ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 24

SaviorKitty

Kabanata 24:

MADALING ARAW na nang makauwi si Savria, pagkapasok pa lang sa pintuan ay alam na niyang nakainom ang babae. Hindi na halos bumibitaw ang asawa sa pader animong anumang oras ay matutumba ito, dagdag pa ang pinaghalong alak na amoy nito na kumalat sa buong paligid.

Gumalaw ang panga ni Terron, bumangon siya mula sa pagkakaupo sa kama, itinabi ang laptop na hawak niya dahil sa tinatapos na isang project. Halos wala nga siyang nagawa dahil sa pag-aalala. Terron's teeth clenched as he approached Savy, he took her arm to help her to their bed.

Kanina niya pa ito hinihintay, simula noong isang araw ay hindi na siya nito pinapansin, iniiwasan siya ng babae. Tuwing dadating siya sa gabi ay tulog na ito at sa umaga naman ay magigising siyang paalis na ito o nakaalis na.

Alam naman niya iyon kaya nga talagang hinintay niya ito upang makapag-usap sila pero sa lagay nito ngayon ay malabo talaga makakapag-usap sila.

Alam niyang nasaktan niya si Savy nang iwan niya ito para kay Lisa nang gabing iyon. Lalo na noong nagkagulo sa labas ng condo dahil sumugod si Kevin noong nakaraan gabi.

He just can't let Lisa like that, she's a friend.

"Where have you been?" he asked his wife in a soft tone.

Kumurap-kurap si Savy saka siya sandaling tinitigan animong kinikilaa siya.

Savy laughed when she recognize him and gently slapped him to his right cheek. "Ano naman sa'yo?"

"Sav... babae kang tao hindi ka dapat—"

"Huwag ako, Terron. Babae o lalaki kung gusto uminom pwede, katawan ko 'to," lasing na dahilan ng babae.

He pursed his lips. "Don't call me like that. I know baby, you can drink and do whatever you want I'll support you, but—"

"But mo mukha mo, panget ka," singhal nito saka kinusot ang mata.

Bahagyang tumaas ang suot nitong skirt kaya mabilis niyang iniayos iyon pero tinabig lang ni Savy ang kanyang kamay saka gumapang papunta sa gitna ng kama.

Bahagya itong napasubsob kaya natawa ito, malakas siyang napabuntonghininga.

My wife...

"Sit on the edge, I'll clean your body."

Bukas na lang niya kakausapin ang babae, siguradong hindi sila magkakaintindihan ngayon.

Savy chuckled. "Alam mo, gusto ko ikaw una mamatay."

Natigilan siya't napapatitig sa mukha nito, para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Gano'n na ba ito kagalit sa kanya para hilingin ang bagay na iyon?

Nang magtama ang mata nila ay pumungay ang mata ng babae.

"A-Ayokong ako ang mauna. Ayokong maiwan ka, ayokong maramdaman mo 'yong gano'n sakit. Ayos lang kung ako na lang maiwan mag-isa, a-ako na lang magtiis ng sakit."

Ramdam niya ang sakit sa boses ng babae, parang may humaplos sa puso niya.

Masuyo niyang niyakap ang babae at hinalikan ito sa balikan. "I won't leave you, okay? Walang mauuna, walang mamatay Savria? Magsasama tayo nang matagal, we'll built our family. D-Don't say that, okay?" Bahagya pang nanginig ang kanyang boses.

Hindi niya alam kung bakit siya kinabahan, ang lagay ay parang namamaalam ang babae sa kanya.

Tumayo siya at pumasok sa banyo para kumuha ng tuwalya at palanggana, pagkabalik niya sa kama ay naabutan niyang naghuhubad ng damit ang asawa habang nakapikit. Mabilis niyang inilapag sa lamesa ang dala bago tulungan ang babae na alisin ang dress nito.

Tanging bra at panty lang ang suot ng babae, hindi niya maiwasan mapatitig sa mga peklat nito sa hita.

Mabilis niyang binalot ng kumot ang katawan ng asawa saka nagsimula na siyang punasan ang mukha nito at katawan.

Savy groaned when he wiped her face, specially the red lipstick.

Habang pinupunasan niya ang labi ng babae ay hindi niya maiwasan mapatitig sa mukha nito. Ang maamong mukha, manipis na labi at matambok na pisngi.

Dahan-dahan natumba si Savy sa kanyang balikat.

Terron can't help but to smile.

