Chapter 19
NAGPUNTA si Geallan at Dock sa mansiyon ng mga Cabral. Inimbitahan sila ni Falcon na mag-dinner sa bahay ng mga ito. Pagbaba pa lang ni Geallan ng sasakyan ay nakaabang na si Tanya sa labas ng mansiyon at agad nitong nilapitan ang dalaga at mahigpit na niyakap. Hindi siya nito hinihiwalayan, panay ang haplos nito sa kanyang buhok habang magkatabing nakaupo sa sofa. Humiwalay lang si Tanya sa kanya nang nasa hapagkainan na sila para maghapunan. Siguro sabik ito sa anak na babae kaya ganoon.
Hindi rin talaga maganda kapag nag-iisa ang anak. Kaya siya, naku! Hinding-hindi siya magpa-family planning kapag nagkaasawa na siya. Anak kung anak! Lalo kung si Dock ang magiging tatay ng mga anak niya. Panigurado maganda ang lahi. Siguro sperm pa lang nito gwapo na.
Nanghihinayang tuloy siya sa mga ipinahid lang nito sa kumot. Ngayon lahat sinasalo na ng matris niya kaya nga lang pinapatay naman ng contraceptive pills na iniinom niya. Binilhan siya niyon ni Dock.
Kung nagpabuntis na lang kaya siya kay Dock. Keri lang kahit hindi siya panagutan. Magkaroon lang siya ng anak kahit wala ng asawa ayos lang. Kaso lang, wala naman siyang ibubuhay. Kailangan niya munang magtrabaho at mag-ipon saka siya magpapabuntis kay Dock. Wish lang niya na wala pa itong asawa sa mga panahon na 'yon.
"Geallan, anak, magkwento ka ng tungkol sa 'yo," hikayat ni Tanya kay Geallan. Tumayo ito sa mula sa pagkakaupo, kinuha ang isang putahe at inilapit sa kanya saka muling umupo.
"Paborito mo 'to noong bata ka pa," anito. Paborito? Hindi nga niya alam kung ano ito.
"Siguro po kung nakatikim na po ako nito noong bata pa ako tiyak magiging peyborit ko po 'to, kaso hindi pa po. Ano po ba 'to?" Kumuha siya ng isang piraso at inilagay sa plato.
"Mom, it's a bit creepy," Falcon said with a sigh. Katabi nitong nakaupo si Tanya.
"I agree," segunda ni Seg, ang esposo ni Tanya na katabi naman nitong nakaupo sa kabila habang ang nasa kabisera naman si Don Ulysses at katabi nito ang asawang si Donya Lana.
"It's a chicken lollipop. Niluto ko talaga 'yan para sa 'yo." Paliwanag ni Tanya na hindi pinansin ang anak at asawa. Kumagat si Geallan ng manok. Ngumiti siya kay Tanya.
"Masarap po. Diyos mi! Pritong manok lang pala 'to." Nakatawa niyang ani. Maging ang mga kasama sa hapagkainan ay nagsitawanan.
"Paborito ko nga po ang fried chicken noong bata pa ako. Sa sobrang paborito, yung daing po in-imagine ko na lang na fried chicken. O kaya naman po iyong kanin huhubugin na hugis manok. Hindi kasi ako madalas na nakakakain n'on. Sa eskwela lang, kapag binibigyan ako ni Javan ng baon niya."
Muli siyang kumagat. Ang sarap nito. Naalala niya noong bata pa siya. Pritong isda, gulay o kaya naman ay daing ang ulam niya habang si Alice ay fried chicken. Inggit na inggit siya noon. Nang magtanong naman siya sa nanay niya kung bakit magkaiba ang ulam nila ni Alice ay kinagalitan lang siya. Bakit daw siya nagtatanong pa, e, pasalamat na nga lang daw siya at pinapalamon pa siya.
