BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)
CHAPTER EIGHT
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
This book si also available in ALL National BookStore branches NATIONWIDE. You may also contact Gret San Diego on FB for more details.
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
**********
Sa una lang maraming reklamo ang nanay kay Nikolai, pero sa pagdaan ng mga araw nakuha din ng huli nang buong-buo ang tiwala nila ni tatay. Sino ba namang mga magulang ang makakatanggi sa mga mamahaling regalo kada dalaw nito sa bahay namin? Hindi ko iyon nagustuhan at nagtampo pa nga ako minsan sa kanya dahil pakiramdam ko binibili niya ang pamilya ko, pero mariin niyang pinaliwanag sa akin na ganoon lang daw talaga ang ugali niya sa mga taong gustung-gusto.
"Ate, kailan naman dadalaw dito si Pogi? Miss na miss na namin siya ni Inay," sabi ni Boyet sa akin minsang naghahapunan kami.
"Hindi ko na siya padadalawin dito."
"Bakit naman? May nagawa ba kaming kasalanan?" sabat ni Inay.
"Sayang naman. Hindi na pala niya ako mabibilhan ng Nike shoes. Naipamalita ko pa naman sa mga kaibigan ko iyon," pagmamaktol naman agad ni Boyet.
"Hoy! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na huwag kang hingi nang hingi do'n? Nakakahiya ka!"
"Nanghingi ka nga ba, Boyet?" sita agad ni Inay at pinanlakihan na ng mata ang bunso namin.
"Nay naman! Siyempre, hindi. Siya lang naman ang nangako sa akin, e."
"Iyon naman pala." At bumaling na si Inay sa akin. Mababa na ang boses. "Tsaka, iyong kuwintas na bigay niya sa akin, hindi ko naman hiningi iyon, anak. Dahil ba doon kung bakit ayaw na niyang bumisita rito sa atin?"
"Hindi naman. Busy lang siya sa trabaho," pagsisinungaling ko na lang habang pinandidilatan ang nakabusangot pa ring si Boyet.
Tahimik lang si Itay sa isang tabi. Ni hindi nagkomento.
**********
Pakiramdam ko tumigil sa pag-inog ang mundo nang magkalapit na ang mga katawan namin sa gitna ng dance floor. Bumalik sa alaala ko ang first dance namin ni Nonoy, ang unang lalaking nakahawak sa baywang ko. Nanginig din ako no'n at pinanlamigan. Pero mas malala yata ngayon dahil pakiramdam ko, bibigay ang aking mga tuhod. Wala na akong nakikita nang mga oras na iyon kundi ang maamong mukha ni Nikolai habang nakatitig siya sa akin. Feeling ko, tatatak na sa aking puso't isipan ang awiting Smoke Gets in Your Eyes.
"This is the happiest day of my life," anas niya.
"Huh?" Hindi ko talaga narinig. Ang ingay-ingay kasi ng mga bubuyog sa tainga ko.
Imbes na sagutin ako, ngumiti siya. Napasimangot naman ako. Pinagtatawanan ba ako ng kumag na ito?
"I said, you're beautiful!"
Nangunot ang noo ko. Hindi iyon ang buka ng bibig niya kanina kaya alam kong niloloko lang niya ako. Ganunpaman, nakadulot iyon ng ibayong kilig na hirap na hirap kong supilin.
"I thought love is overrated, until I met you," patuloy pa niya.
Napamulagat ako do'n. Mabilis na kanina pa ang tibok ng puso ko, pero lalo iyong bumilis pa. Pakiramdam ko tuloy pinatakbo ako ng 100-meter dash.
"I like you a lot, Leigh."
Napalunok ako.
"No. I think it's more than that. I think I Iove you," madamdamin niyang sabi sabay haplos sa kanang pisngi ko. Awtomatikong bumaling ang pisngi ko at hinayaan kong dampian ng halik ang mainit niyang palad. He froze and stared at me. Parang nagtatanong ang mga mata. Marahan akong tumango. Napangiti siya nang malawak at hinila ako para yakapin. Narinig ko ang dagundong ng dibdib niya at ako naman ang napangiti. I felt good na may ganoon din pala akong epekto sa kanya.
