ZingTruyen.Store

BE MINE (PUBLISHED UNDER PHR----NO LONGER COMPLETE)

CHAPTER FOUR

Gretisbored

THE PRINTED COPY OF THIS BOOK IS AVAILABLE ON PHR, SHOPEE AND LAZADA. CURRENTLY, MAY 20% DISCOUNT SA PHR SHOPEE. You can also avail of the book in Shopee and Lazada thru Gretisbored store. The cost of the book is just 150-200 pesos. The book copy has 3 SPECIAL CHAPTERS. Hindi ho ninyo pagsisisihan. You may also contact Gret San Diego on FB for more info about this. Thank you!

https://shopee.ph/Be-Mine-by-Gretisbored-i.44262184.4390164611

Available for purchase on all National Book Stores nationwide. You may contact Gret San Diego on FB for more details.

**********

Nakakapanibago. Hindi na ako nakatanggap ng morning greetings mula kay Nikolai simula noong dinner date namin. Nagsisi tuloy ako kung bakit nabanggit-banggit ko pa si Miguel na kung tutuusin wala naman kaming koneksiyon ng taong iyon. Crush ko siya, oo. Pero dati iyon. Nabura lahat ni Nikolai ang mga pantasya ko sa kanya. Mukhang magkatotoo ang mga sinasabi ng mga kapitbahay namin, a.

"You're two minutes late!" Dumadagundong ang boses ni Evil Twin. Sinisita niya si Ysay. Nangunot agad ang noo ko. Tumingin ako sa relos. Tamang-tama lang naman ang dating ng kaibigan ko, a. Ano'ng problema nito?

Pagkakita niya sa akin, tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at umirap sabay talikod. Eksaheradang kinembot-kembot niya ang balakang hanggang sa makarating ng upisina. Napailing-iling na lang ako.

"Hoy! Ngayon ka lang ba?" salubong ko naman kay Ysay na namumula pa sa pagkakapahiya.

"Actually, kani-kanina pa. Mga five minutes earlier nga sa official working time natin ang nakarehistro do'n sa biometrics record ko. Ang kaso nakasalubong ko kanina si Engineer Perez nang paakyat na ako rito. May inutos siya sa akin kung kaya dumaan muna ako ng HR bago pumanhik dito."

"Sana sinabi mo do'n sa demonyang iyon."

"I did. Hindi siya naniwala."

"Sus! Napaka-mapangduda. Baka gawain niyang magsinungaling kaya akala sa lahat ng tao ay katulad niya. Ang sarap sabunutan at ingudngud ang pagmumukha sa inidoro."

Napangisi si Ysay at dumeretso na sa sariling mesa.

"Siyanga pala. Pinapatawag ka ni Boss."

"Ako? Bakit daw?"

"Hindi sinabi. Basta pagdating na pagdating mo raw ay puntahan mo siya sa upisina niya."

Nagsuklay lang ng buhok si Ysay tapos dali-dali nang nagtungo sa silid ng pinaka-bosing namin. Inayos-ayos ko naman ang mga dokumento sa mesa ko. Mauupo na sana ako nang maramdamang may nakamasid sa akin. Nang tumingala ako nagtama ang paningin namin ng isang pares ng kulay asul na mga mata. Kaagad na napasikdo ang puso ko. Ngumiti siya sa akin nang bahagya at naglakad na patungo sa upisina ni Engineer Perez.

Dahil alam kong nasa building siya, hindi na ako mapakali. Ilang beses ko nang nabura ang nasimulang email para sa isa naming supplier. Hindi ko matapos-tapos iyon dahil kung anu-ano ang naisip ko. Nanginig pa ang kamay ko kaya bumulwak ang kape sa hawak kong mug. Natapon iyon sa memo na pinapa-photocopy sa akin ni Evil Twin. Dali-dali ko iyong pinunasan at tinapat sa electric fan. Shit! Buti na lang hindi nag-smear ang ink!

Abala ako sa pagpapatuyo ng memo kaya hindi ko namalayan na may lumapit na pala sa akin.

"Talking to yourself?" may himig pagbibirong tanong ng isang pamilyar na boses.

"Ay, kabayong buntis!" naibulalas ko sa kabiglaanan. Napahawak pa ako sa dibdib sa pagkagulat. Nakita ko siyang saglit na nag-alala. Hindi siya magkandatuto sa paghingi ng paumanhin, pero nang makabawi na kami pareho napangisi siya. Ang ngising iyon ay naging bahagyang tawa. Napangiti na rin ako.

"What does it mean?" tanong pa niya sa akin.

