BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)
CHAPTER SIX
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
**********
Ang sabi ng utak ko hindi ako dapat nagpapadala sa damdamin. Na kailangan kong maghinay-hinay dahil kailan ko lang naman nakilala ang lalaking ito. Pero wala akong lakas na labanan ang emosyon. Kaya nang bumaba ang kanyang mukha para bigyan ako nang mainit na halik sa mga labi, wala akong nagawa kundi pumikit na lamang at namnamin ang mga sandaling iyon. Napasinghap pa ako nang bitawan niya. Nakita ko siyang ngumiti na parang tinedyer na naka-score ng halik sa crush niya. Biglang nag-init ang mukha ko. Kaagad akong napaisod at binaling ang tingin sa labas ng bintana. Naramdaman ko na lang na pinaandar na niya ang sasakyan.
"I made a reservation at a grill resto in Makati. Will that be okay with you?"
Napilitan akong sumulyap sa kanya at tumango. I was still ill at ease. Nag-aalala ako sa iniisip niya tungkol sa akin. Baka mag-assume na siyang isa akong tsipipay na babae.
"What's wrong?" tanong nito. From the corner of my eye, nakita ko siyang napatingin sa akin. Parang nag-aalala siya.
"Nothing," sagot ko naman agad sabay iling. Pero nanatiling nasa kalye ang mga mata ko.
"Are you mad at me for kissing you?" This time, his voice was low, almost a whisper. Para naman akong kiniliti. Napayuko ako para hindi niya mahalatang bigla akong kinilig.
"I guess you expect me to – apologize for that. Sorry, I won't," sabi pa niya. Napasulyap tuloy ako sa kanya. Ang una kong reaksiyon ay pagkainis. Napaka-arogante naman ng taong ito! Pero nang marinig ko ang paliwanag niya, nalito na ako.
"That was meant as a compliment," nakangiti niyang paglilinaw sa sinabi. "When I said, I was not sorry for kissing you, I was not being pompous or anything," diin niya. "I liked it so much that if I'll be given another opportunity, I will do it again." May kabuntot na mahinang tawa ang huli niyang binitawang salita. Nag-init tuloy ang pisngi ko. Naramdaman ko na lang ang paggagap niya sa isa kong palad. Para pagtakpan ang hiyang nadarama ko nang mga sandaling iyon, binawi ko agad ang kamay.
"Drive with both hands, please," pakiusap ko kunwari. "You're not in Norway, you're in Manila. There are many reckless drivers here. You should be alert."
"I am. Don't worry," pagtitiyak naman niya. "And please don't be mad at me." Binigyan niya ako nang matamis niyang ngiti. Hay. Sino ba naman ang makaka-resist sa ngiti ng lalaking ito? Napaka-unfair ng buhay.
"I'm not mad. Just don't do it again," sagot ko sa mahinang boses. Nakita kong napasulyap siya agad sa akin. Hindi na siya nakangiti. Parang biglang nagseryoso ang mukha.
Nakaupo na kami sa nakatalagang mesa namin nang mahagip ng tingin ko ang isang pamilyar na bulto na nakatalikod sa amin. Peste! May taga-upisina na naman dito. Ang pinakaayaw ko pang makita nang mga sandaling iyon ang nandoon.
"Engineer Bjornsen!" magiliw na bati nito nang makita si Nikolai. Hindi ito nag-aksaya ng panahon. Lumapit agad ito sa amin.
"Hi, Ms. Capiral. I didn't know that you're here," nakangiti namang sagot ni Nikolai.
Sumulyap sa akin si Mina. Nakita ko ang pag-ismid niya, pero kaagad din iyong binawi. Ngumiti siya sa akin nang mapakla.
"Nanliligaw pala siya sa iyo," ang sabi pa niya. Hindi niya naitago ang inggit sa boses. Sasagot sana ako, pero bumaling na siya sa kasama ko at tsinika ito.
Por Dios, hindi pa ba aalis ang babaeng ito? Nagsipaglapit na rin ang tatlo niyang kasamang babae. No'n ko lang sila nakita. Nakiusyuso na rin ang mga bruha kay Nikolai. Umungot pa kay Mina na ipakilala daw sila. Magiliw naman silang pinaunlakan ng felingera. Tumayo pa si Nikolai para makipagkamay sa kanilang lahat. Hindi nila itinago ang kilig sa simpleng pakita ng mabuting asal ng lalaki. Hinampas-hampas pa nila ito sa braso habang tumatawa na parang kinikiliti. Nakipagbiruan pa. Akala mo'y matagal nang magkakilala.
