ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER TEN

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Ilang araw nang hindi nagpaparamdam sa akin si Nikolai. Alam kong nagalit siya sa akin, pero ano naman ang inaasahan niya? Gagawin naming iyon doon? Sinuwerte siya! Pero sa isang banda, nag-aalala ako. Paano na lang kung maghanap siya ng iba? Ang dami pa namang nagkakandarapa sa kanya.

"Leigh, okay ka lang?"

Kaagad akong nagpahid ng mukha. Ganunpaman, napansin na yata ni Ysay na umiyak ako. Hndi naman siya nagkomento tungkol do'n. Basta lang ako inakbayan at pinisil ang balikat bago siya nagtungo sa bakanteng cubicle.

"Ang hirap pala nila espelengin, 'no?" tanong ko na lang bigla.

"Gano'n talaga. Iba'ng lahi nila, e. Iba rin ang nakagisnang kultura," sagot naman agad nito sa loob. Kahit hindi ko pinaliwanag, nahulaan niya ang ibig kong sabihin.

"Alam ko – parehas tayo ng sitwasyon. Kahit hindi mo sabihin sa akin, alam kong may namumuong espesyal sa pagitan n'yo ni Engineer Knudsen."

Hindi siya sumagot. Pagbukas niya ng cubicle, dere-deretso siya sa lababo at naghugas ng kamay. Nagtama ang paningin namin sa salamin.

"Mag-ingat ka. Just protect youself," makahulugang sabi nito sa akin bago lumabas ng CR.

Tsinek ko uli ang cell phone kung may text na siya sa akin. Napabuntong-hininga ako nang makitang wala akong unread messages. Bumalik akong malungkot sa work station ko.

"Leigh, pinapatawag ka ni Engineer Sandoval," salubong kaagad sa akin ni Zyra. Busy ito sa kaka-collate ng mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Bakit daw?"

"Hindi naman nagsabi."

Pinasok ko lang ang kikay kit ko sa drawer at pinuntahan na si Engineer Sandoval sa upisina niya. May kausap ito sa telepono, pero sinenyasan na akong pumasok. Pagkababa niya ng awditibo, may inabot ito sa aking folder.

"I hope you're not doing something urgent," sabi nito agad. "Gusto ko sanang ihatid mo ito ngayon din kay Engineer Knudsen. He needs those designs ASAP."

Saglit akong natigilan dahil kadalasan si Ysay ang pinapagawa no'n ni Boss Dave. Nahulaan siguro ni Engineer Sandoval ang katanungang naglalaro sa isipan ko kaya nagpaliwanag na ito.

"Si Miss Vergara nga sana ang pakikisuyuan ko kaso nga lang may inutos naman si Rona sa kanya."

May dinukot ito sa bulsa at inabot sa akin. Five hundred pesos.

"Ay, huwag na po, Engineer. May petty cash naman tayo for transportation expenses."

Ngumiti siya sabay sabi ng, "Okay lang. Pangmeryenda. Isali mo na rin diyan ang dalawa mong kaibigan."

Napangiti ako. Si Engineer talaga, oo. Ba't hindi na lang manligaw nang hantaran kay Ysay? Ang dami pang pasakalye.

Hindi naman ako nag-commute papunta sa construction site dahil pinahatid ako ni Boss kay Mang Roman. Inulan na naman ako ng tukso ng matandang pakialamero.

"Regards mo na lang ako kay Pogi, Leigh," biro pa sa akin nang pababa na ako ng kotse para pumunta kina Engineer Knudsen. Naispatan ko agad si Nikolai sa hindi kalayuan. May kausap itong mga manggagawang Pinoy. Nakatalikod siya sa amin.

"Kayo na lang kaya ang magsabi. Hayun siya, o," sagot ko sabay turo sa kumag. Nagulat ako nang tinotoo nga ni Mang Roman ang sinabi ko.

"Pogi!" sigaw nito. Napalingon naman agad si Nikolai at nang makita kami'y kumaway din. Sumenyas ito sa kausap at lumapit na sa amin.

"Napakaeskandaloso n'yo talaga, Mang Roman. Nakakainis kayo," sabi ko sa matanda.

"Sus, kunwari pa ito."

Tinirik ko lang ang mga mata at naglakad na papunta sa tent ni Engineer Knudsen. Nilampasan ko si Nikolai. Tumigil ito saglit nang halos magkaharap na kami, parang nag-aalangan kung babati o hindi. Inunahan ko na nang malamig na kaway. Kumaway naman ng pagbati.

