ZingTruyen.Store

Fatal Attraction 2: Get Wild

Chapter 21

Whroxie

GEALLAN still couldn't believe that she came from one of the country's  riches families. Sa isang iglap ay biglang nagbago ang estados niya sa buhay. Mula sa isang pagiging mangingisda sa isang maliit na isla ngayon ay isa na siya sa anak ng isang napakayamang negosyante. Hindi lang mayaman kundi ubod ng yaman. Nagtatanong pa rin siya kung totoo ba ito? Kung totoo bang nangyayari ito sa kanya o nananaginip lang.

Ipinaliwanag sa kanya ni Tanya ang lahat, ang kanyang tunay na ina. Ipinakita rin sa kanya ang DNA result at positibo nga ang resulta. Humingi ito ng paumanhin sa pagkuha nito ng sample mula sa kanya na wala niyang pahintulot.

Ayon sa kanyang tunay na ina, apat na taon siya nang mawala siya nang magpunta sila sa isang beach resort at sa mismong kaarawan pa ni Tanya nangyari iyon. Kaya pala ang emosyonal nito nang magsalita noong birthday party nito dahil naaalala nito ang pagkawala niya. Naisip daw ng mga ito na posibleng nalunod siya dahil nga dinala siya ni Falcon, ang kanyang kuya, sa dalampasigan. Pero ayon daw sa isang nakakita ay may kumuha sa kanyang isang babae na hindi naman namukhaan.

Ngayon malinaw na sa kanya kung bakit ganoon siya tratuhin ng kanyang nakagisnang ina. Buong akala niya ay galit lang ito sa kanya dahil sa pagkamatay ng tatay niya na siya ang may dahilan. Madalas sabihin sa kanya ni Alice na putok siya sa buho. Naisip niya noon na anak siya ng Tatay niya sa ibang babae pero inalis niya iyon sa kanyang isipan. Ayaw niyang tanggapin iyon, isiniksik niya sa kanyang utak na anak siya ng kanyang nanay.

"Bakit po sa 'kin niyo ibinunton ang galit niyo sa mga magulang ko?" Tanong niya sa ina na kaharap na nakaupo. Binisita niya ito sa kulungan. Sa isang interrogation  room sila nito nag-usap. 

"'Nay, kahit ganoon ang pagtrato mo sa 'kin minahal kita. Wala akong inasam kundi ang mahalin mo rin ako. Na tratuhin katulad nang pagtrato mo kay Alice." Nag-iwas ito ng tingin.

"Kung dadramahan mo lang ako, Geallan, mas mabuti pang umalis ka na. Kahit na ipabitay niyo pa ako ngayon nangyari na ang nangyari at hindi ko na maibabalik iyon,' matabang nitong ani.

"Hindi ka man lang po ba nagsisisi sa ginawa mo?" Nakatiim ang mukha nitong tumitig sa kanya.

"Ano ang gusto mong gawin ko? Magmakaawa sa 'yo? Magmakaawa sa mga magulang mo? Pinatay mo si Danny! Ang tanging taong nagpahalaga sa 'kin! Ang tanging taong nagmahal sa 'kin!"

"'Nay, hindi ko sinasadya 'yon! Hindi ko 'yon ginusto! Kung tutuusin si Alice ang may kasalanan ng lahat ng iyon. Kung hindi niya sana ako itinulak hindi naman mangyayari ang trahedya, eh."

"Huwag na huwag mong masisi-sisi ang anak ko!" Naikuyom ni Geallan ang kamay na nasa ibabaw ng mesa. Naaawa siya sa kalagayan nito. Kahit papaano masakit para sa kanya na makita si Alma sa ganitong kalagayan. Totoong minahal niya ito kahit na ganoon ang naging pagtrato nito sa kanya. Hinihintay lang naman niyang hilingin nito ang sariling kalayaan at ibibigay niya iyon pero napakatigas nito. 

Napailing na lang si Geallan at tumayo na lang. Walang patutungahan ang pag-uusap nila. Napakataas ng pride ng kanyang nanay.  Sa halip na humingi ng tawad ito pa ang nagmamataas. .