"It doesn't mean anything," sagot ko namang parang nahihiya.

"By the way, Engineer Perez gave me this sandwich. I don't eat tuna so if you want you can have this," sabi niya uli sabay abot ng nakabalot na tuna sandwich. Atubili akong tinaggap ang bigay niya. Ganoon kami naabutan ni Architect Ramirez.

"Leigh! Ang pinapa-photocopy ko sa iyo?" tanong niya agad sa akin sa mabagsik na boses. Nang humarap sa kanya si Nikolai, umiba ang ekspresyon sa mukha niya.

"Engineer Bjornsen! I didn't know you're here." May extra landi pa ang tinig. Napakagat-labi ako sa pagpipigil ng inis. Kaagad kong tinago sa likuran ang mamasa-masa pang memo na hinahanap niya. Mahirap na. Baka masabon ako sa harap ni Nikolai.

"Hi, Architect Ramirez. Good to see you."

"Just call me, Rona. Architect Ramirez is too formal. I can call you Nikolai, right?"

Ang landi! Kung sa bagay, ano pa ba ang mae-expect ko sa isang tulad niya? Kaya nga pinag-iinitan kaming tatlo dahil nasasapawan namin siya sa atensiyon mula sa mga engineers ng kompanya.

"Ano'ng binubulung-bulong mo diyan, bruha ka?" anas ni Evil Twin sa akin. Tinalikuran lang saglit si Nikolai para makapandilat siya sa akin.

"W-Wala po, Architect Ramirez. Sige po, ipapa-photocopy ko muna ang memo n'yo."

Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumakbo agad ako sa copy room. Muntik na kaming magkabanggaan ni Zyra na parang kiti-kiti rin na hindi maintindihan.

"Leigh! Nasa building si Lukas!" at umarte-arte itong hinihimatay.

"Lokaret! Tumayo ka diyan. Nasa malapit lang si Evil Twin. Kausap ang isa sa mga Norwegian engineers. Baka makita kang nag-iinarte diyan." Hindi ko na sinabi sa kanya na iyon naman ang crush ko.

Pagkarinig sa sinabi ko biglang tumayo si Zyra at maayos na nagpaalam sa akin. Paglingon ko nakita ko si Meg. May dala-dala itong folders. Tila sa copy room din ang punta.

"Hi Zyra. Mukhang ang saya natin, a."

"Hi Ate Meg!" magiliw namang sagot ni Zyra. Hindi naman siya dating ganoon kay Meg. Ang lakas lang siguro ng tama do'n sa Lukas na iyon.

"Ano'ng nangyari do'n?" tanong naman ni Meg sa akin.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Puwedeng patulong dito sa pagpo-photocopy nitong mga papeles na ito? Kailangan daw mamaya iyan sa meeting ng mga engineers at architects ng Hotel project."

"Okay. Pakilapag lang diyan sa table."

Dahil tinulungan ko muna si Meg, after half an hour pa ako pumunta sa upisina ni Evil Twin para ibigay ang hinihiningi niyang memo. Nakabusangot agad ang mukha niya nang makita ako.

"Pasensya na po, Architect Ramirez. Tinulungan ko pa kasi si ---."

"Wala akong pakialam kung sino ang tinulungan mo! Kanina ko pa ito iniuutos sa iyo, a!"

Halos hinablot na niya sa akin ang mga papel. Kinabahan ako nang nangunot ang noo niya pagkahawak sa original memo. Shit! Napansin niya agad ang tinapunan ng kape! I knew that anybody who had a good pair of eyes would notice the coffee smear, pero inisip ko na dahil pinatong ko ang mga photocopies do'n ay hindi niya agad iyon makikita.

Hinintay kong magwala siya. Alam ko kasing maliit o malaking bagay, basta kaming tatlo ang nakagawa pare-pareho ang reaksiyon niya. Nanggagalaiti siya sa galit.

Nang nilapitan niya ako, inasahan ko na ang masasakit niyang salita. Nandilat na kasi siya sa akin at naramdaman ko na ang apoy mula sa kanyang mga mata. Pero may kumatok sa pintuan at may biglang sumilip sa amin.

"Engineer Perez asked me to drop by your office to tell you that we're about to start the meeting." Si Nikolai na naman pala.

Gaya ng inaasahan, nawala ang galit sa mukha niya at magiliw niyang hinarap ang lalaki. Basta na lang niyang initsa sa mesa ang mga memos at sumama na nga sa huli. Nang mapasulyap ako kay Nikolai, nakita ko ang nagtatanong niyang mga mata. Siguro hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang tensyon sa pagitan namin ni Evil Twin. Imbes na sagutin siya umiwas na lang ako ng tingin.

