ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER ELEVEN

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Ang mainit na tagpo sa condo ni Nikolai ay nasundan pa nang kung ilang beses. Regular na naming ginagawa iyon kada Biernes, pagkatapos ng trabaho. Ang lagi kong alibi sa bahay ay mayroon kaming pinagkakaabalahan ni Zyra na utos ng mga bosing namin sa kompanya. Hindi naman nagduda sina Nanay dahil sa tuwing tatawagan nito ang kaibigan ko ay handa naman itong magsinungaling para sa akin. Kaso nga lang isang araw ay nakasalubong ito ng kuya ko sa isang mall malapit sa amin kung kailan naman ang sabi ko'y may out of town project kami. Ganunpaman, pinanindigan ko ang kasinungalingan. Sinabi ko na lang sa kanila na nauna kami ni Ysay sa Batangas at sumunod lang si Zyra.

"Shit, friend! Palagay ko nagduda na ang kuya mo sa atin," sabi agad nito nang magkita kami nang Lunes na iyon.

"Ikaw kasi, e! Nakakainis ka," sagot ko naman habang naghuhugas ng pinagmiryendahan sa mini-kitchen ng upisina.

"Ba't hindi ka na lang magtapat sa mga magulang mo? Mukha namang inlababo din sa iyo si Fafa Nikolai. Wala naman kayong problema dahil mahal nga siya kamo ng Nanay mo."

Napabuntong-hininga ako. Nangunot naman ang noo ni Zyra,

"May problema ba?" tanong nito agad.

"Wala," maagap kong sagot at ngumiti. "Nahihiya lang kasi akong umamin."

"Asus! Ginawa-gawa n'yo tapos mahihiya ka pa?"

"Bakit, ikaw ba nagtapat na sa inyo sa pinaggagawa n'yo ni Lukas?"

Napangiti siya nang pilya.

"Siyempre, hindi. Pero may kutob na sina Ate. Pinaparinggan na nga ako."

"Iyon naman pala, e. Baka hindi nila tayo maintindihan. Tsaka knowing Nanay, baka siya pa ang pumikot kay Nikolai. Nakakahiya."

Nagtawanan kami pareho. No'n naman pumasok si Ysay na mukhang pasan ang daigdig. Dumeretso lang ito sa refrigerator para kumuha ng nilagay do'ng meryenda. Dinala niya ang supot ng spaghetti sa mesa at tahimik na kumain.

"O, ano na naman ang problema?" tanong namin agad.

"W-Wala," sagot naman niya sabay iling.

Mang-uusisa pa sana si Zyra nang sumilip si Meg at tinawag siya. Mabilis itong nagpaalam sa amin. Ako nama'y kumuha na ng upuan at hinarap si Ysay.

"Tungkol ba kay T-Trond?" Naki-first name basis na rin ako. Nahawa sa kanya.

Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Kahit hindi siya umamin, nabatid kong may kinalaman nga kay Engineer Knudsen ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi na ako nang-usisa pa. Lumapit ako sa kanya at pinahilig ko siya sa balikat ko. Umiyak na siya nang tuluyan. Tumigil lang siya nang may marinig kaming mga kasamahan na pumasok na rin doon. Dali-dali niyang inubos ang meryenda at hinugasan ang plato sa lababo. Sabay na kaming lumabas. Nakasalubong namin ang taga-HR na may crush kay Nikolai. As usual, inismiran niya ako. Dinedma ko naman siya. Sa loob-loob ko'y nagbunyi ang aking kalooban. Makontento ka na lang sa pangarap dahil I'm living your dream!

Hindi na naman nakasabay sa pag-uwi si Ysay nang hapong iyon. May tinambak sa kanyang trabaho si Evil Twin. Nagpaiwan sana kami ni Zyra para tulungan siya, pero pinandilatan kami ng demonya. Wala kaming nagawa kundi mauna na nga.

"Pakiramdam ko, may gusto nga si Evil Twin kay Engineer Knudsen kaya pinagdidiskitahan si Ysay dahil mukhang sa friendship natin nagkakagusto ang Adonis na iyon."

