ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER THIRTEEN

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

**********

Sa pagdaan pa ng mga araw lalong naging mapangahas si Mina. Halos nakasabay ko pa siyang pumunta sa condo ni Nikolai. Magagalit na sana ako kung hindi siya hinarangan ng guwardiya.

"Ma'am, kabilin-bilinan po ni Sir Bjornsen na bawal po kayong pumunta sa unit niya."

Nakita ko kung paano nanlisik ang kanyang mga mata. Tinulak pa ang guwardiya sabay mura at dinuru-duro ako.

"E bakit itong babaeng ito ay pinapayagan n'yo?"

"Nobya po siya ni sir, e."

Sa inis ko sa guts niyang wala sa lugar winagayway ko sa pagmumukha niya ang spare key card na bigay sa akin ni Nikolai. Aagawin sana niya iyon kung hindi ko naitago agad.

"Kunwari ka pang santa-santita sa upisina. Nagpapaano ka na rin pala! Yuck!" At kaagad siyang tumalilis palayo.

Kahit alam kong wala namang pakialam ang guwardiya sa akin, pinamulhan pa rin ako ng mukha. Imbes na dumeretso na sa itaas at do'n na hintayin si Nikolai, naisipan ko na lang umuwi.

Naikuwento ko nang pahapyaw ang pagtatagpo namin ni Mina sa Nanay ko, pero siyempre hindi ko sinabi na sa condo kami ni Nikolai nagkita.

"At nagselos ka na naman?" tanong agad ng nanay ko.

"H-Hindi naman po. Kaso lang, ba't po gano'n? Ba't sobra na po siyang mapangahas? Hindi kaya--?" Kahit sa sariling ina hindi ko kayang sabihin nang deretsahan kung ano ang kutob ko.

Napailing-iling ang nanay ko.

"May mga babae talagang ganyan. Akala nila kayang-kaya nilang makuha ang sinomang lalaki basta handa silang tumihaya."

Ouch! Nasapol ako do'n, a.

"Kung balak mo na namang komprontahin ang nobyo mo tungkol do'n, mag-isip-isip ka. Mamaya niyan, magsasawa na iyong tao sa kakaesplika sa iyo at totohanin na nga ang bintang mo. Just trust him. Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil nakikita ko namang mahal ka ni Nikolai."

Napabuntong-hininga ako.

"Ganyan talaga, masanay ka na. Guwapo masyado ang nobyo mo, e. Natural na maraming eepal. Gusto mo pala ng tahimik na relasyon di si Mamerto na lang sana ang ginawa mong boyfriend. Iyon, solong-solo mo."

"Ang sama n'yo naman, Nay," nakangisi kong sagot.

Kapitbahay namin si Mamerto at dati ring nanligaw sa akin. Hindi sa masyado akong nagbibigay ng halaga sa panlabas na kaanyuan ng tao, pero sadyang ang hirap mahalin ni Mamerto. Bukod sa malala ang pagkabingot nito, ni hindi kami magkaintindihan dahil sobra itong ngongo. Mabuti kung iyon lang ang deperensya niya. Gano'n na nga ang mukha, matindi pang magsugal. Kung puwede nga lang maisangla si Aling Mameng, ang inang niya, matagal na siguro niyang pinampusta sa posoy.

Pati si Zyra ay nagpaalala rin sa sobra kong pagbibigay importansiya sa mga pinaggagawa ni Mina.

"Hay naku, sis. Mauubos na ang words of wisdom ko sa iyo. Ilang beses ko bang dapat sabihin na ang kagaya niya ay hindi pinag-aaksayahan ng panahon? Ginagawa rin niya iyan kay Lukas, e. Nagselos ba ako?"

"Hindi ka naman kasi pinadalhan ng kung anu-anong larawan."

Dumukot sa bulsa si Zyra at pinakita sa akin ang isang text from an unknown number na nagpadala rin ng kung anu-anong suggestive photos ng nobyo niya at ni Mina. Nangunot ang noo ko dahil ni hindi niya iyon nabanggit sa amin.

"Hindi ko na sinabi ito sa inyo dahil para sa akin wala naman itong kuwenta. Kung totoo ito ba't pa niya ipapadala? Disin sana'y nag-iingat siyang malaman ko."

May point na naman si Zyra. Ang mga gumagawa ng katarantaduhan ay kadalasang nagtatago at takot mabisto.