"Hindi ka man lang ba ipinagluto ni Alma ng ganyan?" Nagkibit si Geallan. Hindi na pinagtakhan kung bakit alam ni Tanya ang pangalan ng nanay niya. Naalala niyang nasabi niya iyon sa kapatid nitong si Sarah.
"Nagluluto naman po si Nanay ng fried chicken, pero mga dalawang piraso lang. Para kay Alice lang po, sa kapatid ko. Minsan nga po, palihim akong kumurot sa manok, ayon tadtad rin ng kurot ang nakuha ko mula kay nanay." Marahang natawa si Geallan sa sariling kwento.
Bigla na lang humikbi si Tanya na pinagtakhan ni Geallan. Kinabig ito ni Seg sa bisig nito.
"Seg, ang anak natin. I couldn't imagine what she went through. She doesn't deserve this." Hinagod ni Seg ang likod ng asawa.
Inilapit naman ni Geallan ang sarili kay Dock na kanyang katabi at bumulong.
"Bakit ba siya laging umiiyak? May depression ba siya?"
"Naaawa lang siya sa 'yo. Nakaka-relate siguro siya dahil katulad mo noon, naging malupit din kay Tita Tanya at Tita Sarah ang kamag-anak nila sa kanilang magkapatid."
"Pagpasensiyahan mo na si Tanya, hija. Sige na kumain ka lang." Si Donya Lana. Katulad ni Tanya ay napakabait din nito. Akala niya dati matapobre ang mayayaman. Ngayon niya napatuyan na ang tunay na mayayaman ay mababait, at karamihan sa matapobre ay iyong feeling mayaman. Katulad ng mga taga doon sa kanila.
"Magkwento ka na lang ng tungkol sainyo ni Dock," hikayat ng donya.
"Napag-usapan niyo na ba ang tungkol sa kasal?"
"Naku! Hindi po! Wala po kaming balak magpakasal ni Dock!" Mabilis na sagot ni Geallan na sinamahan pa nang pagwasiwas ng kamay.
"No string attached po ang relasyon namin. Fling fling lang po!" Nilingon niya si Dock na nasamid. Nagpunas ito ng bibig gamit ang cloth napkin.
"No string attached?" Ang wrinkles ng donya sa noo ay lalong nalukot.
"Opo! Iyon po kasi ang usapan. Parang live in lang po kami pero maghihiwalay rin. Maswerte nga po ako kasi lumagpas na ako sa expiration date." Dock leaned sideway and whispered.
"You are so honest, baby." Matamis na ngumiti si Geallan kay Dock.
"Salamat!"
"Expiration date? Ano ang ibig mong sabihin?" Si Tanya na ngayon ay tumahan na sa paghikbi.
"May one month rule po kasi si Dock sa pakikipagrelasyon."
"Oh, Lord! Take me now! This family will kill me in the most brutal and painful way." Dock grunted silently. Ngiting aso ang gumuhit sa labi ni Dock nang lahat ng mata ay matuon dito. Pakiramdam ng binata ay maglalabas iyon ng lasers at hahatiin ang katawan nito sa maliliit na piraso.
"You two should get married," Tanya said.
"Wala po sa plano 'yan, Tita Tanya. Magbabarko po kasi ako. Kailangan kong magtrabaho. Gusto ko pong makatulong kina nanay." Ayaw niyang mag-expect ng kahit na ano sa relasyon nila ni Dock. If she doesn't have expectations, she can never be disappointed, and less heartache.
"Hindi ka nila pinakitunguhan nang mabuti pero sila pa rin ang iniisip mo."
"Naiintindihan ko po si Nanay kung bakit malayo ang loob niya sa 'kin. Namatay po si Tatay ng dahil sa 'kin. Itinaguyod niya kami ni Alice nang mag-isa. Siguro kapag nabigyan ko sila ng magandang buhay baka mag-iba na po ang trato niya sa 'kin. Saka nanay ko pa rin po siya. Mahal ko siya."
