ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 20

Whroxie

A/N: Kapag po nag warning ako sa isang chapter ibig sabihin may unusual scene na maaaring hindi niyo magustuhan. Something dirty, wild and gross. Kaya kung hindi po kayo into sa ganun please, avoid niyo na lang pong basahin. SKIP na lang po.

Erotic-Romance po 'to. Iba ang sexy romance sa erotic. Need ko lang din talagang abutin ang standard na hinihingi ng publishing para pumasa ang story. Lust ang kailangan mangibabaw sa simula ng story and not love. Yan ang pagkakaiba sa sexy romance.

Rockers po ang mga characters ng Fatal Attraction kaya asahan niyo na rakrakan ang mababasa. Cheret! 😊

Hindi ko na isinama ang shaving session ng dalawa. If ever na mapub- sa book niya na po basahin. 😊 Baka may mag yuck na naman. Haha!

---

UMIKOT si Geallan sa harapan ng salamin habang pinagmamasdan ang sariling kabuan sa salamin. Si Dock ang susundo sa kanya ngayon at maghahatid sa kanya sa Grandeur Hotel. Pero kakain daw muna sila sa labas. Nagtext ito sa kanya na papunta na ito kaya nagmadali siyang magbihis.

Malapad na ngumiti si Geallan nang marinig ang pagtunog ng door bell. Minsan ay ganito itong si Dock. Sa halip na pumasok na ay magdo-doorbell pa. Gusto lang daw nitong e-experience ang pagbuksan niya ito ng pinto at sasalubingin ng yakap at halik pagpasok nito ng pinto. Parang sira lang! Lalo na kapag may dala itong bulaklak para sa kanya. Mabubuksan niya ito minsan na nakaharang ang bouquet ng bulalak sa mukha at sasabihing "flower delivery for the most gorgeous lady in the universe."

Patakbong lumabas si Geallan ng silid at excited na tinungo ang pinto. May malapad na ngiti sa labing binuksan niya ang pinto. Pero ang excitement ay agad na nahalinhinan ng kaba nang hindi si Dock ang mapagbuksan niya.

"'N-nay?" Matalim ang mata at nakatiim na mukha ng ina ang nabungaran niya.

"Mukhang masaya ka sa kung nasaan ka ngayon at nakalimutan mong may pamilya kang iniwan sa isla," sumbat nito sa mababang tono.

"'Nay, pasensiya na po. Hindi ko naman po kayo nakakalimutan. Nandito ako para magtrabaho. Kaunting panahon na lang po makakasakay na ako ng barko."

"Sa tingin mo ba talaga, Geallan, makakapagtrabo ka gayong wala ka namang pinag-aralan. Inuuto ka lang ng lalaking kinakasama mo ngayon."

"'Nay, hindi po gan'on si Dock. Mas mabuti po pumasok ka na muna." Nilakihan niya ang bukas para makapasok ang ina.

"Hindi. Uuwi na tayo ngayon din. Sumama ka na sa 'kin." Hinawakan nito ang palapulsuhan ni Geallan at hinila siya palabas.

"'Nay, sandali. Hindi po ako sasama. Saka hahanapin ako ni Dock. Hintayin po natin siya."

"At mas inaalala mo ang lalaking 'yan kaysa sa sarili mong ina!" Tuluyang umalsa ang boses nito.

"Hindi naman po sa ganoon. Pero kasi--"

"Magtigil ka, Geallan! Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa 'kin!" Hinila siya nito palabas.

"'Nay, pakiusap naman po." Hindi nito pinansin ang kanyang pakiusap. Napakatigas talaga ng kanyang ina. Hindi man lang siya pakinggan.

"Ayoko pong sumama!" Marahas niyang hinila ang kamay na hawak nito. Nanggalit ang mga ngipin nito. Tila ba mamabasag ang mga iyon sa pagkakatagis.

"Ano ang sabi mo?" Mahina pero naghatid iyon ng kibalot kay Geallan. Ganitong-ganito ang nanay niya kapag nagagalit sa kanya at alam na niya ang susunod na gagawin nito. Humakbang Geallan paatras nang humakbang si Alma palapit.