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at bumalik na kami sa work station namin. Kahit papaano gumaan ang loob ko. Pero pagdating namin do'n nakita naming naglilinis ng desk si Ysay. Naalarma kami.

"Relaks mga sis," natatawa niyang sabi sa amin. "Desisyon ko ito. Ang sabi kasi sa akin ng doktor kailangan kong mag-ingat para kay baby. Kaya pasensiya na kung medyo madalian itong pagbibitiw ko."

Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng emosyon. Mahigpit namin siyang niyakap ni Zyra.

"Don't worry. Magkikita pa naman tayo, e."

Dahil do'n mabigat ang kalooban ko nang umuwi nang hapong iyon. Mas pinalala no'n ang nararamdaman kong pag-aalala para sa amin ni Nikolai. Malapit na kasing matapos ang hotel project ni Mr. Petersen at wala pang linaw kung saan patutungo ang relasyon namin. Paano na kami kapag umuwi na siya?

"Leigh!" excited na sigaw ng Nanay ko habang tinatawag ako sa kuwarto. Kaagad akong bumangon at inayos ang sarili. Nagmadali na rin ako dahil halos gibain na niya ang pintuan ko.

"May sunog po ba?" tanong ko habang naiinis na pinagbuksan siya ng pinto.

Hindi niya pinansin ang sarcasm ko.

"May bisita ka! Nandito si Nikolai!"

Pagsilip ko sa sala, nakita ko ngang naghihintay do'n si Nikolai habang kausap ni Boyet. Hindi gaya ng dati, nakapormal siya ngayon at may dala pang bulaklak. Ano'ng nakain nito? Umaliwalas kaagad ang mukha niya nang dumating ako. Pinaalis naman ni Inay si Boyet do'n para magkausap kami nang sarilinan.

"Thanks for the flowers, but what's the ocassion?"

Napakamot-kamot siya sa ulo sabay iling.

"I just want you to feel special, that's all."

Nangunot ang noo ko. May kasalanan kaya ito sa akin at gusto niyang bumawi? There you go, again. Umandar na naman ang pagiging mapangduda mo! Pinilig-pilig ko ang ulo para mawala iyon sa isipan ko.

"I already told your parents that I want to have dinner with you tonight and we might not come home before midnight. Your mother gave me her blessing," at ngumiti siya sa akin nang pilyo.

Loko 'to, a! Sinabi kaya niya kay Inay ang mga pinaggagawa namin? Nang pabulong kong itanong sa kanya iyon, napatawa siya nang malakas. Ba't naman daw niya sasabihin iyon? Sumulyap-sulyap pa ako sa bandang kusina kung nagmamatyag ang nanay ko. Nakahinga ako nang maluwag nang walang makitang anino doon.

"Why don't you get ready so we can go now?"

"I thought you had a meeting tonight with the other engineers."

"We're done that's why I'm here."

"All right," sabi ko at tumayo na para magbihis.

Dahil pormal ang suot niya naghanap din ako ng Sunday dress ko. Ang lawak ng ngiti niya nang makita ako in my light green dress. Bagay daw sa akin. Dapat nga raw magsuot ako ng mga bestidang maiikli lang ang manggas dahil well-toned naman daw ang mga braso ko. Kiming ngiti lang ang sagot ko sa kanya. Sanay na akong pinupuri nila Nanay at ng mga kaibigan ko, pero kakaiba pala ang dating kapag kasing guwapo ni Nikolai ang magsabi n'yon. Nakakaliyo.

Napamulagat ako nang pumasok kami sa restaurant ng isang five star hotel. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan akong hindi maintindihan. Noong isang araw kasi pinaalam na sa amin ni Ysay na ilang linggo na lang at matu-turn over na raw ang hotel kay Mr. Petersen. Finishing touches na lang daw ang ginagawa roon kung kaya may ibang Norwegian engineers na may ticket nang pabalik ng Norway. Isa na kaya si Nikolai do'n? Ito na kaya ang last dinner naming dalawa kung kaya nag-abala pa siyang gawing pormal ang lahat? Nanginginig na ako sa loob, hindi ko lang pinapahalata.

Pagdating ng red wine namin, hinuli niya ang isa kong kamay habang seryoso akong tinitigan sa mukha.

"When I came here last year, I never thought I would meet a wonderful girl like you."
Shit! Is this a prelude to our break-up?

