BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)
CHAPTER SEVEN
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
**********
Ang ganoong eksena sa parking lot ay nasundan pa ng dalawang beses. Ewan ko kung saan kumukuha ng kapal ng apog ang Minang iyon para magkaroon ng tapang na magpahatid din kay Nikolai sa bahay nila. One time nga sumama pa pati sa dinner date namin. Nanggalaiti talaga ako, pero dahil hindi naman ako likas na eskandalosa at si Nikolai ay parang ako rin na takot sa gulo, pinagbigyan namin siya. Pero nitong huli, nakaisip na kami ng paraan. Kaya heto ako at nagkukumahog nang makasakay ng dyip. Pagtingin ko sa parking lot, nakita ko ang bruha na paikot-ikot tila may hinahanap. Natawa ako. Tinaasan tuloy ako ng kilay ng ginang sa tabi ko. Inaakala sigurong nababaliw na ako.
Pagbaba ko ng dyip, nakita ko agad ang kulay pulang kotse sa unahan. Nakasandal sa harapan no'n ang may-ari. Naka-maong pants at t-shirt na grey. May binubutingting ito sa cell phone. Siguro naramdaman niya ang pagdating ko, nag-angat ito ng mukha. Ngumiti siya sa akin.
"Thanks for waiting," sabi ko agad.
"No worries," sagot naman niya at pinakita sa akin ang screen ng cell phone niya. Sumulak kaagad ang dugo ko sa ulo nang mabasa ang text ng bruha. Nang magkatinginan kami ni Nikolai, bigla na lang kaming natawa. Daig pa namin ang mga batang nakaisa sa isang kasama.
"You should tell her frankly if you don't like what she's doing," sabi ko. Nakakapagtaka naman. Ito lang yata ang puting nakilala ko na hindi confrontational.
"It's easy if she was a guy. But since she's a girl, I don't have the heart to tell her that she's beginning to be a pain in the ass."
"Maybe you like the attention," sabi ko, half-joking, half-serious. Gusto ko lang malaman kung ano ang tingin niya kay Mina.
"Oh no! I'm a one-woman man and she's not my type," nakatawa pang sagot niya. Sumulyap pa siya sa akin. Tanggal na ang sunglasses niya kung kaya nakita ko ang kislap sa kanyang mga mata. Kinilig ako. Hindi ko lang masyadong pinahalata. Inipit ko kunwari sa likuran ng tainga ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Imbes na makipagtitigan sa kanya, tumingin ako sa labas ng bintana.
Naglalakad na kami papunta sa grill restaurant na pinuntahan din namin dati nang mahagip ng tingin ko ang likuran ni Mina. Itinuro ko siya kay Nikolai.
"Oh, shit!" naibulalas niya at dalai-dali akong hinila palayo doon.
Pero huli na kami. Narinig na namin ang boses ng babaeng iniiwasan namin pareho.
"Nikolai! Hey! Good to see you here."
Pumihit kami para harapin ang bruha, pero hindi binitawan ni Nikolai ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nang lumapit pa nang tuluyan ang impakta, mas lalong hinigpitan niya ang hawak kaya naka-entertwined na talaga ang mga palad namin. Nakita ko ngang napatingin do'n si Mina. At kaagad na umasim ang kanyang mukha.
"I've been looking for you at the parking lot. If I knew that you guys are also coming here, we could have come together."
Napailing-iling ako sa tindi ng kapal ng balat niya at hindi niya nararamdaman na unwelcome na nga siya sa amin.
"Actually, we had no plans to come here. We're just checking if Trond – Engineer Knudsen came here. There was something I forgot to get from him. I heard from our friends that he was on his way here so I thought," at kumumpas-kumpas pa si Nikolai. Napatingin ako sa mukha niya. In fairness, magaling magdrama.
"Is that right? Well, Engineer Knudsen is not here, yet – maybe in a few minutes?"
"Oh no. I'm sure that if he had plans to come here, then he would've been here at this time. That's why I told Leigh, we'll just drop by his condo."
"Do you want me to call him?"
Pambihira ang babaeng ito a! Gusto ba niyang sabunutan ko na siya?
"Oh no! No! Don't do that. I can do that myself. Thanks anyway. See you," at kumaway na siya kay Mina.