"Ano'ng mukha lang? Hindi mo ba nakikita kung paano sila magtitigan? Kahit hindi sabihin ni Ysay sa atin, I have a gut-feeling na mayroon silang malalim na pinagsamahan. Manigas na lang sa inggit si Rona demonyita," sagot ko naman.

Naghagikhikan kaming dalawa. Natigil lang kami sa kakaharutan nang nakita naming paparating si Meg. Pumormal kaming dalawa at kumaway sa kanya. Tumango lang ito sa amin at tumakbo na sa naghihintay na kotse sa parking lot.

"May sumusundo kay Meg?!" halos sabay naming naitanong ni Zyra sa isa't isa. Larawan kami pareho ng pagkagulat. Nang ma-realize namin kung ano ang iniisip, kapwa rin kami napangisi.

"We're so bad," halos sabay uli naming nasabi. Hindi na nakasagot si Zyra do'n dahil kumaway na sa akin sa hindi kalayuan si Nikolai.

"Lunes pa lang ngayon, a," sabi nito sa akin. "May schedule ba kayong mag-anuhan ngayon?" panunukso pa nito. Pinandilatan ko siya bago dali-daling lumapit na sa nobyo ko.

Sinalubong naman ako ng halik sa labi ng mokong. Bahagya ko siyang tinulak sa kotse. Tumawa siya.

"You're crazy! Somebody might see us kissing here," sabi ko at nagpalinga-linga sa paligid. Buti na lang walang nakamasid liban kay Zyra.

"So? What's the problem? I'm your boyfriend anyway."

"Kahit na," sabi ko sa kanya sa Tagalog.

Nang nasa loob na kami ng kotse, kinabig na naman niya ako at hinalikan sa labi. Hindi na ako nakapagprotesta. Total naman, tinted naman ang bintana. Ang simpleng halik ay naging maalab. Naramdaman ko na lang ang mga kamay niyang nanghihipo at pumipisil-pisil sa maseselang bahagi ng katawan ko. Nagprotesta ang isipan ko, pero masyadong mahina na ang pagtitimpi ko. Dahil nakapalda ako, mabilis niyang naipasok sa panties ko ang kamay niya. Bago ko pa siya masaway, naglabas-masok na ang middle finger niya roon. Napasinghap ako at napaungol pa. Tinaas niya ang blusa ko at gamit ang isa pang kamay ay tinanggal niya ang hook ng bra. Sumubsob siya sa dibdib ko na parang sanggol na sabik sa kalinga ng ina. Nawalan rin ako ng inhibisyon. Inapuhap ko ang naghuhumindig niyang pangharap at lakas-loob na dinukot iyon sa loob ng kanyang pantalon. Siya naman ngayon ang napaungol. May naramdaman akong bumulwak sa pagitan ng mga hita ko. Impit akong napadaing. Kapwa lang kami natigilan nang bigla na lang kumuriring ang cell phone niya. Tila nagngangalit din. Napamura siya. Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig. Bigla akong nahiya.

Pinatay niya ang cell phone at hinarap akong muli, pero inaayos ko na ang nagusot na damit. Nagtangka na naman siyang humalik sa akin at manghipo, pero tumanggi na ako.

"Not here," sabi ko sa mahinang tinig.

Napangiti naman siya. Hinalikan ang gilid ng bibig ko at inayos na rin ang sarili. Inakbayan niya ako't hinagkan sa sentido bago pinaandar ang sasakyan.

Plano sana naming kumain sa labas, pero nagdesisyon kaming dumeretso na lang sa condo niya. Sa pintuan pa lang, halos hindi na kami matigil-tigil sa paghipo at pagdama sa maseselang bahagi ng katawan ng isa't isa. Nagkalat ang mga hinubad naming saplot mula sa living room hanggang sa silid niya. Pagkababa niya sa akin sa kama hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad niya kaming pinag-isa. Paulit-ulit, paiba-iba ng posisyon. Nang matapos ang silakbo ng damdamin, halos tagaktak kami sa pawis. Pagod na pagod.