"'Nay, paki--" hindi siya pinatapos sa sinasabi ng isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kanyang pisngi.

"Napadpad ka lang dito sinusuway mo na ako!?" Muli siya nitong sinampal sa kabilang pisngi. Sinapo niya ang nasaktang pisngi. Tuluyang nanlabo ang paningin ni Geallan nang mamuo ang luha at kapagkuwa'y sunod-sunod iyong pumatak.

Hindi siya naiiyak sa natamong sampal kundi sa sakit na naramdaman niya dahil sa pagtrato sa kanya ng sariling ina. Parang hindi siya anak kong ituring. Pinahid niya ang kanyang luha at sinalubong ang matalim na titig ng ina.

"Pasensiya na ho, nay, pero hindi po ako sasama." Ang sinabi ni Geallan ay lalong nagpagalit kay Alma.

"Ang tigas na ng ulo mo! Ako pa rin ang masusunod! Kaya sa ayaw mo't sa gusto sasama ka!" Ang tanging humiyaw ang nagawa ni Geallan nang hablutin ni Alma ang buhok ng dalaga at kaladkarin.

"'Nay, tama na!" Pakiusap ni Geallan sa pagitan ng paghikbi habang nakahawak siya sa kamay nitong mahigpit na nakadakot sa kanyang buhok. Ramdam niya ang sakit sa kanyang anit dahil sa ginagawa nitong paghila.

Hanggang sa marating ang elevator ay hindi nito pinakawalan si Geallan. Muli pa siyang sinampal nito habang hawak sa buhok nang magpumiglas siya.

Nang nasa baba na sila ay hinila siya nito palabas ng elevator. Ngayon ay sa braso na lang siya hawak. Napapangiwi siya sa tuwing babaon ang kuko nito sa kanyang balat.

"Wag ka nang magmatigas kundi masasaktan ka talaga!" Nadaanan nila ang security guard ng gusali. Nakatingin lang ito sa mag-ina habang kinakaladkad ni Alma si Geallan. Mukhang handa namang tumulong at signal lang ni Geallan ang hinihintay. Pero hindi na niya nagawang humingi ng tulong pa. Gusto niyang daanin sa pakiusapan ang ina.

Nang makalabas ng gusali ay kinaladkad si Geallan ni Alma patungo sa isang pulang magarang sasakyang nakaparada. Bumukas ang pinto ng sasakyang sa may likuran hustong makalapit sila. Nanglaki ang mata ni Geallan, biglang nangatog ang kanyang tuhod nang matinding takot ang lumukob sa kanya nang makita ang taong umibis mula sa sasakyan.

"R-rex," usal niya habang walang kontrol na nanginginig ang kanyang mga labi nang rumagasa pabalik ang mga nakakakilabot na pangyayaring naranasan niya mula sa kamay ni Rex. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakaramdam ng matinding takot. Ngayon lang. Tanging ang taong ito ang nagbibigay sa kanya nang matinding takot.

"Hi, Geallan. Long time no see." Tela ito isang demonyong ngumisi. Iyon ang tingin niya sa lalaking ito.

"'N-nay, bakit mo siya kasama?" Tanong niya sa ina subalit ang mata kay Rex nakatuon.

"Si Mr. Atanante ang nagsama sa 'kin rito. Siya ang nagsabi sa 'kin ng kinaroroonan mo. Akala mo talaga basta lang kitang hahayaan makaalis sa puder ko!" Ismid ng ina.

"Ipinahiya mo ako kay Santina! Bumalik ka sa kanila at doon ka magtrabaho sa kanila!" Marahas na iling ang ginawa ni Geallan at domuble ang takot na nararamdaman.

"Ayoko, 'Nay! Parang awa mo na! Masama siya. Muntik na niya akong gahasain! Sinaktan niya ako!"