Nakita kong napasulyap sa akin si Nikolai na parang humihingi ng dispensa. Ngumiti lang ako para mapanatag siya. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin?
Nang dumating ang waiter dala ang inorder naming drinks at meat na iihawin, saka lang nagpaalam ang mga bruha. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko'y makisiksikan pa sa amin.
"Sorry about that."
"It's okay," pakli ko naman. Itinaas niya ang kopita niya ng red wine at may sinabi siya sa lenggwahe nila habang seryosong nakatingin sa akin. Napakunot-noo ako. Nang matapos siyang magsalita, napangisi siya sabay sabi ng, "Cheers!" Itinaas namin pareho ang wineglass at pinagdikit. Nakangiti na rin ako nang nagsabi ng, "Cheers!"
Inurirat ko pa sana kung ano'ng sinabi niya sa Norwegian, pero ngumiti lang siya sa akin. Hindi naman nagpaliwanag.
Nang maluto ang inihaw niyang karne, binigay niya ito sa akin.
"Lady's first," sabi niya nang pabiro. Napangiti ako.
"There. That's nice. I like it when you smile like that."
Imbes na sagutin siya, sinuklay ko ng daliri ang buhok at inipit ko pa ang ilang hibla sa likuran ng tainga ko. Gano'n ako kapag maysadong self-conscious.
Masaya na kaming nagbibiruan ni Nikolai nang lumapit uli ang grupo nila Mina na may dala-dalang cell phone. Nakiusap sila kung pwedeng magpa-piktyur sa kasama ko. Parang nagulat si Nikolai. Napatingin nga agad siya sa akin. Bago pa siya maka-oo, tumabi na sa kanya si Mina at kumuha ng selfie. Salitan ang mga bruha. Tuwang-tuwa. Nakisakay na rin si Nikolai sa kanila.
"Ang bait niya talaga, Mina, no? Ang swerte n'yo at may kasama kayong ganyan ka guwapo sa work," narinig kong sabi ng isa nang matapos sila sa pagpapakuha ng litrato.
"Actually, hindi naman siya palaging napupunta sa office. Tuwing may meeting lang," sagot naman ni Mina at sumulyap pa sa akin.
Nagbubutingting na sila no'n ng kani-kanilang cell phone at tinitingnan ang nakuhang selfie. May isang hindi nakuntento sa kuha niya, nakiusap pa na ulitin raw nila ni Nikolai. Natawa na lang ang huli at nagsabi ng, "Sure!"
Bago umalis sa table namin ang mga bastos, narinig ko pang nagtanong ang isang tsinita kung girlfriend daw ba ako ni pogi na mabilis namang sinagot ni Mina ng, "Hindi no!"
"E bakit magkasama?" tanong pa ng isa.
"Baka gratitude dinner lang. Lagi kasi iyang nauutusan ni Boss na magsilbing yaya at personal assistant ng mga engineers namin." Tila sinadya niyang iparinig sa akin.
Nagngitngit man ang kalooban ko, I controlled my temper. Naisip ko na lang, kahit mag-tumbling pa sila sa kakainsulto sa akin, it doesn't change the fact that I won the race. Solong-solo ko ang atensiyon ni Nikolai. Mamatay sila sa inggit!
May kapilyahan akong naisip. Dahil alam kong nakatingin pa rin sila sa amin habang naglalakad pabalik sa table nila, dumukwang ako kunwari at bumulong kay Nikolai ng kung anu-ano. Nagulat naman ito.
"What?" tanong niya. Nakakunot ang noo.
Natawa ako. Nang marinig ko ang sariling tawa, natigilan ako. Sumisipa na yata ang wine sa utak ko. May kakaiba nang landi ang pagtawa ko. Unlike kanina na konting kibot ni Nikolai ay nahihiya ako, this time hindi na. Inulit ko na lang ang walang katuturan kong sinabi. Binulong ko uli sa kanya.
"I still don't get it," natatawa nitong sabi. "What does it mean? Sorry, I don't understand Tagalog. I wish I do."
"Oh, forget it. It's not important," sabi ko na lang. Nakita ko na kasing nagdabog na pabalik ng mesa nila si Mina. Gusto kong tumawa.
