ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER TWELVE

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Ang sabihing nagulat kami sa inanunsiyo ni Engineer Knudsen sa party ay hindi sapat para isalarawan ang reaksiyon naming lahat. Pero pinaka-epic ang kay Evil Twin. Kulang na lang lumuwa ang mga mata nito at ang bunganga! Susko! Puwede nang pasukan ng buwaya. Hanggang makauwi kami ng bahay ay iyon ang paksa namin ni Zyra habang nag-uusap sa telepono. Nainggit tuloy ako kay Ysay.

"Napakamalihim mo talaga, sis," sabi ko agad kay Ysay nang magkita kami sa upisina nang sumunod na araw. "Isipin mo, ni wala ni isa sa amin ang naghinala na mag-asawa pala kayo ni Engineer Knudsen. Sana sinabi mo agad. Disin sana'y walang nang-api sa iyo rito."

Ngumiti lang si Ysay at nagsabi ng, "Hindi naman kasi ako sigurado sa kanya dati, e. Mahirap nang ipangalandakan. Kung nagkataong dineny niya iyon di napahiya pa ako sa inyo."

"Kung sa bagay, may point ka."

Nag-aayos kami ng desk namin para sa pagsisimula ng trabaho sa umagang iyon nang mapadaan si Meg. Ngumiti ito sa amin at magalang pang bumati kay Ysay bago dumeretso sa upisina ng amo niya.

"Kita mo na? Pati si Meg ay tiklop na sa iyo," sabi ko pa.

Kiming ngiti lang uli ang sagot ni Ysay.

Nagtitipa na ako sa PC ko nang bigla na lang may nag-text sa akin. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang numero. Ganunpaman, na-curious ako kung ano ang sinend sa aking file kaya dinawnlowd ko na rin. Nang mabuksan ko iyon, pinanlamigan ako agad. Sinave ko ang ginagawa at mabilis na sumaglit sa CR. Do'n ko pinagmasdang mabuti ang larawan. Si Nikolai at Mina magkaakbay sa harap ng tent? Ano iyon? Naka-shades sila pareho, pero kitang-kita naman sa ngiti nilang dalawa na ang saya nila. Hindi pa ako nakaka-recover sa larawang iyon, may nag-send na naman sa akin. This time si Mina naman ang nakaakbay kay Nikolai habang ang huli'y nakahalukipkip. Hindi ko na napigilan ang galit ko. Napamura ako. No'n naman pumasok si Ysay.

"Okay ka lang, Leigh?"

Tumalikod ako at pinahiran ang mga luha. Inakbayan niya ako at pinisil-pisil sa balikat.

"May problema ba?" tanong niya uli.

Hindi na ako nakapaglihim. Pinakita ko sa kanya ang puno't dulo ng sama ng loob ko. Hindi siya nakapagsalita agad. Siguro tinatantiya ang sasabihin sa akin.

"Naalala mo iyong natanggap kong mga pictures nila Trond at Ingrid sa Batangas resort? Hindi ba iniyakan ko iyon sa pag-aakalang tino-two time ako ni Trond? Iyon pala, doctored ang pictures. Hindi naman pala tunay na kuha nilang dalawa lang. May mga kasama sila sa larawan, pero binura lang ng taong gusto akong saktan. Kaya kung ako sa iyo, tanungin mo muna tungkol dito si Nikolai. Malakas ang kutob ko na si Mina ang nagpadala niyan sa iyo. I also have a gut-feeling na kagaya no'ng culprit sa edited pictures ni Trond at Ingrid, may gano'n ding motibo ang nag-send niyan sa iyo."

Oo nga, ano? Pwede.

Paglabas ni Ysay sa CR, tinawagan ko agad si Nikolai. Kumonek naman, pero walang sumasagot. Sinubukan ko uling tumawag. Wala na naman. Nakalima akong tawag sa kanya, pero ni isa wala siyang sinagot. Okay na sana ako kanina nang pinaliwanagan ni Ysay, pero bumalik na naman ang duda ko nang dahil sa hindi niya pagsagot sa mga tawag ko. Sambakol ang mukhang bumalik ako sa work station ko. Napa-double take pa si Zyra nang mapadaan ako sa table niya. As expected, inikot nito ang swivel chair at inurirat ako.

"Malayo pa ang Biernes Santo, a. May namatay bang hindi ko alam?" biro niya sa akin. Imbes na makipagalaskahan ako sa kanya, inirapan ko lang siya. Nagseryoso ang bruha. Pero bago ito makatanong sa akin, sinenyasan siya ni Ysay. Natahimik siya at bumalik sa trabaho.

Nang nagpang-abot na naman kami ni Ysay sa copy room, tinanong niya uli ako kung bakit malungkot na naman.

"Akala ko nagkasundo na tayo na aalamin mo muna ang lahat mula kay Nikolai?"

