BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)
CHAPTER FIVE
THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!
https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611
Available for purchase on all National Book Stores nationwide. You may contact Gret San Diego on FB for more details.
**********
Parang nahiya sa akin si Nikolai no'ng magkita kami sa upisina nang sumunod na linggo. Ngumiti-ngiti lang siya sa akin, pero hindi na ako kinausap. Nagkaroon tuloy ng chance na makipaglandian sa kanya si Mina, isa ring sekretarya ng kompanya. Kabilang naman siya sa grupo ni Engineer Lacson, isa sa beteranong inhinyero namin. Ganunpaman, hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Ano siya? Maswerte? Baka kung may nangyari sa amin no'n ay pinagtatawanan na niya ako ngayon. Pero bakit ganito? Nabubuwisit pa rin ako. Gusto kong sabunutan si Mina.
"Ano'ng nangyayari sa iyo, girl?" nakangising tanong ni Zyra. Pahigop-higop ito ng kape habang ang isang kamay ay nakahawak sa bewang.
"Wala," sagot ko sa mahinang tinig.
"Wala? Kung makapagreklamo lang iyang paper weight na iyan, kanina ka pa minura. Aba'y kanina mo pa pinanggigilan iyan, a."
Hindi na ako sumagot. Sa halip ay tinalikuran ko siya. No'n naman dumating si Ate Jessa at nagtanong sa akin.
"Naayos na raw ba ang problema sa condo ni Engineer Bjornsen? Pinapatanong ni Boss."
"Opo, Ate Jessa. No'ng last week pa po."
"Zyra, pakisuyo nga – I need four copies," at inabot nito kay Zyra ang isang papel. Nang wala na ang kaibigan ko, ngumiti siya sa akin nang ubod-tamis at kinurot pa ako sa tagiliran. May inabot siyang maliit na sobreng kulay pink. Nangunot agad ang noo ko.
"Ano po iyan?"
"E di buksan mo," nakangising sagot ni Ate Jessa at kumaway na siya para bumalik sa upisina.
Nag-init ang mukha ko nang mabasa ang maliit na note sa loob ng sobre. Pormal na humihingi ng paumanhin si Nikolai!
"Oy, ano iyan?" naiintrigang tanong ni Ysay nang dumating siya. Kaagad kong pinasok iyon sa drawer ng desk ko.
"Wala," nakangiti kong sagot.
"Oy! May sekreto!" panunudyo niya sa akin.
Hindi ko napigilan ang paglawak ng ngiti. Nakangisi pa rin akong parang timang nang dumaan si Mina sa harapan namin. Nakita kong nagtaas ang kilay nito pagkakita sa aking masaya, pero hindi naman nagkomento. Dumeretso lang ito sa work station niya.
"Ba't gano'n iyon?" tanong ni Ysay. "Magkagalit ba kayo no'n?"
"Hindi. Ewan ko sa kanya," sabi ko naman sabay kibit-balikat.
Maghuhuntahan pa sana kami nang marinig namin ang pamilyar na tunog ng sapatos. Dali-daling bumalik sa desk niya si Ysay at pinagpatuloy ang pagta-type ng memo. Ako nama'y nagpatuloy sa pagko-collate ng mga monthly reports ng mga engineers sa team namin.
"Ang pinapagawa kong correspondence?" tanong kaagad ni Evil Twin nang dumaan siya sa mesa ni Ysay. Medyo naniningkit ang mga mata nito. Parang bad mood na naman. Buti na lang nagpi-print na noon ang kaibigan ko. After five seconds ay inabot na nito ang papel kay Architect Ramirez. Mabilis nitong pinasadahan ang papel at pinirmahan doon mismo ang letter. Pagkapirma, binalik nito kay Ysay ang papel.
"I want it delivered today."
"Ma'am – ay Architect Ramirez, nakaalis na po ang messenger natin. I'll have it delivered first thing in the morning na lang," sagot ni Ysay.
Tinaasan siya ng kilay ni Evil Twin sabay sabi ng, "Problema ko ba iyan?"
"O-Okay po."
Nang makaalis na siya, binelatan namin siya pareho at naghagikhikan.
"Paano ito?" namomroblemang tanong ni Ysay sa akin.
Bago ako makasagot, nakita ko si Mang Roman. May dala-dala itong malaking kahon. Bumati siya sa akin at dumeretso na kay Boss. Nakaisip ako ng solusyon.
"Don't worry," sabi ko. "I-prepare mo na lang iyan at may padadalhan na ako niyan."
"Sure ka?" dudang tanong ni Ysay.
"Sure na sure."