Pagbalik namin sa table, halos magkadikit na sa upuan sina Zyra at Lukas. May sinabi sa kanya si Nikolai sa lenggwahe nila. Bigla na lang napasulyap sa akin ang lalaki at tinapik sa balikat ang boyfriend ko sabay sabi ng, "Gratulerer!" Ang ibig daw sabihin no'n ay "congratulations".
Dahil abala kami sa aming mga damdamin, pauwi na kami ni Zyra nang mapansin naming wala na si Ysay.
"Sayang! Sana nakapagpakuha man lang tayo ng pang-profile pic sa FB," sabi ko.
"Pambihira talaga ang babaeng iyon. Bigla na lang nawala," sagot naman ni Zyra. "O, paano ka uuwi? Ihahatid ka ba ni Nikolai sa inyo?"
Kilig na kilig akong tumango. Halos magtititili rin si Zyra. Siya rin daw ay ihahatid ni Lukas.
Habang hinihintay naming matapos ang pag-uusap ng mga engineers sa loob ng conference room, kunwetuhan kami nang kuwentuhan ng mga kaganapan nang gabing iyon. Dahil ang lakas tumawa ni Zyra hindi lang isang beses siyang nakaakit ng atensyon ng mga manang naming kasamahan. May isang bata-bata sa grupo na tumaas pa ang kilay.
"Iyang bruhang nagtaas ng kilay, inggitera iyan. Taga-HR pala iyan at dinig ko may crush daw iyan kay Nikolai," bulong sa akin ni Zyra.
Pasimple akong napatingin uli sa babae uli at sinipat ko ang kabuuan niya. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong hindi ako dapat kabahan.
"Aba, confident ang ale!" biro ni Zyra at kinurot pa ako. Tawanan uli kami. Nakatikim uli kami nang matalim na titig mula sa grupo nila habang papalabas sila ng bulwagan.
Nang mapansin naming kami na lang ang natira doon, nagdesisyon kaming magkaibigan na sa lobby na lang maghintay. Pagdating namin do'n nadoon na pala ang dalawa at naghihintay rin sa amin. Katunayan, tatawag na sana sa akin si Nikolai para alamin kung nasaan na ako.
"I thought, we'll wait for you guys in the ballroom," sabi ko.
"We were told by the hotel staff that everybody has already gone out, so we decided to come here instead," paliwanag naman niya.
"Shall we go?" yaya naman ni Lukas.
Sabay-sabay kaming lumabas na apat. Hindi pala nagdala ng kotse niya nang gabing iyon ang mokong kung kaya nag-hitch kami sa sasakyan ng kaibigan niya.
Pagdating sa amin, parang gusto siyang pababain ng nanay ko. Na-miss daw siya. Tawa siya nang tawa. Palihim ko namang kinurot sa tagiliran si Inay.
"Ano ba? Siyempre, nagmamagandang-loob lang naman ako sa mamanugangin ko balang araw. Masama ba iyon?"
Bumaba naman sandali si Nikolai at humalik sa pisngi ng nanay ko. Tuwang-tuwa naman si ermat. Napailing-iling ako.
**********
Dahil sa pangyayari nang nangdaang gabi, para akong nakalutang sa alapaap nang pumasok kinabukasan. Pinagkukurot ako sa tagiliran ni Zyra. Buti pa raw ako may linaw na.
"Baka naghihintay lang din ng timing si Lukas. Ako nga rin, kung ilang linggo akong pinag-isip ni Nikolai. Akala ko nga gusto niya lang akong kasa-kasama. Iyon pala tama ang sapantaha ko."
"Iba naman kasi ang level ng closeness n'yo. Nagduda ka pa doon e halos araw-araw kang sinusundo rito kapag uwian?"
"Siyempre naman, gaya nang sinabi ni Ysay sa atin huwag tayong mag-assume dapat. Until they make it clear with us, let's assume that they're not serious."
"Kung sa bagay, may punto ka diyan, friend." At bigla itong natahimik.
Napasulyap ako sa kanya nang bigla na lang itong bumuntong-hininga nang ilang beses.
"Hoy! Ano ba yan?" at pabiro ko siyang siniko habang nagsesepilyo ng ngipin.
