ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 28

SaviorKitty


Kabanata 28:

"Ang tanga mo, Savria! Ano na ngayon ha? Anong katangahan 'yang naisip mo at umalis ka sa puder ng asawa mo? Aber, sige nga! Paano na ang pagpapagamot ng kapatid mo ha? Saan ka kukuha ng pera?" Her Auntie ranted pointing a finger to her forehead.

She had her poker face on, keeping her true emotion.

Ayaw niyang ipakita rito na naaapektuhan siya sa mga sinasabi nito.

Kasalukuyan silang nasa ospital, sa kwarto ng kanyang kapatid na may nakatuhog na tubo sa bibig at dibdib.

Sandali silang natahimik ng tiyahin, tanging tunog ng aparato na lang ang kanyang naririnig at malakas na buntonghininga ng tiyahin.

Hindi niya magawang matingnan ang maliit na kapatid na ngayon ay nakaratay sa kama, mag-a-apat na taon. Sobrang liit ng kapatid kumpara sa mga kasing edad nito, siya na ang tumayong ina sa kapatid dahil noong tatlong buwan pa lang ito ay parehas nawala ang kanilang magulang dahil sa isang aksidente. 

Isa sa dahilan kung bakit siya tumigil sa pag-aaral.

He's too young to experience things like this, to face this kind of battle. Awang-awa siya sa kapatid pero wala naman siyang magawa.

"Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo, ano na ang gagamitin mo nyan para sa kapatid mo ha? Sa dialysis mo?!" puna ng Ginang habang dinuduro ang kanyang noo.

Sinabi niya sa tiyahin na umalis na siya sa bahay ni Terron, na ayaw na niyang lokohin pa ito at ang sarili niya. Ang mga allowance na binibigay nito ay pinaghahati niya sa gamot at baon niya, bukod pa sa naiaabot ni Alas buwan-buwan.

"Yung pera ho sa negosyong naiwan nila Daddy pwedeng—"

"Negosyo? Savy, jusmiyo matagal ng lugi ang negosyong naiwan ng magulang mo na pinagmamalaki mo!"

Hindi siya umimik, nang mawala ang magulang ay ang tiyahin na niya ang humawak ng negosyo nilang hollow blocks dahil wala pa siya sa tamang edad noon, ngayong bente uno na siya ay hindi pa rin niya mabawi iyon, her Aunt insisted that their business dropped just like that.

"Ang sabi ho ni Alas ay magagawan niya iyon ng paraan, pwede niyo hong ipasa na iyon sa akin, papaluguin ko . . . namin."

Nilingon niya ang Tiyahin, mas nagsalubong ang tattoo na kilay nito saka pagak na tumawa halatang nang-uuyam.

"Diyan! Diyan kayo magaling ni Alas, sa pagmamagaling! Aba't may gana pa siyang idamay ka sa kabaliwan niya? Pagkatapos niyang patayin ang sarili niyang ama, ngayon pa siya magmamagaling."

"Tita, hindi ho 'yon sinasadya ni Alas," mahinahong paliwanag niya kahit pa nga ilang beses na niya iyon sinabi.

Umismid ang tiyahin. "Wala akong pakielam! Dahil sa inyong dalawa ay nagka-leche-leche ang buhay ko. Hindi ko alam kay Rody bakit 'yang Alas na iyan ang kinuha niya! Ang daming bata, 'yong may utang na loob! Hindi kagaya nyan! Saka baka nakakalimutan mo kaya namatay ang asawa ko dahil sa'yo? Parehas kayo ni Alas na lahing kriminal!" singhal nito, nakita niya ang ugat nito sa leeg na halos pumutok na sa panggagalaiti.

Bumuga siya ng hangin, kahit ano talagang paliwanag sa mga taong sarado ang isip ay wala pa rin mangyayari. It was like waiting for the water to fill the perforated bucket.

"Hahanap ho ako ng pera."

"Saan ka hahanap huh? Doon sa mga De Vega sinuswelduhan ka na makakakupit ka pa ng pera sa Engineer mong asawa pero anong ginawa mo? Nag-inarte ka pa!" Nameywang ang Tiyahin sa mismong harapan niya.

Palihim niyang naikuyom ang palad.

"Hindi ko ho pineperahan si Terron," she explained.

"Kaya nga! Isang taon ka sa puder ng lalaking may sapak sa ulo na 'yon pero wala kang nagawa," sikmat nito.

Huminga siya nang malalim, sinusubukan pakalmahin ang sarili pero namumuo ang galit sa kanyang dibdib.

"Huwag niyo ho pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko," madiin usal niya.

