BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)
CHAPTER TWENTY-FIVE
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
**********
Nang magkatinginan kami, nanginig ang tuhod ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko't kumabog nang todo ang puso ko. Daig ko pa'ng tinedyer na nakipagtitigan sa crush niya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kung kaya umiwas ako ng tingin. Masuyo niyang hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahang bumaba ang kanyang mukha. Awtomatiko akong napapikit. Kahit hindi iyon ang una naming halik, pakiramdam ko parang first time ulit. Pinagpawisan ako kahit na malakas ang aircon sa condo niya.
Nangako ako sa sariling hindi patutukso, pero nang buhatin niya ako patungo sa kanyang silid hindi ko nakuhang magprotesta. Ang isang bahagi ng utak ko ay naghuhumiyaw na huwag akong tanga, pero walang lakas na tumutol ang katawan ko sa mga haplos niya't halik. Nang maramdaman ko ang mga kamay niyang masuyong humahaplos sa maseselang bahagi ng aking katawan, napaigtad ako. Grabe ang pagpipigil kong umungol, pero nakawala pa rin. Parang iyon lang ang hinintay niya bago maghubad ng t-shirt at pantalon. Itinira niya ang boxer shorts bago dahan-dahang tumabi sa akin. Napatingin agad ako sa umbok ng kanyang harapan at napalunok ako nang ilang beses. Nang mapatingin ako sa kanya, nakita ko siyang nakatunghay sa akin. Nakangiti. Hinaplos niya ang pisngi ko't siniil ako ng halik sa labi. Napaigtad ako nang maramdaman ang matigas na kung ano na tumutusuk-tusok sa hita ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kasabay ng paghuli niya sa isa kong kamay. Binaba niya iyon at pinadama sa akin ang naghuhumindig na simbolo ng kanyang pagnanasa. Napasinghap ako.
"I missed you so much," anas niya sa akin. "I've been dreaming about this for so long. I never thought that this could happen again."
Kung kanina mayroon pa akong mga agam-agam, ngayo'y wala na. Imbes na sagutin siya, dahan-dahan kong pinasok ang kamay sa loob ng kanyang boxer briefs. Napaungol siya. At biglang naging mapusok ang mga halik niya. Naramdaman ko rin ang pagbaba ng isa niyang kamay. Pumasok iyon sa shorts ko at sinapo ang sugpungan ng mga hita ko. Nakagat ko ang labi nang maramdaman ang init ng kanyang palad.
"You're wet. I love it," bulong niya. Puno ng pagnanasa ang boses. Kasunod no'n, isa-isang nagliparan ang mga saplot ko. Bago siya pumuwesto sa pagitan ng mga tuhod ko, tumingin muna siya sa akin na parang humihingi ng permiso. Masuyo kong hinawakan ang batok niya at hinila siya pababa. Iyon lang ang hinintay niya at pinag-isa na niya ang aming katawan. Napaungol ako nang ilang beses. Siguro naging motibasyon iyon para sa kanya para bilisan niya ang paggalaw. Napakapit ako sa headboard ng kama. Grabe. Parang mababaliw ako sa nadaramang sensasyon. Pinipigilan kong umungol, pero hindi ko magawa. Para akong pusang nahihirapan. Mayamaya pa, gumulong siya kasama ako. Nagpalit kami ng puwesto. Ako naman ngayon ang nasa itaas. Pinisil-pisil niya ang umbok ng aking pang-upo at tinulungan niya ako sa pagtaas-baba. Kalaunan, kusa na ring umindayog ang aking katawan na tila nangangabayo. Narinig ko siyang napaungol nang ilang beses.
"Shit, babe! I can't hold it anymore. Are you ready?"
Napatango lang ako sabay nang impit na ungol. Naramdaman ko na lang na may bumulwak na kung anong mainit na likido sa kaloob-looban ko. Kasabay no'n ang sa akin. Hinila niya ako pababa at niyakap nang mahigpit na mahigpit sabay bulong ng, "I love you, Leigh. Jeg elsker deg (I love you)."
"I-I love you, t-too, N-Nikolai," nahihiya kong sagot.