"'Nay!" Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig at sa paglingon niya ay nakita niya si Alice kasama si Javan na pumasok ng silid. Patakbong lumapit si Alice sa ina. Mahigpit na nagyakap ang dalawa.

"Ilalabas kita rito, 'nay. Sasama ka 'kin pabalik ng isla." Nang magkalas mula sa  pagkakayakap ang dalawa ay galit na bumaling si Alice kay Geallan.

"Wala kang utang na loob na babae ka!" Pasugod na lumapit sa kanya si Alice habang ang isang kamay ay nakahanda na sa pagsampal sa kanya pero bago pa man ito makalapit ay napigilan na ito ni Javan.

"Alice! Pwede ba huminahon ka!" Marahas na binawi ni Alice ang brasong hawak ni Javan.

"Pagkatapos mong patayin si Tatay ngayon naman si Nanay!" sumbat ng babae kay Geallan.

"Wala akong pinatay, Alice! Kung ano man ang nangyari kay Tatay pinagbayaran ko na 'yon. Pinagbayad niyo na ako ng sobra-sobra dahil sa pagtrato niyo sa 'kin! At kung tutuusin ikaw ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi sa kamalditahan mo hindi sana nangyari ang trahedyang 'yon!" Mas ikinagalit ni Alice ang mga sinabi ni Geallan pero bago pa man muling makapagsalita si Alice ay tinalikuran na niya ito at lumabas.

Agad na tumayo si Tanya at Seg nang makita ang paglabas ni Geallan sa interrogating room. Si Tanya ang agad na lumapit sa kanya. Gusto sana nitong samahan siya loob pero nakiusap siyang gusto niyang makausap si Alma nang masinsinan.

"Ang tigas niya po. Parang mas gugustuhin pa niyang makulong kaysa ang humingi ng tawad sa ginawa niya," aniya sa tunay na ina.

"Ganoon na si Alma noon pa man. Napakataas ng pride."

"Pero kailangan po siya ni Alice. Kailangan po nila ang isa't isa." Napaka-dependent ni Alice. Lahat ay inaasa sa kanila ni Alma. Ang nakagisnang ina ay ganoon din. Inaasa naman sa kanya ang lahat pero ang kaligayahan nito ay si Alice. Hindi rin naman niya gustong masira ang mga buhay ng mga ito ng dahil sa kanya. Hindi siya lubos na magiging masaya. Minahal niya rin naman ang mga ito.

"Pwede po bang iurong niyo na lang ang kaso. Kahit paano naman po may utang na loob pa rin ako sa kanya. Iniligtas pa rin po niya ang buhay ko kaya nandito pa rin ako." Nasa mukha ni Tanya ang hindi pagsang-ayon. Tumingin ito kay Seg na parang hinihingi ang opinyon ng asawa. Nasa mukha rin ni Seg ang matinding pagtutol.

"Wala na pong ibang pamilya si Alice kundi si Nanay." Nagkibit-balikat na lang si Seg na para bang ipinauubaya na kay Tanya ang desisyon. Tipid na ngumiti si Tanya kay Geallan. Inabot ang kanyang pisngi at marahang hinaplos iyon. 

"I'm happy that you grew up with a good heart." Minahal niya ang kanyang kinagisnang ina. Hindi niya kayang dalhin sa kanyang konsensiya na magdanas ito ng hirap sa loob ng kulungan. Diyos na ang bahalang magbigay ng nararapat na kaparusahan para rito.

NAKATULIS ang labi ni Geallan habang pinagmamasdan si Dock na abala sa pag-eempake ng kanyang mga damit. Ngayon siya susunduin ng kanyang totoong mga magulang. Pero aalis na lang siya ganito pa si Dock. Parang iba. Parang iniiwasan siya. Kanina pa inaabala ang sarili sa kung ano-anong bagay. Kinakausap naman siya pero hindi man lang siya titigan. Hindi siya yakapin na malayo sa ginagawa nito araw-araw na laging nakadikit sa kanya bago pumasok sa trabaho. Lalo siyang nalulungkot. 

