ang kanyang kamay.
"Tatanggapin ka niya. Patay na patay 'yon sa 'yo." Pagpapalakas loob nito sa kanya. Sana nga!
"Kapag pinagtabuyan ka niya pasubugin natin 'tong helicopter niya." Marahan siyang natawa sa biro ng kapatid. Sinuri ng paningin ang kabuan ng helicopter na pag-aari ni Dock. Pinagamit ito sa kanila ng mama ni Dock. Napakaganda nito. This luxurious helicopter was built for wealthy people. It was well-equipped with all the latest technology, and interior seating features that are designed in fine leather upholstry. Hindi mo rin kailangan gumamit ng noise-reduce headset dito.
May helicopter din ang pamilya niya pero hindi ganito ka grandiyoso. Maganda, malaki pero simple lang naman.
Nang makalapag ang helicopter agad na bumaba si Geallan at iniwan ang mga kasama. Halos takbuhin niya ang sunmer house. Kabisado niya ang lugar na ito. Minsan na siyang isinama dito ng katiwala ni Congressman para tumulong sa paglilinis.
"Dock!" Tawag niya pagpasok palang niya ng summer house. Inikot niya ang buong ibabang bahay at nang hindi makita si Dock ay umakyat at hinalughog ang ikalawang palapag. Pababa na siya ng hagdan nang makasalubong ang mga kasamang kakaayat lang.
"Wala siya rito."
"Baka nasa labas," ani Alford.
"Tara tingnan natin." Sabay-sabay na bumaba ulit ng hagdan ang lahat. Parang gusto na niyang tumalon pababa o kaya'y magpadulas sa railing. Ang bagal magsibaba ng mga kasama niya. Inaalalayan kasi ng mga ito ang dalawang buntis sa pagbaba. At nang sa wakas ay makababa ay iniwan niyang muli ang mga kasama at tumakbo palabas.
"Pambihira 'tong si Brielle. Champion ba 'to sa marathon?" Narinig niyang sabi ni Alford bago siya makalabas ng summer house.
Tinakbo niya ang pangpang. Agad na hinanap ng mata si Dock. At mula sa malayong bahagi ay may nahagip ang kanyang mata-- isang bulto ng taong nakahandusay sa dalampasigan. Kung anong kaba ang gumapang sa kanyang sistema sa masamang naiisip.
"Dock," usal niya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na tinakbo ang kinaroroonan nito. Nakadapa, walang pang-itaas. Tanging isang white beach trouser ang suot nito.
"Dock!" Lumuhod siya sa gilid nito at pilit na pinatihaya ang walang malay na binata. Inalis niya ang buhangin sa gilid ng mukha ni Dock nang mapagtagumpayan niya itong maihiga. Amoy alak. May isang bote ng Johnnie Walker na wala ng laman sa tabi nito.
"Dock, gising." Hinaplos niya ang pisngi nito at patuloy na tinatawag ang pangalan hanggang sa umungol ito. Unti-unting nagmulat ng mata kaya nakahinga siya nang maluwag. Bahagyang naibsan ang kaba.
"Dock," usal niya habang nakatunghay sa binatang nakatitig sa kanya.
"G-geallan?"
Tipid siyang ngumiti.
"Ako 'to." Kahit hirap ay pinilit ni Dock na bumangon, ang mga mata ay hindi inaalis sa kanya.
"Geallan..." Inabot nito ang magkabila niyang pisngi. Hindi makapaniwala ang ekpresyon nito habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ang mga kasama ay tuluyanan nang nakalapit sa kanila at nakamiron.
"Geallan, please, come back. Please!" Geallan melted beneath his pleading tone, which was raw with feeling. Sadness was upon him. He was so devastated and it hurts her seeing him like this.
"Please, come back to me, Geallan. Please, forgive me!" His heart contracted, then seemed to shrink when Dock started sobbing as he kept on begging her to come back at paulit-ulit nitong sinasabi ang mga katagang 'I love you' at 'mahal na mahal kita." Choking back tears, Geallan placed her tremble palms on his both cheeks, caging his face.
"Oo, Dock. Nandito na ako. I'm sorry. Nandito na ako. Hindi na ako aalis. Mahal na mahal na mahal din kita." Hinalikan niya ito sa labi bago ipinaikot ang mga braso sa leeg nito at mahigpit na niyakap ang binata. At hinayaan na niyang malaglag ang mga luhang kinana pa gusto bumulwak.
