ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve Teach Series 4

Kabanata 29:

"You should have told me, Mom. Sana sinabi niyo na lang na baliw na ako, na may tama ang ulo ko, na mahina ang utak ko. Sana hindi niyo na lang dinamay si Savria rito." Terron clenched his jaw while looking at the papers infront of him.

Mga papeles na resulta ng medical niya.

He's suffering from Post-traumatic stress disorder, he's suffering from severe anxiety, fear of being left alone. Terron can't believe that he developed  this illness years ago, when his Mom lost him in the market.

Muli lang nabuhay ang pakiramdam na iyon pagkatapos nilang maghiwalay ni Lisa, their sudden break-up caused a flashback.

Isa sa mga dahilan bakit siya madalas makalimot at maka-imagine ng kung ano-ano.

Hindi niya magawang tingnan ang ina habang pinapaliwanag nito lahat sa kanya.

Ang malala pa ay alam ng mga taong nakapaligid sa kanya pero wala ni isang naglakas loob na sabihin iyon sa kanya.

Malakas siyang napabuntonghininga nang maisip na pinakasalan siya ng babae dahil doon, it was not about love . Savy doesn't even love him; it's all a lie.

"You're not crazy, Son! Huwag mo naman sabihin iyan Terron!" usal ng ina habang umiiyak sa kaharap niyang sofa, katabi ang kanyang ama na tahimik lang at hindi makatingin sa kanya.

"Ako ang may kasalanan nito, k-kung hindi kita nawala noon. Kung hindi ka muntik ma-kidnapped ay baka hindi mo nararamdaman iyan, wala sanang ganyan." Mas umiyak ang kanyang ina.

Naningkit ang kanyang mata, bahagyang gumalaw ang kanyang panga dahil sa sinabi nito.

Hindi 'to ang oras para magsisihan.

"I'm not blaming anyone, Mom. Ang gusto kong malaman bakit hindi niyo po sinabi sa akin? Kaya pala lagi mo akong kinakamusta noon, sa mga alanganin oras. Alam niyo, I-I'm hallucinating, I'm overthinking! That's why!" Hindi makapaniwalang wika ni Terron.

Ngayon niya lang napagtagpi-tagpi lahat, ang biglaan niyang pagpapakasal, ang mga unang gabi ni Savy sa bahay niya, kaya pala nito pinipilit matulog sa ibang kwarto, she was scared of him! Damn!

Ang mga salitang naririnig niya sa asawa, Savy was not talking to herself, he was hallucinating, imagining things. Gustong-gusto niyang maalala kung anong mga ginagawa niya pero wala, anong ginagawa niya sa gabi tuwing nagigising siya?

Kailan ang unang gabi nila ni Savy? Was he gentle? Bigla siyang nakaramdam ng takot dahil kilala niya ang kanyang sarili, he's not a gentle type.

The more pain, the more pleasure for him.

This is not just PTSD. May iba pa ba?

Hinilot niya ang sentido, wala naman kasi siyang nararamdaman kakaiba. Sa trabaho ay ayos lang naman siya, nagagawa pa rin niya nang maayos ang trabaho kaya hindi niya lubos maisip na may pinagdadaanan na ang isip niya, o sadyang in denial siya at kahit mismong ina na niya ang nagsabi ay hindi pa rin siya naniniwala.

Kaya pala nilalabas ni Savy ang mga pera. His mother asked her to keep it, ngayon ay ipinakita sa kanya ng kanyang ina ang bagong card kung saan nakatago ang kanyang mga ipon, hindi lang iyon.

Savy listed money that she borrowed to him.

Lahat ng iyon ay binayaran ni Savy, tinotoo talaga ng babae ang sinabi nitong utang lang ang gagamitin nitong mga pera ni Terron at babayaran.

Even her tuition and allowance!

"Hindi naman ako kahapon lang ipinanganak, Mom. Maiintindihan ko naman kung sinabi niyo, I can seek for help. For god's sake!"

"Don't raise your voice to your Mom, Terron," banta ng kanyang ama.

Nakita niyang hinawakan ng ina ang braso ng ama, bumaba ang tingin niya sa singsing niya sa daliri saka siya pagak na natawa.

"S-So our marriage is fake?"

Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan, halos mag-iisang linggo na siyang walang balita sa babae. Gusto niyang kausapin si Savy pero natatakot siya, natatakot siyang marinig ang mga panunumbat nitong magagawa sa kanya, natatakot siyang marinig ulit mula rito na sawa na ito sa kanya at wala na.

'She lied to you! She used you for money!' sigaw ng isang parte sa isip niya kaya naikuyom niya ang kamao.

"Your marriage is valid," imporma ng ina.

Parang nakahinga pa siya nang maluwag dahil sa sinabi ng ina.

Nang magtama ang mata nila ng kanyang mga magulang ay puno ng awa at pagsisisi ang mukha ng mga ito.

"Sorry anak, alam ko mali ang desisyon ko. W-Walang kinalaman dito si Savy, ako ang kumuha sa kanya. Sinamantala ko 'yong pangangailangan niya ng p-pera, h-huwag kang magalit sa kanya. Gusto lang naman kita mapaayos, gusto kong maging maayos ka ng hindi mo namamalayan, na hindi mo kailangan itigil ang mga nakasanayan mo," umiiyak na sabi ng ina.

Wala siyang maramdaman.

Kahit anong sabihin nito tungkol kay Savy ay parang namamanhid na siya, aaminin niyang mas lamang ang galit.