Tumayo si Geallan at nilapitan si Dock na tinungo ang cabinet para kunin ang iba pa niyang gamit. Yumakap siya sa katawan nito mula sa likuran.

"Aalis na ako pero bakit ganyan ka?" may tampong tanong niya. Ang bigat sa dibdib. Nangungulila na agad siya para kay Dock. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pangugulila sa isang tao. Nang umalis siya sa isla hindi naman siya nakaramdam ng ganitong pangungulila sa nakagisnang pamilya. 

Pumihit si Dock paharap at niyakap si Geallan. Mahigpit na mahigpit. Geallan smiled and wrapped her arms around his body. Geallan loves the warmth of his body on hers. Mingled with the beat of his heart,  she could hear the soft sound of his breath as it fell against her neck. Mami-miss niya nang sobra si Dock. Ang OA-OA niya. Akala mo naman mag-a-abroad, eh. Pero kasi hahanap-hanapin niya ang mga yakap at halik  nito sa tuwing magkatabi silang natutulog. Sa tuwing gagalaw siya mula sa pagtulog at mararamdaman ni Dock  ay hahalikan siya nito sa pisngi, sa noo o 'di kaya ay sa labi at pagkatapos ay mahigpit siyang yayakapin. Tatapikin pa siya nito o kaya'y hahaplusin pa nito ang kanyang likod na para ba siyang sanggol. Isa iyon sa pangungulilaan niya.

Nanginig ang labi ni Geallan at unti-unti ay mahina na siyang humikbi habang sunod-sunod sa pagpatak ang kanyang luha. Dahan-dahang inilayo ni dock ang sarili kay Geallan. Marahan nitong itiningala ang mukha ng dalaga para makatagpo ang mata. 

"Bakit ka umiiyak?" Matamlay ang boses ni Dock habang pinapahid ang basang pisngi ni Geallan. Namumula rin ang malungkot na mata nito na hindi niya alam ang dahilan.

"K-kasi nami-miss na agad kita, eh. Parang ayaw kong umalis." Isang napakalalim na buntong-hiningi ang pinakawalan ni Dock at muling niyakap si Geallan. Muling pumisil ang kamay nito sa kanyang katawan. 

"Hindi rin kita gustong umalis pero gusto kang makasama ng pamilya mo. Ibabalik din kita rito and I will never let you go again." Hinalikan ni Dock ang gilid ng ulo ni Geallan.

"Huwag ka nang umiyak at baka maiyak din ako," biro nito. Hinigpitan niya ang yakap kay Dock.

HABANG lulan ng sasakyang minamaneho ni Seg patungong mansiyon ng Cabral ay kapansin-pansin ang pagiging matamlay ni Dock. Habang nakaupo sila sa back seat ng van, nakayakap sa kanya nang mahigpit si Dock, nakasubsob ang mukha nito sa gilid ng kanyang leeg. Napapaso siya sa init ng hininga nito. Parang hindi normal ang temperatura ng katawan nito. Sinalat ni Geallan ang gilid ng leeg ni Dock para tukuyin kung tama ang hinuha niya. Nang hindi makontento ay sinalat naman niya ang noo nito.

"Mainit ka." Tanging ang mata ni Dock ang gumalaw para tingnan si Geallan. Pinalungkot nito ang mukha. Kawawa naman. Mag-isa lang ito at walang mag-aalaga rito. Kung 'wag na lang muna kaya siyang umalis. Alagaan niya muna si Dock.

"Ahm, Ma'am Tanya," mahinang tawag niya kay Tanya na nakaupo sa unahan ng sasakyan katabi si Seg. Tiningnan siya nito mula sa rearview mirror at matamis na ngumiti.

"Yes, Brielle?"

"May lagnat po si Dock. Baka pwede pong huwag na muna akong sumama sainyo. Aalagaan ko po muna siya," pakiusap niya. Muli niyang niyuko si Dock na lalong isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.

"He used to putting garlic in his armpit to give himself a fever everytime he doesn't feel like going to office because  his grandfather is not the type to let him stay home," sabi ni Falcon na katabi ni Dock.