"Magtigil ka, Geallan! Pagsasayaw lang sa club ang gagawin mo at iyon ang usapan namin ni Santina kaya huwag kang gagawa ng kwento. Sumama ka na!"

Nataranta si Geallan nang ang tila bakal na kamay ni Rex ay pumaikot sa kanyang braso. Lalong nahintakutan si Geallan nang bigla na lang siyang hilain ni Rex.

"'Nay! 'Wag mo akong ibibigay sa kanya!" Umiiyak niyang pakiusap.

"Now get in!" Ipinagtulakan siya ni Rex papasok ng sasakyan pero nagmatigas siya. Itinukod niya ang dalawang kamay sa pinto ng sasakyan habang nagmamakaawa sa kanyang ina na tulungan siya.

Nang makitang wala siyang aasahan mula sa ina at ito pa mismo ang dahilan nang pagkapahamak niya ay nagpasya siyang gawin ang lahat ng makakaya para iligtas ang sarili sa nakaambang na kapahamakan. Lahat ng lakas na mayroon siya ay inipon niya at buong lakas na itinulak si Rex pero isang sampal ang ibinigay nito sa kanya. Kung hindi siya napakapit sa sasakyan ay siguradong sa kalsada ang bagsak niya. Pero tumama ang gilid ng kanyang ulo sa pinto ng sasakyan kaya nangdilim ang paningin niya at mas lalong nilukob ng matinding takot. Hindi niya gustong bumalik sa club. Ayaw niyang bumalik sa sadistang ito. Mas gugustuhin na lang niyang mamatay.

"Geallan!" Sa unang pagkakataon ng buong buhay niya ay narinig niya ang nag-aalalang boses ng ina. Madalas niyang marinig iyon pero para kay Alice lang. O epekto lang siguro ito ng pagkakasampal sa kanya kaya iyon ang rinig niya.

"Mr. Atanante, isasama ko na lang pabalik ng isla si Geallan!"

"Shot up, old woman! Malaki ang atraso ng anak mo sa akin kaya pagbabayaran niya 'yon!" Binalingan siya ni Rex at muling sapilitang ipinasok ng sasakyan. Pero bago pa man nito magawa ang nais ay may humaklit na rito at sunod-sunod na suntok ang nakuha nito mula kay Dock.

"D-dock!" Sambit niya sa nahihirapang tinig. Nahihilo pa rin siya. Si Falcon ay pinagsusuntok rin si Rex na kasama ni Dock.

"Geallan!"

"Ma'am... Tita Tanya!" Agad siyang nilapitan ni Tanya. Kasama nito si Seg. Buong suyong hinaplos ni Tanya ang kanyang pisngi. Nasa mukha nito ang pinaghalo-halong emosyon. Pero matinding awa ang kaya niya lang tukuyin dahil iyon ang nangingibabaw. Maluha-luha pa ito. Subalit ang emosyong iyon ay nahalinhinan ng matinding galit. Nagtagis ang mga ngipin nito at bumaling kay Alma na parang tuod na nakatayo habang nakatingin sa kanila. Nasa mukha ang matinding gulat.

"Hayup ka!" Usal ni tanya at kahit sino ay mararamdaman ang matinding galit sa boses nito kahit mababa lang iyon. Biglang sinugod ni Tanya si Alma at kaliwa't kanang sampal ang ibinigay rito. Si Dock naman at Falcon ay tinigilan lang si Rex nang awatin ito ng mga guwardiya na lumabas na mula sa condominium. Duguan na ang mukha ni Rex. Kahit ang driver ng lalaki ay hindi na nangialam.

Si Seg ay inawat ang asawa na nagpupuyos sa galit. Si Tres naman ay nilapitan si Geallan at katulad ni Tanya ay mix emotion din ang makikita sa mukha nito. Naguguluhan siya mga nangyayari lalo sa mga isinusumbat ni Tanya sa kanyang ina habang pinagsasampal ito. Magkakilala ang dalawa.