Siniil niya ako ng halik sa labi bago bumangon at tumawag sa Pizza Hut Delivery para mag-order ng kakainin namin sa hapunan. Nakatapi na lang kami pareho ng tuwalya habang nilalantakan ang pagkain. Paminsan-minsan ay dumudukwang siya para halikan ako sa labi. Pagkatapos naming kumain, sabay na kaming naligo. Hindi ko na pinroblema ang isusuot na pamalit dahil may mga nabili na siyang damit-pambabae just in case na mangyari ang tulad nito. Bago niya ako ihatid sa amin, dumaan kami sa Max's at nag-order siya ng pampasalubong sa pamilya ko. Nahalikan ko siya uli sa pisngi dahil sa thoughtfulness niyang iyon.

As usual, bidang-bida na naman siya sa Nanay ko. Kulang na lang ay doon na siya patulugin ni Inay nang gabing iyon. Na-guilty tuloy ako sa mga pinaggagawa namin.

**********

Nagulat kami pareho ni Zyra nang sabihan ni Meg na hinimatay si Ysay. Tumakbo agad kami sa infirmary ng kompanya sa first floor. Pareho kaming nabigla nang napag-alaman namin ang dahilan ng pinaggano'n niya.

"Huwag mo kong tingnan nang ganyan. Wala rin akong alam," sabi ko agad kay Zyra.

"Lagi kayong nag-uusap, a. Hindi man lang ba niya nabanggit sa iyo?"

Iling ang sagot ko kay Zyra. Kahit nga ang tungkol sa totoo nilang ugnayan ni Engineer Knudsen ay hindi pinapaalam sa akin, ito pa kayang pagbubuntis niya?

Kapwa kami napadukot ng cell phone sa bulsa dahil sabay na tumunog ang messsage alert tone namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga larawan. Si Rico at Ysay, couple?

"Palagay ko kagagawan na naman ni Evil twin, 'to," sabi ko agad kay Zyra.

"Sure ka? Mukhang nagkakaigihan ang dalawa rito sa picture, a. Baka – hindi naman natin masabi, di ba? May hitsura rin naman si Rico, e."

"Ano ka ba?" asik ko agad kay Zyra. "Hindi iyan papatulan ni Ysay, 'no?" Pero sa loob-loob ko'y nagduda na rin ako. What if? Baka iyon ang pinoproblema ni Ysay nitong nakaraang araw. Pwede rin namang ma-develop sa isang tao kung palagi mo itong kasama. Nitong huli ay sila na lang kasi ang magkasama sa kung anu-anong pinag-uutos ni Architect Ramirez sa kanila.

Bigla kaming napatingin sa kaibigan namin nang umungol ito at dahan-dahang dumilat. Nakahinga kami nang maluwag at gising na siya..

"Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" si Zyra.

Tumango si Ysay at nagpalinga-linga sa paligid.

"Paano ako nakarating dito?" tanong niya.

"Nag-collapse ka sa copy room. Buti na lang nandoon din si Rico at nasalo ka nga raw niya. Siya ang nagbuhat sa iyo at nagdala sa klinika," sagot ko naman.

"Nahilo ako sa araw-araw na paulit-ulit na trabaho. Hanggang kailan pa ba matatapos ang pag-aalburuto ng babaeng iyon?" tila naiinis na sagot ni Ysay.

Nagtinginan kami ni Zyra.

"Wala ka bang napapansin sa katawan mo lately?" tanong ko sa kanya. Ingat na ingat sa mga salitang binitawan.

"Hmn? Ano naman dapat ang mapansin ko?" nagtataka naman niyang tanong sa akin.

Parang nag-atubili pa sana kami na sabihin sa kanya ang kalagayan niya, pero kailangan din niyang malaman ang totoong dahilan ng pag-collapse niya sa copy room.

"B-Buntis ka raw," sabi ko sa mahinang tinig na sinang-ayunan naman ni Zyra. Pinakita ng huli ang mga larawan nila ni Rico.

"Kalat na iyan sa buong upisina," malungkot namang sabi ko.

Nakita ko ang pagngangalit ng bagang ni Ysay. Napakuyom ang mga palad nito. Mahina nitong minura si Evil Twin.