**********
Napatingin kaming mag-ina sa labas ng bintana ng kotse. Parang hindi pamilyar ang dinadaanan naming kalye. Ang sabi kanina ni Nikolai may pupuntahan kaming espesyal. Saan kaya kami dadalhin ng mokong na ito?
Mayamaya pa, pumasok na ang sasakyan sa parking lot ng isang malaking building. Nang sumilip ako sa bintana, nahagip ng aking paningin ang napakapaskil na pangalan sa gusali: Hall of Justice. Nangunot ang noo ko. Ano ang gagawin namin do'n?
"We're here," nakangiti niyang sabi sabay lingon sa aming mag-ina.
"Saan po tayo, Papa?" tanong agad ni Niko sabay silip sa bintana. "Hindi naman 'to mall, e. Ano ang gagawin natin dito?"
"You'll see," at ngumiti ito sabay suot ng sunglasses. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan kami ng pintuan. Pagkalabas namin, binuhat niya si Niko at inalalayan ako sa paglakad.
"Are we visiting somebody here?" tanong ko. Imbes na ako'y sagutin, ngumiti lang siya. "What?" tanong ko ulit. Kasabay no'n, may sumaging ideya sa isipan ko. Bigla akong kinabahang hindi mawari. Pilit kong itinataboy iyon sa isipan. Ayaw kong umasa.
Pagdating namin sa pangatlong palapag, nakita ko si Boyet. Nakapormal ito. Sinalubong niya kami nang malawak na ngiti. Napahiyaw sa galak si Niko nang makita ang Tito Boyet niya.
"Ang tagal n'yo naman, grabe. Naiinip na sina Itay at Inay. Kung anu-ano na nga ang naiisip namin," sabi pa nito na lalong ikinakunot ng noo ko.
Kinuha ni Boyet kay Nikolai si Niko at ito na ang nagbuhat sa bata. Nauna na sila sa amin papunta sa isang silid.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" baling ko kay Nikolai sa salita nila.
"You're so impatient, babe. You'll know in a few minutes."
Sinimangutan ko siya. Tumawa lang ang mokong.
Nagulat ako nang makita ang mga magulang kong naghihintay sa amin sa loob ng isang silid. Dumagundong ang puso ko. Parang bigla akong nabingi sa buzz-buzz ng mga bubuyog sa aking tainga. Ang lalo kong ikinagulat ay ang makita roon si Mr. Petersen. Ang may-ari ng pinapagawang hotel sa pinapasukan kong construction firm dati. Magiliw niya kaming binati. Mayamaya pa, may lumabas mula sa isa pang silid na nasa loob ng upisinang iyon. Halos lumuwa ang mga mata ko sa nakita.
"Boss!"
"Kumusta, Leigh?" Abot-tenga ang ngiti ni Boss. Kabuntot ng dati kong bosing ang isang mama na sa tingin ko'y may-ari ng upisinang iyon.
"Are these the couple?" tanong nito habang nakatingin sa amin ni Nikolai. Pinakilala naman agad kami ni Boss sa kanya. Judge Razon? Teka.
Nang mapatingin ako kay Nikolai, nagtama ang aming paningin. Seryoso na ang mukha nito at mataman akong pinagmamasdan.
"We're getting married," sabi niya sa mahinang tinig. Bigla akong naliyo. No'n naman dumating si Kuya at ang kanyang pamilya. Napaiyak na ako.
"Hey," alo ni Nikolai sa akin. Niyakap niya ako at hinagkan sa noo. Narinig kong nagpalakpakan ang nasa paligid namin.
Dahil parang nakalutang sa alapaap, hindi ko masyadong namalayan ang mga kaganapan sa paligid. Sunud-sunuran ako sa sabi ng huwes. Nahiya ako nang tinanong niya kami tungkol sa vow. Wala kasi akong naihanda kung kaya ginamit ko na lang ang bigay niya. Si Nikolai nama'y may nilabas na kodigo. Binasa niya ito sa akin. At naluha na naman ako.
Nang matapos ang seremonya, nakita kong nagpahid din ng luha ang aking mga magulang. Napansin kong may pag-aalinlangan sila sa mga bisita namin. Pero dahil sa kadaldalan ni Boss, madaling napalagay ang loob ni Inay. Nang malaman niyang dati ko itong bosing, naging magiliw na siya rito. Maging sina Itay at Kuya.