Marami kaming napag-usapan ni Nikolai nang gabing iyon. May nadagdag na sa kaalaman ko tungkol sa kanya bukod sa pagiging only child. Noong high school lang daw siya nagdesisyon na kumuha ng engineering course sa college. Nalaman daw kasi niyang engineering ang gustong kunin ng long-time crush niya kaya nakigaya na rin siya para makabuntot lang do'n sa dalaga. Naging girlfriend naman daw niya ang babae, pero ang ending siya ang nakatapos at nag-change course ang gf. Hindi raw nakayanan ang kurso. Bago raw sila maka-graduate ay naghiwalay din sila ng babae. Nagkaroon uli siya ng panibagong nobya noong patapos na siya ng college. Sobrang higpit daw ng mga magulang ng babae at halos hindi siya makalapit sa bahay nila. Mga isang taon din daw silang nag-live-in no'n bago naghiwalay. Nakatatlo pa siyang girlfriends na puro panandalian lang bago niya nakilala si Anika na naging girlfriend niya for more than three years. Inakala nga raw niya na ito na ang makakatuluyan niya. Pero ilang buwan bago siya bigyan ng project sa Maynila ay nagkahiwalay na sila ng babae.
Naisip ko agad, ang dami niyang naging girlfriends! At mula college lang ang counting no'n, ha? Paano na kaya kapag pinagsama-sama ang junior at senior high school?
"What about you?" tanong niya sa akin.
Parang nahiya ako sa love history ko. Isa lang kasi ang masasabi kong boyfriend. Ang una, si Nonoy na kapitbahay namin, ka-MU ko lang siya noong hayskul. Hindi naman iyon natuloy sa boyfriend-girlfriend relationship dahil nakakita siya ng babaeng seryoso niyang niligawan at naging tunay na nobya. Pero dahil sa narinig ko sa kanya, naisip kong bilangin na rin si Nonoy. Baka isipin niya walang nagkakagusto sa akin.
"I only have two," nahihiya ko pang sagot. "One in high school and another one in college. My high school relationship only lasted for a year, then we broke up. We went to different universities that's why. It was difficult to keep the relationship going." Dios ko, ano ba naman ang pinagsasabi ko. E, kapitbahay ko lang si Nonoy! Totoo ngang magkaiba ang unibersidad namin, pero hindi naman iyon ang puno't dulo ng pagbuwag namin ng kasunduan.
"What about the latest one? The one you had in college?" interesado niyang tanong.
"We actually broke up when he migrated to Italy with his family."
"How long did the relationship last?"
"More than two years. We started dating when I was on my last year in college."
"How long have you been single?" tanong niya uli. Aba, aba inasyum na niyang single ako? Sinabi ko iyon sa kanya. Ngumiti lang siya at sumagot ng, "If you had a boyfriend, you wouldn't be here with me right now."
Nag-init ang mukha ko. Oo nga naman. Ang engot ko.
"So, how long have you been single?"
Yumuko ako, medyo nahiya. Okay lang ba maging honest? Baka isipin niyang sobra naman akong under performer when it comes to relationship. Ang alam ko sa kanila medyo hindi maganda para sa isang babae na kaedad ko, magbebente singko na sa susunod na buwan, na nakadalawang boyfriends lang sa buong buhay nila. Ang isa'y questionable pa kung pwedeng isama sa bilang.
"T-Three years," sagot ko sa mahinang tinig.
Nakita ko siyang parang nagulat. Parang saglit na nag-isip bago nagtanong ulit.
"What was he like?" tanong niya sa mahinang tinig.
Ako naman ang nagulat. Nang magpaliwanag siya, nabunutan ako ng tinik. Ang inisip pala niya, hindi ko makalimutan ang huling kong boyfriend kung kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong ipinalit. Ang hindi niya alam, marami na sana akong ipinalit do'n kung tama ako sa timing. Ang sumunod ko kasing nagustuhan ay may asawa na nang makilala ko. Ang sumunod naman do'n, hindi naman taken, hindi lang babae ang gusto. At siyempre pa, ang pinakahuli kong nagustuhan sana ay si Miguel. Kaso nga ang tagal kumilos. Gusto rin pala ako, nito ko lang nalaman samantalang almost one year na kaming pabalik-balik ni Zyra sa Jollibee branch na iyon kung saan siya ang manager. Pero siyempre, hindi ko iyon sinabi kay Nikolai.
"He was good-looking, of course," may himig pagbibiro kong sagot.
"I'm also good-looking – at least according to my mom," at tumawa siya.
Napangiti ako bago nagsalita. "He always made me laugh."
"I also make you laugh." Napangiti na naman ako. Para nang sinisilihan ang singit ko sa kilig, pero kinontrol ko pa rin ang sarili.
"He loved his family so much. My mother always told me and my sister that we should look for a man who loves his family when we're looking for a boyfriend because that gives us a glimpse of how he would be when we become one family."