"No, actually I don't mind. I'm giving him a ring right now. Oh, here he is. Hello, Engineer Knudsen? This is Mina from the company. Yes, that's right. Engineer Bjornsen wants to speak with you," at inabot na nga ng bruha ang cell phone niya kay Nikolai.
Nakita ko kung paano tumirik ang mga mata ng huli bago niya abutin ang telepono. Nagsalita na ito sa lenggwahe nila. Dahil malapit lang ako sa tabi niya, narinig ko ang pagtawa ng kausap niya sa kabilang linya. Napangisi na rin siya. Ano kaya ang pinag-uusapan ng dalawang ito? Nang bumaling ang tingin ko kay Mina, nakahalukipkip siya habang nakatingin sa akin nang masama. Kaagad siyang bumawi ng tingin, but not before she gave me a smirk. Inakala siguro ng bruha naka-score siya dahil natulungan si Nikolai. Hindi niya alam na drama nga lang iyon! Napaka-dense talaga ng babaeng ito! Unbelievable!
"Thanks a lot. Yeah, he's home now."
"Won't you come in for a while."
"No thanks. I have to get it before Trond goes somewhere. Some other time," at kumaway na siya sa babae. Magpoprotesta pa sana ito, pero dali-dali na kaming umalis doon.
"Hindi ba't iyon iyong Norwegian na kasamahan mo sa trabaho? Sino iyong kasama niyang girl?" narinig kong tanong ng isang boses-bading.
"Wala. Isang impakta lang!"
Nagpanting ang tainga ko pagkarinig, kung kaya napalingon ako sa direksiyon niya, pero nagdadabog na siyang pumasok sa restaurant.
"Whew! God! She's really a pest," nasabi naman ni Nikolai nang nasa loob na kami ng kotse. Napahawak pa siya sa sentido at may sinabi sa sarili nilang lenggwahe. "Sorry about that," at pinisil niya ang palad ko.
Napatingin naman akong parang nalilito sa kanya.
"My reverting to Norwegian," at napangisi siyang parang school boy.
"It's okay. I don't mind."
Imbes na maghanap pa ng restaurant, bumili na lang kami ng barbeque sa isang street vendor at iyon na lang ang pinapak namin sa kotse habang nagkukuwentuhan. Mas nag-enjoy ako sa hapunan namin dahil walang istorbo sa paligid. Palagi na lang kasi kapag lumalabas kami, may umaali-aligid talagang babae o bading sa kanya at pinaparamdam nila sa akin na hindi ko deserve ang atensyon ni Nikolai. Well, sa ngayon ay solong-solo ko an siya talaga.
"My parents are coming in a few weeks. I'd like you to meet them."
Bigla akong kinabahan. Meet the parents agad-agad? Natawa siya nang makita ang expression sa mukha ko.
"Don't be nervous. They are very kind and friendly. For sure, they will like you."
Tumangu-tango lang ako, pero sa loob-loob ko'y nininerbiyos na talaga.
Pag-uwi ko ng bahay nang gabing iyon, sinalubong ako ng pangaral ng aking ina.
"Palagi ka na yatang ginagabi sa pakiki-bonding sa Kanong iyon, a. Hindi ko na yata gusto itong pinatutunguhan ng 'friendship' na sinasabi mo."
"Norwegian po siya, Nay, hindi Amerikano," pagtatama ko.
"Wala akong pakialam. Puti siya di ba? Kano na rin iyon," pangangatwiran naman niya at pinandilatan pa ako.
Patingin-tingin lang sa amin ang Tatay. Hindi ito nagkomento.
**********
"Ano iyong sinasabi mo sa aking nagpang-abot pa kayo sa restaurant?" salubong kaagad sa akin ni Zyra nang umagang iyon.
"Nandoon nga siya nang dumating kami. At hayun, pumapel na naman."
No'n naman humahangos na dumating si Ysay. Halos hindi na ito bumati sa amin ni Zyra, pinaandar agad nito ang sariling computer at nagsimula nang magtrabaho. Nakuha naman namin ang ibig sabihin no'n. nagbisi-bisihan din kaming dalawa ni Zyra. Makaraan ang ilang sandali, narinig na namin ang pamilyar na tunog ng takong ng sapatos. Nang mapaangat ako ng tingin, nakita ko siyang parang nagdadabog. Kabuntot niya si Meg na hindi magkandaugaga sa dala. Sa isang kamay nito ay supot ng pagkain at sa isa nama'y bag at folder ng amo. Nang makalayo na sila, saka lang kami nakahinga nang maluwag.