"Napakabuti po!" Nangislap na naman ang mata ni Tanya dahil sa luha. Ang emosyanal nito lagi. Maawain masyado.
"NASISIRAAN ka na ba talaga, Nyke!?" Pagalit na bulyaw ni Dock sa nakababatang kapatid habang magkausap sa pool area.
Sinadya niya itong puntahan sa kanilang bahay. Dito siya dumeretso pagkagaling ng opisina para kastiguhin ang kapatid dahil sa ginagawa nitong kolokohan.
Nyke stretched and released a yawn, putting his arms under his head as he laid back on the lounge chair. Habang si Dock ay palakad-lakad sa harapan nito. Dock knows he's just faking it to dismiss him.
"Bro, it was just a, um... Inaanak and ninang kiss. It's nothing! Malisyoso ka lang!" Dock harshly snapped his head toward Nyke. Deep folds appeared on his forehead as he furrowed it. Nyke laughed at Dock's expression.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Nyke. What the heck is wrong with you? Tita Paulina is our godmother for Christ's sake! She even had your diaper changed when you were infant then now-- Jesus!" Hindi niya matapos -tapos ang sinasabi sa gigil sa kapatid.
"And she had even kissed me when I'm toddler but no one denounced about it and now--" He stopped in his mid-sentence as he shot daggers at him. Nyke pulled back his lips, trying not to laugh.
"Nyke, I'm fucking serious so better you listen." Umupo siya katabing lounge chair na nahihigaan ni Nyke. Hinarap niya ang kapatid.
"Makakasira ka ng pamilya sa ginagawa mo."
"Matagal na silang sira. Paulina and Zake were just staying together for the sake of their children. Niloko niya si Paulina.
"And since when have you started dropping the ninang in her name?"
Nyke smirked. "Since we've kissed," proud nitong sabi.
Gusto niya talagang bigwasan ang kapatid niya. Pero kailangan niyang makausap nang masinsin ang kapatid niyang tirador ng inahin dahil alam niyang hindi uubra kahit magalit pa siya.
"Nyke, I'm serious! Bakit ba nahihilig ka sa matanda?"
"Paulina is not that old! Mukhang mas matanda pa nga si Gaile sa nanay niya."
Paulina looks younger than her age. Opposite nga ang mag-ina. Pauline Gaile is more conservative than her mother. Palibhasa bata palang ay modelo na si Paulina at si Gaile naman ay mas private na tao. Hindi nakikisalamuha sa mga taong pasosyal. Minsan nagtataka nga siya kung paano ito naging kaibigan ng kapatid niyang si Reviel at Saphira. His sisters were so wild.
"Why do you find these old women so appealing?Why don't you find a woman who's the same age as you are or younger? Christ, Nyke! You might injured them in bed!" Malakas na humalakhak si Nyke.
"Is that what you think?"
"Hindi ba? Mahina na ang mga kasu-kasuan nila."
"No, big bro! They were more playful and aggressive in bed. They were much more experienced." Nakatawa nitong sabi.
"And these youngins are too difficult to deal with. Sometimes they're selfish, tending to what they only need and want. Which is why I preferred hanging with an older woman. Less stress and drama. Subukan mo rin."
"Hell, no! I'm contented with Geallan." Humiga rin siya lounge chair at iniunan din ang braso.
"About, Geallan, bro. I like her for you. Mag-stick ka na ba sa kanya? I think it's about time for you to settle down." Ibinaling niya ang tingin sa kapatid.
"How can I do that kung pasaway ka pa rin? Paano ko maiilalaan ang oras ko sa magiging pamilya ko kung kailangan ko pa rin kayong intindihin lagi."
"Hindi mo naman kasi kami kailangan intindihan. I can take care of mama."
"You sure? Isa ka nga sa inaalala ni mama. If mama finds out about your affair with her best friend. Lalong made-depress 'yon. Kaya kung ako sa 'yo tigilan mo na 'yan. Hindi lang si mama ang sasaktan mo sa ginagawa niyo. Even Gaile. Masasaktan siya." Hindi umimik si Nyke. Tanging isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at itinuon ang tingin sa madilim na langit.
