ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER TWENTY-FOUR

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Ang akala ko makakauwi rin kami agad sa amin. Hindi ko inasahang sasabak kaming mag-ina sa pinakamasidhing pagsubok ng buhay namin. Ako ang halos himatayin nang malaman kong ooperahan agad-agad si Niko. Mabuti na lang nandoon si Nikolai. Kahit papaano, naibsan ang pighating nadarama ko.

"Tama na. You might be giving Niko a wrong signal. He might get worried, too. You've heard the doctor. Our baby will be safe," bulong sa akin ni Nikolai habang naghuhugas ako ng plato sa kusina ng condo niya. Oo, do'n kami dumeretsong mag-ina dahil pina-schedule na ng doktora ang operasyon agad-agad. Hindi na kami pinayagang umuwi pa.

Pinahiran ko ang basang pisngi at nilingon ang anak kong busy sa paglalaro sa hindi kalayuan. Hinihilera niya ngayon ang maliliit na toy cars sa ibabaw ng hapag-kainan. Sa bawat tulak niya sa mumunting sasakyan, may kasabay iyong sound effect mula sa kanya. Larawan siya ng isang ordinaryong bata. Sino ang mag-aakala na kailangan siyang operahan para mamuhay nang normal?

Tumulo na naman ang mga luha ko. Narinig kong napabuntong-hininga si Nikolai. Hahayaan ko na lang sana ang sarili sa pag-emote kung hindi lumingon bigla si Niko at nangunot ang noo.

"Ba't po kayo umiiyak, Mama? Na-miss n'yo rin ba si Lola?"

Napangiti ako sa tanong niya. Dali-dali kong pinahiran ang mukha at nilapitan ko siya. Hinagkan ko ang kanyang ulo.

"Luluwas din ng Maynila ang Lola bukas. Makikita mo rin siya."

"Talaga po? Yay!" at bigla siyang yumakap sa akin nang mahigpit. Hinagkan ko siya sa magkabilang pisngi.

"O, huwag masyadong ma-excite. Baka mapagod ka."

Hinawakan nang maliliit niyang mga palad ang mukha ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Sabi ni Papa gagamutin daw ng doktora ang puso ko. Huwag kayong mag-alala, Mama, ha? Hindi na po ako natatakot. Sabi naman kasi ni Papa, hindi raw siya aalis sa tabi ko habang ginagamot ako. Kaya okay lang sa akin, Mama."

Napatingin ako kay Nikolai. He gave me a sad smile. Nangislap ang asul niyang mga mata sa pagbadya ng luha. Lumapit siya sa amin at ginulu-gulo ang buhok ni Niko.

"I'll always be by your side, kiddo. I promise you that."

Lumingon si Niko sa ama at ngumiti nang malawak.

**********

"Leigh Marie, tumigil ka nga sa kasisinok diyan!" naiinis na singhal sa akin ni Inay. Tumigil ito sa pagrorosaryo para pagalitan ako.

"Natatakot po kasi ako, e."

"Sino ba'ng hindi? Mahalaga rin sa akin ang apo ko. Aba'y ilang taon ko siyang inaruga nang umalis ka papuntang Norway. Pero kailangan nating magpakatatag. Imbes na umiyak ka, manalangin ka na lang. Nakaka-bad vibes ka, e."

Hindi na ako sumagot. Pinigilan ko na lang ang humikbi.

Mayamaya pa, nakita kong paparating sa amin si Boyet. At nagulat ako nang makita kong kabuntot niya ang paika-ika kong ama.

"Kumusta na ang lagay ni Niko?" tanong agad ni Itay.

"Hindi pa po tapos ang operasyon," malungkot kong sagot.

Tumangu-tango si Itay at naupo sa bench sa tabi ko.

"Si bayaw, Ate?" tanong naman ni Boyet. Pinandilatan ko agad siya at pasimple kong sinulyapan si Itay. Tiningnan kung ano ang reaksiyon niya. Dedma lang ang matanda. Nagkunwaring walang narinig.

"Nando'n lang siya sa labas ng operating room sakaling may kakailanganin ang mga doktor," sabi ko kay Boyet.

Nagtanong si Itay kung may chapel ang Heart Center. Nang sinabi kong mayroon, tumayo ito.

"Magpasama na po kayo kay Boyet, 'Tay. Malayu-layo rin iyon," sabi ko sa kanya.

"Huwag na. Hindi naman ako baldado." Tinabig nga nito ang kamay ni Boyet na siyang aalalay sana sa kanya. Nagkatinginan kami ni Inay. Napatirik pa ang mga mata ng nanay ko at sinenyasan niya si Boyet na sundan daw ang ama namin pero huwag magpahalata.

Tapos na kaming magrosaryo ni Inay nang bumalik ang bunso namin na nakangiti nang abot-tainga. Nangunot ang noo naming mag-ina.