**********
Para akong timang na panay ang sulyap sa kulay rosas na sobre sa bulsa ng blazer ko. Kahit ako lang mag-isa sa copy room at kahit gabundok ang pino-photocopy kong papeles, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Panay nga ang ngiti ko.
"Hey. I was looking for you," sabi ng isang pamilyar na tinig.
Napaigtad ako sa gulat. Nahulog tulog ang kulay rosas na note. Dahil hindi ko na mapupulot nang hindi niya mahahalata, tinapakan ko na lang iyon.
"Sorry for startling you," at tumawa siya nang bahagya. Napakamot ito sa ulo na parang may sasabihin, pero nahihiya lang.
"Yes?" tanong ko sa kunwari'y kalmado at kaswal na boses.
"I was thinking – I don't know what time you get off work – I was planning to," at kumumpas-kumpas siya. May kutob na ako kung ano ang gusto niyang sabihin, pero nagkunwa-kunwarian pa rin akong walang ideya. I like to see him get nervous like that. Para akong kinikiliti.
"Are you free tonight? W-would you like to have dinner with me?"
Ayun! Lumabas din! Gusto kong magbunyi. Kahit na sobra na akong kinikilig no'n, sinikap ko pa ring maging cool lang. Nag-isip ako kunwari.
Pinaglapat niya ang dalawang palad at pabirong nagsumamo sa akin na pumayag na raw ako. Lalo akong kinilig. Naisip kong kahit ano'ng gawing kakengkoyan ng lalaking ito ay guwapo pa ring tingnan.
"Sige na nga," sabi ko. Nang makita siyang naguluhan, I smiled and said, "Okay."
Eksaherado siyang napahinga nang malalim sabay sabi ng, "Thank God! You won't regret it." Ang lawak na ng ngiti niya. Nakakatuwa siya. Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko.
"Engineer Bjornsen," narinig naming tawag sa kanya. Ako ang unang napatingin sa direksiyon ng pintuan. Nakasilip sa amin si Mina. Seryoso ang mukha at may kaunting iritasyon pa ang mga mata nang magtama ang paningin namin. Naging malambot at sweet na lang ang ekspresyon sa mukha nito nang si Nikolai na ang lumingon. "Boss Dave wants to talk to you."
"Okay. I'll be right there," nakangiting pakli ni Nikolai, pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. "What time will you be done here?" tanong niya sa akin sa mahinang tinig.
"Five o'clock," tipid kong sagot.
"Perfect," sagot niya. "I'll be at the parking lot at that time. Give me a call when you're done, okay?" at naglakad na siya papunta sa pintuan. Bago siya tuluyang lumabas, lumingon siya sa akin at nagsabi ng, "Don't forget to pick up the pink note I sent you. I hope no one finds it stuck on the floor," at kumindat pa siya sa akin.
Kaagad na nag-init ang mukha ko. Shit! Nakita pala niya iyon.
**********
Takang-taka sina Ysay at Zyra nang makita akong panay ang tingin sa orasan. Ba't ang tagal ng oras? Kanina pa nag-bell ng four thirty a. Nakakainis!
Paghudyat ng alas kuwatro kuwarenta y singko, nagligpit na ako ng mga gamit. Pero bago iyon, nagpaganda muna ako. Siniguro kong hindi kumikintab ang mukha ko at naglagay pa ako ng fresh lipstick.
Napa-ehem sila pareho sa akin. Kunwari'y hindi ko sila pansin. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa. Hindi na nakatiis si Zyra. Umupo pa sa mesa ko at inalaska ako.
"May date kayo no'ng Nikolai, ano?"
"Ano ka ba?" singhal ko sa kanya. May dumaan kasing isang staff. Baka matsismis ako sa upisina. "Tigilan mo nga ako diyan," sabi ko sabay balik ng pampaganda sa bag. Tumayo na rin ako at inayos-ayos ang mesa just to kill time.
"Sino'ng Nikolai iyan?" nakangising tanong ni Ysay.
"Siya iyong bagong crush ni Leigh," bulong kunwari ni Zyra, pero nilakasan naman ang boses. Napatingin tuloy ako sa paligid namin. Sana hindi nila narinig. Napaka-tsismosa kasi ng mga tao sa kompanya namin. Kaya nakaka-praning minsan.
Nang makita kong alas singko singkwenta na, naglakad na ako patungo sa elevator.
"Hoy bruha! Wala pa kayang alas singko. Undertime ka niyan, ha!" biro sa akin ni Zyra at nagtawanan sila ni Ysay. Binelatan ko lang sila pareho at lumayo na.