"Hay! Halos nakasabay ko sila sa biometrics station. Mabuti na lang nakita ko agad. Tumakbo na ako papunta rito. Hindi na nga ako nag-elevator dahil 'ikako baka magkasabay pa kami."
"Isa ring iyang impakta sa buhay natin dito," sabi ko na lang.
"Saglit. Tama ba ang narinig ko kay Zyra na laging nakikisabay sa inyo si Mina?" hindi makapaniwalang tanong ni Ysay sa akin.
"Oo. Kahit nga kagabi na iniwasan na namin, nagkita pa rin kami."
"Nagawa niya iyon? Grabe naman ang desperation ng babaeng iyon!" at tumawa na si Ysay.
"Sinong desperada?" dumadagundong na tanong ni Mina. Nakalapit na siya sa harapan naming tatlo. Ang talim ng tingin niya sa akin. Ako yata ang pagbibintangan ng bruha a!
"Wala kaming sinasabing ikaw. Ba't mukhang guilty ka?" sagot ko naman sa malumanay na boses. Grabeng pagpipigil ang ginawa ko para hindi kumawala ang galit na kagabi ko pa naramdaman sa kanya.
"Ang yabang mo! Akala mo kung sino ka! Hoy para sabihin ko sa iyo, hindi mo siya asawa para magmayabang nang ganyan!"
"Mina! Is this how you write a formal letter?" Mataas ang boses ni Evil Twin. Nakatayo ito sa bungad ng kanyang upisina, hawak-hawak ang isang papel. Mukhang galit. Pinunit nito ang papel at minanduan si Mina na pulutin iyon.
Nagkatinginan kaming tatlo at napangiti nang makitang nag-iba ang anyo ni Mina. Para itong nagmistulang basang sisiw. Pero bago siya lumisan sa harapan namin, tinapunan pa muna ako nang masamang tingin.
"Leigh!" bulyaw naman ni Evil Twin.
Napapiksi ako agad. Shit! Mukhang pati ako'y bebendisyunan! Tumayo ako at akmang lalapit na sa isa pang bruha nang makita kong ngumisi si Mina. Kulang na lang ay belatan ako. Hindi ko siya pinansin.
Nang kapwa na namin kaharap ang reyna ng mga bruha't impakta, sumenyas ito kay Mina na pulutin niya ang nagkalat na papel. Tumingin sa akin ang impaktita na parang nagpapatulong, pero nagbulag-bulagan ako.
"Pakituruan mo nga ito Leigh! Ang bobo-bobo! Simpleng sulat hindi pa magawa nang tama. Mag-aral ka sa spelling, boba!" at pumasok na siya sa loob ng kanyang upisina. Binalibag pa ang pintuan.
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko pagagalitan din ako. Hindi pala. Nang mapatingin ako kay Mina, may nangilid nang luha sa mga mata nito. Nakaramdam agad ako ng awa. Na-guilty pa ako dahil pinagbunyi ko pa ang papuring natanggap kay Evil Twin.
"'Lika. Tulungan nga kita diyan. May template na ako para sa mga ganyang letters, e."
Tiningnan niya ako nang masama at basta na lang tinalikuran.
**********
Nang hapong iyon, hindi na ako pinapunta ni Nikolai sa dati naming tagpuan. Sinundo niya ako sa harap mismo ng building namin. Paprangkahin na raw niya si Mina kung makikisabay ulit sa amin. Hindi pupwedeng palagi na raw ganitong parang may tinatakasan kami. Pero ang planong iyon ay hindi naman natuloy dahil walang Mina na lumitaw sa parking lot. Napag-alaman ko na lang kay Zyra na nag-resign pala ito nang araw ding iyon.
"I guess, it's our lucky day," nakangiti namang sabi ni Nikolai nang nakapasok na ako sa kotse niya. "I think she has now come to her senses."
"She resigned from work. She left this morning."
"Oh!" nasabi bigla ni Nikolai. Hindi natuloy ang pag-start niya ng makina. Napatingin siya sa akin at parang humihingi ng paliwanag.
"Our boss scolded her today. So I think that's the reason why she resigned immediately."
