ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER TWENTY-THREE

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Excited si Niko nang umagang iyon. Ang aga niyang nagising. Tumakbo siya agad sa amin ni Inay sa kusina at masayang binalita na pumayag daw ang papa niyang sumama sa school nang araw na iyon. Paglingon ko, nagkasalubong ang mga mata namin ni Nikolai. Kaagad akong umiwas ng tingin dahil nakita kong nakakamiseta na lang siya at pantalong maong. Mukhang kagigising lang din, pero iyong tipong parang modelo ng Levi's na nagkukunwa-kunwarian lang na bagong gising. Tumambling-tambling tuloy sa kilig ang puso ko.

"Mama, mapapakilala ko na rin siya sa wakas sa mga classmates ko! Makikita na rin nila sa wakas ang papa ko! Tsaka malalaman nila na hindi ako nagsisinungaling! May papa ako! Yohoo!" At pumalakpak pa siya bago tumakbo sa papa niya. Hinila niya ito pabalik sa kuwarto namin kung saan sila natulog na mag-ama. May ipapakita raw siyang mga larawan ng mga classmates niya.

Nang wala na silang mag-ama sa kusina, napahikbi si Inay. Nangunot ang noo ko.

"Bakit po, Nay?"

Umiling-iling siya sabay sabi ng, "Wala."

Hindi na rin ako nagpumilit pang mang-usisa. Palagay ko pareho kami ng iniisip. Paano na kaya kapag bumalik ng Norway si Nikolai? Paano na si Niko? Naisip ko pa lang ang magiging reaksiyon ng anak ko, naiiyak din ako.

"Ano'ng plano niyong dalawa?" bigla na lang ay tanong ni Inay nang humupa na ang silakbo ng kanyang damdamin. Hindi ako nakasagot agad. Wala naman kasi kaming kongkretong napag-usapan ni Nikolai. Ang alam ko lang hiniwalayan na niya ang bruhang Anika. Nagparamdam siya noon sa akin nang una niyang punta rito, pero dahil nga sa ginawa ni Itay naudlot lahat. Kahapon nagpakita na naman siya ng kaunting motibo, pero hindi ko alam kung sapat na iyon para pagkatiwalaan ko na naman siya. Ang sabi niya sa akin mag-uusap daw kami. Ang inaalala ko baka tungkol lang iyon kay Niko. Baka...

"Wala ba siyang sinabi kung may plano siyang makipagbalikan sa iyo?"

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Iniwas ko ang mga mata sa mapanuring tingin ni Inay.

"Leigh Marie tinatanong kita," untag niya.

"W-Wala p-pa ho kaming napag-usapan tungkol diyan. Dapat po kasi sana mag-uusap kami no'ng una niyang punta rito, kaso pinalayas siya agad ni Itay."

Napabuntong-hininga ang nanay ko. Hindi na siya nagpatuloy sa pag-uungkat ng tungkol do'n dahil dumating sa kusina ang Itay. Humihingi ng kape.

Nang maihanda namin ang almusal sa mesa, pinatawag sa akin ang mag-ama ko. Nagbigay galang agad si Nikolai kay Itay, pero hindi siya pinansin nito. Si Niko nama'y masayang nagmano rito. Binalita pa niyang sasama raw sa school nila ang kanayang papa. Nakita kong naningkit ang mga mata ni Itay, pero hindi na nagkomento pa. Matapos niyang mabasbasan si Niko ay tahimik itong bumalik sa silid nila ni Inay.

Tumabi si Niko sa ama at siya ang nagpaliwanag ng mga pagkain sa mesa dahil medyo natigilan nang kaunti si Nikolai. Panay pa ang paasimple niyang pagkusot sa ilong. Paano ba naman naghanda pa ng pritong tuyo ang nanay ko. Paborito kasi nilang iulam iyon ni Boyet sa sinangag. Palagay ko nababahuan do'n ang kumag.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, Nay, huwag ka na sanang maghanda niyan ngayong umaga, e," anas ko habang nilalayo iyon kay Nikolai.

