ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 19

SaviorKitty

Unedited antok na ako haha.

Kabanata 19:

GUMALAW ang panga ni Terron pagkatapos ibaba ang tawag ng bagong kliyente. That Lieutenant irritated him big time, kukunin pa siyang Engineer tapos lagi naman binabara ang mga suwestyon niya. Hanggang matapos ang usapan nila tungkol sa araw na magkikita sila nang personal para pag-usapan ang mismong plano ay binara nito, kesyo busy raw sa araw na 'yon.

Siya pa ba mag-a-adjust?

Hindi alam ni Terron pero mainit ang dugo niya sa lalaki, para kasing minamaliit siya nito base sa tono nito kanina noong magkausap sila.

Iniisip niya rin kung saan niya nakita ang lalaki, habang magkausap sila ay napagtanto niyang nakapunta na ang lalaking iyon sa condo niya, 'yong kaibigan ng Pulis niyang kakilala.

Because of that, he picked up his phone and call his friend. Mabilis naman sumagot ang Pulis, mukhang nagulat pa ito sa biglaang tawag niya.

"Pustahan may kailangan ka no?" bungad nito saka natawa.

"Yes," deretsyong sagot niya.

Narinig niyang madramang suminghap ang kaibigan sa kabilang linya. "Sige Kamahalan, gamitin ako! Ganyan ka naman e. Nakakaalala ka lang talaga kapag kailangan mo ako, pakiramdam ko tuloy bayaran mo ako at—"

"Will you shut your mouth up?"

"Geez. Alam mo Dude, pasalamat ka talaga ginagawa mo ako ng activity no'ng highschool kung 'di, hindi na kita pinansin."

Napahilot siya sa sentido. "Alam mo ang kulit mo, para kang asawa ko," wala sa sariling sabi niya, bigla niya naisip ang asawa.

Kumusta na kaya ang babae? Hirap na hirap pa naman 'yon kanina maligo at maglakad, para ngang isinumpa na siya ng asawa dahil may binubulong-bulong ito kanina.

Nakunsensya tuloy siya.

His friend chuckled. "Bagay kami?"

Sinandal niya ang likod sa swivel chair saka napatitig sa kisame,  parang nakikita niya roon ang basag na mukha ng kaibigan.

'Parang ang sarap manapak ng Pulis ngayonsabi niya sa isip.

"My wife doesn't like a Police man. She loves Engineer," buong pagmamalaki niya kahit hindi siya sigurado.

"Hindi mo sure, Engineer," pang-aasar ng kaibigan saka malakas na humalakhak. "Nga pala, bakit ka ba tumawag? Hindi naman siguro aayain mo ako magmiryenda no?"

Malakas siyang bumuntonghininga. Ang kapal ng mukha talaga.

"Are you my friend, right?"

"Ito na ba 'yong time na aamin ka sa akin, Terron? Na gusto mo ng higit pa sa pagkakaibigan?" sabi ng kaibigan, halata mong nang-aasar.

Napairap siya sa hangin. Kung may iba lang talaga siyang kakilala ay hindi na niya ito tatawagan, napaka hirap kausap.

"Ibaba ko na nga."

"Joke lang, ang init ng ulo mo lagi sa akin."

"Seryoso na Dude, hindi ba kaibigan kita..."

"Pwede rin naman Ama mo, depende."

"Gago ka," inis na sabi niya. Wala talaga siyang mapapala. "Seryoso, I need your help again. Gusto kong malaman kung bakit hindi Ramos ang apelidong gamit ng asawa ko noong kinasal kami, hindi Dela Torre ang apelido ng magulang niya." Naikuyom niya ang kamay nang may maalala.

Kanina ay nagulat siya sa pangalan ni Mr. Alastair dahil kamukha iyon ng sa asawa, deretsyahan niyang tinanong ang binata kung may kilalang Savria pero humindi ang lalaki.

Hindi magkakilala ang dalawa, wala naman sigurong dahilan para itanggi ni Mr. Alastair na kakilala ang asawa nang personal kung totoo naman, dahil kung kamag-anak ng asawa ang lalaki ay sinabi na nito.

Napahilot siya sa sentido.

"S-Sige ako ng bahala, dadalhin ko ba ulit sa condo mo?" sumeryoso na ang boses ng kaibigan. Thank God, he's serious now

"Oo, i-text mo na lang ako ulit bago mo dalhin, ipapadala ko na lang ulit ang bayad."

"S-Sorry, Terron."

"Huh?" Sinipat pa niya ang screen bago ibalik sa tainga.

"Sabi ko wala, sige na bye Kamahalan!"

Buong araw ay inabala na lang niya ang sarili sa mga ipapasa para sa mga susunod na araw ay wala na siyang gagawin at makakasama niya ang asawa nang mas matagal, nang maghapon na at nakasakay na siya ng kotse pauwi ay naisipan niyang tawagan ang asawa ng video call.

Ilang ring pa ay sumagot na ang babae, ipinatong niya ang kanyang kaliwang siko sa bintana ng sasakyan habang nakatingin sa screen.

Mukhang kakalabas lang ni Savy sa walk-in closet, pawis na pawis.