"I agree. And I also love my family so much, especially my mom." Kumindat pa siya sa akin.
Natawa na ako sa kanya.
"There you go again. I made you laugh again."
Napailing-iling na lang ako sa kanya.
Bago kami naghiwalay nang gabing iyon, naitanong ko sa kanya kung bakit sila naghiwalay ni Anika. Nakita kong may lumambong na parang ulap sa kanyang mga mata bago siya sumagot.
"She cheated on me."
**********
Iniisnab na ako ni Mina nang makita niya ako sa office kinabukasan. Kaya nga nagtanong na si Zyra kung ano'ng nangyari.
"Nagkita kami sa isang grill restaurant sa Makati kagabi. Doon kasi kami nag-dinner ni Nikolai.
"Kaya naman pala, e. Crush daw ng bruhang iyan iyong Nikolai mo kaya mag-ingat ka. Kung ako sa iyo, huwag ka nang magpatumpik-tumpik kung nililigawan ka na nga ng lalaking iyon dahil baka maagaw pa ng iba."
Sasagot na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na tunog ng sapatos. Nagbisi-bisihan kaming dalawa ni Zyra. Sumulyap lang sa amin si Evil Twin at dumeretso na sa kanyang upisina. Mayamaya pa, pinatawag niya ako kay Meg para pumunta sa kanyang upisina.
"Gusto kong gawan mo ako ng letter for these suppliers. Huwag mo lang itawag sa telepono ang complaints nating ito dahil gusto ko mayroon tayong official record. Mga letse sila! Tama ang bayad natin tapos bibigyan tayo ng substandard materials."
"Yes, Architect Ramirez. May iuutos pa po ba kayo?"
Imbes na sumagot, sinenyasan na akong lumabas.
Pagbalik ko sa work station namin, nandoon na rin si Ysay. Mukha itong masyang hindi maintindihan. Biniro ko pa nga.
"Tigilan n'yo ako. Nakakuha lang ako ng sweldo ko kahapon sa isang pasaway kong tutee."
"O, ba't di ka nag-blow out?" sagot ko agad.
"Kumain na kami sa labas kagabi. Hindi ka na namin niyaya dahil alam naman naming hindi mo ipagpalit ang dinner date mo with your Norwegian Prince Charming," sabat ni Zyra at tumawa.
Sinimangutan ko silang dalawa ni Ysay.
Magta-type na sana ako ng letter nang biglang nag-vibrate ang cell phone ko. Bigla akong na-excite nang makitang galing kay Nikolai ang text message. Anang mensahe, "It's time to let go of the past. You deserved to be happy."
Napangiti ako. Kung alam lang niya.
"You, too. You should stop thinking about your ex. Time to move on," sagot ko naman.
Wala pang isang minuto may sagot na siya agad.
"Yeah. It's time for us to MOVE ON." At may kabuntot pa iyong wink emoticon. Nag-init ang mukha ko. Napangiti pa ako na parang timang. Dahil abala sa kakapindot ng reply ko kay Nikolai hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Zyra at ginulat ako. Muntik ko nang mabitawan ang cell phone. Sinimangutan ko siya. Tawa lang sila nang tawa ni Ysay.
Dahil sa maya't maya'y palitan namin ng text ni Nikolai, hindi ko namalayan ang paglipas ng mga oras. Nalaman ko na lang, uwian na. Hindi muna ako lumabas ng building. Pinauna ko nga sina Zyra at Ysay. Ang katwiran ko, may pinapagawa pa sa akin si Evil Twin, pero ang totoo niyan, hinihintay ko lang si Nikolai.
Paglabas ko ng building nang bandang alas sais y medya, nakita ko agad ang kotse niya. Ang kaso, may nauna na sa akin. Nandoon na si Mina! Bwisit! Napatingin sa akin na parang humihingi ng dispensa si Nikolai.
"It's all right. I'll just take a jeepney. Don't worry," sabi ko at lumayo na sa parking lot. Hinabol niya ako. Halos magsumamo siya sa akin.
"She begged me. She said she doesn't feel good. I was sorry for her so --," at kumumpas-kumpas siya na animo'y napu-frustrate. Naawa naman ako. "She said her house is just a few blocks away from yours. Please, please don't be mad."
Napahinga ako nang malalim. Wala rin akong nagawa. Nang makarating kami sa kotse niya, prentent-prente nang nakaupo sa front seat ang malditang Mina. Gusto ko siyang kalbuhin! Inismiran ko siya bago pumasok sa backseat. Napangisi lang ang bruha.
i
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store