"Aba, bisita lang siya rito. Huwag siyang mag-iinarte!" asik naman nito. Pinandilatan ko siya agad. I mouthed the words, "Nakakaintindi iyan ng Tagalog."

Nagulat si Inay. Napasulyap agad ito kay Nikolai na ngayo'y nagkukunwa-kunwarian namang walang narinig.

Nilayo ko na sana ang tuyo sa harapan nito, pero dinukwang naman iyon ni Niko at nilapit pa sa ama habang nagpapaliwanag. "Papa, this is tuyo," at humagikhik pa. "This is masarap. Kaso ayaw itong ipaulam ni Mama at ni Lola sa akin dahil bad daw for me. Pero paminsan-minsan kumakain din ako nito. Try mo. You want?"

"Niko, anak," saway ko sa kanya.

"Bakit Mama?"

Umiling-iling ako sa kanya. Napalingon agad ito sa ama.

"Okay, I'll try," nakangiti namang sagot ni Nikolai sa anak. Pagkasabi no'n mabilis na nilagyan ni Niko ng tuyo ang plato niya. Tinusok naman agad ito ni Nikolai gamit ang tinidor. Dahil sa katigasan ng tuyo, hindi bumaon ang pantusok. Sa halip, tumalsik ito sa plato ni Niko. Humagalpak ng tawa ang bata.

"Hindi kasi tinitinidor iyan, Papa!" ang sabi pa nito habang tumatawa. Dinampot nito ang tuyo at pinakita sa ama kung paano dapat ito kainin. Kumurot pa ito ng kaunti at sinubuan nito si Nikolai. Nakita kong nag-iba ang kulay sa mukha ng huli, pero pinilit pa ring lunukin ang isinubo ng anak. Uminom agad ito ng tubig pagkatapos.

"Pogi tama na iyan. Hindi sanay diyan ang Papa mo."

"Okay. Ito naman Papa. Ang tawag namin dito, longganisa. This is espesyal," at humagikhik uli ito. Sa tuwing napapainggles ng baluktot ay napapatawa.

Tahimik ko silang pinagmasdang mag-ama. Paminsan-minsan ay napapasali rin ako sa usapan nilang dalawa, pero mas lamang na hinayaan ko na lamang sila. Nahagip ng tingin ko ang tahimik na pagpahid ni Inay ng nangilid niyang luha. Nagkunwari akong walang nakita.

Sa una lang medyo aloof ang nanay ko kay Nikolai. Nang bandang huli'y sumasali na rin siya sa harutan ng mag-ama. Nanumbalik ang dati niyang pakikitungo sa original na Pogi. Nang matapos ang almusal naming apat, nakipagbiruan na siya kay Nikolai. Tulad dati. Katatapos lang namin lahat nang lumabas si Boyet mula sa kuwarto at uminat-inat.

"Ang sabi ko sa iyo tigil-tigilan mo na iyang kalalaro ng video games at lagi kang nagigisng ng tanghali. Hala, mag-almusal ka na't male-late ka na rin sa klase," pangaral kaagad ni Inay rito. Hindi siya pinansin ng kapatid ko. Lumapit ito kay Nikolai at bumati.

"Hi Bayaw! Did you have a good sleep?" Bayaw? Tinapunan ko siya nang matalim na tingin.

"Oh yeah. Thanks to this little fella," sagot naman ni Nikolai at ginulu-gulo ang buhok ni Niko.

"Tito Boyet, sasama ngayon sa school si Papa!"

"Anak, halika na at pupunasan na kita. Kailangan mo pang mag-toothbrush," sabi ko naman.

"Pwedeng sabay na lang kami ni Papa?" tanong niya sa akin. Nilingon pa nito si Nikolai at tinanong. "Papa, maliligo ka ba? Sabay na lang ako sa iyo."

