Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 30
Kabanata 30:
"Sigurado ka bang magiging ayos ka lang, anak? You can message us everytime, okay? Kapag may kailangan o may nararamdaman ka. How's your head? Does your head still hurt?" Terron chuckled because of his mother's word.
Natatawang inakbayan niya ang ina. She's overacting again, simula kanina ay sinasabi na nito iyan kaya halos kabisado na niya.
"Ayos lang ako, Mommy. Wala ka atang elibs sa pogi mong anak," mayabang na wika niya.
Kinurot ng kanyang ina ang tagiliran kaya madrama niyang sinapo iyon.
"Ikaw talaga, nag-aalala lang ako. Tumawag ka sa Kuya mo ha? Kakapanganak lang ulit ni Sascha, bisitahin mo sa susunod," bilin nito.
Marahan siyang tumango. Sascha is his older brother's wife, iyon ang sabi nila. Nakita na niya ito noon, isang beses itong bumisita noong nasa ospital pa siya pero hindi na nasundan pa dahil buntis ito noong mga panahon na 'yon.
Maganda naman pero hindi niya type, mahal pa ata niya ang kanyang buhay saka baka balatan siya ng buhay ng Kuya Travis niya at isa pa, bata pa.
Hindi siya mahilig sa bata. Never!
Nakakahiya rin dahil sinabi ni Sascha na may nakuha itong mga pornographic video sa kwarto niya dati, uso pa iyon noon siguro. Tawang-tawa ito habang kinukwento iyon, nangingiti na lang siya dahil hindi pa naman niya maalala pero sigurado siyang gano'n nga siya.
Now he couldn’t help but wonder what other things he had.
"Ano anak, una na kami? Nandiyan na ang sasakyan namin, kaya mo na ba?" tanong ng kanyang ama nang makalapit ito.
Tinuro nito ang arkiladong van na sasakyan pauwi, tinapik niya ang Ama sa balikat. Even if his father didn’t say it, he knew he's worried too.
"Sure, Dad. Huwag na kayong mag-alala ni Mommy, sa Los Angeles nga nakaya ko, dito pa kayang sa mismong bansa natin."
Umismid ang ama pero hindi na nagsalita.
"Iba naman ang sitwasyon noon, anak." Ang ina ang nagsalita.
"Alam ko, maganda kong ina. Sige na po, nandyan na rin 'yong van na ipinadala ni Driv na maghahatid sa akin sa Zambales," sabi niya saka bahagyang pinisil ang braso ng ina, nakita niya ang pag-ikot ng mata nito animong walang tiwala sa kanya.
Malakas itong bumuntonghininga saka pilit inabot ang pisngi niya kahit pa higit na mas matangkad siya kaya bahagya siyang yumukod upang maabot nito.
"Tumawag ka bunso noh? Inumin mo mga gamot mo, 'yong mga paalala ko lagi mong tandaan medyo shunga ka pa naman."
Natatawang hinalikan niya sa noo ang ina. "Osya, Mama naman. Para naman ano 'to, magta-trabaho lang ako roon hindi naman mag-a-asawa, babalik din ako sa Pampanga pagkatapos ng project na 'to."
Nakita niyang natigilan ang ina bago tipid na ngumiti, ilang minuto pa silang nagpaalaman bago siya tuluyan umalis sa airport.
Kagagaling lang nilang Los Angeles, California at magkahiwalay na ang destinasyon nila ng magulang. Ang dalawang matanda ay pauwing Pampanga habang siya ay papuntang Zambales, kung nasaan ang proyektong tinanggap niya.
Nang makasakay sa itim na van ay nagkwentuhan sila ng driver na medyo may edad na.
Ilang oras din ang biyahe at hindi naman siya inaantok. Ayaw rin niyang matulog dahil kung ano-anong napapaginipan niya.
Noong nasa eroplano nga sila at nakaidlip siya ay may babae siyang napaginipan sa ilalim daw ng slide, ang weird lang.
"Sir, gusto mo bang mag-bio break? Oh baka may gusto ho kayong bilhin?" wika ng driver nang madaan sila sa isang gasulinahan, marami din fastfood restaurant sa paligid at mga store.
Tumango siya at inayos ang suot na denim jacket.
"Sige Kuya, hinto muna tayo. 'Yong pantog ko galit na rin," sabi niya, parehas silang natawa ng matand.
Kinabig nito ang manibela upang pumarada sila.