"Woy, Papi! Wassap? Miss mo na ako?" tanong ng babae saka nanunuksong ngumiti.

Napansin niyang nakatali ponytail ang buhok nito, binasa niya ang ibabang labi habang nakatitig sa pawis na leeg ng asawa. Kaagad niyang kinastigo ang isip dahil may pumasok na naman siyang hindi dapat.

"Nakauwi ka na pala, susunduin dapat kita," he bit his lower lip.

Ayaw niyang magtunog clingy.

"Ayos lang po, nandito na ako. Kakadating ko lang din, Papi. Pauwi ka na ba?" Nakita niyang lumabas sa kwarto ang babae papunta sa sala.

"Hmm yes, tatanong ko lang kung anong gusto mong ulam. I'll buy food," sabi niya

Sandaling nag-isip ang dalawa, may patingin-tingin pa ito sa kisame animong nandoon ang sagot.

"Kahit ano na lang, magsasaing ba ako Papi?"

Kumunot ang noo niya. "May kanin pa ba? May tira pa ata noong lunch." Si Savy ang nagluto ng kanin noong tanghalian nila, muntik pa ngang masunog ang kusina.

"Wait, sher. Check ko." Gumalaw ang screen ng phone, tanda na naglalakad ang asawa.

Mas sumandal siya sa kotse, bigla ay gusto na lang niya makauwi na. Noon ay ayaw na ayaw niyang umuwi at kadalasan pa siyang tumatambay pero ngayon ay kung pwede lang paliparin ang kotse ay ginawa na niya.

"Utong na lang, Papi."

Napatanga siya, bahagyang tumuwid ng upo. "What?"

"Maitim na utong na lang, ayoko no'n. Ikaw baka gusto mo 'yon?" usisa ng babae, hindi siya kaagad makapagsalita. Sinusubukan niyang intindihin ang sinasabi nito.

"What the hell?"

"Ano, Papi? Gusto mo ba makita 'yong maitim na utong?" inosenteng tanong ng babae.

Laglag ang panga niya, mabuti na lang talaga at nasa kotse na siya dahil hindi niya alam ang gagawin kung tumawag ang babae at nasa gitna siya ng meeting.

"Ano titingnan mo? Check mo 'yong utong, Papi."

"S-Savy, what the hell are you saying?" madiin tanong niya.

Gumalaw ang screen, napakurap-kurap siya nang tumapat ang camera sa maitim na tutong na kanin na nasa loob ng kaldero. Ang kaba sa dibdib niya ay unti-unti napalitan ng pagkainis dahil kung ano-anong naiisip niya, nakalimutan niyang si Savria nga pala ang asawa niya.

His weird wife.

Terron can't help but to laugh a little "Hindi utong, tutong. Okay?"

Umismid si Savy. "Basta may tong na word, okay na 'yon Papi.

Terron tsked, he wants to pinch her chubby cheek right now. "Ibaba ko na 'to."

"Alin pantalon mo? Tingin nga Papi. Paamo bang baba? Demo nga." Natatawang inirapan niya ang babae, magsasalita sana siya pero rinig sa kabilang linya na parang may nag-door bell.

Kumunot ang kanyang noo nang mabilis na patayin ng asawa ang tawag.

Tinext niya ang babae kung sino ang dumating, pagkaraan ng ilang minuto ay doon pa lang nag-reply ang babae. Sinabi nitong may namali lang address kaya napanatag na siya.

Mabilis siyang umalis sa lugar na iyon upang umuwi na sa asawa.

I missed her already, damn.

**


"Did someone force y-you?" Kumunot ang noo ni Savria kinabukasan pagkagising niya na wala na ang asawa sa kanyang tabi kaya naman lumabas siya para hanapin.

Last night, they sleep while cuddling. Cuddle lang, kasi masakit ang pempem niya saka hindi siya gano'n marupok, kaunti lang naman.

Dahan-dahan sumilip sa pintuan si Savy, parang may dumakot sa puso niya nang makita si Lisa at Terron sa sala, kagigising lang niya at nandito kaagad si Lisa umagang-umaga.

Anong nangyari?

Ramdam niya ang galit sa boses ng asawa. "You can tell me Lisa, may p-pumilit ba sa'yo? Pinilit ka ba?" madiin tanong ni Terron habang yakap si Lisa, ilang beses siyang lumunok para iwaksi ang selos na namumuo sa kanyang dibdib.

Narinig niyang umiiyak si Lisa sa bisig ng asawa, gusto niyang lumabas at paglayuin ang dalawa pero natatakot siyang baka kapag ginawa niya iyon ay mag-away na naman sila.

Baka tuluyan na siyang saktan ni Terron, ayaw niyang mangyari iyon.

Hindi ngayon, kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili.

May pinag-uusapan pa ang dalawa tungkol ata sa pag-iyak ni Lisa pero masyado nang mahina. Malakas siyang humugot ng malalim na buntonghininga saka inosenteng lumabas sa kwarto, nagkunwari pa siyang kagigising lang.

"Girl, anyare sa'yo mukha kang tilapiang bilasa," bungad niya.