Bahagya niyang sinuklay ang buhok ng asawa na gulo-gulo gamit ang kanyang kamay. "Gusto kong bumawi sa'yo Sav, pero natatakot ako kasi baka huli na, baka ayaw mo na, hindi ko rin maintindihan sarili ko, napaka gago ko," mahinang sabi niya.

Dahan-dahan niyang inalalayan humiga ang babae na bahagya pang umiingit, nang sinubukan niyang tanggalin ang bra nito upang makatulog nang maayos ay tinulak ng babae ang kamay niya.

Parang may kumurot sa puso niya dahil sa ginawa nito, siguro nga kahit lasing ito ay galit ito sa kanya.

"Savy, tatanggalin ko lang."

"H-Hmm. H-Huwag! Akin 'yan. Bili 'yan ng asawa ko! M-Magagalit si—" Naging ungol na lang ang mga salita ni Savy bago ito tuluyan makatulog.

Napapailing na ipinagpatuloy niya ang pagpupunas sa katawan nito, nang makuntento ay tumabi na siya ng higa sa babae. Kaagad niyang ipinalibot ang braso sa beywang nito saka ito hinila papalapit sa kanya.

Marahan niyang hinalikan ang gilid ng noo ng asawa. "I don't deserve you, but I'll do my best, baby."

Lumipas ang minuto ay nanatili siyang nayakap sa asawa hanggang makatulog, nang magising kinabukasan ay wala na si Savy sa kama katulad ng mga nakaraan araw.

Hindi na naman tuloy maganda ang gising niya.

Mabilis siyang nagligo bago lumabas ng kwarto, naabutan niyang bihis na bihis si Savy habang nasa kusina. Pansin niya ang pagbabago ng katawan nito, mas pumayat ang babae ngayon niya lang napansin.

Tatawagin sana niya si Savria pero naabutan niya itong may hinahalo itong puting liquid sa tasa niya, alam niya ang tasa niya dahil sa kulay.

Savy's white cup features a heart pattern, while his is plain black.

Imbes na tawagin ay dahan-dahan siyang pumasok ulit sa kwarto at bahagya 'yong isinara saka siya sumilip sa kaunting pagitan. Nakita niyang ibinulsa ni Savy ang kung ano, malakas na tinulak niya ang pintuan at nagkunwaring walang nakita.

"Good morning," he greeted his wife.

Nakita niyang nagulat itong napalingon sa kanya, hindi niya maiwasan maisip ang sinabi nito kagabi.

She wants him to die.

Binasa niya ang ibabang labi saka lumapit sa asawa, kita niya ang pagkataranta sa mata nito pero pagkakurap ay kaagad din 'yong nawala.

"Savy..."

"Nagtimpla na akong kape mo, aalis na ako," anito saka sinukbit ang bag at nag-iwas tingin sa kanya.

Kaagad siyang humarang sa counter upang hindi ito makadaan.

"Can we talk, baby?"

Dinungaw niya ang babae dahil hindi ito lumilingon. Sinubukan niyang hulihin ang mata nito, sa huli ay tumingin ito sa kanya pero walang buhay.

Walang matamis na ngiti, walang kinang ang mata.

"May practice kami sa school, Terron. Male-late ako."

"It's Papi. Stop calling me by my name. Naiirita ako. Bakasyon niyo hindi ba? Ba't may practice at 'yong suot mo—" Naitikom niya ang bibig dahil alam niyang ayaw ni Savy na pinagsasabihan tungkol sa damit nito. "Kumain ka na ba?"

Savy sighed. "Sa labas na lang ako kakain, wala akong gana."

"May pera ka?" May pagdududang sabi niya.

Siya ang nagbibigay ng allowance sa babae at dahil bakasyon nito ay alam niyang wala na itong hawak na pera. Speaking of money, hindi na niya natanong sa babae kung saan nito ginamit ang pera, nawala na sa isip niya o sadyang malaki lang ang tiwala niya kay Savy na mahalaga ang pinaggamitan nito.

"May pera ako. Aalis na ako."

Akmang lalagpasan siya ni Savy ay hinawakan niya ang braso nito, bahagya pang napaigtad ang babae dahil sa bigla niyang galaw.

Binawi ng babae ang kamay sa kanya.

"Ihahatid na kita tapos susunduin kita mamaya, pwede rin akong mag-stay roon wala naman akong—"

"Huwag na, hindi na ako komportable na nasa paligid ka," walang buhay na sabi ng babae.