Marami-rami na ring mga empleyado ang nakaabang ng elevator pababa. Kita mo rin ang mga ito. Ni wala pa ngang alas singko ay nag-uunahan na sa pag-uwi. Kung wala lang akong lakad with Nikolai, hindi naman ako aalis nang ganito ka aga. Dahil ang dami nang nandoon, I decided to take the stairs.
Medyo napagod ako dahil galing akong sixth floor, pero prenteng-prente lang ako dahil naghihintay naman sa akin si Nikolai sa parking lot. Hindi na ako mapakali. Pagdating ko sa biometric station, marami nang nakapila. Napailing-iling ako. Ano'ng oras kaya sila umalis sa mga work stations nila?
Paghudyat ng alas singko, parang market day na sa ground floor. Ang sisigla ng mga empleyado dahil pauwi na. Ito ang iniiwasan naming tatlo palagi. Iyong mahabang pila kada hapon. Hindi na nakonsensya ang karamihan. Siguro ang iba sa kanila ay kanina pa nandoon at do'n na hinintay ang pagpatak ng alas singko. In my defense, ngayon ko lang ito ginawa. Palagi naman akong late na kung mag-time out sa hapon. Most of those extra time were not paid, so I'm excused today.
Nang malapit na ako sa parking lot, saka ko lang tinawagan si Nikolai. Excited na akong marinig ang boses niya. Pero walang sumagot sa una kong tawag. Na-disappoint ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hinahanap kung nasaan ang kotse niya. Minsan ko na iyong nakita, pero dahil ang daming pulang kotse nahirapan akong tukuyin kung alin do'n ang sasakyan niya. Maraming magkawangis na kotse, shit! Nagmumukha na akong timang sa kaiikot sa parking lot.
"Hey, Leigh!" narinig kong tawag mula sa likuran. Pagpihit ko, nakita ko si Engineer Sandoval. Kabababa lang sa kotse.
"Hi," at kumaway din ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at dali-dali nang pumasok sa building.
Sinubukan ko uling tumawag kay Nikolai, pero hindi pa niya nasasagot ang tawag ko binaba ko na ang phone. Nakita ko na kasi siya. No'n pa lang palabas ng building at kausap pa si Mina. Kitang-kita ko ang maharot na paghampas-hampas sa kanya sa braso ng bruha. Kahit hindi ko dinig ang pinag-uusapan nila, parang may ideya na ako kung ano. Ilang beses ko kasing nakita ang malandi na pahaplos-haplos ng buhok. Ginagawa ko rin iyon – kung kinikilig ako sa sinasabi ng crush kong guy.
I felt like a deflated balloon. Nawala na ang excitement ko. Matamlay akong tumawid sa kabilang kalye kung saan kami nag-aabang ng dyip papunta sa amin. Pagtigil ng isang dyipni, hindi na ako nag-isip. Sumakay na ako agad. May narinig akong tumatawag sa akin, pero hindi ko na pinansin iyon. Sumandal ako sa upuan at napapikit. Mayamaya pa, may tumatawag na sa cell phone ko. Nang silipin ko iyon, nakita kong galing kay Nikolai. Hindi ko iyon pinansin. Sa halip, nilagay ko pa sa silent mode ang phone. Ilang minuto ang nakaraan, nagba-vibrate na naman ang telepono ko. Tinaasan ko lang iyon ng kilay. Pagkatapos ng dalawang tawag na hindi ko sinagot, tumigil din. Nakahinga ako nang maluwag. At least, kampante na akong makakauwi sa amin. Nakakatakot din kasi kung patuloy siyang tumawag. Baka hindi ko rin mapanindigan ang pagtatampo.
Malapit-lapit na kami sa binababaan kong palengke nang may dumikit sa aming kotse. Bumaba ang tinted window sa driver's seat at sumilip ang naka-sunglasses na blonde. Nagtilian ang mga dalagita sa loob ng dyip.
"H-ha? Waaat?" narinig kong tanong ng driver namin.
Ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko. Nag-iinit na rin ang aking mukha. Ilang beses nga akong napalunok. Sinisikap ko lang maging kalmado.
"May Ley ba tayong pasahero?" tanong ng mamang drayber.
"Ay ako pwedeng-pwedeng maging Ley," maarteng sabi ng isang bading. Naghagikhikan ang mga pasahero. Dumungaw nga ang baklita at nag-flying kiss pa sa driver ng kotse. "I can be your Ley forever, Handsome," at kumindat pa ito.