"Nangangamoy bawang ka, gagu! Seriously, pare?" Pasimpleng sinamaan ng tingin ni Dock si Falcon bago muling isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg ni Geallan.

"I'm sick, baby! Please, alagaan mo na muna ako." Parang batang pakiusap nito. Lalo nitong hinigpitan ang yakap.

"May bawang ka talaga sa kili-kili?" Manghang tanong niya.

"Wala, ah!" Deny nito pero may naamoy nga siyang bawang. Saka nakita niya si Dock sa kusina kanina na naghihiwa ng bawang. Nang tanungin niya naman sabi nito ay mukhang high blood ito kaya kakain daw ng bawang.

"Wala?" Mabilis na siniko ni Dock si Falcon sa tagiliran. Tumawa si Falcon at itinaas ang isang braso ni Dock. Mabilis namang binawi ni Dock ang braso mula sa pagkakahawak ni Falcon at inipit muli ang tagiliran pero mukhang nawala na sa tamang pwesto ang bawang dahil kinapa nito ng isang kamay ang tagilirin. Ipinasok ni Dock ang isang kamay sa T-shirt at mula nga roon ay inilabas ang maliit na pirasong bawang. Ibinato iyon ni Dock sa mukha ni Falcon at iritadong umusal.

"Pakialamero!" Hindi mapigilan ni Geallan na mapagikhik sa tuwa. Ang cute-cute ni Dock. Ayaw ba nitong umalis siya? Yumakap siya mula sa tagiliran ni Dock at hinalikan ito sa pisngi.

"Ang cute mo, Dock," aniya habang may malapad na ngiti. Ang naiiritang ekpresyon ni Dock dahil kay Falcon ay lumambot nang balingan si Geallan. Masuyo nitong ipinaikot ang dalawang bisig sa katawan ng dalaga at hinagkan siya nito ulo.

Muli na namang binalot ng lungkot ang puso  niya. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya si Dock.

NAKAKAMANGHA! Walang ginawa si Geallan kundi ang bumulalas ng wow habang binubusog ang mata sa karangyaan ng mansiyon ng totoong pamilya. Tanya took Geallan on a tour of their house. Lalong namangha si Geallan nang ipakita sa kanya ni Tanya ang kanyang magiging silid. Pero napuno ng lungkot at pangungulila ang puso niya nang malaman niyang silid niya ito noong bata palang siya. Taon-taon ay pinapalitan ng interior design dahil umaasa si Tanya na babalik siya. Naghirap siguro nang husto si Tanya. Siguradong araw-araw itong umiiyak. Mas higit itong naghirap kumpara sa kanya. Siya walang maalala sa nakaraan pero ang tunay niyang nanay, araw-araw sigurong sinisisi ang sarili sa pagkawala niya.

Habang tinitigan niya si Tanya ay may kung anong humaplos sa puso niya. Pagmamahal ang nararamdaman niya para sa babae kahit na ngayon palang niya ito nakita. Kahit wala siyang maalala na nakasama niya ito. Humakbang si Geallan palapit sa ginang at masuyo niya itong niyakap.

"Siguro po ang lungkot-lungkot niyo nang nawala ako?" Naramdaman niya ang masuyong paganti ng yakap ni Tanya. Ipinikit ni Geallan ang mata. Napakasarap pala ng yakap ng isang ina.

"Sobrang lungkot, Brielle. Hindi ko maipaliwanag na kalungkutan. I wanted nothing that time but to disappear. Napabayaan ko ang daddy at kuya mo dahil sa matinding pangungulila sa 'yo nang mga panahon na 'yon." Gumaralgal ang boses nito at humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"P-patawarin mo ako, Brielle! Naging pabaya si mommy." Hinaplos ni Geallan ang likod ng ina nang tuluyan itong humikbi.

"Wala po kayong kasalanan, ma-mommy."

"Oh, my princess!  I been missing the sound of  your sweet voice calling me mommy." Mas lumakas ang paghikbi nito.

"Para pong hindi bagay na gamitin ko ang mommy. Ang sosyal."