"Iyon nga sana! Ang kaso niyan, hindi niya sinasagot ang telepono niya. Napudpud na ang mga kamay ko sa kakatawag sa kanya!" At napaiyak ako sa galit.

"Hoy, ano ka ba?" Sumulyap ito sa relos. Pinakita niya sa akin ang oras. "Ni wala pang alas dies, o. Nasa trabaho iyon for sure."

Gano'n? Kahit isang segundo hindi niya kayang tumigil muna para sagutin ang tawag ko? Tuloy ay pinangilabutan na ako. Baka nagsasawa na siya sa akin. Dahil sa isiping iyon, napahikbi na naman ako. Napabuntong-hininga si Ysay, pero niyakap niya pa rin ako at hinagud-hagod sa likuran.

Pagbalik namin, masaya akong sinalubong ni Zyra.

"Tumawag ang dyowa mo. Pasensya na, ha? Pinakialaman ko na ang cell phone mo kasi pang third time na niyang tawag iyon. Naawa ako. 'Kako baka importante. Mag-call back ka raw."

"O, iyon naman pala, e," nakatawang sagot ni Ysay at tinudyo pa ako.

Dahan-dahang nag-subside ang galit ko sa kanya. Ganunpaman, hindi ko siya tinawagan. Ang punto ko kung mahalaga ako sa kanya, hindi niya ako matitiis. Tatawag siya ulit. Iyon ang sinabi ko sa dalawang kaibigan nang lingunin nila ako para i-remind do'n sa bilin ni Nikolai.

"Hay naku threatened na'y nagpapakipot pa," naiiling na sabi ni Zyra.

"Hayaan mo iyan," sabi ko, kunwari'y hindi na affected.

"Sus! Baka umiyak ka na naman niyan mamaya, ha?" sabat naman ni Ysay.

Tinalikuran ko silang dalawa.

Nag-aayos na ako ng mga files sa mesa nang nag-ring ang phone ko. Kaagad na namutawi ang ngiti ko sa labi nang makita ang pangalan ng caller sa screen. Si Nikolai! Tumalilis ako papunta sa CR at do'n ko na sinagot ang tawag.

"Hey, what's wrong?" nag-aalala nitong tanong agad.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa, sinabi ko ang tungkol sa larawan. Mukhang nainis siya sa kabilang linya. Kung anu-ano raw ang inisip niyang kadahilanan dahil sa limang beses kong pagtawag sa kanya. Ang lakas-lakas nga raw ng kabog ng dibdib niya dahil inisip niyang baka raw may nangyari sa akin on my way to the office tapos tungkol lang pala sa walang kuwentang larawan ang lahat.

"Hoy huwag mo ngang mawalang kwenta ang larawang iyon!" asik ko sa kanya. Tinagalog ko na dahil sa galit. "For you it doesn't mean a thing, but maybe for her it means a lot. Maybe you're leading her on."

Napahinga siya nang malalim na parang naiinis.

"She just came here one time and brought us some snacks. She doesn't come here that often, if that's what you were trying to imply. And even if she does, I don't give a shit about her. It's you I love. I thought I've made that clear with you."

Naibsan ang galit ko sa huli niyang sinabi. Ganunpaman, hindi ako nagpahalata.

"Leigh? Are you still there?"

"Yeah," halos pabulong kong sagot.

"I"m sorry if I got mad at you. I didn"t mean to. I just got scared. Don't worry about petty things, okay? I love you."

Speechless na naman ako.

"Let's talk about this tonight, okay?" sabi uli niya nang hindi ako makasagot.

"All right. I know you have work to do. Take care," sagot ko naman.

"Trust me, okay? I love you."

Nakagat ko na ang lower lip sa kilig.

"Won't you even tell me that you love me, too?" may himig pagbibiro na sa boses niya.

Buti na lang hindi kami magkaharap dahil namumula na akong parang hinog na kamatis. Halos pabulong ko na nga lang sinabi ang, "I love you, too," at nagpaalam na.

Kapapasok ko lang ng cellphone sa bulsa ng blazer ko nang pumasok naman si Evil Twin. Bigla akong napatayo nang matuwid na parang isang sundalo nang mapadaan ang superior niya. Saglit siyang napatingin sa akin bago tuluy-tuloy na pumasok. Napalingon naman ako sa kanya. Naninibago. Dati-rati ang bagsik niya at nakakatakot lagi ang ekspresyon sa kanyang mukha, pero ngayo'y mas angkop na sabihing para siyang ng demonyang nabalian ng sungay.

Kay Zyra ko na nalaman ang dahilan. Kagagaling lang daw nito sa HR at usap-usapan doon ang pagbibitiw ni Architect Ramirez. Bigla kaming napasigaw sa kagalakan ni Ysay, pero nagtimpi rin agad nang mapadaan si Meg. Marahil totoo nga ang balita dahil ang hitsura ng huli ay parang namatayan. Kahit papaano ay naawa kami sa kanya.