Dahil bumuti na ang pakiramdam, sumama na ito sa amin pabalik sa work stations namin. Habang naglalakad sa hallway, may mga makakati ang dilang nagparinig sa kanya. Gusto na nga namin silang patulan ni Zyra, pero inawat niya lang kami. Kung sa bagay, ano naman ang mabuting idudulot no'n? Napailing-iling na lang kami sa dirty tactic ni Evil Twin. Pambihira!

Gaya ng dati, sinundo na naman ako ni Nikolai sa upisina. At tulad din ng dati, halos magkasabay kaming dumating sa parking lot ni Meg. Parang nakitaan ko siya saglit ng pag-aalala bago nawala sa mga hanay ng sasakyan. Nagkandahaba ang leeg ko sa kakatanaw sa kanya, pero hindi ko na nakita. Curious pa naman sana ako kung sino ang sumusundo sa kanya.

"Hey!" panggugulat sa akin ni Nikolai. Tinapik ako nang bahagya sa balikat. Napatalon ako sa kabiglaanan. Tumawa naman itong parang bata. Hinampas ko siya ng bag ko. Nasalag naman niya at nagharutan nga kami papunta sa kotse niya. Bago ako makapasok sa loob, nahagip ng tingin ko ang pamilyar na bulto ng babae sa hindi kalayuan. Si Mina iyon, a! Ano na naman ang ginagawa ng babaeng iyon dito?

Nawala sa isipan ko ang bruha nang halikan na naman ako ni Nikolai. Nang pinisil-pisil na nito ang dibdib ko, kumalas na ako agad sa pagkakayakap niya.

"Not here," bilong ko sa kanya.

"Okay," sang-ayon naman niya.

Mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Wala kaming kibuan hanggang sa marating namin ang condo niya. Dahil ang tagal ng elevator, tinakbo na namin ang anim na palapag. Nagtatawanan pa kaming parang kinder. Kapwa kami hinihingal nang dumating sa floor niya. May pagmamadaling inislayd niya ang key card at hinila na ako sa loob. Gaya ng dati, hindi na naman kami nakapagpigil. Sa pintuan pa lang ay halos hindi na mapaghiwalay ang mga labi namin. This time ako ang naging mapangahas. Binaba ko ang pantalon niya at lumuhod sa kanyang harapan. Sinubo ko ang nagngangalit niyang armas. Napaungol siya nang ilang beses. Nang dila-dilaan ko na ang pinakatuktok no'n, napasabunot siya sa buhok ko at umungol uli. Dahil sa nakitang reaksiyon niya, lalo ko pang dinilaan iyon na parang dumidila ng lollipop. Bigla na lang niya akong itinayo at sinandal sa pintuan. Tinaas niya ang isang hita ko at pinag-isa na ang mga katawan namin. Nangunyapit naman ako sa balikat niya na parang takot na takot mahulog sa bangin. Nang kapwa namin marating ang sukdulan, ilang beses siyang bumulong ng, "I love you," sa akin. Madamdamin ko namang hinalikan ang tungki ng kanyang ilong at napabulong din ng, "I love you, too."

Nagpapahinga na kami sa couch nang tumunog ang home phone niya. Ayaw pa sana niyang sagutin iyon no'ng una, pero sinabihan ko siyang baka importante. Pinakinggan ko ang sagot niya sa kausap, pero wala akong naintindihan. Nagsalita siya sa lenggwahe nila kaya naisip kong baka long-distance call iyon from Norway. Nasaksihan ko kung paano nagbago ang ekspresyon sa mukha niya. Mula sa pagiging masaya, bigla na lang itong namula sa galit. Naintriga tuloy ako sa caller. Bago niya binaba ang telepono parang tumaas pa ang boses niya.

"What's wrong?" tanong ko agad nang bumalik siya sa tabi ko.

Ngumiti siya nang mapakla.

"Nothing," at hinagkan niya ang noo ko. "C'mon, I'll drive you home," ang sabi pa at tumayo ulit. Isa-isa niyang dinampot ang mga hinubad ko at binigay sa akin.

Tahimik akong nagbihis. May kung ano akong kaba na nadarama, pero sinarili ko na lamang.


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store