ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

EPILOGUE

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Nag-bounce back na naman ang email ko. Bakit kaya? Ang alam ko, iyon lang naman ang email address niya. Napahinga ako nang malalim. Feeling frustrated.

No'n naman pumasok si Nikolai at Karl. Tumakbo agad ang bata sa akin at nag-abot ng isang tangkay ng pulang rosas. Nilingon nito ang nakangiting ama at itinuro. Napasulyap ako sa nakangising si Nikolai at hinawakan sa magkabilang kili-kili ang magdadalawang taon naming anak at pinaupo ito sa kandungan ko.

"Did you have fun in the garden?" tanong ko sa kanya.

"Ja (Oo)," sagot niya at tumango nang ilang beses bago humarap sa laptop at nagpipindot ng kung anu-ano.

"Mama!" narinig kong sigaw ni Niko. Parang malayo pa ito sa kinaroroonan namin. Sinalubong ito ng kanyang ama at tinanong kung ano na naman ang hinahangos.

"I thought we're all going to the park today? You promised us!" sabi nito.

"Yeah, we will." Si Nikolai na ang sumagot. "Get ready."

Pagkasabi ng ama ng "get ready", tumakbo agad papunta sa kuwarto niya si Niko para magbihis.

"Don't run!" pahabol ko sa kanya pero mukhang hindi na niya narinig.

"Did your email go through?" tanong ni Nikolai nang nasa likuran ko na siya.

"No," malungkot kong sagot sabay tayo. Binuhat ko na si Karl at pinadapa sa kama para bihisan. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagpisil sa balikat ko bago nagtungo sa banyo.

Makaraan ang ilang sandali, handa na kaming lahat para sa Sunday bonding naming magpamilya. Hindi mapakali sa upuan niya si Niko. Panay nga ang tanong niya sa ama kung ilang minuto na lang bago namin marating ang Frogner park. Excited na raw siyang magpalipad ng saranggola doon.

"Did you fasten your seatbelt, anak?" tanong ko sa kanya mula sa likuran. Katabi ko naman si Karl na kanina pa naglililikot.

"Yes, Ma," pakli niya sa akin at hinarap na naman ang ama. Nagkuwento ito tungkol sa isa niyang kaklase na si Mette. Napansin ko lagi na lang niyang bukambibig iyon nitong mga nakaraang araw. Nagkatinginan kami ni Nikolai sa salamin na nasa bandang unahan nito. Ngumiti ito nang makahulugan sa akin. Napailing-iling naman ako. Itong anak ko talaga, oo.

Kada buwan yata ay may flavor of the month.

"Who's Mette, anak?" pabiro kong tanong sa kanya.

"Ma, usapang lalaki ito," pakli niya sa akin sa Norwegian. Napabungisngis si Nikolai. Napangiti na rin ako.

"May gano'n?" tanging naisagot ko at tumawa na nang bahagya. Hindi na ito sumagot sa akin. Nagpatuloy ito sa kakukwento sa ama tungkol kay Mette. Alin kaya sa mga kaklase niyang babae ang batang iyon? Mabistahan nga sa susunod na punta ko sa school nila.

Pagdating namin sa park, marami nang tao. Mabuti na lang at nakakuha kami ng espasyo para paglatagan ng picnic mat namin. Habang hinahanda ni Nikolai ang barbeque grill at mga gamit namin sa harap ng mat, nagtakbuhan na sa damuhan ang dalawang bata. Tinuruan ni Niko kung paano magpalipad ng saranggola ang kapatid. Ako nama'y nag-ayos ng mga baon naming pagkain sa maliit na mesang dala namin. Nailagay ko lang ang plastic box na may lamang fried lumpia sa ibabaw ng mesa nang may tumalbog doong bola. Nahulog ang box at natapon ang kalahati ng laman no'n.

"Hey!" naiinis kong sigaw. Dali-dali kong pinulot ang mga nahulog na lumpia at nilingon ang may kagagawan no'n. Nakita ko ang batang babae na siguro'y nasa pagitan ng anim o pitong taong gulang na medyo namumutla habang nakatingin sa akin. No'n naman tumakbo sa tabi niya ang batang lalaki na nagkakaedad ng apat hanggang anim na taon. Tinanong nito ang batang babae kung ano'ng nangyari. Nagbulungan sila.

"Sa inyo ba ito?" tanong naman ni Nikolai sa kanila sa Norwegian sabay pulot sa bola nila. Nang tumango ang dalawa, hinagis ito ng asawa ko sa kanila. Pagkasalo sa bola, tumakbo nang palayo ang dalawa.