May galit siyang nararamdaman para sa asawa, iniwan siya nito nang gano'n lang.

"Pasensya na ho kung hindi ko ma-appreciate mga ginawa niyo para sa akin ngayon. I'm sorry because I can't accept it right now, I hope you understand me, Mom."

Mabilis na tumango ang ina at tumayo, mariin siyang pumikit ng yakapin siya ng kanyang ina saka sinapo ang kanyang mukha.

"I-I'm sorry anak, t-tutulungan ka namin ni Daddy ha? Magpapagaling ka, para makabalik ka sa dati mong buhay, k-kung pwedeng kausapin ko si Lisa para samahan ka gagawin ko saka—"

"I don't need her, Mom," mabilis na sabi niya.

Kumunot ang noo ng ina habang may mga luha pa sa mata. "P-Pero anak, she's your first love and she can help you."

"I don't need anyone just to say I'm fine, I-I can do it on my own Mom. Magpapagaling ako, sasama ako sa ibang bansa kung 'yon ang kailangan."

Nakita niyang nanlaki ang mata ng ina. "H-How about Savy?"

Umigting ang kanyang panga. "She left me already Mom. Siya 'yong umalis, I begged but she didn't listen to me. K-Kung mahal talaga niya ako, hindi niya ako iiwan lalo na ngayon, baka nga nagsawa lang siyang mag-alaga ng katulad ko," buong puot na sabi niya.

Marahas na umiling ang ina. "Anak hindi ganyan si Savy. I know her."

Pagak siyang tumawa. "Of course you know her Mom. Her uncle almost kidnapped me yeah? Then Savy, even the young age she managed to save me. Hinatid pa niya ako sa bahay no'n hindi ba? Kaya mo siya kilala?"

"T-Terron..."

"I know everything now, Mom . . . Dad. Stop avoiding the truth, I'm not okay. My mind is not okay, I'm so fucked up."

Hindi na siya nakapagsalita nang mas lumakas ang pag-iyak ng kanyang ina at mahigpit siyang niyakap animong gusto na nitong kuhanin ang sakit na nararamdaman niya, mariin siyang pumikit habang dinadamdam ang sakit.

Unti-unting tumulo ang kanyang luha.

Nang idilat niya ang kanyang mata ay maliwanag na ilaw ng bar ang tumambad sa kanya at malakas na musika. Tumaas ang sulok ng kanyang labi, kaagad niyang pinunasan ang basa sa kanyang pisngi galing sa wine na tumalsik.

Terron raised his glass for a shot.

In just a blink, he remember what happened five years ago.

"Happy 32 birthday, Engineer!" his friends from Los Angeles greeted him.

We'll celebrate our birthday together. Napailing si Terron nang maalala ang linyang iyon.

Terron smirked and narrowed his eyes to the woman beside him. What's her name again? Anna or Amanda?

Tinungga ni Terron ang baso ng wine, hindi na niya mabilang kung nakailan na sila.

Araw ng kaarawan niya ngayon, sa ikalawang pagkakataon ay sinalubong niya iyon kasama ng mga bagong kaibigan. Hindi naman siya nahirapan humanap ng mga kaibigan lalo na sa uri ng trabahong mayroon siya.

After almost two years of rehabilitation, Terron back working as a new Engineer of his friend's company here in Los Angeles.

"What's your decision, dude?" tanong ni Driv.

Tinatanong siya ng kaibigan noong nakaraan araw kung gusto niyang tanggapin ang isang proyekto, malaki iyon dahil isang pang-publikong paaralan ang itatayo na donate ng isang negosyanteng galing Italy.

Ang kaso, sa Pilipinas ipapatayo iyon.

Siya ang kinuha ng kaibigan dahil Pilipino siya, sa tingin nito ay mas madali iyon para sa kanya.

Madali lang sana iyon kung hindi niya lang iniiwasan ang bansa na iyon sa lumipas na panahon.

"I'll think about it more, Driv," he answered.

His Canadian friend nodded.

Napalingon siya sa babaeng nasa tabi niya nang maramdaman mas dumikit ito sa kanya. Naramdaman niyang mas idinikit ng babae ang dibdib nito sa kanyang braso.

"Would you like to come to my apartment later, hon?" The woman whispered to him. "I know you'll like it, Terron. Driv told me about you, I like you. You can fuck me anywhere and time you want, I wanna feel you screwing me hard," she seduced him, slightly caressing his torso.

Hindi niya maiwasan pasadahan ng tingin ang babae, maganda si Amanda. Kahit madilim kung saan sila nakaupong grupo ay alam niyang makinis ito, hindi lang iyon, mabango ang babae.

Bumaba ang tingin niya sa pulang-pula na labi ng babae. "Do you want some steamy birthday sex?" tanong ulit nito.

Mabango rin ang hininga ni Amanda, may lahi itong Italian kaya angat ang matangos na ilong at manipis nitong labi.

Sa limang taon niya sa bansang ito ay kabisado na niya ang mga babae, alam na alam na niya at paulit-ulit lang ang sinasagot niya sa lumipas na taon.

Ibinaba niya ang baso, his friends chuckled because of that. Driv groaned, mukhang alam na ng mga ito na aalis na siya at wala nang balak bumalik.

Hinawakan niya si Amanda sa braso saka itinayo, mas lumitaw ang hubog ng katawan nito dahil sa suot na black tube, mas nakita niya ang kaputian.

"Where's your place?" he asked the woman with serious tone while fixing his long sleeve. Birthday sex huh?

_________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store