"I love you, Dock. I love you so much!" she said through sob.
HINAPLOS ni Geallan ang pisngi ni Dock na mahimbing na natutulog. Muli itong nawalan ng malay habang nakayakap sa kanya dahil sa kalasingan. Pinagtulungan nina Tres, Alford at Wilson na maipasok ito sa silid. Pinunasan niya at pinalitan ng damit. Gusto niyang makausap nang masinsin si Dock pero hindi ito ang oras. Hihintayin niya hanggang sa mahimasmasan ito.
Nilingon niya ang pinto nang bumukas iyon. Sumilip roon si Aling Angie, ang katiwala sa isla. Dumating ito kaninang alas sais para i-check si Dock. Nagulat ito nang makita siya. Siya ang kasa-kasama nito kapag naglilinis ng summer house mula pa man noong si Congressman pa ang may-ari.
"Handa na ang hapunan, Geallan." Ipinagluto na rin sila nito ng hapunan. Muli niyang binalingan si Dock.
"Bukas na ang gising niyan. Mula nang dumating si Sir dito ganyan na 'yan. Laging umiinom. Parang ang laki lagi ng problema." Nasa likuran na ni Geallan si Aling Angie.
"Lalo na nang magtanong ng tungkol sa 'yo at kay Javan." Muli niyang nilingon ang ginang.
"Nagtanong siya tungkol sa amin ni Javan?" Curious niyang tanong. Pumihit siya paharap sa babae.
"Oo. Hindi ko naman alam na magkasintahan pala kayo kaya ayon. Nagkwento ako kung gaano niyo kamahal ni Javan ang isa't isa at nasira lang kayo ng dahil sa kapatid mo. Nagtanong rin siya tungkol sa kung anong klaseng magulang mayroon si Javan."
"Ano po ang sinabi niyo?"
"Sabi ko mababait at may prensipyo ang mga magulang ni Javan lalo na ang tatay nito. Na larawan ng isang perpektong pamilya ang Ecleo." Umungol si Geallan. Siya ang nasasaktan para kay Dock.
"Pero grabe, Geallan, ah. 'Di ko akalain na nobya ka nitong si Sir. Aba! Si Miranda, panay pa-charming kay sir at baka magustuhan raw siya." Ang tinutukoy nito ay ang pamangkin.
"Naku, Aling Angie, pagsabihan mo 'yang si Miranda. Nangangalbo ako ngayon." Natawa ang matanda.
"Naiintindihan kita. Kahit ako naman siguro ang nobya niyang si Sir, may tititig palang huhugutin ko na ang mata." Bungisngis nito.
"Secretary lang ni Sir ang nakausap ko noong ipagkatiwala sa 'kin ang pamamahala ng summer house na 'to. Akala ko isang mayamang napapanot at malaking tiyan ang nakabili nito katulad ni Congressman. Jusko! Kay bata at nakapagandang lalaki pala." Hindi maitago ni Aling Angie ang sobrang paghanga.
"Pero bakit nga pala biglang pinapasekreto ni Sir na siya ang may-ari nitong isla." Dahil siguro sa tatay nito.
"Hindi ko po alam. Mas mabuti pong sundin niyo na lang." Muli niyang pinagmasdan si Dock na mahimbing na natutulog. Inabot niya ang mukha nito at marahang hinaplos.
DOCK woke up on the morning with his head throbbing painfully. He snapped his throbbing head to the side and as soon as he opened his eyes the bright morning light felt like laser searing his skull, causing him to groan and shut his eyes again. Mas malala ang sakit ng ulo niya ngayon kumpara sa mga unang araw niya rito sa isla.
Napanagipan na naman niya si Geallan. Pero iba sa karaniwang panaginip na iniwan siya at sumama kay Javan. Kagabi. Binalikan siya ni Geallan. Niyakap. Hinalikan at sinabi ang mga katagang inasam niyang marinig mula rito. Lihim siyang natawa sa sarili. Kahit yata patayin niya ang sarili sa pag-inom hindi na siya babalikan pa ni Geallan.
He raised himself gingerly. He was able to get into sitting position, bringing his elbows up to rest on his knees and cradled his throbbing head in his palms. Nasa ganoong posisyon siya ng ilang sandali bago tumayo at nagtungo ng banyos. Nakakaramdam siya ng paghapdi ng sikmura. Walang laman ang tiyan niya kundi alak. Naghilamos siya at nagsipilyo. Nang pagmasdan ang sarili sa salamin ay noon niya napansing iba na ang kanyang damit. Isang gray na T-shirt at itim na sweatpants na ang kanyang suot.
