Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 25
Kabanata 25:
"Anong ibig sabihin walang laman ang mga account ko? This is Terron Klaud De Vega, maybe you overlook. I deposited last month. Anong walang laman?" Hindi maiwasan magtaas ng boses ni Terron.
Habang hinihintay si Savy sa sala at pinapakalma ang sarili ay saktong tumawag naman ang agent sa bangko, sinasabi nitong wala ng laman ang account niya lalo na ang account nilang mag-asawa.
Imposible iyon, sigurado siyang sobra-sobra pa ang kanyang pera.
Ang tagal niyang nagtrabaho, wala siyang pinagkakagastusan at halos tipidin niya ang pera sa Davao para sa pag-aaral ng asawa kaya malabong wala siyang matirang pera.
"Yes Mr. De Vega, your wife withdraw your money in the past few months. Based on our data, she withdraw three times a week in almost three months," anunsyo ng lalaki sa kabilang linya.
Nasapo niya ang ulo dahil doon. Ang galit sa kanyang dibdib ay unti-unting nadagdagan.
Ano pa bang dapat niyang malaman tungkol kay Savy? Ano pang putang inang sikreto ang dapat niyang malaman tungkol sa asawa.
Tungkol sa pamilya nito.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi? Why you didn't inform me?!" Terron growled in frustration.
"Sir your wife, Mrs. De Vega submitted a letter that you are letting her withdraw your money, together with your signature and fingerprint."
Nanlaki ang mata niya, wala siyang natatandaan na pinirmahan niya.
Pinatay niya ang tawag sa sobrang kaguluhan. Unti-unti ay naisip niya kung anong klaseng babae ang pinakasalan niya. She's planning something evil against him?
Kung noon ay pinapalagpas lang niya ay ngayon ay hindi na, ubos na ang pera nila sa hindi malamang dahilan. Ibinibigay ba ng babae sa kalaguyo nito? Maybe Savy wanted his money in the first place, maybe that's the reason why she married him.
For his money, to get his trust.
Sinapo niya ang dibdib saka malalim na bumuntonghininga dahil sumisikip iyon, tumingala siya sandali.
"Terron, calm down," he whispered while inhaling and exhaling.
He wrinkled his nose, trying to calm himself.
Hindi niya alam kung ilang oras siya naglalakad-balik sa sala, ilang beses niyang sinubukan tawag si Savria pero patay ang telepono nito, ayaw naman niyang ipaalam sa magulang at tiyahin nito ang nangyayari dahil gusto muna niyang makausap ang babae.
Nang bumukas ang pintuan ay malalaki ang hakbang na lumapit siya roon, nagtama ang mata nila ni Savy na kaagad natigil sa tuluyan pagpasok at gulat na napatingin sa kanya na para bang natakot ito.
Terron pinned his wife to the door.
Ang dami niyang iniisip na gawin sa asawa simula kanina, sa isip niya ay halos kwestyunin na niya ito, na sigawan niya kapag nagkita sila pero hindi niya alam kung bakit iba ang kanyang ginawa.
Imbes na sigaw ay dahan-dahan niyang niyakap si Savy.
"T-Terron..."
Ang bigat sa kanyang dibdib na kanina pa niya kinikimkim na huwag sumabog ay unti-unti nang lumabas, tahimik na humikbi siya sa balikat ni Savria.
Natatakot siya, natatakot siyang iwan ito.
Mahigpit niyang niyakap ang babae, wala siyang pakielam kung makita nito ang kanyang luha. Hindi niya alam pero nakahinga siya nang maluwag dahil umuwi pa ito sa kanya, na hindi siya nito iniwan.
Naramdaman niyang natigilan si Savy, bahagya nitong itinulak ang kanyang tiyan upang makita ang kanyang mukha pero mas ibinaon ni Terron ang mukha sa balikat ng babae.
Ang init sa katawan nito ay lumilipat sa kanya pero hindi sapat iyon para patigilan ang kanyang luha na ngayon niya lang ipinakita sa asawa.
"T-Terron ano b-bang nangyayari sa'yo?"
"P-Please, please baby tell me you didn't cheat on me. You love me right? You never sleep with someone else, you'll never cheat, sabihin mong hindi totoo 'yong n-nakita ko sa cctv," he whispered, his voice cracked.