Pabalik na ako sa kotse nang may mamataan akong pamilyar na bulto na nakikipaghuntahan sa foreman malapit sa isa pang tent. Nangunot ang noo ko nang mapagsino ang babae. Ano'ng ginagawa ng Mina na iyan dito? Mayamaya pa, nakita ko rin si Nikolai na lumapit sa kanila at mukhang nakipaghuntahan din. Nanggigil kaagad ako. Natukso akong lapitan sila at sitahin ang bruha. Pero ano naman ang sasabihin ko?

Bumalik ako sa upisinang nagngingitngit. Nagtaka sina Zyra at Ysay nang may dabog ang bawat galaw ko.

"Ano'ng nangyari?" tanong agad nila.

"Wala. Ang init lang sa labas. Nakakainit din ng ulo," sagot ko sabay salampak sa sariling upuan. Hindi na ako nagsayang ng oras. Binuksan ko agad ang PC at sinimulan na ang letter para sa isang supplier na pinapasulat ni Evil Twin.

Nahagip ng tingin kong nagpalitan ng tingin ang dalawa, pero I was too angry to care. Sinasabunutan ko pa kasi at nilalampaso sa isipan si Mina.

Dahil masama ang loob, madali akong nahatak ni Zyra na dumaan muna sa isang restobar bago umuwi nang hapong iyon. Hindi na sumama sa amin si Ysay.

Kakarating lang ng order namin nang may mamataang pamilyar sa amin si Zyra. Inginuso niya ito sa akin. Si Mina na naman. Lalo akong nainis. Ang inis ko ay naging galit nang makitang lumapit sa table nila ang lalaking ilang gabi nang nagpagulo sa isipan ko. Awtomatiko ang pagtulo ng mga luha sa aking pisngi.

"Oy," masuyong sabi ni Zyra. Lumipat ito ng upuan at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako at pinisil-pisil ang balikat. "Ano ka ba? Huwag ka ngang ganyan."

"He wants an easy lay," reklamo ko habang sumisinghot.

"Then, he doesn't deserve you. Hayaan mo na ang lalaking iyan kung gusto ng mabilisan. They deserve each other."

Lalo akong napaiyak. Nataranta si Zyra.

"May nasabi ba akong masama? Leigh! Leigh naman, e."

Dali-dali akong nagpahid ng luha nang makitang may lumalapit sa aming foreigner. Nang ilang metro na lang ang layo, napasigaw si Zyra sa tuwa.

"Lukas!"

Tumayo ito at sinalubong ang bagong dating.

"Am I interrupting your girl talk?" nakangiti nitong tanong sa amin. Pinilit kong ngumiti sa kanya habang umiiling.

Hinatak nito saglit si Zyra para makalayo sila nang kaunti sa akin. May sinabi ito kaya mayamaya'y nagpaalam na ang kaibigan ko na pupunta lang daw saglit sa table nila Lukas dahil may ipapakilala itong kaibigan. Kahit ayaw ko dahil naiwan akong mag-isa do'n na parang tanga at walang lovelife, hindi ko rin napigil si Zyra dahil mukha itong excited.

Pag-alis nilang dalawa, dinalawang lagok ko lang ang 12-ounce na San Mig Light. Pagbaba ko ng halos walang-lamang bote, saka naman may lumapit na lalaki. Nang tingalain ko ito, gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko. Si Nikolai.

"Hi," medyo nahihiya nitong bati. "Can I join you?"

Bago pa ako makasagot, umupo na siya sa puwesto ni Zyra. Siya na rin ang uminom ng beer ng kaibigan ko.

"About what happened – I'd like to apologize. I'm sorry."

Hindi ako nakasagot dahil gulat na gulat pa rin ako sa paglapit niya. Napasulyap ako sa mesang pinanggalingan niya at nagtama ang paningin namin ni Mina. Umirap ito sa akin sabay tungga ng hawak-hawak na red wine. Kahit papaano, I felt good. Umalis do'n si Nikolai to be with me.

Lalo tuloy akong ginanahan uminom. Sinenyasan ko ang waiter na dalhan pa kami ng tig-isang San Mig Light.

"I didn't contact you for the past week not because I was mad at you," patuloy pa ni Nikolai. "I was just embarrassed at how I acted after you – you declined. I hope you're not angry at me for what I did."

Umiling ako. Hindi na ako galit. Tama nang hiningi niya iyon ng paumanhin.

"Are you sure?" tanong pa niya. May kislap na ng tuwa ang mga mata.