Sino ang nagpalit sa kanya? Si Aling Angie? Hindi naman nito ginagawa 'yon. Muli niyang hinilamusan ang mukha, hinila ang tuwalya at nagpunas ng mukha bago lumabas ng banyo. Napakunot-noo siya nang mahagip ng paningin ang isang pantulog na pambabae na nakapatong sa paanan ng kama. Isang pulang nightgown. Kinuha niya iyon. Kanino 'to? Miranda! Anak nang! Hindi kaya kay Miranda ito. Baka tuluyan na siyang minulisya ng babaeng 'yon. Lantaran nitong ipinapakita ang interes nito sa kanya.
Inihagis niya ang tuwalya sa kama at lumabas ng silid dala ang damit pangtulog. Sermon talaga ang aabutin ng babae itong sa kanya. Amoy ng pritong daing ang agad niyang nalanghap pagbaba palang niya ng hagdan. The sound from the busy kitchen had him turning his head toward it. Si Miranda at Aling Angie ang naisip niyang naroon. Tinungo niya ang kusina pero napatigil siya sa paghakbang nang makita ang nakatalikod na babae habang nagluluto.
Ang kulot na buhok. Isang babae lang ang kilala niyang may ganitong buhok. Kinusot niya ang mata. Namamalikmata lang yata siya. Nang muli siyang tumingin sa babae ay nakaharap na ito sa kanya at nakangiti.
"G-geallan?"
"D-dock. Gising ka na. Gutom ka na ba?" Hindi siya umimik. Nanatiling nakatuon ang kanyang mata sa magandang mukha ni Geallan. Nanaginip lang yata siya.
"Dock!" Patakbong lumapit sa kanya si Geallan at mahigpit na yumakap.
"I'm sorry. Hindi kita gustong saktan. Lahat ng sinabi ko sa 'yo hindi 'yon totoo. Patawarin mo ako!" Hinawakan ni Dock ang magkabilang balikat nito at marahang inilayo. Muling tinitigan ang mukha.
"Ikaw nga!" Malapad na ngumiti si Geallan. Kung gan'on kay Geallan itong damit?
"Galit ka ba sa 'kin?"
Sunod-sunod na iling ang ginawa niya.
"Hindi. Hinding-hindi. Kahit na kailan hindi ako magagalit sa 'yo. Ako ang may kasalanan sa 'yo. Malaki ang kasalanan ko."
"Kung ano man nagawa mo noon pinapatawad na kita. Nagkausap na kami ng mama mo at gusto na niya ulit ako para sa 'yo kaya ako nandito."
"Talaga?"
"Tatanggapin mo pa ba ako?" Sinapo ni Dock ang magkabilang pisngi ni Geallan.
"Oh, Geallan. Alam mo bang kaunting-kaunti na lang bibigay na ang isang turnilyo sa utak ko at mababaliw na ako. Walang dahilan para hindi kita tanggapin. This is all I want. You are all want. You're all I've ever needed."
Muli siyang niyakap ni Geallan. Ubod ng higpit.
"Mahal na mahal kita." Bulong ni Dock sa dalaga. Pero bago pa man makatugon si Geallan ay dumating naman ang magkakaibigan.
"Oh, man! Gising ka na pala!" Nagkalas mula sa pagkakayakap ang dalawa at bigla na lang siyang niyakap ng tatlong kaibigan.
"We missed you, fucker! Akala namin paglalamayan ka na namin, eh." Si Alford na humikbi-hikbi pa habang mahigpit na nakayakap.
"Sandali nga." Pinagtutulak niya ang tatlo na parang mga batang nakayakap sa kanya.
"Kailan pa pala kayo rito?"
"Mabuti pa ituloy natin sa kumedor ang kwento habang nag-aalmusal. Alam ko gutom ka na," Geallan suggested.
MAGKATABING umupo si Dock at Geallan sa dulo ng mesa. Si Tres at MM ay magkatabi sa kaliwang bahagi nila. Si Lyca ay sa kanang bahagi habang si Alford at Wilson ay nakatayo sa likod ni Lyca at pinapaalala kung gaano siya kamiserable kahapon.
"Geallan, please come back to me! Please, forgive me! I love you so much!" Wilson mimicked him, caging Alford's face with his palms.