"Ang pogi nitong anak mo, Leigh. Palagay ko'y marami itong paiiyaking chicks paglaki niya." Binalingan nito si Niko at sinabing, "May girlfriend ka na ba, Pogi?"
Ngumiti si Niko na parang nahihiya. Kinulit siya nang kinulit ni Boss. Mayamaya'y tumango ito at tumingin sa akin. Nabigla ako do'n. Narinig ko namang tumawa si Nikolai.
"Ay, paano iyan? Bistado ka na ni Mama?" biro sa kanya ni Boyet. Tumingin uli si Niko sa akin na tila hiyang-hiya bago yumakap sa tiyuhin.
**********
May kung anong humaplos sa puso ko nang masilayang muli si Mrs. Nielsen. Nakaabang ito sa labas ng mansyon kasama ang kanyang caregiver. Pagbaba namin sa kotse, sumugod agad ng yakap sa kanya si Nikolai. Nakita kong umiyak ang matanda habang niyayakap ang apo.
"Mabuti't nagtagumpay ka, apo," madamdamin nitong bulong kay Nikolai. Yumakap naman nang mahigpit sa lola niya ang asawa ko. Mayamaya pa, naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Niko.
"Sino iyan, Mama?"
"Lola siya ng Papa mo."
Nangunot ang noo ni Niko. "Buhay pa ang lola ni Papa?"
Ginulu-gulo ko ang buhok niya. Humilig siya sa baywang ko.
Nang kumalas sa pagkayakap ng matanda si Nikolai, nilingon niya kami at sinenyasang lumapit. Malawak na ang ngiti ni Mrs. Nielsen. Binuka nito ang dalawang braso. Lumuhod ako sa harap niya at yumakap din. Naramdaman ko ang masuyo niyang paghalik sa aking ulo.
"Is this the little boy?" tanong niya sa akin habang nakatingin kay Niko sa tabi ko. Nang tumango ako, nginitian niya ang anak ko't sinenyasang lumapit. Saglit lang na nag-atubili si Niko at yumakap na rin ito sa great-grandmother niya..
Kapapasok lang namin sa loob ng mansyon nang may dumating na kotse. Tumalima ang caregiver ni Mrs. Nielsen at pinagbuksan ng pinto ang mga bisita. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko si Anika. Kasama niyang pumasok ng bahay ang anak nila ni Nikolai.
"Papa!" sigaw agad ng bata. May pananabik. Tumakbo ito sa ama at yumakap. Dinampot siya ni Nikolai at pinupog ng halik. "Na-miss kita Papa!" sabi pa nito sa lenggwahe nila.
Naramdaman kong napakapit nang mahigpit sa kamay ko si Niko. Nang balingan ko siya, matiim siyang nakatingin sa ama at sa batang babae na kalong-kalong nito. Ginulu-gulo ko uli ang buhok ni Niko. Hindi niya iyon pinansin. Titig na titig lang siya sa ama at sa half-sister.
Nang mapatingin ako sa mag-ama, nahagip ng tingin ko ang mga titig ni Anika. For a while, nakitaan ko iyon ng talim. Pero kaagad din namang nawala iyon. Ngumiti siya sa akin.
"Hei, Leigh. (Hi, Leigh)."
Gumanti rin ako ng pagbati. Tsinika niya ako na parang walang nangyari sa pagitan naming tatlo. Ako ang naasiwa. Nang makita nito si Niko, ayon na naman ang talim sa mga titig niya. Napakurap-kurap pa siya. At nang bumaling uli sa akin, nakangiti na.
"Is this the little boy?" tanong niya sa akin sa extra sweet na boses. Napakapit nang mahigpit sa kamay ko si Niko. Tumingin siya kay Anika nang may pagdududa.
"Yeah. This is Niko –"
"Niko? As in Nikolai Junior?" putol niya sa akin at parang naningkit pa ang kanyang mga mata sa kabiglaanan.
"No. Niko – short for Nikolaus," paliwanag ko naman.
Saglit na tumaas ang kilay niya. Pretensyosa talaga ang babaeng ito. Kung bakit nagpupumilit na maging magiliw sa aming mag-ina kung hindi rin bukal sa kalooban.