Hihintayin ko pa sanang makalayo sila bago lumabas na rin ng upisina, pero nakita kong nakahawak pa rin sa door knob si Nikolai. Mukhang hinihintay pa niyang lumabas din ako. Nagtama uli ang paningin namin ni Evil Twin at umaapoy na naman ang mga mata ng bruha kung kaya dali-dali na akong lumabas. Saka lang isinara ni Nikolai ang pintuan.

"Do you have any problems with her?" pabulong niyang tanong sa akin nang mapadaan ako sa harapan niya. Mabilis akong umiling at tumingin pa sa direksiyon ng boss ko na noo'y nakailang hakbang na ang layo sa amin.

"I can talk to her if you want," sabi pa uli ni Nikolai. Mabilis na naman akong umiling.

"Please don't. Okay, see you." At dali-dali na akong bumalik sa mesa ko.

Nakita kong pinapasok muna ni Nikolai si Evil Twin sa conference room bago lumingon sa akin at kumindat. Pinamulahan ako. Nang wala na siya, halos magtititili si Zyra. Nakita pala niya ang ginawa ng lokong Nikolai. Kinulit na ako nang kinulit hanggang sa magkuwento na lang ako kung sino ang lalaking iyon.

"Ayyeee, Leigh!" kilig na kilig na tili nito. Hinampas ko na siya, lalung-lalo na nang may mapatingin sa aming kasamahan.

Pormal na kaming dalawa nang dumating si Ysay. Mukha itong hindi mapakali. Napatingin tuloy kami ni Zyra sa kanya. Mayamaya pa, nakita namin ang isang matangkad na guwapong blonde guy na kasama ni Boss na pumasok sa conference room. Bago nito isara ang pinto, nakita kong napasulyap din siya nang makadali kay Ysay. May kakaiba sa paraan ng pagtitig niya sa kaibigan namin. At ang Ysay naman ay parang high school girl na kaagad na nag-blush. Sino naman kaya iyon? Nakakaintriga.

Lumipas ang mga oras. Bago namin namalayan, alas dose na pala ng tanghali. Na-realize na lang namin iyon nang nagsidatingan na ang mga pagkain na ihahain daw sa mga bisitang nasa conference room. Bigla kaming nagutom na tatlo.

"Tara na sa staff lounge. Kumain na tayo," yaya sa amin ni Zyra. Nakahawak na nga ito sa dala-dala niyang baon.

"Mauna na kayo. May tinatapos pa ako," sagot naman ni Ysay habang nagkukumahog sa pagsasalansan ng mga dokumento sa harapan. Mayroon pa siyang tina-type na memo sa computer niya.

"Pwede bang mamaya na lang iyan?" sabi ko naman sa kanya. "That can wait. Nagrereklamo na ang tiyan ko sa gutom. 'Lika na," at hinila ko pa siya sa braso.

"Kailangan daw ito ni Evil Twin mamaya. May hinahanda na naman daw siyang dokumento para sa bidding ng isang building sa Makati. Sa makalawa na raw ang deadline ng submission ng bid application kaya kailangan ko itong matapos," paliwanag naman ni Ysay.

"Hay naku! Ang gawain walang katapusan iyan. Hindi ba't sabi ni Boss bawal mag-skip ng meals dahil lang sa trabaho? Mahirap na. Magka-ulcer ka pa niyan, e," sabi ko uli sa kanya sabay kaladlakd na. Natawa siya sa akin, pero hindi naman nagprotesta.

Pagdating sa staff lounge, marami-rami na ang kumakain doon. Parang kami na lang pala ang nahuli. Naupo na kami sa paborito naming spot sa tabi ng bintana. Nagbubukas na kami ng mga baon namin nang may dumating na waiter. May dala-dala itong pagkain. Nang dumating siya sa harapan namin, nakangiti niyang binaba ang isang palanggana ng baked lobsters, inihaw na bangus at isang malaking mangkok ng nilagang baka.

"Teka. Wala naman kaming inorder sa itaas, a," halos sabay na sabi naming tatlo. Ang 'itaas' na sinabi ko ay ang canteen sa tenth floor ng building.

"May nagpapabigay po talaga niyan sa inyo, ma'am. Ang inihaw na bangus ay galing kay Engineer Lukas Borseth. Para raw po iyan kay Ma'am Zyra. Ang baked lobster naman ay para kay Ma'am Ysabela. Galing po iyan kay Engineer Knudsen. At iyang nilagang baka ay padala naman ni Engineer Nikolai Bjornsen para kay Ma'am Leigh. Tsaka ang cheese cake po ay padala naman ni Engineer Sandoval para sa inyong tatlo. Tama po ba? Kayo po ba iyon?"