Pagka-oo ni Nikolai hinila na ito ni Niko sa banyo. Namroblema tuloy ako. Ano ang pamalit ni Nikolai? Alam ko namang hindi ito nakapaghanda dahil madalian ang pagkakatigil niya sa amin. Pero nagulat ako nang mayamaya'y may inabot sa aking supot si Boyet.

"Pamalit iyan ng jowa mo. Pinabili niya sa akin kagabi. Hindi ko lang naibigay dahil natutulog na sila ni Niko pagdating ko."

Aba, may diskarte rin ang kumag.

Pumasok ako sa kuwarto at binuksan ko ang supot. Pinamulahan ako ng mukha pagkakita sa kulay puting boxer briefs. at puting t-shirt ng kilalang local brand. Lumitaw sa imahinasyon ko ang alaala ni Nikolai na nasa ganoong kaayusan. At lalong nag-init ang mukha ko. Bago pa matuloy sa kung anu-ano iyon, binalik ko sila sa supot at pinatong sa kama. Hinanda ko ang school uniform ni Niko at maayos iyong nilapag sa tabi ng supot. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang pumasok ang mag-ama. Napahawak agad ako sa dibdib nang makita si Nikolai na nakatapi lang ng tuwalya. Nang magtama ang paningin namin, kumislap ang mga mata nito. Parang tinutukso ako. Si Niko nama'y oblivious sa sexual tension na namamagitan sa pagitan namin ng papa niya. Para pagtakpan ang discomfort, pinaliwanag ko ang mga dapat isuot ni Niko nang araw na iyon at lalabas na sana ako nang magsalita siya.

"You're already here. Why don't you show me how you do it so I can do it next time?"

Magpo-protesta pa sana ako, pero tumalikod na siya pagkadampot sa supot. Wala akong nagawa kundi tumalima. Pero ganun na lang ang pagkagulat ko nang walang kaabog-abog siyang nagsuot ng brief do'n lang sa tabi namin ni Niko. Pakiramdam ko sinilaban ang buo kong katawan. Lalo pa akong pinamulahan nang itapon niya sa silya sa harap ng dresser ko ang tuwalya at magsuot ng t-shirt. Napapiksi ako nang marinig ko siyang tumawa nang mahina. Kaagad akong napaharap kay Niko. Bwisit! He caught me staring at him! Ang tanga ko talaga!

"Ba't ka mainit, Mama? May lagnat ka ba?" at sinapo ni Niko ang pisngi ko. Nangunot pa ang noo niya. Hindi siya nagkasya lang sa pagsalat ng pisngi ko. Pati leeg ko'y tsinek rin niya.

"Walang lagnat ang Mama," halos pabulong kong sabi. At kamuntik nang mapalingon uli kay Nikolai dahil narinig ko na naman ang mahihina niyang tawa. Napakagat ako ng labi. Nang mabihisan ko si Niko, lumabas na ako ng kuwarto. Tinapunan ko nang matalim na tingin si Nikolai on my way out. Ngumiti lang ang kumag sa akin. Bago ko naisara ang pinto, narinig ko uli siyang tumawa nang mahina. Nanggigil ako, pero ayaw ko namang mahalata ni Niko ang pagkulo ng dugo ko sa ama niya. Sa halip na patulan ang kumag, minabuti ko na lang maligo at maghanda rin para sa paghatid kay Niko sa eskwelahan nila.

**********

Habang tinitingnan ko ang anak na proud na nagpapakilala sa ama sa mga guro niya't kaeskwela, nalungkot ako. Hindi ko kasi alam na ganoon pala ang pananabik niya sa papa niya. All along ay inisip kong sapat na ako para sa kanya. Na-guilty tuloy ako nang sobra.