Gaya nga ng pangako, dumating si Nikolai nang hapong iyon para sunduin ako. Hindi gaya ng dati, seryoso ito. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi bago inalalayan sa pagpasok sa kotse niya.

"What with those pictures?" untag niya agad sa akin.

Dinukot ko ang cell phone sa bag at pinakita ko iyon sa kanya. Kinuha rin niya ang phone niya sa bulsa ng pantalon at may ipinakita rin sa aking larawan. Tama nga naman si Ysay! Cropped ang picture na pinadala sa akin. Nagngitngit ako agad. Kaya pala may extra arm sa likuran na hindi ko matukoy, iyon pala kamay ni Lukas iyon. Grrr! Makakalbo ko yata si Mina!

"That Mina girl is really very aggressive. She has even told me she likes me a lot," nakangising sabi pa ni Nikolai.

Pagkarinig ko do'n tumunog na naman ang warning bells sa utak ko. Pinakatitigan ko siya.

"Hey! What's with that look? Do you think I would be open to you about it if I have plans to cheat on you with her?" At tumawa pa ito nang mahina. Pinisil pa ako sa baba bago hinalikan sa mga labi.

Kung sa bagay. May point nga siya.

"Lukas had also told me that she also told him that she likes him," at natawa na talaga do'n si Nikolai. "I think she likes all of us – I mean all the Norwegian engineers on site."

Baliw ang Minang iyon. Nakakainis!

"And all of us like her, too, but not in a sexy-kind of way, if you know what I mean. I, for one, doesn't find her attractive. So you have nothing to worry about, okay?"

Tumangu-tango ako.

Dinala niya ako sa isang Japanese restaurant this time. No'n lang kami napunta do'n. Kahit na hindi ako mahilig sa pagkain ng mga Hapon, hindi na ako nagreklamo pa dahil mukhang gustung-gusto niya ang sushi at sashimi. Buti na lang mayroon silang karaage at grilled fish kung kaya may nakain rin ako kahit papaano.

Papalabas na kami ng restaurant nang masalubong namin sa daan si Kuya Roman. No'n lang iyon nakita ni Nikolai kaya pinakilala ko muna sila. Pinakiharapan naman siya nang mabuti ng kuya ko kaya nakapagsabi siya na lahat daw ng miyembro ng pamilya ko'y sobrang mabait. Pero nang dahil do'n na-guilty na akong sumama sa kanya sa condo niya. Hindi naman siya nagpumilit.

Nang makita siya ng Nanay ko nang gabing iyon, napasigaw ito sa tuwa. Nahiya nga ako dahil parang nagreklamo pa ito sa kanya na madalang na lang daw siya bumibisita sa bahay namin.

"Hayaan n'yo Nanay, I will try to come here as often as I can."

Lalong nagtititili si Inay nang may halong Tagalog iyong sinabi ni Nikolai. Ako ang naalibadbaran sa reaksiyon ng nanay ko. Palihim ko nga siyang pinandilatan.

Nang kaming dalawa na lang ang nag-uusap sa sala namin, bigla kaming dinisturbo ng sunud-sunod na tawag sa cell phone niya. Pinatay niya ang una, pero sa pangalawa'y sinabihan ko nang sagutin na niya. Dahil magkatabi kami, narinig ko ang malamyos na tinig sa kabilang linya. Babae ang caller! At hindi Pinay. Parang gumaralgal ang boses ng girl. Dahil kaya iyon sa koneksiyon? Parang hindi naman yata.

Hindi sumagot si Nikolai do'n sa sinabi ng kausap, pero maya't maya'y naririnig ko ang buntong-hininga niya. Nag-alala na naman ako, pero ayaw ko namang ipahalata sa kanya na pati iyon ay minamanmanan ko rin. Nagkunwari akong hindi nakikinig.

"Take care," iyon lang ang tangi kong naintindihan. Sinabi iyon ni Nikolai bago ibaba ang telepono.

"Who was that?" tanong ko, hindi rin nakatiis.

"Just somebody I know," parang absent-minded niyang sagot habang pinapasok sa bulsa ng pantalon ang cell phone.

Kinabahan ako. Siguro halata na ako this time dahil nakita ko siyang napangiti.

"Oh no, not again please," may himig pagbibiro niyang sabi sa akin at pinisil na ang baba ko sabay halik sa mga labi ko.

Inirapan ko siya. Inulit niya ang halik. Palagay ko, lalalim pa sana iyon kung hindi dumaan sa amin si Nanay at kunwaring umubu-ubo. Nahiya ako agad. Napakamot-kamot naman siya sa ulo at alanganing ngumiti sa Inay ko.

Nang ihatid ko siya sa tarangkahan namin, okay na naman kami. Ganunpaman, hindi maalis-alis sa isipan ko ang boses ng babaeng parang umiiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store