"Hindi man lang nag-sorry," naiinis kong sabi. Tumawa si Nikolai.

"You looked scary, sweetheart. Any little girl or boy would be scared to death to say anything to you," sabi pa nito.

"E, kasi tingnan mo, o!" at tinuro ko ang mga natapong lumpia sa damuhan. "Ang konti na lang ng natira. Sayang talaga!"

Nilagay ko ang natapong pagkain sa garbage bag na dala namin at nilagay ito sa tabi. Pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng mesa. Si Nikolai nama'y tumakbo na sa dalawang bata at nakipaglaro sa kanila.

Halos tapos ko nang ayusin ang mesa nang maramdaman ko ang paglapit sa akin ng isang babae. Kabuntot niya ang dalawang bulinggit na kanina ko pa gustong pagkukurutin. Napatayo ako at hinarap sila. At ako'y nagulat.

"Leigh!" sigaw ng babae.

"Y-Ysay? Ikaw ba iyan?"

Tumakbo na ang babae sa akin at niyakap ako. Nagtawanan kaming dalawa.

"Kumusta ka na?" tanong agad nito sa akin at sinipat ang mukha ko.

"Heto. Masayang-masaya at nagkita uli tayo," natutuwa kong sagot.

"Akala ko nasa Canada ka?" tanong nito agad sa akin.

"Canada? Sino naman ang nagsabi niyan?"

"Sabi ni Zyra. Iyan daw ang balitang nasagap niya sa isa mong kamag-anak noon."

No'n ko naalala ang napurnada kong pagpunta sa Canada.

"Hindi ako natuloy sa Canada. Nagkaroon kasi ng problema. Pero natuloy ako sa pag-abroad no'n. At dito ako sa Norway napadpad," kuwento ko sa kanya.

Nagulat si Ysay.

"Kailan ka pa narito?" tanong uli niya.

"Actually, mga a little over two years pa lang. No'ng unang punta ko kasi nagkaroon ng kaunting komplikasyon. Nagdesisyon akong umuwi na lang kaya ---"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tumakbo ang mag-ama ko sa akin. May problema raw. Natatae si Karl. Nang makita ni Ysay si Nikolai, nagulat siya.

"Nikolai?!"

Nagulat din ako sa reaksiyon niya. Pati si Nikolai. Pero kaagad na nakabawi ang asawa ko at magiliw siyang binati. Ang kaso nagpaalam agad ito para itakbo ang anak namin sa pinakamalapit na CR.

"Nagkatuluyan din pala kayo ni Nikolai," namamanghang sabi ni Ysay.

"Oo. Pero it was a long journey," at kinuwento ko na sa kanya ang tunay na nangyari sa buhay ko. Nang matapos ako'y nakita kong nagpahid siya ng mga luha at niyakap niya ako agad.

"Loka ka talaga. Ba't ka nahiya sa akin? Kung kinontak mo naman ako no'n baka natulungan pa kita. Sana nag-email ka. Napuntahan man lang sana kita."

Magkukuwentuhan pa sana kami, pero hinila na ng dalawang bata si Ysay. Kung nakapag-sorry na raw siya babalik na sila sa puwesto nila.

"Mga anak mo pala ito?" natatawa kong tanong kay Ysay sabay yuko sa harap ng dalawang bata. Nagtago sila sa likuran ni Ysay at sinumbong pa ako sa mama nila. Pinandilatan ko raw sila kanina. Natawa lang si Ysay.

"This is Tracy, my only girl. Ito naman si Aksel, my youngest. Say hello to Tita Leigh, guys," at pinaharap sila ni Ysay sa akin. Dahil nakangiti na ako sa kanila, bumati na ang dalawa sa akin. Nagpaalam agad ang mga ito sa ina kung puwedeng mauna na sila. Pagkatango ni Ysay tumakbo na nga ang mga ito pabalik sa kanilang pinaggalingan.

Masaya kaming nagkukuwentuhan ni Ysay nang may biglang tumakbo sa aming babae. Nagtititili ito. Nang mahulog ang sunglasses niya, namukhaan ko agad ang maingay kong kaibigan. Si Zyra! Tumayo ako at tumakbo rin papunta sa kanya. Para kaming timang na tumalun-talon habang magkaakap. Natawa sa amin si Ysay.

"Hali nga kayong dalawa. Pinagtitinginan na kayo ng mga locals. Akala nila nasisiraan na kayo ng bait. Mukha pa namang baliw iyang isa diyan."