Binitbit ng tiyahin ang bag nitong balat ng buwaya. "Wala akong mapapala sa'yo, ilang beses kitang sinabihan na aparato na lang ang bumubuhay sa kapatid mo at nagsasayang ka lang ng pera pero—"

"Kung sasabihin niyo ho ulit na sukuan ko na ang kapatid ko para makatipid sa pera ay hindi ko ho gagawin. Pwede na ho kayong umalis, salamat sa pagbisita," walang buhay na sabi niya.

Tumalikod ng tiyahin at pabagsak na isinara ang pintuan, nang tuluyan itong makaalis ay kaagad siyang napangiwi at napahawak sa tagiliran.

Kumikirot ang tagiliran niya, na naman.

Wala pang tatlong minuto ay bumukas ang pintuan at pumasok si Alas, may bitbit itong bag na itim at mukhang kakaligo lang.

Nang makita nitong sapo niya ang tiyan ay bumagsa ang pag-aalala sa mukha ng lalaki, malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi.

"You okay, babe?"

Marahan siyang tumango saka pilit na ngumiti. "Keri pa naman, kumusta ang pag-duty mo? Hindi ka na sana pumunta rito Alas may pasok ka pa mamaya hindi ba?" nahihiyang sabi niya.

Alastair Jamall made a disapproval look, he rolled his eyes. "You've been here since last night. You are also not allowed to get tired, Savy. You wanna eat something? Kumain ka na muna bago ka matulog, ako na muna magbabantay kay Jemiah." Binuksan ng lalaki ang bag na dala at ipinakita iyon sa kanya. "I bought some clothes so you can change, I also bought pair of underwears, I'm not sure about your size," he informed.

Ipinakita ng lalaki ang bra at panty sa kanya na bulaklakin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Sweet naman ng Dadeeee ko."

Alas rolled his eyes and his face went blank. "Oh, stop it! Sa papel ko lang kayo anak ni Jemiah. I told you not to call me Dad, for fuck sake I just turned twenty seven!" inis na sabi ni Alas kaya natawa siya.

Totoo naman iyon, sa batas ay si Alas na ang ama niya kahit pa nga halos kasing edad lang ito ng asawa. Inampon sila ng lalaki para lang makaalis sa puder ng tiyahin niya at upang magkaruon sila benepisyong magkapatid lalo't kailangan na kailangan niya iyon para sa kapatid. Tuwing inaasar naman niya si Alas tungkol sa bagay na iyon ay parang sisingsisi pa ito sa naging desisyon nila noon.

"Joke lang, hindi mabiro?" Hinilot niya ang paa at hita, nakita iyon ni Alas.

"Nangangawit ulit? Should I massage you, again?"

Madramang sinapo niya ang dibdib. "Huwag na uy! Noong last na minasahe mo ang paa ko, iika-ika akong umuwi no'n. Nilagnat pa ata ako no'n maryosep, bigat kasi ng kamay e, pati sa pag-straight ng buhok napaso mo ako, nagkapeklat nga ata ako sa leeg no'n," mahabang litanya niya habang inaalala iyon.

Alas looked at her flatly. "I told you I can't do it, ikaw 'tong mapilit.

Ngumiti siya saka bumuntonghininga. "Galing nga pala rito si Tita," maingat na sabi niya.

Sumandal si Alas sa sofa saka ipinahinga ako ulo sa kanyang balikat.

"What did that old witch say?"

"Wala naman bago, gano'n pa rin naman ang sinasabi niya, kabisado ko na nga."

Suminghap siya pero kaagad din napatakip ng ilong nang malanghap ang pabango ni Alas, kaagad niyang itinulak ang lalaki palayo sa kanya na mukhang nagulat sa biglaan niyang galaw.

Mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa banyo at sumuka, mahigpit niyang napahawak sa lababo.

Ano bang nangyayari sa akin?

Nang matapos siyang magmumog ay nagtama ang mata nila ni Alas sa salamin na nasa pintuan at sumunod pala sa kanya.

"May nakain ata akong bulok noong nakaraan pa 'to," sabi niya saka humarap kay Alas na seryoso ang mukha.

"When was your last menstruation?" He rested his hand on the door.

Napataas ang kilay niya saka natawa. Para talagang sira 'tong si Alas, feeling ata niya Doctor siya. "Bakit? Anong kinalaman ng bunganga ko sa pukengkeng ko at—" Hindi niya natuloy ang sasabihin, unti-unting nanlaki ang kanyang mata. "Hindi pa ako binibisita ni dugo!" Savy announced, her eyes widened.

Sandali silang nagtitigan ni Alas, hindi niya alam kung anong reaksyon ang dapat niyang ibigay sa lalaki.

Gamit ang mata ay parang nakapag-usap sila ni Alas, umawang ang labi niya nang bumaba ang tingin nito papunta sa kanyang tiyan.