"Did you sleep with her?" Saglit na tumingin si Nyke sa kanya at muli ring ibinalik ang mata sa langit.
"No. We are in the exploratory stage. Dating, getting to know each other."
"Fetus ka pa lang kilala ka na ni Tita Paulina. Getting to know each other." Dock grunted, and Nyke just laughed. Bumangon si Falcon mula sa pagkakahiga.
"Tigil-tigilan mo na ang kalokohan, Nyke. Ayaw ko nang mababalitaan na nakikipagkita ka pa kay Tita Paulina. Bakit hindi si Gaile ang ligawan mo at hinding 'yong nanay ang pinagdediskitahan mo."
"Sige na umalis ka na!" Nyke waved a hand dismissively at him.
Dock sighed as he shook his head before leaving his brother alone. Tinungo niya ang silid ng ina. He gave the wooden door a cursory knock.
"Come in!" He heard his mother's voice. Marahan niyang binuksan ang pinto at sumilip sa nakaawang na pinto. Nakaupo ang kanyang ina sa gilid ng kama habang hawak ang baso ng tubig. Mukhang uminom ito ng gamot.
Inilapag nito ang baso ng tubig sa night stand at ngumiti nang makita si Dock.
"Dominick."
"Hey, ma!" Lumapit siya sa ina, humalik sa pisngi. Sinulyapan niya ang bote ng sleeping pills na nasa tabi ng baso bago umupo sa tabi.
"Umiinom ka pa rin ng sleeping pills?"
"I need that, son. Saka paminsan-minsan lang naman," nakangiti nitong ani.
"Mabuti at napasyal ka."
"Dinalaw lang talaga kita. Kumusta ka?"
"I'm fine. Medyo namum-roblema lang ako sa kapatid mo. Kay Nyke. Hanapan mo na kaya siya ng mapapangasawa nang hindi puro kalokohan."
"Mapapangasawa? It's supposed to be me, ma? Ako muna dapat." Pagbibiro niya. Ang problemado nitong mukha ay lalong nabahala. Bumakas ang hindi pagsang-ayon.
"Dominick, 'wag muna ikaw. Your siblings need you. We still need you. Kailangan mo munang maayos ang mga buhay ng kapatid mo." Bahagya siyang ngumiti sa ina. Inabot ang mukha nito at marahang hinaplos.
"I'm just kidding, ma. Wala pa naman akong planong magpakasal."
Takot ang kanyang ina sa responsabilidad. Mula pa man noon hanggang ngayon ay ganito na ito. Inasa na sa kanya ang lahat simula nang iwan sila ng kanyang ama at sumakabilang buhay naman ang kanyang lolo. If the other mother is an epitome of strength then not her mother. She is an epitome of weakness. Kung ano ang nararamdaman ay hindi kayang itago.
"Si Saphira, masyado nang sineseryoso ang relasyon sa nobyo niya. Parang nagpapahiwatig na ng kasal. Pero nag-aalala ako para kay Viel. Paano kung maapektuhan ang relasyon ng magkapatid ng dahil dito?" Itinukod ni Dock ang dalawang kamay sa kama sa likuran niya at itiningala ang ulo. Hindi niya alam kung sino ang uunahin sa mga ito. He wants the best for his siblings. Kaya nagta-trabaho siyang mabuti at pilit na pinapalago ang kompanya para sa kanyang pamilya. Gusto niyang kapag handa na ang mga itong tulungan siya sa pamamahala ng kumpanya ay wala na itong poproblemahin. Gusto niyang maging secured ang kinabuksan ng kanyang mga kapatid.
May mga account itong siya lang ang may access sa ngayon at doon niya pinapasok ang ibang kita ng kompanya. He divided the company's profits equally for them.
"Pagod ka na ba?" He smiled at his mother.