Nagtititili na agad si Zyra. Kinurot ko siya sa tagiliran. Nakita ko namang pinamulahan si Ysay. Ako man ay nakaramdam ng ibayong kilig. Napangiti ako nang malawak sabay tango sa waiter. Binigyan naman niya kami nang nanunudyong ngiti.

"Wow! Ang daming pagkain, a!" komento agad ng mga kasamahan namin sa ibang mesa. "Iba na'ng magaganda," panunudyo pa nila.

Para hindi naman sumama ang loob nila, we shared the food with them. No'n dumating si Meg at nagtaka agad kung ano ang okasyon.

"May engaged na sa atin!" biro sa kanya ng isa naming kasama. Sekretarya siya ni Boss. Ang nanay-nanayan namin sa upisina.

Napatingin kaagad si Meg sa aming tatlo. Tawanan naman ang lahat ng naroroon. Lumapit siya sa amin at may binigay na munting papel sa akin. Pagkaabot no'n, umalis na rin siya agad.

"Ate Jessa naman," sabi ko agad sa sekretarya ni Boss. "Iisipin no'n totoo ang sinabi n'yo."

"Pag nagkataon alam na natin kung sino ang nagkakalat ng tsismis sa upisinang ito. Lahat naman ng nandito ay alam kung ano ang totoo kaya wala kayong dapat ipangamba sa amin."

Dali-dali ko nang kinain ang cheese cake pagkabasa ko ng note niya at nagpaalam na sa dalawa kong kaibigan. Dumaan lang ako sa ladies' room at madaliang nagsepilyo at nagpulbo bago ko tinungo ang conference room.

"Leigh," tawag agad ni Boss pagdating ko. Sinenyasan niya akong lumapit. Nakita kong kahuntahan niya ang mga Norwegian engineers. Na-conscious ako agad nang masulyapan si Nikolai na nakatitig na sa akin. "Natawagan mo na ba ang plumber na mag-aayos ng problema sa condo ni Engineer Bjornsen?"

Shit! Nakalimutan ko! I should have done it yesterday.

"Ay, h-hindi pa p-po, Boss. Ngayon din ay tatawagan ko," nahihiya kong sagot.

"And one more thing. Kung pwede ay tawagan mo na rin agad ang management ng condo para ayusin nila ang light fixture doon at hindi raw umaandar ang ibang flourescent lamps. Akala ko na-check n'yo na iyon ni Ysabela last week."

"Yes, Boss. Pero no'ng pumunta po kami do'n, wala naman pong problema sa ilaw. Natsek po namin lahat pati iyong plumbing. Mukhang gumagana naman noong time na iyon."

"Well, Nikolai found out, defective sila. Kaya kung pwede ipaayos n'yo na agad. Nakakahiya sa kanila. Hindi na dapat nila pinoproblema ang mga bagay na ito," malumanay namang sagot ni Boss. May inabot pa siyang key card sa akin. Saglit akong nalito.

"Puntahan mo na lang iyon ngayon at madaliin mo ang plumber tsaka ang pagpapaayos sa light fixtures. You don't need to come back for your afternoon work. Iyan lang ang asikasuhin mo today," paliwanag niya sa akin.

"Yes, Boss," sagot ko sa mahinang tinig. Hindi na ako tumingin pa kay Nikolai. Kahit na kinausap ako ni Boss mostly in Tagalog, medyo nakaramdam pa rin ako ng hiya na pumalpak ako sa trabaho at sinabi pa iyon sa akin sa harap niya mismo. Pero naisip ko rin, engineer naman siya hindi ba niya kayang kumpunihin ang depektibong plumbing? Ang Kuya Arman ko nga, eletrician lang ng Meralco, pero marunong no'n. Siya nga lang ang nag-aayos ng mga ganoong klaseng problema sa bahay namin.

"O, ano raw ang problema?" salubong kaagad sa akin ng dalawa nang bumalik ako sa work station namin.

"May problema sa condo ni Niko – Engineer Bjornsen. Pinapaasikaso ni Boss sa akin ngayon din," mabilisan kong paliwanag sa kanila habang inaayos na ang mga gamit sa bag. "I have to go ahead, girls."