Kaagad silang bumaba, bahagya siyang napasinghap dahil sa sariwang hangin.
Ah, amoy Pinas!
Dumeretsyo si Manong driver sa restroom ng gasulinahan, mukhang ito ata ang mas may kailangan ng bio break, sumunod na rin siya sa driver.
Nang matapos siyang umihi ay dumiretsyo siya lababo para maghugas ng kamay.
Mula sa gilid ng mata ay pansin niyang nakatitig ang isang maputing lalaki sa kanya na naghuhugas din ng kamay.
Nag-angat siya ng tingin, nagtama ang mata nila ng lalaki at mas nagsalubong ang kilay niya nang sandali siya nitong tinitigan, hindi man lang umiwas ng tingin at mukhang hindi nahiya na nahuli niya itong tinitingnan siya.
Umismid ito bago siya irapan saka lumabas sa banyo.
The fuck? Sino ba 'yon? May galit?
Nang lumabas siya sa banyo ay nakita niya ang driver sa mga nagtitinda ng street food sa gilid ng daan, medyo madilim na ang paligid kaya saktong-sakto lang iyon na pagdating nila sa Zambales ay matutulog na sila.
Suminghap siya, iba pala talaga ang amoy ng Pilipinas.
Hindi niya maalala pero parang namiss niya, alam niya sa sarili niyang na-miss niya.
Lumapit siya sa driver na kumakain ng pamilyar na street food, sigurado siyang nakakain na siya noon. Hindi niya lang maalala kung anong lasa siguro.
Isa rin sa dahilan kung bakit niya tinanggap ang project na ito kahit na mas malaki ang kita sa ibang bansa dahil gustong-gusto na niyang maalala ang buo niyang memorya sa Pilipinas.
Tatawagin na sana niya si Manong para ibili siya pero may tumawag sa kanyang pangalan.
"T-Terron!"
Kaagad siyang napabaling sa babaeng tumawag sa kanya, kumunot ang kanyang noo nang makita ang isang kayumanggi na babae, medyo may pagka-maldita ang mukha.
Nanlalaki ang mata nito animong nakakita pa ng multo bago nagtatakbo papalapit sa kanya, muntik ng matapon ng babae ang hawak nitong street food na nasa cup sa sobrang tuwa.
Hindi na siya nakatakbo palayo sa sobrang gulat.
Napangiwi siya nang yakapin siya ng babae nang sobrang higpit, doon niya napansin ang maputing lalaking kasama nito na naniningkit ang mata sa kanila.
Naiilang na inilayo niya ang babae sa kanya.
"A-Ah Miss..."
"Terron, nakabalik ka na pala! N-Nabalitaan ko 'yong nangyari sa'yo! You had a car accident five months ago! Sinabi lang ni Sascha sa akin nitong nakaraan, h-hindi namin alam na uuwi ka na!" Parang maiiyak pa ang babae, bahagyang pinisil ang braso niya.
Bumaba ang tingin niya sa tiyan ng magandang babae na medyo malaki.
Hindi ko naman siguro nabuntis 'to?
Naiilang na ngumiti siya. "A-Ah, oo e. Uh, kilala ba kita? Friends? Super friends?" tanong niya.
Narinig niya ang pagsinghap ng babae at pagbagsak ng balikat. "H-Hindi ka pa rin pala nakakaalala?"
So kilala pala talaga siya ng babaeng ito?
"Uh, yeah? Medyo. Naaalala ko na 'yong bago ang aksidente, 'yong mga kaibigan ko roon, mga two years sa Los Angeles naaalala ko na paunti-unti. Hmm, 'yong trabaho ko at kabataan ko, sa ngayon ay college days na ang naaalala ko." Hindi niya alam kung dapat ba niyang sabihin ang bagay na iyon sa babae pero kung kilala nito si Sascha at alam nito ang aksidente niya, baka nga close rin sila.
"S-So paatras ang ala-ala mo, h-hindi mo pa naaalala 'yong uh... wala, kaya pala," malungkot na sabi nito.
Marahan siyang tumango, naiilang siya dahil alam niyang masama ang tingin ng maputing lalaki sa gilid.
"Yup, gano'n nga. Hindi ko pa naaalala 'yong ibang nangyari sa Los Angeles at bago ako umalis dito, sabi ng Doctor kusa naman daw babalik kaya tamang hintay lang at mabubuo rin ang memorya ko, a-ano kasing pangalan mo Miss?" nahihiyang tanong niya.