Hindi sumagot si Savy, parang may kumurot sa puso niya dahil doon. Natatakot siyang magtanong dahil sa pwedeng malaman pero mas natatakot siya sa mga maaaring ilihim ng babae.
Nag-iwas siya ng tingin nang hindi nakasagot si Savy.
Dahan-dahan niyang kinalas ang yakap, nang magtama ang mata nila ay walang emosyon itong tumitig sa kanya animong kinakabisado ang kanyang mukha.
Pakiramdam niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pakiramdam, sobrang sikip sa dibdib. Kakaibang takot at kaba.
Hindi siya madramang lalaki, ayaw niyang pahirapan ang sitwasyon pero ngayon ay wala siyang hiya na naramdaman habang umiiyak sa harap ni Savy.
Kinagat niya ang ibabang labi.
"Are you... are you cheating on me baby? Am I not enough? Hmm, h-hindi ka ba masaya sa akin? Hindi ko ba napupunan 'yong pangangailangan mo?" parang may bumara sa lalamunan niya.
Savy smiled a little. "Since our marriage I've always hated you, I hate you Terron."
Marahas siyang umiling. "D-Don't say that. I don't believe you. Galit ka lang sa akin kaya mo iyan sinasabi." Mas idiniin niya ang katawan sa babae, nagbabakasaling mabawasan ang sakit sa dibdib niya kapag malapit ito. Ipinahinga niya ang noo sa pisngi ng asawa. "T-Tatanggapin kita, makipaghiwalay ka sa lalaki mo buong-buo kitang tatanggapin, Sav. P-Please, ako na lang. M-Magsimula tayo, magpapanggap akong walang alam, magpapanggap akong hindi masakit. Tama na please nakaganti ka na sa pagiging gago ko. Ayusin natin 'to. H-Huwag mo naman ako saktan ng ganito. I-Ikaw lang mayroon ako, Savy."
Mariin napapikit si Terron at napahagulgol habang yakap ang babae na diretsyong-diretsyo na nakatayo lang, animong balewala siya.
Wala nang pakielam si Terron kung anong sabihin ng iba, kung husgahan siya ng iba dahil handang-handa siyang magbulag-bulagan.
"Yon na nga Terron, m-mahalaga ako sa'yo, kasi ako na lang ang mayroon ka pero kung babalik ang ex mo sa tingin ko ay wala ka na rito ngayon." Marahas siyang umiling dahil sa sinabi nito.
Itinulak siya ni Savy, nang magkaruon nang pagitan ang katawan nila ay kitang-kita niya ang pamumula ng mata ng babae pero nanatiling nakangiti ang labi nito na pinunasan ang pisngi niya.
"Huwag kang umiyak."
"S-Sav... babawi ako, pangako uunahin na kita, kung gusto mo lumayo tayo. Mag-ibang lugar tayo, gusto mo ba putulin ko koneksyon ko sa kanila? Ayos lang sige, b-basta huwag naman ganito. Huwag mo naman akong iwan para sa iba," sunod-sunod na sabi niya saka mahigpit na hinawakan si Savy sa braso.
Natawa si Savy, kitang-kita niya ang luhang pumatak sa pisngi nito galing sa mata.
"N-Natatakot kang gawin ko rin sa'yo 'yong ginawa ni Lisa. Ang totoo ay natatakot kang maramdaman ulit iyon, pero hindi ang mawala ako. 'Yong pakiramdam na maiwan, doon ka takot Terron hindi sa kung sino ang mang-iiwan."
Naguguluhan niyang tinitigan si Savy, hinawakan niya ang pisngi ng asawa.
"Mahal kita, Savy. Mahal na mahal kita, h-hindi ko alam kung papaniwalaan mo ako pero mahal kita, I love you more than I imagined."
***
Malakas na tumawa si Savy dahil sa sinabi ni Terron, malakas niyang tinulak palayo ang lalaki pero hindi siya nito pagbigyan, na parang ayaw siya nitong bitawan. Na para bang natatakot itong bigla na lang siyang mawala pero imposible iyon.
Nakapagdesisyon na siya.
"Kung mahal mo ako, bakit may s-secret room ka pa rin na puro larawan niya? Puro paintings niya, puro tungkol sa kanya, sa bahay na ito... sa bahay kung saan mo pinapatira ang asawa mo. B-Bakit wala pang isang buwan tayong kasal ay may request of annulment ka na? B-Bakit... bakit ngayon mo sa akin sinasabi iyan kung kailan ayoko na? Bakit saka mo sa akin ipaparamdam na mahalaga ako sa'yo kung kailan naman naramdaman ko nang tama na?" sineserong aniya.