"I'm pretty sure," sagot ko naman at dahan-dahan nang ngumiti.

Nakalimutan ko na si Zyra kahit hindi na ito bumalik sa table namin. Nag-enjoy na ako sa pakikipagkuwentuhan kay Nikolai. Kakaibang saya ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon dahil napag-alaman kong siya rin ay hindi nakatulog nang kung ilang gabi sa kaiisip sa akin. Ang sarap pala ng feeling kapag alam mong reciprocated ang feeling mo.

Nag-order pa ako uli ng San Mig Light.

"Hey, that's too much. You've had enough," saway niya sa akin.

"It's okay. It's Friday night, anyway," malambing kong sagot. May kasama na iyong maharot na ngiti. Nakita ko siyang napailing-iling habang nakangiti rin sa akin. Hindi na nga ako inawat. Pero nang umorder pa ako pagkatapos kong maubos ang panglima kong bote ay pinigilan na niya ako. Pinaalis na rin nito ang waiter sa table namin.

"You seemed drunk, Leigh. That's enough," sabi niya sa akin. Hindi na siya nakangiti.

"Ano ka ba? I only had four. I can take four more," sagot ko naman at tumawa. Teka, ako ba ang malanding babaeng iyon? Pinilig-pilig ko ang ulo.

"You already had five and I think you're already drunk."

"Don't you like drunk women?" nakangisi kong tanong sa kanya.

"You're crazy," sagot niya sa akin at tumawa pa nang mahina.

One moment I was talking to him and then I felt a sudden drowsiness. Ang huli kong narinig ay ang pagtawag niya sa akin ng, "Leigh! Oh no!"

**********

Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Mapusyaw na kulay asul na dingding ang bumati sa akin nang umagang iyon. Napabangon ako agad. Shit! Nasa'n ako? Naalala ko agad si Zyra. Gusto ko sana siyang tawagan, pero hindi ko mahagilap ang bag ko. Nang silipin ko ang hitsura sa loob ng kumot, napahumindig ako. Naka-t-shirt ako ng kulay puti. Hindi naman ito ang suot ko kagabi, a. Dinama ko ang katawan at nakahinga ako nang maluwag nang maramdamang may suut-suot pa rin naman akong undies.

Babangon na sana ako para hanapin kung nasa'n ang mga gamit ko nang may biglang bumukas na pintuan sa loob ng silid. Niluwa no'n ang bagong paligong si Nikolai. Siya ba ang nagpalit sa akin kagabi? Shit! Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

"Good morning," nakangiti niyang bati sa akin. "How do you feel now?"

"My head is still heavy," sagot ko.

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Paano ko ba naman siya matitigan? Tanging kapiranggot na tuwalya lang ang bumabalot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Wala na siyang iba pang saplot.

"Do you want to freshen up? Maybe you'll feel better."

Tumango ako. May inabot siya sa aking tuwalya at tinuro niya ang banyo. Nag-atubili akong umalis sa ilalim ng kumot dahil bahagya namang umabot sa tuhod ang t-shirt na pinahiram niya sa akin. Nahulaan siguro ang pinoproblema ko, tumalikod siya at pabirong sinabing pwede na akong tumakbo sa banyo. Which was what I did.

Sinalat-salat ko ang maseselang bahagi ng aking katawan sa pag-aakalang baka may ginawa siya sa akin, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba. Pinalis ko iyon sa isipan at pinagpatuloy ang pagkuskos ng katawan.

Pagkapaligo, pinatuyo ko na ang buhok gamit ang hair dryer na nakasabit sa dingding sa gilid ng kanyang lababo. Lalabas na sana ako nang maalala na wala akong anumang suot liban sa tuwalya. Paano na?

Pagsilip ko sa kuwarto, nakita ko siyang hindi pa rin nakabihis. May kausap ito sa telepono at mukhang nagtatalo sila. O baka gano'n lang talaga ang lenggwahe nila? Naramdaman siguro niya ang presensya ko dahil lumingon siya sa akin. Kaagad siyang nagpaalam sa kausap at binaba ang telepono. May dinampot siyang puting t-shirt sa ibabaw ng kama at sinabing iyon na raw muna ang isusuot ko.

"Where's my clothes?" tanong ko. Lumapit na rin ako sa kanya habang hawak-hawak ang pinagbuhulan ng tuwalya. I was careful not to look at his face. Hindi ko pa kaya. May pakiramdam kasi akong nagkalat ako kagabi.

"In the washing machine."
"What?!" Hindi ko rin natiis. Napatingin ako sa mukha niya. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi.