Totoo ang lahat ng iyon, limang buwan na noong naaksidente siya, araw ng birthday niya iyon. Ang sabi ng ina niya na siyang nadatnan niya nang magising siya ay galing siya sa isang bar, kasama ang mga bagong katrabaho.
Ang sabi ni Driv, umalis siya sa bar noon kasama ang isang babae. He forgot her name, Amanda ata. Ang sabi ng kaibigan ay inihatid niya ang babae sa labas at ipinara ng taxi para umuwi na.
Pinipigilan pa nga siya ni Driv noon pero mas gusto niya sa bahay na lang. Iyon ang hindi niya maintindihan, base sa ala-ala niya, maganda naman si Amanda pero hindi niya maalala ang dahilan bakit hindi niya inuwi ang babae, saka bar iyon at mas masaya. Bakit naman siya magmamadaling umuwi?
Ewan, magulo.
Doon siya naaksidente, limang buwan na ang nakaraan. Sa ngayon ay unti-unti nang bumabalik pero simula noong maaksidente siya hanggang maging kaibigan sila Driv at ilang ala-ala noong bata siya hanggang college days.
Hanggang doon pa lang.
Tipid na ngumiti ang babae, bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi niya tuloy maiwasan maisip na baka may crush ito sa kanya.
"Lisa, I'm Lisa Lyndell. And oh..." Tinuro nito ang maputing lalaki na nakasimangot sa gilid. "Si Kevin, asawa ko." Nakita niyang ngumuso ang lalaki animong nagpipigil ng ngiti.
Ew.
Tumango siya. "Uh, kaibigan kita?" medyo nag-aalangan na tanong niya.
Lisa smiled. "Hintayin mo na lang na maalala mo ako, sigurado akong hindi mo ako makakalimutan, Engineer. Katulad ng hindi ko paglimot sa'yo at sa mga pinagsamahan natin," madramang anito.
Tumikhim siya saka mahinang bumulong para hindi marinig ng lalaki sa gilid.
"Huy, may asawa ka na. Nilalandi mo ba ako? Alam kong sobrang gwapo ko, pero huwag naman ganyan," nag-aalalang tanong niya.
Ayaw naman niyang makasira ng pamilya.
Malakas na tumawa si Lisa sabay hampas pa sa kanya. "Ikaw talaga, masaya akong bumalik ka na sa dati Terron. Sa Terron na nakilala ko. Thank you for coming back," madamdaming sabi nito.
Sadgurl.
Iyon kaagad ang naisip niya, paniguradong hindi siya magkakagusto sa babaeng 'to. Kaibigan ko ba ito?
"Sir, tara na ho?" Napalingon siya sa nagsalita sa gilid.
Tumango siya saka bumaling sa babaeng nagngangalan Lisa. "A-Ah, alis na ako. Ingat ka?" patanong na sabi niya.
Hindi niya alam ang sasabihin, isa pa ay parang pinapatay na siya ng tingin ng lalaking maputi habang sumisipsip ng buko juice.
Kumaway siya sa babae bago pumunta sa van. Buong biyahe ay nag-usap lang sila ng driver, nawawala pala ang anak nito. Siguro raw ay kasing edad na niya ang anak nito na lalaki rin. Medyo nakaramdam siya ng awa para sa matandang driver.
"Hayaan niyo, Tay. Simula ngayon Tatay na kita, anak mo na ako ayos ba? Tay habang hindi mo pa nakikita ang anak mo, ako muna. 'Yong mga gusto mong gawin sa kanya ako muna. Huwag ka pong mag-alala, tutulungan kitang hanapin siya," maganang sabi niya.
Hindi niya alam kung dahil sa college days pa lang ang naaalala niya ay masiyado siyang ganado sa lahat ng bagay.
Humalakhak ang matanda. "Ikaw talaga, Sir—este anak," ramdam niyang nahihiya pa ang matanda kaya natawa siya. "Mabuti pala at marunong kang magtagalog, hindi ba't sa Los Angeles ka namalagi?" tanong nito.
Kinagat niya ang french fries na dinaanan nila sa isang drive thru restaurant. "Hmm, mga Pilipino rin naman Tay ang mga kasama ko roon madalas, magulang ko tapos 'yong nurse ko roon ay pinoy rin syempre tamang chika, mas madalas pa nga akong mag-tagalog doon kaysa english."
Tumango-tango ang matanda.
"Ah, kaya pala. Eh ikaw ba 'nak, wala ka pang asawa?" tanong nito.