"I didn't even seriously consider this hotel project at first because I thought my dating life would suffer in this country," tumawa siya nang bahagya do'n. "You see, althought there were many Asians in Norway, I didn't have a close encounter with them so I actually didn't think I would fall for one," at hinalikan niya ang kamay ko. "You're the best thing that had ever happened to me in my whole life, Leigh. I love you so much."

Nangilid ang mga luha ko. I was very flattered, pero at the same time hindi ako makapag-rejoice nang tuluyan dahil sa pinapangambahan. Baka sinisikap lang niyang maging magaan para sa akin ang lahat.

"Mr. Petersen has given me another project to work on so I will be staying for a few more months here," at napangiti siya. Nakita niya siguro ang pagguhit ng kagalakan sa mukha ko.

Pero bigla siyang natahimik, parang nag-isip. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nag-uumpisa na ngang sumakit ang tiyan ko dahil sa matinding tensiyon. Nagdagdagan ang tensiyong iyon nang hawakan niya ako nang mahigpit sa dalawang kamay. Halos pinipigilan ko na ang paghinga no'n.

"Do you love me?" bigla na lang ay naitanong niya.

"Do you still have doubts? I've compromised my lifelong beliefs and my ideals for you. If I don't love you, then I don't know what love is," sagot ko naman agad sa mahinang tinig. Napangiti siya at napahalik na naman sa mga kamay ko.

"Have you ever thought – I mean, have you ever wondered about living in a foreign land?"

Tama ba ang dinig ko? Nawala bigla ang pinangangambahan ko. Napalitan iyon ng isang antisipasyon na kailanman ay hindi ko naisip na mangyayari agad sa buhay ko. Bago pa ako makasagot, nakaluhod na siya sa harapan ko at nakabukas na ang hawak-hawak niyang maliit na kahon. Nagulat ako nang sinalubong ang paningin ko ng kislap mula sa hawak niyang singsing. Although I expected it after what he had just said, iba pala kapag nandoon na nga.

"Leigh Marie Arguelles, will you marry me?"

Kasabay ng pagluwag ng dibdib, bumulwak ang mga luha ko. Lumuhod na rin ako sa harap niya sabay yakap sa kanya nang mahigpit habang humahagulgol.

"You're suppose to answer me yes or no," bulong niya sa akin.

Sinapo ko ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa labi.

"Yes! Yes, I'll marry you, Nikolai Bjornsen."

Tumawa siya at siniil din ako ng halik sa labi. Nagulat na lang ako nang may sumigaw ng kagalakan sa paligid namin. Paglingon ko, nakita ko ang masasayang mukha ng ibang guests. May iba pa ngang kinukuhanan kami ng video. Bigla akong nahiya.

Pagkalagay niya ng singsing sa palasingsingan ko, tinulungan niya akong tumayo at bumalik sa upuan ko. No'n naman dumating ang waiter at binigyan kami ng champagne.

"Courtesy of the house, sir, ma'am. Congratulations!" sabi nito sa amin.

Iyon na ang pinakamaligayang gabi ko sa tanang buhay ko.

Nang ihatid niya ako sa bahay, kaagad na hinuli ng nanay ko ang kaliwa kong kamay. Nang makita doon ang singsing, napasigaw ito sa kagalakan. Niyakap niya rin si Nikolai at pinaghahalikan sa pisngi.

"Nay, huwag masyadong OA," saway ko sa kanya.

Hindi niya ako pinansin. Sa halip, tinawag niya si Itay at si Boyet. Nagmano si Nikolai sa tatay ko pagkakita sa kanya at naki-fist bump naman sa bunso namin. Kiming ngiti lang ang sagot ng ama ko't kapatid. Strange. Biglang nailang si Boyet. Ginulu-gulo ko nga ang buhok niya.

Nang wala na si Nikolai, pinaliwanag ni Inay na nagsabi na pala sa kanila si Nikolai kaninang dumating siya. Kaya nga raw gano'n na lang ang pagtutungayaw niya nang katukin ako sa kuwarto.

"Naku, anak. Maswerte ka talaga sa lalaking iyon. Bigyan n'yo kami ng maraming apo, ha? Tiyak artistahin ang mga supling n'yo. Excited na ako!"

Napailing-iling ako sa nanay ko. Pero sa totoo lang, iyon din ang naisip ko kanina pa.


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store