"Pagbabayaran mo ang pagkuha sa anak ko, Alma! Sisiguraduhin ko sa 'yong mabubulok ka sa kulungan!" Taas-noong hinarap ni Alma si Tanya. Matinding galit din ang nasa mukha ng kanyang ina.

"At huwag mong subukang magkaila pa dahil alam ko na ang totoo. Nasa akin ang lahat ng magpapatunay na anak ko si Geallan!" Lalo siyang nalilito. Nilapitan siya ni Dock at agad na niyakap.

"Hindi dapat kita iniwan! I'm sorry! I'm so sorry!" Paulit-ulit na hinalikan ni Dock sa ulo si Geallan. Hindi nagre-register sa utak niya ang sinasabi ni Dock dahil nakatuon ang buo niyang atensyon sa kanyang ina at kay Alma.

Mapaklang tumawa si Alma.

"Nagdusa ka ba nang husto sa pagkawala ng anak mo? Kasalanan mo kung bakit siya nawala dahil pabaya ka!"

"Hayup ka!" Tangkang susugurin ni Tanya si Alma pero pinigil ito ni Seg.

"Pasalamat ka at buhay pa 'yang anak mo dahil sa 'kin! Iniligtas ko siya sa kamuntikan niyang pagkalunod sa dagat dahil sa kapabayaan mo! Wala kang kwentang ina!" Sigaw ni Alma.

"Ano ang pinagsasabi mo?"

"Oh, hindi mo alam na muntik nang malunod 'yang anak mo noon sa beach na pinuntahan niyo. Pasalamat ka at nandoon ako dahil kung hindi wala na 'yan! Matagal na 'yang patay!"

"Sinungaling! You had abducted my daughter! Dahil sa galit at inggit mo sa 'kin nagawa mo siyang kunin!"

"Oo! Nang muntik malunod 'yang anak mo ginusto ko siyang ibalik sa 'yo! Pero nang makita kong ang ayos-ayos ng buhay mo samantalang ako naghihirap; ang lalaking mahal ko ikaw ang yakap yakap. Sa tuwing maaalala kong namatay ang mga magulang ko dahil sa kasakiman ni Seg na puno ako ng galit at kinuha ko si Geallan! Para maranasan niyo kung paanong mawalan! Kung paanong magdusa!"

"At anak ko ang ginawa mong kabayaran sa lahat!" Hindi namalayan ni Geallan ang sunod-sunod na pagpatak ng kanyang luha habang nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.

"Nakapakawalang puso mo!" Tanya cried.

"My Brielle doesn't deserve all of this! We all had been suffering throughout the years from losing of our princess. And you'll pay for this, Alma!" Seg's voice was a low growl, the threat in his emphasized perfectly by the deep rumble as he stated the last sentence.

"At para sa kaalaman mo. Ibinigay ko ang pera na hiningi ng kapatid mo para sa pagpapa-opera sa tatay mo. Binarayan ko rin ang lahat ng gastos niyo sa opsital bukod sa perang ibinigay ko sa kapatid mo. I don't know exactly what happened kung bakit mukhang iba ang pagkakaalam mo pero wala kaming kasalanan dahil ibinigay namin ang tulong na kung tutuusin ay hindi ko dapat ginawa dahil sa mga ginawa mo sa amin ni Tanya. But I still did for Tanya because she's still cared for your family." Ipinikit ni Alma ang mata at yumuko.

"Ano ba ang nangyayari, Dock?"

"Ipapaliwanag ko sa 'yo."

"Brielle, anak!" Nanginginig ang labi ni Tanya habang dahang-dahang ang ginawang paglapit kay Geallan. Humigpit ang yakap niya sa baywang ni Dock at lalong isiniksik ang sarili. Wala siyang maunawaan sa mga nangyayari.

"Tita, alam kong gustong-gusto mo nang makausap si Geallan. Pero pwede po bang ako muna ang kakausap sa kanya. Kailangan niya munang magpahinga."

"Pero--"

"Mom." Pinigil ni Tres ang ina.

"Let Brielle to take some rest."

"Okay. But let me hug my daughter, please." Nilapitan ni Tanya si Geallan at mahigpit na niyakap.