"Ang guwapo pala ng papa ni Niko!" Narinig kong bulung-bulongan ng mga bata-batang gurong babae. Kilig na kilig sila. Nang makita nila ako sa isang tabi, tumahimik sila at magalang na bumati. Nakita ko pa ang ibang guro na nag-anasan sabay pasimpleng nagsulyapan sa akin. May narinig pa akong nagsabi ng, "Ano ang ginusto do'n ni Mr. Bjornsen? Hindi naman kagandahan, a? Ang losyang pa! Talaga ngang walang taste ang mga foreigner!"

"Ano ka ba? Marinig ka!" saway naman ng isa. Nang sumulyap ito sa akin, nginitian ako nang alanganin. Ngumiti naman ako nang bahagya sa kanya. Manigas kayo sa inggit! Mga bruha!

Kahit na pinipilit kong huwag magpa-apekto, hindi maalis sa isipan ko ang sinabi ng isang guro na losyang na raw ako. Kaya naghanap ako ng malapit na CR at binistahan ang sarili. Sa suot kong ruffle lace chiffon short jumpsuits sinabihan pa akong losyang? Hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko, pero well-toned ang mga braso ko't hita. Hindi man ako mestisahin, hindi naman ako maitim. Tsaka kung ikompara sa kanila mas may tindig ako. Buti pa nga ako dahil kahit may anak na'y napanatili kong flat ang tiyan. E sila? Teka, ba't ako nagpapaapekto sa mga iyon? Sila ang hindi kagandahan! Dahil bukod sa pandak na'y mga matataba pa! Kainis!

Paglabas ko ng CR, humahangos na sinalubong ako ng adviser ni Niko. Hinimatay raw ang anak ko. Tumakbo kami pareho sa kinaroroonan nila Niko at Nikolai. Nahimasmasan na si Niko habang kalong-kalong ng ama na ngayo'y busy sa pakikipag-usap sa telepono.

"M-mama!" tawag agad nito sa akin nang makita ako. Inunat nito ang kamay sa direksiyon ko.

"Anak! Okay ka lang ba? Ano'ng nangyari?"

"D-Di ko alam. Nahilo ako."

"We are bringing him to the Heart Center today," maotoridad na sabi sa akin ni Nikolai sabay baba sa cell phone. Bakas sa mukha ang labis na pag-aalala.

"Why don't we consult his cardiologist first?"

"There's no time. The chopper will be here in a few minutes."

"Anong chopper? Teka!" Protesta ko.

No'n pumagitna sa amin ang school nurse at nagpaliwanag kung ano'ng nangyari. Habang masaya raw na nakikipaghabulan sa playground si Niko bigla na lang itong hinimatay. Ang kuwento pa ng nurse, hindi raw iyon ang unang pagkakataong nawalan ng malay ang anak ko sa school. Kaagad akong inatake ng nerbiyos.

"Ba't hindi n'yo sinabi ito sa akin?"

"Alam po ng nanay n'yo, Ma'am. Nasabi namin sa kanya. Pero ang sabi naman niya ay regular naman daw napapatingnan sa doktor si Nikolaus kaya okay lang daw po."

Nagngitngit ang kalooban ko kay Inay. Ni wala siyang nabanggit tungkol do'n. Pagagalitan ko pa sana ang nurse, pero inawat na ako ni Nikolai.

Mayamaya pa nagkagulo na sa school dahil may lumapag na helicopter sa open field ng school. Magalang na nagpaalam si Nikolai sa mga guro. Hinawakan niya ako sa braso at inalalayan papunta sa chopper habang ang isa niyang kamay ay nakasuporta kay Niko na ngayo'y kapit-tuko sa kanya.

"Ang Inay. Hindi nila alam na luluwas tayo ng Maynila."

"I already called them up and explained the situation. Don't worry."

Bago magtanghali, nasa harap na kami ng sinasabi ni Nikolai na cardiologist sa Heart Center na nakausap niya no'ng isang linggo.

"Kumusta, Pogi?" magiliw na bati ng doktora kay Niko nang makita ito.