Napatitig siya sa likod ng asawa nang derederetsyo itong lumabas sa pintuan, nagpaulit-ulit ang sinabi ni Savria sa kanyang isip.

Hindi komportable?

Imbes na isipin iyon ay mabilis siyang lumabas upang sundan ang babae dala lang ang susi ng kotse at phone. Nang makatapat siya sa guard ay kaagad siyang huminto.

"Magandang umaga ho, Sir."

"Kuya, nakita niyo ba kung saan sumakay ang asawa ko?" tanong niya sa guard habang lumilinga-linga sa labas

Siguradong hindi pa nakakalayo ang babae. Kumamot sa ulo ang guard saka nagkibit-balikat. "S-Sir, hindi ko po alam."

Kumunot ang kanyang noo dahil sa sagot ng guard. Imposibleng hindi alam dahil nakaupo lang ito roon at isa pa, kilala na nito ang asawa niya dahil noon nasa Davao siya ay sinabihan na niya ang mga ito na bantayan ang asawa.

"Do you want me to report you to your management?" kalmadong tanong niya.

Nakita ni Terron ang pagkabahala sa mukha ng matandang guard. "N-Nakita ko ho siyang sumakay sa isang k-kotse na kulay itim."

"Kotseng kulay itim? Nakita mo ba kung sino ang driver?"

Kaagad umiling ang lalaki. "Hindi ko ho nakita, Sir. Lagi ko pong nakikita ang asawa niyo nitong mga nakaraan linggo na sumasakay sa isang kotse, pero kulay pula ho iyon."

"Mga ilang beses?"

Sandaling itong natigilan. "Hm, mga ano po, sir tatlong beses na nitong buwan."

Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay, mabilis niyang nilabas ang kanyang telepono para tingnan kung nasaan ang location ni Savy pero kaagad din siyang napamura nang makitang ayaw na kumunek dahil tinanggal nga pala niya noon nakaraan.

Dali-dali siyang sumakay sa kotse para pumunta sa University nito.

Humigpit ang hawak niya sa manibela nang makitang sarado ang gate ng paaralan. What the fuck?

Bumaba siya sa sasakyan para tumambay sandali, baka nasa loob na ang asawa. Tama, baka naman nakasara lang ang gate o kaya naman ay may pinuntahan lang sandali.

Habang nakasandal sa kanyang kotse ay sinubukan niyang tawagan si Savy pero patay ang telepono nito.

Napatuawid siya ng tayo nang lumabas ang pamilyar na guard, may hawak itong logbook. Mabilis siyang lumapit, kumunot ang noo ng matanda pero sa huli ay parang nakilala siya.

"Oh, Sir. Kayo pala." Ibinaba nito ang dala sa lamesa sa gilid saka tumingin sa kotse niyang kulay puti.

Timikhim si Terron. "May mga estudyante ho ba sa loob, Kuya?"

Mabilis umiling ang lalaki. "Wala ho, tapos na ang kuhanan ng card. Bakit ho? Yung kapatid niyo ho ba? Baka kasama po ng nobyo niya, 'yong may pulang kotse."

Pakiramdam ni Terron ay umakyat sa kanyang mukha lahat ng inis sa katawaan. Palihim niyang naikuyom ang kamao.

"Nobyo? I'm his husband!" So his wife is with that guy always, the guy with red car huh? Sa isip niya ay naiisip na niya kaagad kung paano babasagin ang kotse na 'yon at mukha ng kung sino man.

Tumabingi ang ulo ng guwardya animong naguguluhan. "G-Ganon ho ba? K-Kasi ho noong birthday niya ata 'yon, kung hindi ako nagkakamali e may sumundo sa kanyang pulang kotse. Natandaan ko lang kasi may lobo pa ngang dala 'yong lalaki tapos a-ah nagkiss sila, nagsigawan pa nga mga estudyante kaya hindi ko makalimutan."

"Nakita mo ba 'yong mukha?"

Lalaki, may lalaki si Savy? Hindi magagawa iyon ng asawa. Hindi gano'n si Savy.

Pakiramdam ni Terron ang ano mang oras ay makakasapak na siya, hinilot niya ang batok sa sobrang inis na namumutawi sa kanyang dibdib. Ayaw niyang mag-isip ng masama tungkol sa asawa pero ngayon araw pa lang ay dalawa na ang nagsabi.