"Oo, Dock. Nandito na ako. I'm sorry. Nandito na ako. Hindi na ako aalis. Mahal na mahal na mahal din kita," ani man ni Alford at bigla na lang nitong hinalikan si Wilson sa labi. Isang damping halik. Wilson didn't expect of Alford disgusting action. Tila ito masusukang pinunas ng palad ang bibig.
"Yuckss!" Nakasimangot naman si Lyca. Napuno ng tawanan ang kumedor. Nang umupo si Alford ay itinulak nito palapit kay Dock ang cell phone.
"Look how miserable you are yesterday." He picked the phone and play the video. And there, it was a clear proof that he'd gotten completely fucking wasted yesterday. Kung ano ang ipinakitang panggagaya ni Alford at Wilson ay gan'on na gan'on ang nasa video. Nakakahiya siya!
Natigilan si Dock sa bahagi ng video kung saan sinabi ni Geallan na mahal siya nito. Inulit niya ang video at muling pinanood para makisiguro kung tama ang narinig. At tama nga, Geallan said those three magic words. Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Geallan.
"You said that you love me?" Tumango si Geallan. Muli niyang ibinalik ang tingin sa cell phone at inulit nang inulit ang video. Ipinatong niya ang siko sa mesa, inilagay ang kamay sa bibig and he tried his best to stifle his chuckle. He can't believe this! Geallan really loves him.
"Fuck! You're blushing!" Wilson made a grimace of disgust. Wala siyang pakialam kung nagba-blush man siya. Basta masaya siya.
"If you were in my shoes, I bet you would be able to understand this kilig feelings," he said, eyes still fixed on the video. He chuckled again when Geallan said "mahal na mahal din kita" at hinalikan siya nito sa labi.
"Akin na nga 'yan! Nabaliw na talaga!" Inigaw ni Alford ang cell phone sa kanya.
"Pahiram lang!" Aagawin niya sana muli kay Alford ang cell phone nang hawakan ni Geallan ang kanyang mukha at ipihit paharap. Pinakatitigan siya nito sa mata, hinaplos ng hinalalaki ang kanyang pisngi.
"Mahal na mahal na mahal kita, baby." Namilog ang mata ni Dock. Is this fucking possible? Just hearing her says those words made his heart swell twice its normal size.
"Say it again... please." Geallan smiled, and leaned in.
"I. Love. You. So. Much!" She slowly said before connecting their lips. Hinawakan ni Dock ang likod ng ulo ni Geallan at gumanti sa halik nito. Simple sa una hanggang sa lumalim iyon. Kapwa nila ipinikit ang mata, tila uhaw na uhaw sa halik ng isa't isa. Nakalimutang may mga kasama sila.
Naputol ang halikan ng dalawa nang batuhin ni Tres si Dock ng linen napkin. Namula naman ang pisngi ni Geallan nang makitang nakatingin sa kanila ang lahat.
"Grabe! Nandito ang kuya. Kulang na lang kainin mo ang nguso ng kapatid ko," sita ni Falcon.
"Kuya, naman! Ikaw nga rin ganyan ang ginawa mo kay Ate MM sa harap pa ng buong pamilya," Geallan reasoned out.
"Brielle, lalaki--"
"Sshh! Pwede ba hayaan mo nga sila. Kiss mo na lang din ako." Lambing ni Mhelanie. Malapad naman na ngumiti si Tres at pinagbigyan ang asawa. Muli ay nagkatinginan si Dock at Geallan at nagkangitian.
"I love you, baby," Dock said.
"I love you, too." Muling naglapat ang kanilang labi at buong pagmamahal na hinalika ang isa't isa.
"Giliw ko, tayo rin." Hirit ni Alford.
"Ew! Hinalikan mo si Wilson 'no!" Agad na kinuha ni Alford ang isang basong tubig at uminom, pinunas ng linen napkin ang bibig.
"Ayan malinis na!" Umirap si Lyca pero kapagkuwa'y ngumiti na rin at pinagbigyan ang asawa.
Habang naghahalikan ang tatlong pares, si Wilson naman ay panay ang inom ng tubig habang nasusuyang nakatingin sa tatlong pares na nagtutukaan.
"Ang sasarap niyong buhusan ng tubig!" Tumayo ito at lumabas na lang dala ang isang baso ng tubig.