"E kasi ---," at tumigil ito sa pagsasalita. Parang absent-minded na pinunasan nang pinunasan ng dalang maliit na tuwalya ang kamay.
Dali-dali akong nagmumog at inurirat siya kung ano'ng problema.
"May nangyari na kasi sa amin ni Lukas," bulong niya sa akin sabay palinga-linga kung may tao sa paligid. Hindi pa nakontento, tiningnan din isa-isa ang cubicle baka sakaling may nakakubli doon. Nang natiyak na kaming dalawa lang sa loob ng CR, pinaliwanag niya sa akin ang buong detalye.
"Ano? Ba't ka agad pumayag? Pambihira ka naman, e."
"Kayo ba, hindi n'yo ba ginagawa iyon ni Nikolai?"
"Hindi no! Hanggang kiss lang kami sa pisngi at minsan kapag hindi ako nakatingin, ninanakawan niya ako ng halik sa labi, but that's all."
Lalong nalungkot si Zyra. Ako naman ngayon ang napahinga. Inakbayan ko siya.
"Don't worry. Parang gustung-gusto ka naman ni Lukas, e. Natitiyak kong ina-assume na niya na kayo na," pampalubag-loob ko sa kanya.
"Sure ka?" paniniguro naman nito sa akin.
Tumangu-tango ako. Pero sa loob-loob ko'y kinakabahan din ako para kay Zyra. Siyempre naman, hindi namin lubos na kilala ang mga Norwegian na iyon. Malay ba namin. Baka may iniwan pala silang asawa sa kanila at nagbubuhay-binata rito. Pero sa isang banda, naisip ko rin na sigurado na ako kay Nikolai. Alam kong hindi niya ako lolokohin nang ganoon. Ramdam kong mahal na mahal niya ako.
Kung kailan ko siya naging nobyo, saka naman siya nahuli sa pagsundo sa akin. Nang dumating siya sa tapat ng building namin ng mga alas siyete y medya, hindi siya magkandatuto sa pagpapaliwanag kung bakit siya ginabi. Hindi naman tumagal ang galit ko. Nalusaw na naman iyon ng boyish charm niya.
Nang mapansin kong ibang daan ang tinatahak namin, napaupo ako nang matuwid sa tabi niya.
"I already told you that my parents don't like it when I go home late at night."
Hinuli niya ang isa kong palad at dinala sa kanyang mga labi.
"Don't worry, Cinderella. I'll drive you home before midnight," at bahagya siyang tumawa sa sariling biro. Sinimangutan ko siya. Nagseryoso naman siya agad at nagpaliwanag. May hinanda daw siyang sorpresa para sa akin.
"What surprise?" tanong ko naman. Na-curious na.
"Just wait and see," ang sabi niyang nakangiti.
Lalo ko siyang sinimangutan. Pinisil niya lang ang baba ko at binilisan ang takbo ng kotse. Mayamaya pa, pumasok na kami sa parking space ng isang building. Nang tingalain ko iyon, naningkit agad ang mga mata ko. Doon ang condo unit niya! Bigla akong kinabahan kaya nang pagbuksan niya ako ng pintuan, matagal pa bago ako bumaba.
"Trust me, you're safe with me. I promised that to your mom."
Kahit medyo kabado, napahinuhod din niya akong umakyat. Nang buksan niya ang ilaw sa living room, namangha ako sa nakita ko. May mga petals ng red rose na ginawang linya patungo sa kumedor. Sa ibabaw ng mesa, mayroong boquet ng red rose at may kasama pang malaking hugis puso na ginawa mula sa rose petals. Nangilid ang mga luha ko. Hindi na ako nag-isip pa. Bigla na lang akong sumubsob sa kanyang dibdib.
"Sshh, don't you like it?" may pag-aalalang tanong niya sa akin.
"I love it! I'm just overwhelmed with joy."