No'n ko nga lang napansin ang get up ni Zyra. Naka-sarong ito na kulay pink na umabot hanggang bukung-bukong niya. Isa lang ang tali nito. Nasa left shoulder. Mayroon itong kulay pink ding sombrero na yari sa buri.

"Kahit kailan ang bongga mo manamit," nakangisi kong biro sa kanya. Sinakyan naman niya ang biro ko. Umikot-ikot ito sa harapan ko na parang beauty pageant candidate. Lalo kaming natawa ni Ysay sa kanya.

"Hindi ko talaga sukat-akalain na makikita kita rito sa Oslo, Leigh. Ang tagal ko nang pinag-pray na magkita tayo. Nakailang uwi na kami ni Lukas sa Pilipinas at dumaan-daan pa kami't nakibalita sa mga dati nating kasamahan sa upisina, pero ni isa sa kanila'y walang nakaalam kung saan ka napadpad."

"Natanong mo ba si Mang Roman?"

"Si Mang Roman? Ang driver ni Boss?"

"Oo. Kung natanong mo siya siguradong nasabihan ka sana kung saan ako nagpunta all these years. May pagka-tsismoso ang matandang iyon, e."

"Sayang naman!"

Nagkuwentuhan kaming tatlo. Daig pa namin ang mga tinedyers. Hagikhikan here and there. Parang kailan lang. Sampong taon na pala ang nakararaan simula nang una kaming magkakilala sa upisina ni Boss. How time flies.

Mayamaya pa, nakita namin sa unahan ang mga asawa namin. Naghahalakhakan din habang naglalakad patungo sa direksiyon naming tatlo. Karga na ni Nikolai ang bunso namin. Si Trond nama'y nakaakbay sa isang batang lalaki na halos lampas na ng balikat niya. Ang alam ko hindi hihigit sa sampong taon ang anak nilang panganay ni Ysay. Ang tangkad naman nito kung ito na nga iyon.

"That's Aaron, my eldest," proud na sabi ni Ysay sabay turo sa inaakbayan ni Trond.

"Ang tangkad naman!" komento ko.

Nang makita ko ang cute na cute na batang babae na naka-pink dress at pink ribbon sa ulo na hinahabol ng anak na babae ni Ysay, binalingan ko si Zyra.

"I'm pretty sure anak mo iyon," nakangisi kong sabi sa kanya.

"Well, siyempre. Mana-mana lang iyan."

Dalawa lang din pala ang naging anak ni Zyra at pulos babae. Kabaliktaran naman ng sa akin. Si Ysay lang ang pinalad dahil mayroon siyang two boys at one girl.

Nang nasa harapan na namin sila, tinawag ko na rin si Niko at pinakilala sa mga bagong dating. Nakapalagayang-loob kaagad nito si Aaron, ang panganay ni Ysay. Kung sa bagay, hindi naman kataka-taka iyon dahil hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Ni wala nga sigurong dalawang taon ang pagitan nila. Pero napansin kong medyo nahiya ito kay Tracy samantalang okay naman siya sa dalawang girls ni Zyra na nagkakaedad apat at dalawang taong gulang.

"Buti na lang pala at naisipan naming mag-anak na mag-picnic dito ngayon," sabi ko sa kanilang lahat sa Norwegian. Usually, hindi naman kami nagpupunta dito madalas. Kaso no'ng last week pa kami kinukulit nitong si Niko.

"Kami naman nila Zyra, favorite hangout namin ito. Dito kami nagpupupunta kapag gusto naming mag-picnic. We love this place."

"Ngayong dito ka rin namin natagpuan ni Ysay, for sure this park will have a different symbol to us now," maluha-luhang sabi ni Zyra at yumakap na naman sa akin. "Na-miss talaga kita nang sobra, friend."

Hindi na bumalik sa dati nilang kinapupuwestuhan sina Ysay at Zyra kung kaya pinaghahakot na lang nila ang mga naiwan nilang gamit doon at dinala sa puwesto namin. Wala na talaga akong mahihiling pa. This is the best Sunday ever!

Naramdaman ko ang pagpisil ni Nikolai sa balikat ko. Nang bumaling ako sa kanya, humalik siya sa noo ko.

"I'm glad you're so happy, sweetie. I've always known that you were missing them."

"Yeah. Thanks for bringing us here today."

Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Mama, are you good friends with Tracy's mom?" tanong bigla ni Niko habang binababa niya ang dala-dala niyang maliit na basket ng prutas. Nakitulong din kasi ito sa paghahakot.

Nang tumango ako, nagtanong na naman tungkol kay Tracy. Nagkatinginan kami ni Nikolai. At napangiti nang makahulugan ang asawa ko.

WAKAS



Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store