"Gusto kong makita si Lola," sagot naman ng anak ko. Sa akin nakatingin. Hindi niya pinansin ang doktor.

"Uuwi rin tayo agad. Kailangang matingnan ka lang ng doktor ngayon."

"Ba't hindi tayo do'n kay Doc Beauty?"

Napatingin sa akin ang doktora. Mabilis kong pinaliwanag na ganoon kung tawagin ni Niko ang batang-bata niyang cardiologist sa probinsya. Napatangu-tango naman ito at ineksamin na si Niko. Mayamaya pa ay pinahiga nito sa kama ang bata at isinagawa niya ang echocardiogram. Ako nama'y hindi mapakali. Abot-langit ang kaba ko, samantalang cool lang si Nikolai. Siguro na-sense niya ang nerbiyos ko dahil hinuli niya ang isa kong kamay at pinisil. Ang lamig ng palad niya! Napatingin agad ako sa mukha niya.

Nang matapos ang eksaminasyon, kapwa kami napalunok nang ilang beses. Inesplika kasi sa amin ng doktora na mayroon daw PDA ang baby namin. Pagkasabi nitong "PDA" nangunot agad ang noo ko. Ang alam ko lang kasing PDA ay public display of affection.

"Ang ibig kong sabihin ay patent ductus arteriosus, Misis," nakangiting paliwanag ng doktora. Sinabi nitong normal naman ang puso ni Niko. Ang problema lang ay ang nakabukas pa rin nitong ductus arteriosus kung kaya madali siyang mapagod.

"Paanong normal po ang puso niya? Ang sabi sa akin ng cardiologist niya sa bayan namin, may butas pa po ang puso niya," sabi ko naman.

Nangunot ang noo ng doktora. "Well, base naman sa eksaminasyon ko ang problema ng anak n'yo ay ang nakabukas niyang ductus arteriosus. Dahil open ito, naghahalo ang oxygen-rich blood na nagmumula sa kanyang aorta at oxygen-poor blood from his pulmonary artery. This exerts a lot of strain on his heart and increase blood pressure in his lung arteries. Kaya iyan ang dahilan kung bakit payat siya for his age."

"Ano pong mangyayari sa anak ko?" nininerbiyos kong tanong.

"Mamamatay na ba ako, Mama?" malungkot namang tanong ni Niko. Nayanig ako sa narinig. Kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha ko. Bumaba ang mukha ko sa maliit niyang dibdib at hinagkan ko ang kanyang puso. Naramdaman ko ang masuyong paghagod ni Nikolai sa aking likuran.

Napaupo lang ulit ako nang matuwid nang marinig kong natawa ang doktora. "Of course not, Pogi. Mahaba pa ang magiging buhay mo. Kaya ka nga narito, 'di ba? Gagamutin kita."

Dahil nininerbiyos na ako, si Nikolai na ang nagtanong kung ano ang pwedeng gawin kay Niko para maayos ang problema ng puso niya.

"Kailangan natin ng surgery as soon as possible. Madali lang naman ang gagawing procedure sa kanya. Siguro it will only take about two to three hours. Tatahiin lang ang nakabukas niyang ductus arteriosus."

Ooperahan ang anak ko? No! Napahagulgol ako. Maisip ko lang na bibiyakin ang dibdib ng baby ko naninigas na ang katawan ko. Niyakap ako ni Nikolai.

"Ssshhh, stop crying. You're making our baby worry," anas nito sa akin. Lumayo siya nang kaunti at pinahiran ang mga luha ko tsaka inalalayan nito sa pagbangon si Niko. Kinandong niya ito at niyakap niya kaming mag-ina nang mahigpit na mahigpit.

"I love you both," paulit-ulit niyang bulong sa akin.

Nang marinig ko iyon, saglit na natigil ang pagsinghot ko at napatingin ako sa kanya. Nakapikit na siya at basa na rin ng luha ang kanyang pisngi.


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store