"Helping and guiding them is something I'll never get tired of. You know how much I love this family." Sumilay ang masayang ngiti sa labi ng ina at nawala ang pag-aalala na ikinagaan naman ng kanyang loob.
NAGISING mula sa malalim na pag-iisip si Dock nang padapang pumatong sa katawan niya si Geallan habang naka-recline siya sa kama. He suddenly felt the heartbeat of his heart flutter almost uncertainly as he glanced down at her pretty face. Nakapatong ang dalawang braso nito sa kanyang dibdib habang ang baba naman nito ay nakapatong sa braso. May ngiti ito sa mga labi. She is so beautiful. She is remarkable work of feminine beauty. This is the only woman he made his heart flutter.
"May problema ka?" Hinalikan niya si Geallan sa noo.
"Wala naman. Medyo napagod lang ako sa opisina kanina."
"Hmm. Masakit ang ulo mo?"
"Medyo." Umalis si Geallan mula sa pagkakapatong sa kanya at umupo sa uluhan niya matapos nitong alisin ang unan sa kanyang ulo.
"Imamasahe ko ang ulo mo." Umayos siya ng pagkakahiga. Ginawa niyang unan ang hita ni Geallan.
Bahagya siyang napaungol at napapikit nang lumapat ang daliri ni Geallan sa kanyang sentido at lagyan ng kaunting pressure. Nakaka-relax. Unang beses na may gumawa sa kanya nito na karelasyon niya. Wala pang babae na nagtanong sa kanya kung may problema ba siya. Walang kahit na sino sa nakarelasyon niya ang nakakapuna man lang ng kanyang mood. Wala siyang natandaan man lang na may naging malambing sa kanya. Well, malalambing naman ang mga babaeng dumaan sa buhay niya but it was different from Geallan's innocent gesture. Ang mga sweetness ng past girlfriend niya ay may kasamang seduction lagi but Geallan's were pure innocent. She's just doing something to him dahil iyon ang gusto nito at hindi kung ano pa man.
Small smile broke his lips as he felt Geallan's lips touched both of his eyes. At lalong lumapad ang ngiting iyon nang ang tungki ng kanyang ilong ang halikan nito at kapagkuwa'y ang labi. Tuluyang siyang nagmulat ng mata. Nakatunghay na magandang mukha ni Geallan ang nabungaran niya.
"Gumaan na ba ang pakiramdam mo?" Nakangiti nitong tanong habang patuloy na minamasahe ang kanyang ulo.
"Massage with kisses is relaxing." Tumagilid si Dock. Ibinaon niya ang mukha sa tiyan ni Geallan at yumakap sa dalaga.
"I want us to stay like this forever," he murmured. Geallan run her fingers through his hair gently.
"Grabe naman 'yon. Nakakangalay yata kung forever tayong ganito." Marahan siyang natawa at hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga.
"GOOD MORNING, baby!" He murmured sleepily as his face split in a huge smile dahil sa ginagawang paghalik ni Geallan sa mukha niya habang nakapatong ito sa ibabaw niya.
"'Di ba sabi mo may meeting ka ngayon?" May meeting nga siya ngayon. May mga barko siyang ililipat ng manning agency at ngayon siya makikipag-usap sa management.
"Bangon na, handa na ang almusal mo." Araw-araw ay ganito sila ni Geallan. Ito ang nagiging alarm clock niya. Hindi siya babangon kapag wala pang Geallan na hahalik sa buo niyang mukha dahil ibig sabihin lang niyon ay maaga pa at hindi pa oras para bumangon.
Noon ay nagse-set siya lagi ng alarm clock pero nang dumating si Geallan ay hindi niya na iyon kinailangan pa. Mula sa baywang ay dumausdos ang palad niya pababa sa pang-upo ni Geallan at mariin iyong pinisil bago bumangon habang nanatiling nasa ibabaw niya si Geallan. Isang mariing halik ang iginawad sa kanya ng dalaga sa labi.