Dahil nagkaroon ng espasyo sa pagitan ng bading at ng isang dalagita, tumambad sa paningin ko ang muka ni Nikolai. Nagtanggal ito ng sunglasses. Naghiyawan ang mga bading at ang mga kababaihan, pati na ang mga nanay at lola. Napayuko ako.
"Leigh, hey! I'm sorry for making you wait!" sigaw nito. Bumagal na ang andar ng kotse. Kasing bagal ng dyipni na sinasakyan ko. Parang nakikisakay na rin ang mamang drayber.
"Ikaw ba iyong Leigh, Ate?" tanong ng isang dalagita na tingin ko'y high school pa lang base sa unipormeng suot. "Ang haba ng hair mo, Ate!" kilig na kilig nitong sabi.
Lumingon uli ang drayber ng dyip sa amin at tuluyan nang itinabi ang sasakyan. Pinababa niya ako. Hindi naman ako tuminag sa upuan ko.
"Maawa ka na kay Pogi, Ineng," sabi naman ng isang lola.
Pinagtinginan na ako ng mga pasahero. Ang iba'y nakikilig, ang iba nama'y naiinis na naantala ang biyahe nila. Parang nahiya ako. At lalo akong pinamulahan nang umibis pa sa sasakyan si Nikolai at sumilip sa dyip. Ang kanina'y naiiritang mga ginang at kalalakihan ay napangisi nang tumabad sa paningin nila ang maamong mukha ni Nikolai.
"Ampogiiiii!!!" tili ng mga bading. May pumisil pa sa pisngi ni Nikolai. Game naman ito at kumindat sa kanila. Lalo tuloy nagkagulo sa dyip.
Hindi na niya ako kailangang kumbinsihing bumaba. Palagay ko hindi rin ako matatahimik sa loob kung hindi ako sumama sa kanya. Ang iingay na kasi ng mga kasama naming pasahero. Pati sila ay nanunukso sa aming dalawa.
Nang nakababa na ako ng dyip, dumukot sa bulsa si Nikolai at naglabas ng limang daan sa pitaka. Pinaabot iyon sa mamang drayber. Sumigaw sa tuwa ang huli. Pabiro pang nag-hand salute kay Nikolai at kunwari'y binasbasan kami. Tawanan uli ang lahat ng pasahero.
"You shouldn't have done that. That was dangerous. You know how it is in Manila," naiinis kong sabi sa kanya nang nasa loob na ako ng kotse niya. Hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
"I'm sorry," sabi niya sabay hawak sa tuhod ko.
Sinulyapan ko ang kamay niyang nakahawak doon at inirapan siya. Binawi niya iyon agad.
"Again, sorry. I was actually at the parking lot at around four thirty but Dave suddenly asked me about something and I went back to his office. I was actually talking to him when you gave me a ring, so I didn't answer it. But the moment we're done, I rushed to the parking lot."
"Yeah, you rushed," sarkastiko kong sagot.
Hindi ko siya naringgan ng sagot. Katahimikan ang bumati sa sarcasm ko. Nang sumulyap ako sa kanya, nagtama ang paningin namin. Nakatingin pala siya sa akin na may kislap ng kapilyuhan ang mga mata. Nangunot ang noo ko.
"What?" asik ko sa kanya.
"Are you jealous?" tanong niya na halos pabulong.
Kaagad na nag-init ang mukha ko, pero nagmaang-maangan ako sa sinabi niya.
"About that girl, I actually had no intention of talking to her. I just happened to bump into her on my way out. So I just said hello."
Said hello? Hinampas-hampas pa siya sa braso, hello lang ang sinabi niya? Kalokohan! Iyon ang nasabi ko agad. Huli na nang mapagtanto ko na naipagkanulo ko ang damdamin sa sagot kong iyon. No wonder, tumawa nang bahagya si Nikolai. Umisod pa palapit sa akin at nangahas nang hawakan ang isa kong palad. Binawi ko agad ito, pero hindi niya binitawan.
"I don't care about other girls, Leigh. You're all I want," halos pabulong niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Nag-tumbling at gumulung-gulong ang puso ko sa kilig. Pinagpawisan din ako agad, pero hindi ako nakasagot. Pinisil niya ang palad ko. Inuuntag siguro ako sa sagot ko do'n sa sinabi niya. Dala na rin marahil ng overwhelming feeling, imbes na sagutin siya'y napaluha ako.
"Hey," malambing niyang sabi at hinila ako't niyakap nang mahigpit. He then kissed my head.
Sa una ko lang siya tinulak nang bahagya. Nang hindi niya ako binitawan, napayakap na rin ako at napahimlay pa sa matipuno niyang dibdib.
#
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store