Sa huling pagkakataon ay sinabi niya ang totoo niyang nararamdaman sa lalaki, nasasaktan siyang makitang umiiyak ito pero naisip niyang wala pa ang luha nito sa gabi-gabi niyang pag-iyak noon.
Nakita niyang natigilan si Terron dahil sa sinabi niya.
Nakita niya noon ang secret room sa closet nito, lahat ay alam niya.
"Iiwan mo ako para sa kanya?" pagkuwan tanong ng lalaki animong hindi narinig ang buong sinabi niya.
"Iiwan kita para sa'yo, para sa sarili mo Terron tama na."
Marahas na umiling si Terron, nagdilim ang mukha nito.
"H-Hindi, anong para sa akin? S-Sav is this a part of your illness? B-Baka ginagawa mo ito dahil sa sakit mo, do you want me to help you? May kaibigan akong makakatulong sa'yo, please, tulungan mo ang sarili mo."
Kinagat niya ang ibabang labi dahil sa sinabi ng lalaki.
Malakas siyang bumuntonghininga, pilit nilalabanan na hindi umiyak sa harap ng lalaki pero tinatraydor siya ng kanyang mata.
"I-proseso na natin ang annulment, maghiwalay na tayo."
Bahagya siyang napangiwi nang hawakan ni Terron ang magkabila niyang balikat, kitang-kita niya ang pagkapula ng mukha nito hanggang leeg.
"C-Calm down, Savy. Walang hiwalay. I'll help you to your sickness, okay? Huwag kang matakot. Y-Yong pera bang kinukuha mo, ginagamit mo para sa sakit mo? I-I'll forgive you, sige ayos lang. Mababawi pa natin 'yon, tatanggap akong madaming project okay? H-Hindi ako humihingi ng tulong kila Kuya at Daddy pero baka pwede nila tayong tulungan baby," desperadong sabi ng lalaki.
Sunod-sunod na tumulo ang luha niya, bumagsak ang tingin niya sa singsing nila.
Dahan-dahan niyang tinanggal iyon, kitang-kita niya ang pag-awang ng bibig ni Terron at pagkabahala sa mukha, pinigilan nito ang kamay niya.
"D-Don't hurt me like this, kung nasaktan kita sorry. Hindi ko sadya Savy..."
"I know... alam kong hindi mo sadya pero may hangganan din naman kasi ako Terron, I know my worth and you're not worth it. We are not worth it for each other, may kanya-kanya tayong buhay na pilit lang natin pinagtatagpi."
Pinunasan niya ang luha saka mahigpit hinawakan ang kamay ni Terron, marahas na umiling ang lalaki nang ilagay niya ang singsing sa palad nito.
"M-Magpagaling ka Terron, sorry kung hindi ko na kaya dahil may ibang bagay rin akong iniintindi. I'm not the one who's suffering here, nakaplano lahat, Terron. Asawa mo ako kasi kailangan mo ako, your mother hired me; I needed money, so I took the risk. You need me to move on but I failed. Kahit anong gawin namin wala ay pa rin kasi hindi mo naman tinutulungan sarili mo, tinulak kita palayo sa Davao dahil nagbabakasali kaming pagbalik mo ay ayos ka na pero hindi pa rin." Napahikbi na siya habang sinasabi ang totoo sa asawa. "Oo, nilalabas ko ang pera mo pero para sa'yo rin 'yon, 'yong lalaking nakita mo sa cctv ay ikaw rin 'yon. You're my first, lahat ikaw. Alam mo kung bakit ako takot na takot noon? Bakit ako lumalabas tuwing gabi, natatakot ako sa'yo dahil ikaw 'yong kakaiba ang ginagawa sa madaling araw, you stared at me while I'm sleeping that's why I always ended up running away."
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ni Terron kasabay nang pagtulo ng luha niya.
"I'm not the one who's suffering from mental illness. Wala akong sakit, ikaw ang may sakit Terron, hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nakaraan. Hindi ako ang kailangan mo, please accept that you already lost h-her Terron. You're depressed, you're imagining things, your hallucination are getting worse, and I know I'm not a part of your own world. Your mind is deceiving you, so I trick you as well. I whelve everything."
______________________
:>
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store