Muntik siyang masamid sa sariling laway dahil sa sinabi ng matanda, kaagad siyang nilingon ng lalaki dahil doon. Hindi niya alam kung bakit kumalabog nang malakas ang kanyang dibdib.
"H-Hehe, ikaw naman Tay nang bibigla ka. Hmm, hindi ba nasabi ko po sa'yo college pa lang naaalala ko, saka 'yong iba sa ibang bansa. Wala naman ako maalalang asawa ko, hmm kung mayroon man edi sana sinabi nila Mommy at nandoon noong na-ospital ako, w-wala Tay. Ewan ko ba, wala na ako sa kalendaryo. Ewan ko kung ano pinaggagawa ko sa buhay ko." Malakas siyang humalakhak pero may kirot sa dibdib niya.
"Ayos lang 'yan, nak. Ako nga minsan naiisip kong gusto ko na lang makalimutan lahat, sinisisi ko kasi sarili ko dahil ako ang kasama ng panganay ko nang mawala siya. Nagkagulo kami ni Misis simula no'n, may nagbago. Parang nagsasama na lang kami para sa iba naming anak, naiisip kong kung makikita ko 'yong panganay ko... baka bumalik kami sa dati," malungkot na sabi ng matanda.
Tipid siyang ngumiti, ayaw niyang ipakita ang awa sa matanda. Hindi niya maisip ang sarili niya sa kalagayan nito.
Ang magkagulo sila ng magiging asawa niya, na mawalan ng anak. Parang hindi niya siguro iyon kakayanin.
Nang makarating sila sa Zambales sa isang cabin na tutuluyan niya na medyo malapit sa site, bukas ay bibisita siya roon. Kaagad siyang iginiya ng isang staff, naghiwalay sila ni Tatay dahil iba ang cabin nito sa kanya.
Pagkatapos niyang maligo at balak na sanang magpahinga ay bigla naman siyang nakarinig ng iyak galing sa kabilang cabin.
Iyak ng batang lalaki, noong una ay akala niya ay minumulto pa siya.
"Ano ba naman 'yan," mahinang wika niya sabay hilot sa noo nang halos sampong minuto ng umiiyak ang bata.
Itinapat niya ang tainga sa pader na humahati sa kwarto.
'Tanner, hindi na natutuwa si Mommy. I said stop crying, we can't go outside this late.'
'Please, Mommy. H-Hindi po ako magulo, I wanna see the water fountain, please!'
'Tantan naman bukas na lang.'
'But I wanna see water fountain with lights.'
'We can buy lights, we'll tell Papa.'
'Please, Mommy!
'Fine, but you will not eat chocolate for a week.'
'O-Okay deal, Mommy.'
'Wear your jacket.'
Umatras na siya nang marinig ang pagsara at pagbukas nang pintuan sa kabila.
"Ilalabas naman pala, hindi pa kanina, ini-spoiled ang anak," komento niya.
Ilang minuto siyang nakaupo sa kama pero naisip niya ang sinabi ng batang lalaki sa kabilang kwarto.
Water fountain huh?
Mabilis tumayo si Terron saka nagsuot ng jacket at binulsa ang phone saka lumabas ng cabin. Naglakad-lakad siya sa labas, mag-a-alas diyes na ng gabi pero medyo marami pa rin tao.
Madaling makita ang water fountain dahil madaming tao roon, mukhang marami din gustong makakita no'n.
Naupo si Terron sa isang bench at inikot ang paningin sa paligid habang nasa bulsa ng jacket ang mga kamay.
Nag-iiba-iba ang kulay ng ilaw sa fountain habang sumasayaw ang mga tubig na sumasabay pa sa masiglang kanta.
May ilang napapatingin sa kanya, may ilang banyagang kinindatan pa siya na tinanguan na lang niya.
Kinuha niya ang phone para kuhanan ng larawan at ipadala sa kanyang ina. Naka-ilang shot siya, kung minsan ay may humaharang pa kaya inuulit niya. Sa huli ay sinama na niya ang sarili, ngumiti siya sa camera.
Nang i-check niya ang picture na iyon para i-send sana sa ina niya ay may napansin siya sa kanyang background bukod sa water fountain.
Zinoom niya ang screen.
Napatitig siya sa isang babae na nakangiti sa kung saan habang naka krus ang mga braso sa dibdib.
Hindi ito nakatingin sa gawi niya pero kuha ang buong mukha nito sa screen.