"You drank alcohol last week and you are taking medicines." Iyon kaagad ang sinabi ni Alas na para bang naisip na nito ang mangyayari, she could clearly see the concern on his face.

Marahas siyang umiling saka tumawa, walang dapat ikatakot, hindi pa sigurado, tama. "L-Lahat naman ng babae, nade-delay, babe. A-Ano baka, bukas o kaya sa susunod nandyan na!"

Pakiramdam ni Savy ay unti-unti nang bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa naiisip, mabilis siyang lumabas sa banyo at hinanap ang mop.

Kaagad siyang naglampaso sa kwarto, nagbabakasakaling baka kapag natagtag ang katawan niya ay duguin siya.

Malakas na binawi ni Alas ang mop sa kanya, kaagad niya iyon inabot pero umatras ang lalaki at binali iyon sa harapan niya at tinapon sa gilid.

"A-Akin na 'yan! Alas!"

"Shut the fuck up, Savria Dela Torre! That's bullshit!" seryosong anito, natakot siya sa tonong iyon.

Kilala niya si Alas, simula noong bata sila.

Galit na ang lalaki, kaagad siyang tumigil at napatitig sa putol na mop sa sahig, unti-unting nangilid ang kanyang luha.

"H-Hindi 'to pwede . . ." mahinang sabi niya, pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya kaya siya nahihirapan huminga.

"Look at me, babe."

Nang nagtama ang mata nila ni Alas ay napaiyak na siya na kaagad niyang pinunasan. "A-Alam ko naman hindi imposibleng mangyari 'to . . . kasi, kasi ilang beses rin iyon."

Alas cupped her face, his jaw clenched. "That man forced you, right? I'll never forget your scars Savy. Huwag mo na pagtakpan, he raped you!"

Marahas siyang umiling. "H-Hindi! Ginusto ko 'yong una Alas. Walang pagpilit! H-Hindi lang niya talaga maalala, hindi ba pinaliwanag naman ng Doctor niya," she explained.

"So you'll tell him about this?"

"H-Hindi pa naman sure, Alas!"

"I'll buy pregnancy test stick later. Paano kung positive? Kailangan mong isipin mga mangyayari. Savy, you have a kidney transplant next month. Operasyon! Mga gamot 'yon, paano kung buntis ka ha? Paano 'yong epekto no'n ha? Sa katawan mo!" Bahagyang inalog ni Alas ang braso niya, nang hihinang napaupo siya sa sofa habang iniisip iyon.

May sakit ang kapatid niya, may sakit siya at kailangan ng magpa-dialysis at operahan, unti-unti ng nanghihina ang katawan niya tapos ito pa, buntis siya.

Lumuhod si Alas sa gilid ng sofa, hinawakan ng kaibigan ang kanyang kamay.

"Sasabihin mo sa asawa mo?"

Ang mahihinang iyak ay lumikha na ng mga hikbi. "A-Ang bigat na ng pinagdadaanan ni Terron, Alas. A-Ayokong dumagdag kaya nga umalis na ako kasi ayokong malaman niyang may sakit ako, ayokong maging pabigat. M-May pinagdadaanan din siya, s-saka isa pa sigurado akong hindi niya tatanggapin ang baby ko..." Sunod-sunod na umagos ang kanyang mga luha, pakiramdam niya ay mas sumisikip ang kanyang dibdib.

Dapat naisip na niya ito noon, dapat hindi siya nagpadala.

"How did you know? That's his. baby,  for sure he'll accept the baby."

Marahas siyang umiling, hindi gano'n iyon kadali.

"G-Gusto niyang magkapamilya, gusto niya ng anak pero alam kong hindi naman sa akin, Alas. I-Iba ang gusto niyang ina ng mga anak niya. Hindi niya 'to tatanggapin, a-ayokong manatili siya sa kasal na 'to dahil lang sa anak namin. A-Ayokong dumating 'yong panahon isisi niya sa akin."

Mas napahagulgol siya, nasapo niya ang ulo dahil biglang kumirot iyon. Napahawak siya sa braso ni Alas nang umikot ang kanyang paningin, ang huli niyang natatandaan ay ang buhat ng lalaki sa kanya bago siya tuluyan mawalan ng malay.

***

NANG magising si Savy ay nasa isang kwarto siya, kaagad siyang napaupo nang maalala ang nangyari. Naabutan niya si Alas, Jaren at si D, ang kaibigang Pulis ni Terron.

Nagbabaraha si Jaren at si officer D habang si Alas ay naka-krus ang mga braso habang nakapikit, mukhang tulog.

"Uy, gising na si Savy," Si officer D ang unang nakapansin sa kanya.