"You threw up last night. It was drenched in puke."

Napaungol ako nang ma-imagine ang hitsura ko habang nagsusuka sa harapan niya. Shit! Nakakahiya!

"Don't worry. It happens."

Nang tingnan ko uli ang puting t-shirt na siyang isusuot ko muna, nangunot na naman ang noo ko. Mayroon nga akong damit, wala naman akong undies.

"Sorry, I can't let you borrow my boxers. I think they're huge for you," at tumawa siya nang bahagya.

Pinamulahan ako. Lalo akong namula nang walang-anu-ano'y nagsuot ito ng boxer briefs sa harap ko.

"Nikolai!" asik ko sa kanya.

Tumawa lang ang loko. Dali-dali naman akong bumalik ng banyo dala-dala ang puting t-shirt. Isusuot ko na sana ito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok siya nang walang pasabi. Lumapit ito sa akin at tinukod ang isang kamay sa dingding na nasa gilid ng ulo ko. Para akong hiningal. May nagsabi sa aking tinig na dapat na akong tumakbo palabas ng banyo, pero hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa. Parang may kung anong magnetong humigop sa akin nang titigan niya ako. Nang bumaba ang mukha niya para gawaran ako ng halik, napapikit ako. Matagal na naghinang ang mga labi namin bago ko naramdaman ang mga kamay niyang pumipisil-pisil sa aking pang-upo. Gusto ko sana siyang sawayin, pero may kung anong mamasa-masang bumulwak sa pagitan ng hita ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kati lalung lalo na nang idiin niya rito ang naghuhimindig niyang pangharap na tila nagwawala sa loob ng puti niyang boxer briefs. Nang pangkuin niya ako para dalhin sa kuwarto, hindi na ako nakapagprotesta. Napakapit pa ako sa batok niya. Pagkahiga sa kama, hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Dumako kaagad ang kamay niya sa sugpungan ng mga hita ko. Namilipit ako. Gamit ang mga tuhod, pinaghiwalay niya ang mga binti ko at pinasok ang daliri doon. Impit akong napaungol. Kaagad niyang binaklas ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko at bumaba ang mukha niya doon. Gulat na gulat ako. Bago pa ako makapagprotesta ay nasa pagitan na siya ng hita ko at hindi lang ako basta inaamoy-amoy. Naramdaman ko na rin ang dila niya roon. Hindi ko siya kayang pigilan. Napahawak ako sa buhok niya at bahagya kong tinaas ang kanyang ulo. Umalis nga siya roon, pero pinaulanan niya ng halik ang mga hita ko. Napaungol na naman ako. Gumapang siya pataas habang naghuhubad ng boxer briefs. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kung gaano siya kalaki at kahanda. May namutawing pilyong ngiti sa kanyang mga labi nang magtama ang paningin namin. Pinahawak niya ang ano niya sa akin habang hinahaplos-haplos niya ang pisngi ko. May narinig na naman akong munting boses sa isipan na nagsasabing, "Huwag, Leigh!" Pero kasabay no'n ay nakita ko ang nagbubunying ekspresyon sa mukha ni Mina. Hindi. Hindi ako makakapayag na maagaw ni Mina ang lalaking ito sa akin!

Sa una lang ako nag-atubili. Nang ipagduldulan na naman niya iyon sa akin, pikit-matang inamoy-amoy ko iyon at sinubukan na ring dila-dilaan. Narinig ko siyang napasinghap. Lalo iyong naghumindig sa pagkakahawak ko at bigla na lang may lumabas do'n na parang tubig. Napaungol siya at pinahiga niya ako sa kama. Pumuwesto siya sa pagitan ng mga hita ko at dahan-dahan kaming pinag-isa. Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ang kalahati ng ano niya sa loob kung kaya napahinto muna siya.

"I'm sorry. This will be painful, but I can't help it. I'll try to be gentle."

Pagkasabi no'n, tinuluy-tuloy na niya iyon sa loob. Tama nga siya. Sobrang sakit, pero sa una lang iyon. Nang lumaon ay kakaibang ligaya naman ang dulot no'n. Hindi ko sukat-akalaing maging gano'n ako kaingay, pero ilang beses akong napaungol. Gano'n din siya. Nang humupa na ang aming mga damdamin, masuyo niya akong hinalikan sa labi bago gumulong sa tabi ko.

"That was pretty awesome. I love you."

No'n lang nag-sink in ang ginawa namin at bigla akong nakaramdaman ng takot.

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store