"H-Hindi ko ho nakita 'yong mukha, nakatalikod kasi sa gawi ko noon pero mga kasingtangkad mo lang siguro iyon boss tapos kasing katawan." May patango-tango pang sabi ng guard.

Sandali siyang natigilan habang pinipilit isipin kung ano na ang gagawin niya.

Marahan siyang tumango saka pumasok sa kotse, hindi siya kaagad nakapag-drive pabalik dahil nanginginig ang kamay niya sa galit.

Unti-unti niyang naiisip ang lahat ng nangyari sa loob ng isang taon, ang biglaan nilang pagpapakasal, ang pabago-bagong ugali ni Savy, ang pagtulak nito paalis sa kanya papuntang Davao, ang pagkuha nito ng mga pera sa account nila nang walang pasabi.

Unti-unti ay ipinahinga ni Terron ang noo sa manibela ng kotse niya, mariin siyang pumikit habang unti-unting sumisikip ang dibdib niya.

"Fuck!"

Mabilis na binuhay niya ang kotse pabalik sa building nila, kaagad niyang pinadalhan ng minsahe ang contact niya sa condominium na gusto niyang makita ang cctv malapit sa pintuan ng bahay.

Malalaki ang hakbang niya pagkadating sa building, sinalubong siya ng isang staff at isang lalaki sa tingin niya ay isa sa mga bantay sa security room.

"Mr. De Vega, hindi po kasi kami basta-basta naglalabas ng ganyan kasama po sa protocol namin iyan. Unless kung may nawala po sa kwarto niyo o kaya may nangyari."

Gumalaw ang kanyang panga. "Wala akong pakielam sa protocol na 'yan, ang gusto ko ay makita ang pinaka malapit na cctv sa pintuan ng kwarto ko. Wala naman akong malalabag, walang madadawit na iba dahil pintuan at bahay ko naman ang titingnan ko," madiin sabi niya, sa loob ng bulsa niya ay nakakuyom na ang kanyang kamay.

"P-Pero Sir kasi..."

"This is important to me, now replay that fucking security camera!"

Nagkatinginan ang dalawa, may sinabi ang staff sa lalaki na para bang may pinagtatalunan sila. Sa huli at iginaya siya ng staff sa loob ng kwarto na madaming screen.

Inis na sinuklay niya ang buhok sa sobrang bagal ng dalawa.

"Anong araw po ba Sir, ito pong camera 48 ang pinaka malapit sa room niyo Sir, iyan lang po ang pwede namin ipakita. A-Anong araw ho ba?" tanong ng lalaking bantay.

Kinagat niya ang ibabang labi, base sa kwento ng guard sa school kanina ay birthday ni Savy iyon, panahon na hindi siya nakauwi kaagad.

Sinabi niya ang petsa ng birthday ni Savy. Nagsimula sa umaga, finast-forward nila at wala naman kakaiba pero nang sumapit ang gabi ay nakuhanan sa camera si Savy.

May kahawak kamay ang asawa na lalaki, naka-jacket ito at cap.

Gumalaw ang kanyang panga nang huminto ang dalawa sa harap ng pintuan nila, bahagyang nakatalikod ang matangkad na lalaki sa gawi ng camera animong alam na alam nito iyon.

Umawang ang labi niya nang makita ang saya sa mukha ni Savy habang kausap ang lalaki. Naikuyom niya ang kamao nang hawakan nang lalaki ang panga ng asawa at mabilis hinalikan, parang may dumukot sa puso niya at pinaghihiwa nang makitang sabik na pumasok ang dalawa sa mismong condo nila.

Nagdilim ang kanyang paningin, kaagad niyang naisip na magkasiping ang dalawa. Ang asawa at kung sino mang gagong 'yon, sa mismong kwarto nila.

May kalaguyo si Savy.

Sa galit ay sinipa niya ang lamesa na pinaglalagyan ng screen kaya napatayo ang bantay upang hawakan siya, marahas niyang tinulak ang lalaki at saka siya umiling at dinuro ang cctv footage.

"That's not my wife! M-My wife love me! H-Hindi niya ako kayang gaguhin ng ganito. Hindi, nagkakamali 'yang putanginang camera niyo!" Malakas na sigaw niya, kaagad niyang siyang tumalikod paalis sa lugar na iyon.

Narinig niyang tinawag pa siya ng dalawa pero dere-deretsyo siyang naglakad papunta sa kwarto nila.

When he closed the door, he immediately wiped the tears that escaped on his eyes.

"M-My wife can't do that... she can't betray me."

________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store