PINAG-USAPAN ni Dock at Geallan ang tungkol sa ama nito at Javan. Sinabi ni Dock ang lahat kay Geallan tungkol sa pinagdaanan nito at naaawa siya kay Dock pero humahanga dahil napakatatag nito. Parang balak na lang nitong ibenta ang isla. Hindi nito akalain na ang kalahati pala ng isla ay pag-aari ni Javan. Ayaw nitong mapalapit sa ama nito. Ayaw na nitong malaman na pag-aari nito ang isla. Wala na raw itong pakialam sa ama. Masaya na ito. Si Geallan at ang sariling pamilya na lang ang importante kay Dock..
"Kung ano ang desisyon mo susuportahan ko," ani Geallan pagkatapos nitong ipahayag ang nais nitong pagbenta sa isla.
Nakapaikot ang braso ni Dock sa baywang ni Geallan habang ang mga braso niya ay nakapulupot sa leeg. Nakatayo sila sa dalampasigan.
"Dock?"
"Hmm?"
"Can I ask you something?"
"Ano 'yon?"
"I know that you had a dark and rough childhood, so was I. Siguro kaya pinagtagpo tayo dahil alam ni God na maiintindihan natin ang isa't isa. Matutulungan natin ang isa't isa. I want to be part of being a safe haven for you. I want to be a rainbow in yourlife. I want to help you to deal with your problems...." bumitaw si Geallan mula sa pagkakayapos sa leeg ni Dock. May hinugot ito mula sa pantalon nito. Ang singsing na ibinigay ni Dock sa kanya na isinuli niya. Nakita ito ni Viel sa condo ni Dock at ibinigay sa kanya.
"Binigay 'to sa 'kin ni Viel. Nakakalat raw sa condo mo. Gusto ko sanang isuot ulit kaya lang..." Kapansin-pansin ang pagpigil ni Dock sa hininga nito. Parang kinakabahan.
"Gusto ko sanang ikaw ulit ang magsuot nito sa 'kin. Would you do me the honor of being my partner forever? My husband?"
"Geallan!" Umalon ang dibdib nito nang pakawalan ang paghingang pinipigil.
"You can't say no, Dock. Lagot ka sa kuya ko." Dock took the ring from her.
"Who says I would say no?" His voice turning emotional, tears gathering in his eyes.
"This is my dream. You. To be my wife. To be mine forever." Agad nitong kinuha ang kamay ni Geallan at isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Hinalikan nito ang singsing na nasa daliri niya.
Niyakap nito si Geallan nang buong higpit.
"You color my life with such beauty. Wala na akong hihilingin pa."
"Are you sure?" Bumitaw ito mula sa pagkakayakap.
"Meron pa pala. A dozen of children." Nagkatawanan sila.
"Paano bang gumawa ng a dozen of children? I'm so innocent but willing to learn." Geallan giggled and Dock laughed. Muli siya nitong kinabig palapit sa katawan nito.
"Kailangan lang natin pumasok sa kwarto." Lumapad ang ngiti ni Geallan. Gusto niyang bumungisngis.
"Then, we have to take off our clothes para walang sagabal," may gigil nitong sabi.
"And you have to open your legs for me."
"And?" She chuckled.
"I need to bury may male organ inside you. Spurt my hot semen and find your ovulated egg." Tuluyang natawa si Geallan.
"Mukhang masarap pala gumawa ng a dozen of babies."
"Definitely!" Kinuha ni Dock ang kamay ni Geallan at pinagkawing ang kanilang mga daliri. Pinisil nito iyon.
"Simulan na natin ngayon." Bumungisngis si Geallan nang hilain na siya ni Dock patungong summer house.
Ang biglang pagtigil ni Dock mula sa paghakbang ay nakapagpatigil din sa kanya hindi pa man sila nakakaalis sa dalampasigan. Binilangan niya ang kasintahan nang mag mura ito. At nang sundan niya ng tingin ang direksyon kung saan nakatuon ang mata ni Dock ay nakita niya ang tatlong lalaki na nakapangligo habang tumatakbo pasalubong sa kanila kasunod ang mga asawa nito na mabagal na naglalakad.
"Bakit ba hindi pa magsiuwi ito?" Dock muttered.
"Let's swim, dude!" Nagbitaw mula sa pagkakahawak si Geallan at Dock nang biglang pagtulungang buhatin ito ng tatlo at dalhin sa dagat.
"Bitawan niyo ako! Ayokong maligo! Mag-uusap pa kami ni Geallan!" Hiyaw ni Dock habang nagpupumiglas.
"Bitawan daw natin siya." Si Alford na nakakalokong tumawa at bigla na lang ngang itinapon si Dock sa tubig.