Napangiwi siya nang deretsyong tumayo si Alas at lumapit sa kanya, hindi pala tulog.

"Are you feeling okay, babe? Wala naman masakit?" bungad na tanong nito.

Napatango siya saka wala sa sariling napatingin sa bestfriend ng asawa, si Jaren na naka-iwas ang tingin, ang lalaki ang naging mata niya noong nasa Davao si Terron.

Tumikhim si Alas saka bumaling sa mga kasama. "We will talk."

"Edi G," sagot ni officer D.

"Lalabas pa kami? Ano bang pag-uusapan niyo?" sabat ni Jaren.

Umismid si Alas. "Wala akong tiwala sa'yo, baka mag-report ka sa bestfriend mo," deretsyong sabi ni Alas, nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa mga lalaki.

Jaren gasped. "Parang walang pinagsamahan."

"Wala talaga. Labas."

"Okay, okay geez. Kalma, hanggang ngayon ang initin ng ulo."

"Fuck off, Jaren. Not now."

Hinila na ni officer D si Jaren palabas ng kwarto, nang tuluyan silang maiwan ni Alas ay kaagad siyang nagtanong.

Nang lingunin niya si Alas ay masama ang timpla ng mukha nito habang nakatingin sa nakasarang pinto.

"Anong nangyari? Sino nagbabantay may Jemiah?" Akmang aalis siya sa kama ay pinigilan siya ng lalaki.

"Ayos lang ang kapatid mo, may nurse roon. Babe, hindi na next month ang operasyon mo, iuusog sa huling linggo ng buwan na 'to, Sav," maingat na sabi nito.

Nagsalubong ang kanyang kilay, ang totoo ay kaya pa naman niya, kaya pa ng utak niya pero ang katawan niya ay unti-unti ng nanghihina.

"B-Bakit? Sobra na ba? Kaya ba ako nahilo kanina?" nag-aalangan na tanong niya.

Nag-iwas tingin si Alas. "You're pregnant as expected, babe," malungkot na sabi ni Alas.

"T-Talaga?"

Wala sa sariling napahawak siya sa kanyang tiyan. Saya at takot ang naramdaman ni Savy, saya dahil anak niya iyon sa lalaking mahal niya, sa lalaking tinitibok ng puso niya, sa lalaking hindi niya inaasahan mahalin pero takot dahil sa kung anong sitwasyon ang mayroon siya ngayon.

"S-Sav. You know that, I love you right? Not romantically but I love you as my relative. Hindi lang kita basta kaapelido, 'yong mga pinagdaanan natin sobra na. I know how strong you are, malalampasan mo 'to." Hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay at bahagya iyong pinisil.

"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan tanong niya, kilala niya si Alas.

Hindi 'to magsasalita ng ganito kung wala lang.

"You need to let go of your baby, Savy. Hindi kakayanin ng katawan mo, na ooperahan ka habang may bata sa sinapupunan mo na papabuo pa lang. Masyadong delikado para sa'yo at sa bata."

"E-Edi saka na lang ako magpapa-opera kapag nanganak na ako, Alas," suwestyon niya, ayaw na niyang umiyak pero mabilis nangilid ang kanyang luha.

Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya alam ang dapat maramdaman. Gusto niyang sisihin ang sarili.

Alas shook his head. "Your life will be in danger, Savy. You don't have a choice, babe."

"Ayoko!"

Mahigpit na hinawakan ni Alas ang kamay niya. "Isipin mo naman ang sarili mo, Savria. Kailangan mong mabuhay, may kapatid ka pang umaasa sa'yo. Please, let go of that baby, save yourself for me, your brother, for your promise to your parents, for Terron, please be alive and healthy."

Umiling siya, ayaw niyang marinig ang sinasabi ni Alas. Wala siyang plano na pakinggan ang sinasabi nito.

Marahas na hinawakan ng lalaki ang balikat niya at bahagya iyon niyugyog.

"Think straight, Savy! Buhay mo ang nakataya rito! Buhay mo! Can't you get it?! Wala kang choice! Ang laki ng sakripisyo ko para sa'yo at kapatid mo, huwag mo naman sayangin lahat ng iyon! Mawawala iyan sa ayaw at gusto mo kaya ayusin mo ang sarili mo at sundin ang plano!" madiin usal nito, nasapo na lang niya ang mukha saka sunod-sunod tumulo ang luha.

"T-Terron, will surely hate me after this," bulong niya habang pilit na hindi manginig ang boses saka siya napahawak sa tiyan habang tumutulo ang luha.

"Speaking of Terron..."

Napatingin siya kay Alas.

"Jaren told me that Terron sold his condo and car, he bought a plane ticket after submitting the Decree of your Annulment. He'll leave the country, Savy."

__________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store