"For a while, I also thought that Leigh named our boy after me," nakatawang sabat ni Nikolai sa likuran namin.
"She named him after you. Nikolaus is a variation of Nikolai," sagot naman ni Anika. May kaunting bitterness akong narinig sa boses niya.
Sa tagal ng pakikipagplastikan namin ni Anika, nanatiling tikom ang bibig ni Mrs. Nielsen. Sa batang babae lang ito bumati. Siya ang nagpakila sa dalawang bata. Kahit naiinis ako kay Anika, parang naantig naman ang damdamin ko nang makita ko ang lungkot sa mga mata ng little girl nang malamang kapatid niya si Niko. Ganunpaman, lumapit ito at humalik sa pisngi ng anak ko. Parang nahiya ang little boy ko. Napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya.
Nang makaalis sila Anika, tanong nang tanong sa akin si Niko kung kailan babalik ang batang babae. May excitement sa kanyang boses. Nangunot ang noo ko.
"Ang ganda-ganda niya, Mama!" bulong niya sa akin na parang kinikilig. "Para siyang manika. Ang pula-pula ng lips niya!"
Narinig kong tumawa nang mahina si Nikolai. Kinurut-kurot niya ang pisngi ni Niko na parang amused na amused.
"Anak, Ate Thea mo siya."
Parang walang narinig si Niko.
"Kailan siya uli babalik dito?" pangungulit niya sa akin.
"Nak, narinig mo ba si Mama? Ate Thea mo nga iyon, e."
Hindi ako pinansin ni Niko. Binalingan nito ang ama. "Papa, gusto ko siya uli makita."
Napangit nang malawak si Nikolai. "Sure," sagot nito at napaluhod sa harap ni Niko. Tinudyu-tudyo pa nito ang anak kong crush daw ba niya si Thea.
"Nikolai! Ano ka ba? Alam mo ba kung ano'ng pinagsasabi mo? Binubuyo mo pa ang anak mo, alam mo namang hindi pwede," naiinis kong sabi.
Tumayo si Nikolai sabay pisil ng balikat ko.
"Relax. They're not related."
Nayanig ako sa narinig.
"What?!" naibulalas ko.
Lumapit ito sa refrigerator na nasa likuran ko at kumuha ng isang lata ng beer. Tumungga muna ito bago nagpaliwanag. Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Saka ko naalala ang eksenang nasaksihan ko minsan sa isang coffee house sa Undheim. Naikuwento ko tuloy iyon.
"Iyon ba ang ama?"
"Yeah," kaswal namang sagot ni Nikolai. Parang walang pakialam. Nang tanungin ko kung bakit parang wala lang iyon sa kanya gayong matagal na siyang niloloko ni Anika, nagkibit-balikat lang ang mokong. Hindi naman daw kasi importante sa kanya iyon. "Napasubo lang naman ako noon dahil inakala kong akin ang bata. But when I discovered that it was not mine, I was kind of relieved. I didn't know why. When I saw you again at the nursing home for the first time after many years, that's when I knew. Ayaw ko palang magkaanak sa iba."
Napaawang na naman ang mga labi ko sa narinig. Lumapit siya sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Napabungisngis pa siya nang makitang parang shocked na naman ako. Pinisil niya ang baba ko bago niya ako bigyan ng light kiss sa mga labi.
"Papa, kailan siya uli pupunta rito?" untag ni Niko. Hinihila na nito ang t-shirt ng ama. Mukhang impatient na siya.
Nagkatinginan kami ni Nikolai at napangiti na ako.
"Soon," sagot naman dito ng asawa ko.
"Kailan iyong soon? Bukas?"
Tumawa na kami pareho. Yumuko si Nikolai at binuhat si Niko. May binulung-bulong ito sa anak namin. Naghagikhikan silang mag-ama. Napailing-iling ako.
For the first time, nakampante ang aking kalooban. No'n ko na-realize na ang babaeng pinagselosan ko simula't sapol ay wala naman palang pinanghahawakan sa lalaking mahal ko. I've never been happier.
**********
A/N: At dito na po nagwawakas ang kuwento nila Leigh at Nikolai. Ang kasunod po nito ay Epilogue na. Thanks for all your support.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store