"Poor her. I never thought that Architect Ramirez is capable of scolding people. I thought she was a sweet lady. She was always very kind to us."
Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay. Si Evil Twin, kind? Kailan? Well, siguro sa kanilang mga Norwegians dahil ang popogi naman nila lahat, kaya siyempre kailangang magpa-impress ang bruha. Hindi na lang ako nagkomento. Iniba ko na lang ang usapan.
"My mother doesn't want me to stay up late tonight. So I want to go home early tonight."
"That's fine. We could just buy some food and have dinner at your house."
Nagprotesta pa sana ako dahil sigurado akong magpuputak ang nanay ko, pero hindi niya ako pinakinggan. Bumili kami ng fried chicken sa Max's at nagpabalot na rin ng chopsuey, pancit canton at lumpia.
Nakasimangot agad ang Nanay ko nang dumating kami. Ang bunso naman naming si Biyet ay namangha. Paano raw ako nakabingwit ng guwapong nilalang.
"Maganda ang ate mo, ano ka ba?" singhal ng Inay sa kanya. Kahit medyo naalarma ako sa nakabusangot niyang mukhang sumalubong sa amin, lihim naman akong napangiti sa sinabi niya.
"Siyempre Nanay kayo, e. Pero kayo lang yata ang nagsasabi niyan," nakangising sagot naman ng kapatid ko.
Hinampas siya ni Inay ng nakarolyong diyaryo. Napangisi na ako.
"Huwag kang ngingisi-ngisi diyan. Hindi ka na nagtanda. Sinabi ko sa iyonoong isang araw, hindi ko gusto ang pagmumukha nitong kasama mo. Sa hitsura pa lang natitiyak ko ang paiiyakin ka lang."
"Good evening, Ma'am," bati naman ni Nikolai. Nagmano pa sa nanay ko. Nabigla ako. Ang inay ko nama'y parang nagulat. Hindi siya nakapagsalita. No'n naman lumapit ang tatay ko. Siya lang ang nagpaikot ng gulong ng wheel chair niya.
Pagkakita sa kanya ni Nikolai, nagmano rin ito.
"Kaawaan ka ng Diyos, iho," sagot naman agad ni Itay. Ako na lang ang nag-translate no'n kay Nikolai.
"Ba't di mo papasukin ang bisita mo, anak?" sabi naman ni Itay sa akin at nauna na ito sa sala.
No'n namin inabot kay Inay ang dala naming pagkain. Nang makita niya kung saang restaurant iyon galing, nag-iba na ang timpla niya. Tumawa-tawa na ito.
"Sabihan mo nga iyan, Leigh. Sana hindi na siya nag-abala pa."
"Nay, ano yan? Wow! Paborito ko iyan!" sabi naman ni Boyet at sininghot-singhot pa ang paper bag na naglalaman ng pagkain. Binigya naman ito ni Inay sa kanya at inutusan siyang maghain na sa mesa.
"Panalo ang bisita mo, Ate! Hey, man! You're a champion!" diga pa ni Boyet at tumakbo na sa kumedor. Natawa lang sa kanya si Nikolai.
No'ng una lang naging masungit at palatanong ang nanay ko, pero nang bandang huli'y nahulog din siya sa karisma ng kasama ko. Inimbitahan pang dumalaw ulit.
"Sorry about my mother," sabi ko agad kay Nikolai nang hinahatid ko na siya sa tarangkahan namin. "She's weird sometimes."
"Don't worry. I think she's a really good mom. I like her."
"Really? She'll be happy to hear that."
"Then tell her," at nakita kong kumaway pa si Nikolai sa likuran namin. Paglingon ko nakita kong nasa labas ng pintuan ang nanay ko at si Boyet at kung anu-ano pang mga habilin ang sinasabi para kay Nikolai. Nahiya ako sa mga kapitbahay.
"Be careful," sabi ko sa kanya habang pumapasok na siya sa kotse.
"Can you come here for a minute," sabi naman niya sa akin.
Lumapit naman ako. Pinapayuko niya ako dahil may ibibigay daw. Yumuko naman ako at laking gulat ko nang hinalikan niya ako sa mga labi. Hindi lang isang beses kundi dalawa pa. Hinampas ko siya sa braso. Tumawa lang ang mokong at dahan-dahang tinaas ang bintasa sa driver's side. Hinatid ko siya ng tingin palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store