Nahaluhan ng mahinang tawa ang paghikbi ni Tanya. Kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. Masuyong sinapo ang kanyang mukha.

"Kung ano ang gusto mong itawag sa akin ayos lang. Kung saan ka komportable."

"Sasanayin ko na lang po. Mommy ang tawag sa 'yo ni Kuya Tres. Panget naman kung magkaiba ang gamitin namin. Tas magmumukha kang matanda kung inang ang itawag ko. Hindi bagay sa beauty mo." Tuluyang natawa si Tanya.

"Isang bagay ang hindi nagbago sa 'yo. Ang pagiging bubbly mo. We were cracking up over your comments on so many things. At ngayon natatakot ako na baka panaginip lang 'to. Natatakot akong mawala ka ulit sa amin, Brielle."

"Hinding-hindi na po ako mawawala." Muling nagyakap ang mag-ina pero muli ring bumitaw at sabay na bumaling sa biglang bumukas na pinto.

"OMG!" Tili ng magandang babae at tumakbo ito palapit sa kanila.

"Siya na ba si Ate Brielle? Oh, my God! She really looks like you Tita Tanya when you were the same age as hers."

"Yes, sweetie, siya nga ang Ate Brielle mo."

"Oh wait, oh wait! We need to throw a party. We have to announce her come back. Next week kaya. Tama next week." Ang excitement sa mukha ng babae ay saglit na nahalinhinan ng iritasyon nang marahan itong batukan ni Tres na kasunod lang nitong pumasok kasama pa ang isa pang lalaki at si Dock. 

"Next week talaga? It's part of a plan, brat, but we need enough time to prepare."

"One week preparation is enough, Kuya Tres. I will help. Kayang-kaya 'yan. Oh, by the way. Before anything else let me introduce myself."

"It must be after everything else, brat. Dami-dami mo ng sinabi, eh," kontra ni Tres.

"I'm your prettiest cousin, Lyca Veliganio-Guevarra," magiliw nitong pakikala sa sarili.

"Siya ang anak ng Tita Sarah mo," ani Tanya. Ang gandang babae nito. Parang manika. Kamukha nga ito ng kanyang Tita Sarah pero hindi totally na nakuha ang appearance. Humalo na ang itsura ng ama nitong si Zeus.

"And this is my husband." Humawak ito sa braso ng isang lalaki. Kilala niya ito. Ito ang lalaking kasama ni Dock sa strip club noon.

"He's Alford."

"Kilala ko siya. Siya iyong kasama sa strip club ni Dock. Kala ko nga manyak din kasi grabe makatitig sa 'kin." Namilog ang mata ni Alford sa sinabi ni Geallan. Dedepensahan sana nito ang sarili pero hindi na nagawa pa at napaigik na lang nang suntukin ito ni Lyca sa tiyan.

"Humanda ka sa 'kin mamaya!" Mahinang angil ni Lyca.

"Hindi gan'on 'yon, giliw ko. Pambihira naman, oh!"

"Hindi ka manyak?" ismid ni Lyca.

"Hindi! Hindi na ngayon. Sa 'yo na lang." Napapakamot sa ulo nitong sabi. Inirapan ito ni Lyca bago bumaling kay Geallan at matamis na ngumiti.

"Halika! Pag-usapan natin ang party." Hinila na siya nito palabas ng silid. Daldal ito nang daldal habang siya ay nakatingin lang sa magandang mukha nito. Ang dami agad planong nasabi hindi pa man nila nararating ang hagdan pababa.

"And after party mag outing tayo. Mag-beach tayo, ah? I want to bond with you. Promise mabait ako, pero medyo BI lang," anito at sinundan ng bungisngis.

"Sige," tangi niyang nasabi.

"Oh, by the way. About Dock." Bukas nito sa ibang topic habang pababa na sila ng hagdan.

"Damn, Lyca! Don't you dare say anything to mess up my reputation!" Sigaw ni Dock mula sa taas. Malakas na tumawa si Lyca na tiningala si Dock mula sa taas.

"Why so afraid?" Lyca chuckled.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store