"I missed you so much, baby. This is mommy, Brielle. Hindi mo ba si mommy naaalala?" Nakatulala si Geallan habang sunod-sunod na pumapatak ang luha. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon. Kung tama ang pagkakaintindi niya. Hindi siya anak ng nakagisnang ina at itong babaeng nakayapos sa kanya ang totoong nanay niya. Totoo ba 'to?

Bumitaw mula sa pagkakayakap si Tanya at masuyong nitong ikinulong ang mukha ni Geallan sa mga palad nito.

"Kahit kailan hindi ako nawalan ng pag-asa na makikita pa kita. Alam ko at nararamdaman kong buhay ka. I'm so sorry kung naiwala ka ni mommy! I'm so sorry, Brielle!" Marahang kinabig ni Seg ang asawa nang tuluyang itong bumulalas ng iyak. Maging si Seg ay hindi mapigilan ang maluha, even Falcon. Itiningala ni Falcon ang ulo at makailang ulit na kumurap para laban ang luha mula sa pagpatak.

TAHIMIK na nakaupo sa gilid ng kama si Geallan at Dock habang dinadampian ni Dock ng ice pack ang mga pasa sa mukha ni Geallan. Gusto sana niyang dalhin sa ospital si Geallan pero tumanggi ang dalaga. Magpapahinga na lang daw ito.

Ipinadampot nila si Rex sa pulis pati na rin ang nanay ni Geallan. Awang-awa siya kay Geallan. He had seen how Rex slapped Geallan with so much force. It was painful for him seeing his girlfriend hurt physically and emotionally.

Kung hindi lang siya naawat ay napatay niya ang Rex na 'yon. Nagdilim nang husto ang paningin niya. At si Seg. Kilala niya si Seg. Hindi ito titigil nang hindi nakakaganti. He overheard his conversation with police officers. Hindi dadalhin sa presinto si Rex. Hindi niya alam pero siguradong torture ang aabutin ng tarantadong 'yon. Kung galing ito sa makapangyarihang pamilya higit na makapangyarihan ang mga Cabral at kayang baluktutin ang batas kung gugustuhin nito.

Lahat ng staff ng condominium ay nasermunan niya at sa galit ay nagbanta siyang ipatatanggal ang mga ito sa trabaho. Hindi niya pinakinggan ang mga dahilan nito kung bakit nito pinapasok ang nanay ni Geallan. Ayon sa front desk ay tumawag naman sila sa unit pero walang sumasagot kaya pinatuloy nila si Alma nang sabihin itong nanay ito ni Geallan.

Mabuti na lang at hindi sila nahuli nang dating. Kung may nangyaring masama kay Geallan hinding-hinding niya mapapatawad ang kanyang sarili. Tinawagan siya ni Falcon at ipinaalam sa kanya ang resulta ng DNA test. Positibo ang resulta. Si Geallan nga ang nawawalang prinsesa ng mga Cabral. Sabay-sabay silang nagtungo sa kanyang condominium para puntahan si Geallan at ipaalam ang totoo sa dalaga.

"Totoo ba ang sinasabi nila, Dock? Ampon lang ako at si Ma'am Tanya ang totoo kong nanay?"

Tumango si Dock.

"Ipapaliwanag sa 'yo ni Tita Tanya kapag nakapag-usap na kayo. Sa ngayon magpahinga ka muna." Inilapag ni Dock sa night stand ang ice pack at inihiga si Geallan.

Itinukod ni Dock ang isang braso sa unan sa gilid ng ulo ni Geallan at inilapit ang sarili rito. Tumiim ang kanyang mukha habang nakatitig sa pasa sa pisngi nito.

"I'm sorry," he said. Geallan reached for his face and gently stroke his jaw.

"Wala kang kasalanan."

"Pero hindi ito mangyayari kung hindi ako naging kampante sa siguridad mo." Ikinulong ni Geallan ang mukha ni Dock sa mga palad nito.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Ayos na ako." She tried to send him a smile pero napapangiwi ito na mukhang nakakaramdam ng sakit kapag nagagalaw ang muscle ng mukha. Hinalikan niya si Geallan sa labi.