"Tambok ng pisngi." Nangingiting wika niya.
Kaagad niyang tiningnan ang pwesto kung saan nakuhanan ang babae, wala na roon. Tumayo siya at bahagyang lumapit sa fountain, pasimpleng inililibot ang paningin at nagbabakasaling makita ang babae.
"Nasaan ka na tambok?" bulong niya.
Habang sinisipat ang kabilang gawi ng fountain ay may nabunggo siya na muntik pang sumubsob, wala sa sariling hinawakan niya ito sa braso upang hindi tuluyan matumba.
Nanlaki ang kanyang mata nang makilala ang babae.
Mukhang nagulat ito, as in gulat dahil halos malaglag pa ang panga nito.
Gano'n ba siya kagwapo?
Tumikhim siya saka binitawan ang braso ng babae, mahaba ang buhok nito na bahagyang kulot sa dulo. Maamo ang mukha pero may kakaiba sa mata nito, hindi niya lang alam kung ano.
Inilibot niya ang tingin sa mukha nito, kahit gabi ay angat ang mapula-pulang labi ng babae.
"Ang ganda," bulong niya.
Kumurap-kurap ang babae, hindi niya alam kung gaano sila katagal nagtitigan. Sa sobrang kaba ay itinaas niya ang phone at tipid na ngumiti.
"P-Pwedeng pa-picture Miss? Uh, picturan mo ako rito sa fountain." Lahat ata ng kakapalan ng mukha ay nakuha na niya.
Nakita niyang lumunok ang babae, kinuha nito ang camera niya.
Kaagad siyang tumayo malapit sa fountain, nakapamulsa ang mga palad sa bulsa ng jacket saka siya ngumisi.
"O-Okay... one... two... say fuck you," sabi ng babae, seryoso ang mukha habang nakatingin sa screen ng phone niya.
Dahil sa sinabi nito ay kumunot ang noo niya, umilaw ang flash ng kanyang camera. Hindi pa siya nakakabawi ay mabilis itong lumapit at inabot sa kanya ang kanyang phone.
"Iyan na ho, Tito."
Napa 'O' ang labi ni Terron, umarte siyang nasaktan. "Tito talaga, Miss?"
Inosenteng pinasadahan siya ng babae bago tumango-tango. "Ah, Tita ba?"
Sumimangot siya pero sa huli ay nangiti na lang. "Mukha ba akong gano'n?"
Inilagay ng babae ang kamay ilalalim ng baba, animong nag-iisip. "Hmm, mukha kang manloloko."
Itinikom niya ang bibig, napaka judgemental. Ang ganda nga, judgemental naman.
"Napakabilis mo naman manghusga, Miss."
"Hindi ho ako mabilis manghusga, magaling lang manghusga. Excuse me," sabi nito saka akmang lalagpasan siya ay kaagad siyang humarang.
"Teka! A-Ah, tiga rito ka ba?"
Kumunot ang noo ng babae, mas lumubo ang pisngi nito na parang naiinis na sa kanya.
"Bakit mo natanong?" Lalagpasan siya ulit pero humarang siya ulit, higit mas malaki siya kaya halos tingalain siya ng babae. "Ano pa ho bang kailangan niyo? Na-picturan ko na kayo, pwede kayong makasuhan sa ginagawa niyo, child abuse kayo," sabi ng babae.
Pagak siyang natawa. "Mukhang hindi naman ka naman 17 pababa?"
"Tabi."
"Anong pangalan mo?"
"Tabi sabi, naiinis na ako."
"Tabi? Nice name. Ayos lang, the more you hate, the more you love nga raw Tabi," nakangising sabi niya, hindi niya alam pero ang sarap inisin ng babae.
Naningkit ang mata ng babae. "Why are you doing this?"
"Huh?"
"Hindi ko alam kung anong motibo mo, may asawa na ako kaya pwede ba, hindi na gagana sa akin ang mga ganyan."
"Nakikipagkaibigan lang naman ako Miss Tabi." Mabilis bumaba ang tingin niya sa kamay ng babae, walang singsing.
Imbes na sumagot ay tumalikod na lang ang babae na masungit, susundan sana niya pero humalo na ito sa madaming tao at tuluyan nawala.
Kinagat niya ang ibabang labi, pinipigilan mangisi. Mukhang ma-e-enjoy niya ang pag-stay sa Zambales.
"Hm, no ring means no husband."
_________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store