Terron chuckled and kissed her. "Good morning, babe. May kagagahan ginawa si Lisa. Moment of realization niya 'to, hayaan na natin," sabi ni Terron nang makalapit sa kanya, nakita niya ang pag-aalala sa mata nito at alam niyang para sa dati pa rin kasintahan iyon, bahagyang hinimas ng lalaki ang kanyang balikat animong alam nito ang iniisip niya kaya tipid na lang siyang ngumiti.

"Ay gano'n?"

Nalaman niyang kaya nandito si Lisa dahil may problema ito at ang asawa niya ang tinawagan, mukhang malaki ang problema ng babae.

Selos na selos siya nang lapagan ni Terron ng kape si Lisa sa lamesa animong alam na alam ng lalaki ang timpla ng kape para sa babae samantalang siya ay halos isang taon na siyang nagtitiis sa kape na plain kahit gusto niya ay may cream dahil iyon ang hinahain ni Terron.

Tipid siyang ngumiti kay Lisa.

She can't stop but to study the woman, ano bang mayroon siya na wala ako?

Buong araw na nasa kanilang bahay si Lisa, tahimik lang itong umiiyak. Basta alam niya ay nagkaroon ito ng problema. Sasabihin bang ang sama niya kung natuwa siya nang sabihin nito na aalis na, para siyang nakahinga nang maluwag.

Habang naghuhugas ng pinagkainan ay bahagya pa siyang napaigtad nang may yumakap sa kanyang beywang mula sa likod.

Terron rested his chin to her shoulder.

"N-Nakauwi na si Lisa?"

"Hmm."

Matipid ang sagot nang lalaki, mas humigpit ang yakap nito sa kanya kaya bahagya niya nilingon ang lalaki, nakapikit ang mga nito.

"Gusto mo bang mag-date tayo?" mahinang tanong ng asawa, sandali siyang natigilan saka tipid na ngumiti sa lalaki para itago ang sakit na namumuo sa dibdib niya.

"Talaga? Saan?" kunwaring walang gana na tanong niya.

Ang kamay ng lalaki na nasa kanyang tiyan ay unti-unting bumaba, mas dumiin siya sa lababo at malakas na napasinghap nang mabilis pinasok ng lalaki ang kamay sa kanyang cotton short.

"A-Anong g-ginagawa mo?!" gulat na sabi niya, muntik pang nabitawan ang baso na sinasabunan.

Mahigpit siyang napakapit sa gilid ng lababo nang walang kahirap-hirap na hawiin ni Terron ang hita niya at mas binukas gamit ang tuhod nito.

"Ohh!" Nanlaki ang mata niya at napahawak na lang sa braso ng lalaki nang sumalat ang mainit at malaking daliri nito sa sensitibong parte roon. "Hmm. Shit..."

Bahagyang kinagat ng lalaki ang kanyang balikat. "Kanina pa ako nanggigigil sa'yo, lalo kang gumaganda kapag nagseselos ka," Terron whispered.

Umawang ang labi niya nang dahan-dahan pumasok ang gitnang daliri nito sa basa niyang kaselanan, naramdaman niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang tainga.

"Bend over, I'll finger-fuck you."

**

That scene in the kitchen ended up in the bed, he pleasure Savy using his tongue and fingers. Tinigilan niya lang ang babae nang makatulog na ito, napangisi siya habang inaalala kung gaano kasarap sa kanyang bibig ang asawa.

Her juices taste so sweet.

Hindi matanggal ang ngisi niya habang nasa kotse, kakahatid lang niya sa babae sa University nito dahil kukunin daw nito ang card. Dapat ay aalis na siya pero naisip niyang hintayin na lang si Savy, lumipat siya ng pinaradahan ng kotse na medyo malilim.

Itetext na sana niya si Savy na maghihintay na lang siya nang makita niya itong papalabas sa University habang lumilinga-linga, sinisipat nito ang pinaradahan niya kanina.

Tapos na ba siya?

Tatawagin sana niya ang asawa nang pumara ito ng tricycle, imbes na i-text ay kinakabahan na sinundan niya ang sinakyan ng babae. Sinigurado niyang may sapat na distansya upang hindi siya makita.

Sa isip niya ay kusa na siyang bumubuo ng senaryo. Kinakabahan na sinundan niya ang sasakyan ng asawa, nang lumiko iyon sa kanto ay may humarang na dumaan na isang motor kaya sandali siyang natigil.

"Shit," napamura siya nang biglang nawala ang sinasakyan nito.

**

NAGPALINGA-LINGA si Savy bago pumasok sa ospital upang makasigurado na walang sumusunod sa kanya, patay ang kanyang phone para hindi makita ni Terron kung nasaan siya at hindi siya matawagan.

Nakahinga siya nang maluwag dahil nailigaw nila ang lalaki, mabuti na lang at napansin niya ang kotse nito bago sila lumiko.

Dere-deretsyo siyang pumasok sa pamilyar na kwarto na lagi niyang pinupuntahan.

Kaagad niyang naabutan ang naka-assign na nurse roon na mukhang kaka-check lang sa batang pasyente.

Savria sighed, her heart tightened. "Kumusta po ang baby ko?"

________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store