"Ate, good news!" bungad agad nito. "Nagpang-abot si Itay at si bayaw sa chapel. Nakita ko silang masinsinang nag-usap. At bago ako umalis, nakita kong pinagmano na ni Itay si bayaw!"

Sa kabila ng pag-aalala sa kalagayan ni Niko, tumalon sa tuwa ang puso ko. Pero bago ako mangarap ng reconciliation, siniguro ko munang hindi ako niloloko ng sira-ulo kong kapatid.

"Pag kami pinagloloko mong bata ka, malilintikan ka sa akin," sabi agad ni Inay.

"Hindi Nay, peks man! Nakita ko po silang mukhang nagkaayos na. Hindi naman pamamanuhin ni Itay iyon kagaya ng ginagawa niya dati kung hindi niya ito napatawad, di po ba?" pangangatwiran aman ni Boyet.

Bago pa kami makasagot, nahagip ng tingin ko sa bandang unahan si Nikola at Itay na sabay na naglalakad papunta sa amin. Base sa pakikitungo nila sa isa't isa mukha ngang nagkaayos na silang dalawa. May umusbong na ligaya sa puso ko.

Nang dumating sila sa harap namin, nagkuwanri ang Inay na walang napansing kakaiba. Gano'n din ang ginawa ko para hindi naman maasiwa si Itay. Inalalayan siya agad ni Boyet sa pag-upo sa bench, pero panay ang kindat nito sa akin na parang nagsasabi ng, "Kita n'yo na?"

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong makapaghuntahan sa amin si Nikolai dahil narinig namin sa paging system na pinapatawag siya ng doktor. Bigla akong pinanlamigan. Binalingan naman niya ako sabay sabi ng, ""Let's go?" Umiling ako agad.

"I – I'll j-just w-wait h-here," nauutal kong sagot. Naunawaan naman niya agad kung bakit. Hindi na siya namilit. Si Boyet ang nagprisintang sumama at silang dalawa nga ang pumunta sa doktor.

Natigil ako sa kaiiyak nang maramdaman ko ang masuyong pag-akbay sa akin ni Itay. Hinagkan niya ang aking sentido sabay bulong ng, "Makakaraos din ang apo ko. Huwag kang mag-alala. Ibabalik ng Diyos sa atin si Niko na mas malakas at mas malusog."

Sinubsob ko na ang mukha sa dibdib ng aking ama. Hinagud-hagod naman niya ang aking likuran. Nakiyakap na rin sa amin si Inay. Pati siya'y umiyak na rin. Natigil lang ang drama namin nang dumating na humahangos si Boyet. Malawak uli ang ngiti nito.

"Ate, tapos na raw ang operasyon at walang naging problema! Maaari na raw nating silipin sa recovery room si Niko mayamaya nang kaunti."

"O, e nasa'n si Nikolai?" tanong ko naman agad.

"Nami-miss mo na ba?" panunukso pa sa akin ng loko-loko. Pasimple ko namang inginuso si Itay. Dinedma niya uli kami. Nagkunwari uling walang narinig.

"Kausap pa siya ng doktor. Pinauna lang ako dahil baka raw nag-aalala ka na nang husto."

Hindi nga nagtagal, sumulpot na rin si Nikolai. Maaliwalas na ang mukha nito. At bago ko pa mahulaan ang gagawin ay nahatak na niya ako patayo at nayakap nang mahigpit. Hindi lang siya nakontento sa mahigpit na yakap. Sa harap ng mga magulang ko't kapatid, siniil niya ako ng halik sa mga labi. Sa una ko lang siya naitulak nang bahagya. Makaraan ang ilang sandali, nagpaubaya na rin ako.

"Mahiya naman kayo sa mga tao, oy," narinig kong singhal sa amin ni Inay. Bigla tuloy akong binitawan ni Nikolai. Napakamot-kamot ito sa ulo at humingi ng paumanhin sa mga magulang ko. Tatawa-tawa naman sa tabi si Boyet. Si Itay ay dedma pa rin. Parang walang nakita. Tuloy ay may pagdududa na ako kung totoo nga bang okay na ulit sa kanya si Nikolai. Baka pinapakitaan niya lang ito nang mabuti dahil kailangan pa ito ni Niko.

"O, ano raw ang sabi ng doktor?" tanong ni Inay para mawala ang pagka-asiwa ng lahat.

Malugod namang nagkuwento si Nikolai. Pero habang ginagawa iyon, nakahawak siya nang mahigpit sa isa kong palad. Maya't maya'y pinipisil-pisil niya ito.

**********

Makalipas ang apat na araw, nailabas na namin sa ospital si Niko. Doon namin siya dineretso sa condo unit ni Nikolai habang ang mga magulang ko nama'y umuwi sa dati naming tinitirhan. Sinundo sila ni Kuya Roman sa condo. At no'n ko nalaman na ilang beses palang pabalik-balik sa dati naming bahay si Nikolai bago niya kami natunton sa Pangasinan.