"Good morning!" Muli niyang bati sa kasintahan.
"Handa na ang almusal mo at isusuot mo. Iyong maroon na necktie ang gagamitin mo 'di ba?"
"Kung iyon ang inihanda mo iyon ang gagamitin ko."
"Talaga? Paano kaya kung neon business suit at tie ang ihanda ko tas neon na medyas o kaya floral? Isusuot mo pa rin kaya?" Malakas na humalakhak si Dock.
"Huwag naman." Tumayo si Dock na buhat-buhat si Geallan. Pinaikot ni Geallan ang mga binti sa baywang ni Dock at ang braso sa leeg nito. Tinungo niya ang banyo. Inupo niya si Geallan sa ibabaw ng sink. Naghilamos siya ng mukha habang si Geallan ay nakayakap sa kanyang leeg. Ito pa ang kumuha ng towel na nakasabit sa towel holder at siyang nagpunas ng kanyang mukha.
"Toothbrush mo ako," lambing niya sa kasintahan. Agad naman na kinuha ni Geallan ang toothbrush at toothpaste.
"Ehh!" Geallan instructed him to show his teeth and he did so. Bahagyang natawa si Geallan nang simulan siyang i-toothbrush nito.
Nang matapos ay pinunasan ni Geallan ang bibig niya ng towel.
"Say A," Geallan commanded.
"A!" Inilapit ni Geallan ang bibig sa nakabuka niyang bibig at inamoy ang hininga niya.
"Hay! Ang bango ng hininga mo. Hininga palang nakaka-in love na." Dock chuckled, his hand went at the back of Geallan's head and kissed her on the lips.
Tinugon naman ni Geallan ang halik na iyon. Muli niyang binuhat si Geallan na hindi tinatapos ang halik saka lumabas ng banyo at silid. Tinungo ng dalawa ang dining na patuloy na naghahalikan. Inupo niya si Geallan sa silya.
"My morning would not be the same without you." Bulong niya sa labi ng dalaga habang padampi-dampi niya iyong hinahalikan.
"Sanay akong dagat ang unang nakikita pagsilip ko sa bintana pagkagising ko sa umaga. Akala ko iyon na ang pinakamagandang view at wala ng hihigit pa hanggang sa dumating ka sa buhay ko, Dock. Tingin ko mukha mo na yata ang pinakamagandang view na makikita ko. At iyon ang siguradong wala ng hihigpit pa."
"Talaga?" Muli niyang dinampian ng halik si Geallan sa labi habang nakatukod ang isa niyang kamay sa upuan at ang isang braso ay sa sandalan.
"Talagang-talaga."
"Then you should stay with me forever kung ayaw mong mawala sa paningin mo ang magandang view."
"Papayagan mo akong manatili sa tabi mo habang buhay?" Nakangiting tanong nito habang sinasalubong ang pagdampi ng labi ni Dock sa labi nito.
"I. Will. Allow. You. To. Stay. With. Me. Forever." Bawat katagang sinasabi ni Dock ay sinusundan ng isang halik.
Ang paghaharutan ng dalawa ay natigil nang marinig ang boses ni Florida na naglagay ng pagkain sa mesa.
"Ang tamis-tamis! Hindi na kailangan maglagay ng asukal sa kape." Geallan and Dock chuckled.
"Minsan hindi talaga maganda na may ibang kasama sa bahay." Bulong ni Dock kay Geallan.
"Bakit naman?"
"I want to have you for my breakfast but I can't. May estorbo, eh."
Marahang natawa si Geallan.
"Tama lang 'yon. Kung wala rito si Ate Florida paniguradong male-late ka na naman. Saka bihira lang naman siyang nandito." Ilang beses na ba siyang na-late sa mga meeting niya dahil sa quickie nila ni Geallan. Hindi na niya mabilang. But that was fine. His unloaded balls was happy and satisfied in return.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store