"I hope kiss would heal your bruises."

"Nababawasan ang sakit kapag hinahalikan mo ako." He smiled and started raining kisses down all over her face.

Natigil lang sa ginagawa si Dock nang bumukas ang pinto at pumasok mula roon si Tres na may bitbit na bed tray na puno ng pagkain.

"Hey, princess, I cooked for you." Tinulungan niyang umupo si Geallan. Inilapag ni Tres ang bed tray sa kama at umupo si Tres sa tabi ni Geallan.

"Ginawan kita asparagus soup."

"Wow! Ang guguwapo at ang ma-macho ng tagapangalaga ko. Kung hindi lang masakit mabugbog, magpapabugbog na lang ako lagi. Para kasi akong prinsesa."

Nagsandok si Falcon ng soup at dinala iyon sa bibig ni Geallan na agad namang tinanggap nito.

"Hindi kailangan 'yon. From now on, kuya will always be here to protect and to care of you. No one can hurt you from now on." Tears welled up in Falcon's eyes but he immediately blinked them back and smiled at Geallan.

Naikwento na ni Falcon ang tungkol sa nawawala nitong kapatid noon sa kanila. Sinisi nito ang sarili sa pagkawala ni Brielle. Nasa isang beach daw ang pamilya noon at dinala niya si Brielle sa dalampasigan para gumawa ng sand castle. Saglit nitong iniwan ang kapatid nang makuha ang atensiyon nito ng isang maliit na sea creature. It was a small crab crawling on the sand. Sinundan daw nang sinundan ni Falcon at sa pagbalik niya ay wala na si Brielle. Alam niyang dala-dala ni Falcon ang guilt na iyon hanggang ngayon.

"Kuya talaga kita?" Hindi makapaniwalang tanong ni Geallan. Marahang tumango si Falcon. Muli nitong sinubuan si Geallan ng soup.

"Ang sarap mo palang magluto."

"Medyo natoto lang dahil kay Mhelanie. I used to cook some simple dishes for her when she's pregnant."

"Sino si Mhelanie?"

"Asawa ko. Makikilala mo rin siya. Alam kong magkakasundo kayo. Both of you are so sweet and gorgeous. Then kapag nasa bahay ka na magluluto tayo ng pancake like we used to do when we were still a kid."

"Dami-daming plano naman. Pwede naman kayong magluto ng pancake dito sa bahay ko. Hindi na naman siguro kailangan na iuwi mo pa si Geallan sa bahay niyo." Reklamo ni Dock. Hindi niya talaga nagugustuhan ang mga plano ng kumag na 'to.

"Kami ang pamilya ni Geallan kaya kailangan sa amin siya."

"I'm her boyfriend. And in the first place I was the one who found her."

"My mom gave birth to her. Mas matimbang ang kadugo kaysa sa ibang tao lang."

"I don't believe blood is thicker than water. Madalas mas matimbang na ang karelasyon sa kadugo. Some people preferred the company of their partner over family."

"That was fucking amazing! Came from a filial son who like Heaven and Earth to his family because he gave them his body and soul. Fucking amazing! Tell that to me kapag kaya mo nang iwan ang pamilya mo." And that was fucking sarcastic.

"Shut up!" Dumausdos pahiga si Geallan at nagtalukbong ng kumot. Sabay na natahimik ang dalawa at tumingin sa nakatalukbong na dalaga.

"Ikaw kasi, eh!" Magkapanabay na sisi ng dalawang lalaki sa isa't isa.

"Anong ako! Ang ingay-ingay mo, eh!" Sisi ni Dock kay Tres. Geallan pushed the blanket off of her head and peered out.

"Bumalik na lang kaya ako sa Isla."

"Sabi nga namin manahimik na kami,"Dock said, drew his thumb and forefinger across his lips to indicate that, indeed, his lips were sealed now.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store