Tumawa siya nang bahagya. Hinagud-hagod niya ang likuran ko sabay bulong ng mga sweet nothings. Nang naramdaman niyang okay na ako hinawakan niya ako sa kamay at dinala sa upuan ko. Siya pa ang naglagay ng table napkin sa kandungan ko bago siya umikot para umupo sa silyang paharap sa akin. Sinindihan niya ang kandila sa harap naming dalawa at kinuha ang takip ng dalawang crystal plate. Ang isa ay naglalaman ng meatballs with mashed potatoes and cream sauce. Iyon daw ang tinatawag nilang kjøttboller, paboritong lutuin ng mom niya sa kanilang mag-ama. Ang isa nama'y parang pork chop na may kasamang fried string beans, potatoes, at fresh tomatoes sa gilid. Iyon naman daw ang svinekoteletter, ang paborito ng kanyang dad.
"You cooked all this?" namamangha kong tanong.
Tumango siya na parang nahihiya. Pasensya na raw kung hindi masyadong maganda ang lasa.
"It's the effort that counts," pabiro kong sagot habang tinitikman ang meatballs. Kunwari'y napa-mukasim ako. Grabe ang pag-aalala niya. Hindi magkandatuto sa paghingi ng paumanhin. Gusto lang naman daw niyang makatikim ako ng authentic Norwegian cuisines.
"Hey, it's good!" natatawa kong sagot.
Siya naman ang kunwari'y napasimangot sa akin. Inalo-alo ko siya. Hindi nagtagal ngumiti na naman siya. Pinaghiwa niya ako ng mukhang pork chop. In fairness, pati iyon ay nagustuhan ko ang lasa.
Tapos na kaming magdinner at nakikinig na lang ng music sa living room niya habang nagkukuwentuhan nang nag-ring ang kanyang telepono. Hindi niya muna iyon pinansin. Kaya naunahan siya ng answering machine. Narinig ko ang isang boses-babae na malambing na nagsabi ng, "Hallo, Nikolai!" Bago pa makapag-iwan ng mensahe ang babae, dali-dali na niyang inangat ang awditibo at sinagot na ito. Kahit wala akong naiintindihan, nakinig ako sa usapan. Nakita kong biglang naging seryoso ang kanyang mukha. Nag-alala tuloy ako. Pagkatapos niyang makipag-usap sa babae nag-iba na ang timpla niya.
"What's wrong?" tanong ko agad.
Umiling-iling siya sabay hilot sa sentido. Nabahala na ako. Parang may naisip akong hindi maganda. Asawa niya kaya iyon? Baka may asawa na siya at hindi lang sinasabi sa akin!
"Who is she?" tanong ko ulit. Hindi na mapakali.
Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ko, bigla siyang nag-alala for me. Hinuli niya agad ang isa kong palad. Hindi ko ito pinahawakan sa kanya. Tumawa siya nang mapakla.
"She's just a family friend, Leigh. Nothing more."
Hindi ako naniwala.
"Are you sure?"
Tinaas pa niya ang kanang kamay at animoy nanumpa sa harap ko. Hindi na ako nang-usisa pa. Ayaw ko ring magmukhang insecure na girlfriend.
Kahit na pilit naming binabalikan ang mood bago ang phone call, kapwa na kami nawalan ng momentum. Balisa ang utak ko, sinisikap ko lang maging kaswal ang boses. Hindi ko alam kung napapansin niya iyon, pero pakiramdam ko parang. Kasi parang tinatantiya na niya ang bawat sabihin sa akin.
Pagsapit ng alas dies, nagsabi na akong uuwi na. Hindi naman niya ako pinigilan. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Ni isa sa amin ay hindi nagsalita. Pero nang dumating na kami sa amin binasag niya ang katahimikan.
"That girl who called me up – she was A-Anika, my ex-girlfriend. Remember the one I told you about who cheated on me? That was her," sabi nito bigla nang akmang bubuksan ko na ang pintuan sa gilid ko.
"I don't know how she got my number in the condo. Perhaps, she asked my parents."
Tinitigan ko siya nang mabuti. Inaarok kung nagsasabi siya nang totoo. Mukha naman. Pero may parte ng pagkatao kong parang ayaw maniwala na gano'n nga lang iyon. May pakiramdam akong may tinatago siya sa akin. Ganunpman, nang yakapin niya ako nang mahigpit at magsumamong huwag ko siyang iwan dahil lang doon, nalusaw lahat ang mga pagdududa ko. I hugged him back.
"Are we okay now?"
Tumango ako nang dahan-dahan. Tinaas niya ang baba ko at binigyan ako nang mainit na halik sa mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store