"Mga buwesit kayo! Masakit 'yon, ah! Ang babaw." Nagtawanan ang tatlo.
"E 'di ulitin," tumatawang suhesyon ni Wilson. Muling nagkaisa ang tatlo. Binuhat si Dock at sa pagkakataon na iyon ay itinapon na mga ito sa mas malalim na bahagi.
"Hay! Para talaga silang mga bata." Komento ni Lyca habang hinahaplos ang malaking tiyan. Nasa tabi na niya ito at si MM. Bahagya itong sumisimangot. Parang nakakaramdam ng sakit. Kanina pa niya iyon napapansin.
"Kawawang Dock. Mukhang wala sa mood na makipag harutan sa mga isip bata niyang kaibigan," komento naman ni MM na nasa kaliwang bahagi niya.
"Kasi gagawa raw kami ng isang dosenang babies. Kaso nga lang na-corner ng tatlo."
"Oh. Sexy time." Pilyang ngumiti si Lyca. Pinamulahan naman si Geallan. Huli na para bawiin ang sinabi niya.
"Masakit ba ang tiyan mo. Kanina ko pa napapansin, eh." Pag-iiba na lang niya sa usapan.
"Medyo. Feeling ko.... ohh!" Sinapo nito ang tiyan.
"Manganganak na yata ako. Oh, My God, ito na!" Nagkatinginan si MM at Geallan. Kapwa binalot ng takot. Tumingin ang dalawa sa kung saan naghaharutan ang mga lalaki at sabay na sumigaw.
"Manganganak na si Lyca!" Malakas na malakas na tili ng dalawa ang nagpatigil sa apat na lalaki. Hindi ito nagsikilos habang nakatingin sa direksiyon nila. At nang muling sumigaw ang dalawa ay nagsiunahan ang apat sa paglapit.
"Giliw ko. Ano'ng masakit? Manganganak ka na? Pero hindi mo pa kabuwanan! Sandali. Paano 'to." Tarantang-taranta si Alford. Namumutla na ito. Habang sila ay hindi alam ang gagawin. Paikot-ikot habang nagtatalo-talo na tumawag ng doktor, chopper at bangka. Ang pagkakagulo ay natigil. Natahimik ang lahat ng isang malakas na tunog at kapagkuwa'y sabay-sabay na pinisil ang ilong ng mga daliri nang makalanghap ng mabahong amoy.
"Success. Sorry, guys. It was just a gas pain. I'm okay na."
"You farted?" Falcon asked with disgust, fingers still pinching his nose.
"You are disgusting! Nahahawa ka na sa kababuyan ng asawa mo." Lyca just chuckled at Falcon's remarks.
"Giliw ko, hindi magandang biro 'yon. You fucking scared the shit out of me. Muntik na akong himatayin, eh." Kastigo ni Alford.
"Sorry, giliw ko. I love you." Ang naiiritang ekpresyon ni Alford ay biglang lumambot sa lambing ni Lyca.
"Okay, you are forgiven. Pero huwag mo nang uulitin. Magkakasakit ako sa puso, eh." Malambing itong hinalikan ni Lyca sa labi at niyakap kahit basa.
"Sorry. I love you."
"I love you, too."
Habang naaaliw na nakatingin si Geallan sa mag-asawa ay may biglang humila sa kanya. Si Dock. Nakalapat ang isang daliri sa labi, sinasabing huwag siyang mag-ingay.
"Let's get inside." Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumango. Nilingon nila ang mga kaibigan bago tumakas. Nagkatawan sila habang tumatakbo patungong summer house. Dock was so horny, so was she. She admitted it. Na-miss niya ang sexy time nila.
---
Sa mga nagtatanong po kung sino nakatuluyan ni Viel. Nasa special chapter 'yon ng Sinful Affair (Selfpub) . Yung mga nakabasa na na-spoil na sila. Hehe!
PS: Nakalimutan ko name nung caretaker ng summer house. Haha! Naglagay na lang ako iba. I-edit ko rin naman 'to. Kaya marami rin mababago sa mga background ng character na hindi solid and consistent. Direct ako nagsusulat sa watty at in-edit ko lang kapag natapos ko na dito. 😂
No Epilogue na ba? Sa books na lang. Haha! BTW: May special chapter nga pala ang down and dirty. Fenix's story. Spoiler din ang SC n'on para sa story ni Fenix and Charles.
Thank you so much sa patuloy na pagbabasa. I love you with all my heart.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store