"Pasensya na. Akala ko kasi, lolokohin ka uli ng lalaking ito, e. Naninigurado lang. Mukha naman kasing pabling itong nobyo mo. Hindi mapagkakatiwalaan ang hitsura."

"Okay lang po, Kuya," nakangiti kong sagot at binulungan ko ito. "Nakakaintindi iyan ng Tagalog."

Napatingin si Kuya Roman kay Nikolai na ngayo'y nakangiti na. Parang nahiya bigla si Kuya.

Nang kaming tatlo na lang, nagkuwento si Niko na may nakita raw siyang malaking mama na nakasuot ng damit ng mga pari. Binantayan daw siya habang natutulog. Ang sabi raw ng mama, huwag daw siyang mag-alala dahil hindi siya iiwan nito. Matulog na lang daw siya nang mabuti. Kaya iyon naman daw ang ginawa niya. Nagulat nga raw siya nang makitang may nakakabit sa kanyang tubo paggising niya.

Nagkatinginan kami ni Nikolai. Dininig ng Diyos ang panalangin namin!

Napabangon ako nang biglang tumunog ang telepono. Napatingin kaming tatlo ro'n. Si Nikolai ang tumayo par sumagot no'n. May nakalimutan kaya sila Inay?

Nang marinig kong nag-Norwegian na si Nikolai, may kumabog sa dibdib ko. Parang kilala ko kasi ang kausap niya. Nang hinaan niya bigla ang boses, lalo akong nag-alala. Ganunpaman, sinikap kong huwag magpa-apekto. I exerted a lot of effort para magmukhang masaya pa rin sa kabila ng lahat.

"Sabi nila Lola, Mama, dati raw po ay pumunta kayo sa country nila Papa. Ba't hindi n'yo ako sinama? Gusto ko po sanang makakita ng snow."

Narinig kong napahagikhik si Nikolai. Lumapit na ito sa amin at nahiga rin sa tabi ng anak..

"You will soon see a lot of snow, baby, and we will make a biiiiig snow man."

"Ano raw iyon, Mama?"

Pinaliwanag ko naman iyon sa kanya at masuyong binulungan ng, "Anak, pahinga ka na. Gabi na, e. Bukas ulit?"

Tumangu-tango naman siya at pumikit.

Nang tulog na si Niko, lumabas ako saglit ng kuwarto. Hindi ko kayang manatili ro'n habang may kinikimkim sa dibdib. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Nikolai. Muntik na akong mapasigaw nang bigla na lang siyang nagsalita sa likuran ko.

"Ano ka ba? Nanggugulat ka naman, e!"

Tumawa siya nang mahina at humingi ng dispensa.

"About that call – "

"It's none of my business," putol ko agad.

"It's your business now. You have the right to know everything as my girlfriend."

"Girlfriend?" Kami na pala uli? Tange! E nakipaghalikan na kaya sa kanya. Siyempre, ano pa nga ba? Kunwari ka pa. Pinagalitan ko ang munting tinig sa kaloob-looban ko at hinarap siya.

"Yes, you are," pabulong niyang sagot at hinuli niya ang dalawa kong palad. Papalag pa sana ako, pero mahigpit niya itong hinawakan. "That was Anika. She just called to tell me that our daughter was rushed to the hospital. She has bronchitis."

"Oh my God! Bronchitis?" Kinabahan agad ako. Sa karanasan ko kasi kay Niko, alam kong hindi biro ang bronchitis para sa bata. Sakitin pa naman ang batang iyon.

"Yeah," at ngumiti nang may lungkot sa mga mata si Nikolai.

May kakaibang takot na dumaklot sa puso ko. Paano na? Uuwi na ba siya sa kanila? Iyon ba ang sasabihin niya sa akin ngayon? Paano uli kami?

"I cannot stay here for a long time. That's why I want you to know that – that," at bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Bigla akong naliyo. Nagbalikan ang alaala ng una niyang pag-propose sa akin. Kasabay no'n ang takot na baka mauwi na naman sa luha't pighati ang lahat.

"Will you marry me?" madamdamin niyang tanong.

Napahagulgol ako. Napatayo naman siya bigla at niyakap ako.

"What's wrong?" tanong niya. Naramdaman ko ang malakas na kabog ng dibdib niya. Tila repleksiyon ng nararamdaman ko sa mga oras na iyon.

"I'm scared," pag-amin ko. "I'm scared," ulit ko sa halos namamaos na boses.

Sinapo ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko at masuyo akong hinagkan sa mga labi.

"Don't be. This time, no one and nothing could stop us from getting back together. I love you so much and I don't want to lose you again."

Kahit may agam-agam pang nadarama, binigay ko uli ang matamis kong 'oo'.

i


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store