Pero bago ako makalayo, inutusan pa ako ni Evil Twin na dumaan ng HR at kunin ang payslip niya. Pinaliwanag ko sana sa kanya na nagmamadali ako dahil may inutos sa akin si Boss, pero natakot na ako nang lumaki na naman ang kanyang mga mata. Kaya ang ending, after thirty minutes pa ako nakaalis. Dahil hindi agad ako nakakuha ng taksi, mga after an hour and a half pa ako dumating sa nasabing condo. Pagdating ko do'n umakyat agad ako sa management office sa second floor at pinaliwanag ang problema.

"Ma'am wala namang problema do'n sa unit na sinasabi n'yo, e. Ayon sa record namin, naayos lahat iyon pati na ang plumbing bago na-turn over sa inyo."

"Hindi ba't sinabi ko sa phone kanina na nagreklamo nga ang gumagamit no'n ngayon? Ba't hindi n'yo patingnan?" giit ko sa kanya. Medyo nairita na rin ako dahil nangangatwiran pa. Napahiya na nga ako no'n sa Boss ko.

"Sige po. May inaayos lang sa basement ang electrician namin. In half an hour papanhikin ko na siya sa unit n'yo."

Nagtaas agad ang kilay ko nang sinabing maghihintay pa ako samantalang kanina nang kausap ko sa telepono ang sabi'y pupuntahan agad ng electrician. Nang ipinamukha ko ito sa kanya, humingi lang siya ng dispensa. Emergency lang daw talaga dahil may pumutok na fuse sa basement kung saan nagpa-park ang mga tenants. Wala akong nagawa kundi pumanhik na sa unit. Ginamit ko ang susing bigay ni Boss at dumeretso na ako sa loob. Isa-isa kong tinesting ang switch ng ilaw sa kada sulok ng unit. Gumana naman lahat. Nangunot na ang noo ko. Mukhang tama si Gale, a. Pero bigla kong naisip ang kuwarto. Marahil doon ang problema. Una kong tsinek ang guest room. Wala ring deperensya. Nagsalubong na ang mga kilay ko. Nang tsekin ko rin ang ilaw sa master's bedroom, gano'n din. Kinutuban na ako. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang marinig ko ang pagklik ng pintuan. Napalingon ako at tumambad sa aking paningin ang nakahubad na Nikolai na kumukusut-kusot ng basang buhok. Mukhang kaliligo lang. Tanging maikling puting tuwalya lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng kanyang katawan. Agad na nag-init ang aking mukha nang makita ang pamumukol ng kanyang harapan. Napamura ako.

"Hey," nakangiti niyang bati sa akin. May pilyong ngiti sa kanyang mga mata.

Tinatagan ko ang loob. Sinikap kong huwag nang mapasulyap muli sa matipuno niyang dibdib at sa nakaukit na abs. Nagpokus ako sa sanhi ng pagpunta ko doon sa unit niya.

"All the lights were okay," seryoso kong sabi. "I think, there's no problem with the plumbing as well," sabi ko na rin.

Tumawa siya nang bahagya. Nangislap pa sa kapilyuhan ang kanyang mga mata.

"Why did you tell Boss Dave that you have those problems here?"

Napakamot-kamot na siya ng ulo. Parang bata na nahuli sa akto ng pagsisinungaling.

"I'm sorry. I just wanted you to come here."

No'n na ako nainis. Naisip kong may binabalak siya sa akin. Tinapunan ko siya nang masamang tingin bago sinabing, "I'm not that kind of girl." Pagkasabi no'n, dali-dali akong lumabas. Hinabol niya ako, pero hindi ako nagpapigil. Humarang na siya sa front door.

"Leigh, I said I'm sorry. I know that you're not that kind of girl. I don't have that intention, either. I just want to be with you, that's all."

"In the privacy of your condo?" sarkastiko kong sagot. Bobolahin pa ako nito.

"Okay, my bad. I was just ---," kumumpas-kumpas siya. Parang hindi na alam kung paano magpapaliwanag. Namula na rin ang pisngi niya. Siguro na-realize na kung ano ang ginawa. Napahalukipkip ako habang hinihintay siyang mag-explain. Wala nang lumabas sa kanyang bibig kundi buntong-hininga.

"Let me pass," mando ko sa kanya. Pinatigas ko pa ang boses kahit na nanlalambot na ang mga tuhod ko. Naisip kong kung gagawan niya ako nang masama hindi siya mahihirapan sa akin dahil tuliro na rin ang utak ko nang mga sandaling iyon. Nagpapakatatag lang ako kunwari.

Nakahinga ako nang maluwag nang dahan-dahan siyang tumabi at pinadaan ako. Nakita ko pang parang na-embarassed siya sa ginawa. Buti naman. Bago pa ako bumigay, dali-dali na akong lumabas sa unit niya.


Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store