Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 18
Kabanata 18:
Terron whistled as he stirred the coffee he'd made for his beautiful and amazing wife. He can't stop smirking as he stares at the coffee, as if there's something amusing in the cup.
Binasa niya ang labi saka inayos ang almusal na inihanda sa tray para dalhin sa kwarto kung nasaan pa rin ang asawa. Dapat talaga ay tanghalian na dahil malapit ng mag-alas dose pero ngayon lang sila nagising ni Savria.
He's in the good mood.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto, naabutan niyang nakaupo na sa kama ang asawa habang magkalapat ang mga kamay at nakapikit ang mata animong nagdadasal.
When he heard her prayer, he bit his lower lip.
"Sobra-sobra po ba 'yong hinihiling ko, Lord? Alam ko naman pero baka pwedeng paliitan naman po nang kaunti 'yong putoytoy ni Papi? Baka po kasi umakyat na ako diyan sa itaas sa susunod..." May mga binubulong pa ang asawa pero mahina na iyon, napapailing na inilapag niya ang tray sa lamesa sa gilid at hinintay matapos magdasal ang asawa.
She's so adorable.
Nang mag-angat ng tingin ang babae ay kaagad sumama ang mukha nito na para bang may nagawa siyang masama. Masarap lang ang ginawa niya, hindi naman masama ah.
"Good morning," he wet his lips.
Umupo siya sa kama at hinila ang lamesa papalapit sa kama, inismidan siya ng babae bago nag-iwas ng tingin.
"Mama mo good."
Terron chuckled, he knew that his wife was embarrassed because she had been avoiding him. Simula nang magising sila ay iwas ito nang iwas ng tingin. Wala naman dapat ikahiya roon sa ginawa nila kagabi, they are married and oh, take note for almost a year.
"Kumain ka na muna, pupunta ka bang school ngayong araw? Ihahatid na lang kita bago ako mag-report sa office," malambing na wika niya habang inaayos ang pagkain.
"Paano ako papasok, Asukal de papa? Ang panget ko maglakad, para akong itik. Ikaw ang may kasalanan! Grabe ka, scam ka akala mo ata walang bukas," histerikal na sabi ni Savy kaya malakas siyang natawa lalo na't apos ang boses nito.
Bumaba ang tingin niya sa suot nitong malaking shirt niya. Looks good.
Hindi siya nakapagsalita dahil alam niya ang ginawa niya kagabi hanggang madaling araw. He didn't stop pleasuring her until Savy passed out.
Aasarin sana niya ang babae sa ginawa nito kagabi kaya sila nauwi sa gano'n pero bumaba ang tingin niya sa hita nito. He saw her marks last night, nang nilinisan at binihisan niya ng damit ang asawa ay roon lang niya talaga napansin ang mga peklat sa thighs nito dahil binuksan niya ang ilaw.
Mukhang napansin ni Savria ang tingin niya, pilit nitong hinila pababa ang dulo ng malaking shirt pero huli na dahil nakita na niya iyon. Gusto niyang tanungin ang babae kagabi pero bagsag na ito.
"I already see those marks," mahinahong sabi niya.
He remember something, his wife is not a virgin. It's actually fine with him, he wasn't expecting to be her first, despite the fact that he reserved his for her. She was first, but of course he won't tell that to her. It's fine with him, it just that... he's curious. Walang problema sa kanya iyon pero nang makita niya ang mga peklat ng asawa ay nabahala siya.
What if she lost it because someone hurt her? Forced her?
Hindi niya alam kung paano magkakaroon ng mga gano'n marka ang asawa sa parteng iyon.
Thinking of someone, hurting his wife makes him vexed.
Napakurap-kurap siya nang abutin ni Savy ang kanyang panga na gumagalaw na pala sa inis, inosenteng hinimas iyon ni Savy. "Galit ka, Papi?"
"Pwede ko bang malaman kung saan mo nakuha ang mga iyan?" Bahagya niyang hinimas ang tuhod ng babae paakyat, gumalaw ang kanyang panga dahil ang dami no'n.
Malakas na bumuntonghininga si Savy. "Isang beses ko lang 'tong ichi-chika ha, Asukal de papa. Ayoko sanang pag-usapan pero... sige."
"Ayos lang naman kung—"
"Tingnan mo ang gulo mong kausap."
He sighed, still caressing his wife's marks.
Bumaba ang tingin ng babae sa sariling legs saka tipid na ngumiti. "Ako may gawa niyan," panimula nito kaya nagsalubong ang kilay niya. Why would she do that thing?
"H-Hindi ikaw 'yong unang lalaking dapat ipapakasal sa akin. Mayroon pang nauna," Savy stated, looking at his eyes intently.
Napalunok siya dahil pakiramdam niya ay masasagot na ang lahat ng tanong niya noon.
"You were engaged?" Hindi makapaniwalang tanong niya, masyado pang bata ang asawa noon para roon.
Iyon ba ang nakauna sa kanya?
Gumalaw ang kanyang panga habang hinihintay ang susunod sasabihin ng asawa. "Hmm, hindi ba sabi ko sa'yo sa Tita ko ako tumuloy noon nang mawala ang mga magulang ko? 'Yong asawa ng Tita ko... si Tito siya dapat ang magiging asawa ko, ako dapat ang pangalawang asawa niya," mahinang kwento ng babae.
He clenched his jaw. What the fuck?
"Savy..." Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ng babae, tipid na ngumiti ang asawa at pinagsaklob ang kamay nila.
"Iba kasi paniniwala nila e, pwede 'yon para raw 'yong kayaman ng pamilya ay hindi lalabas sa angkan at iikot lang sa amin. Ewan masyado pa akong bata noon, b-basta noong araw na dapat ay kasal namin ay sinugatan ko ang sarili ko. Para makaalis ako, kasi bawal 'yon sa kanila. Dapat bata, puro at walang anumang peklat sa katawan. Kumbaga ako ang ginawang alay ni Tita sa asawa niya kasi hindi na niya mapunan 'yong ano... 'yong bagay na hinihingi ng asawa niya."
Humalakhak si Savria saka pinunasan ang luha na sunod-sunod na tumulo sa pisngi nito.
Parang may kumurot sa puso niya habang unti-unting napo-proseso ang sinabi nang babae, hinalikan niya ang kamay nito at nagbabakasakaling makakatulong iyon upang kumalma ang babae.
"Huwag mo na lang ituloy, ayos lang naiintindihan ko na at—"
"A-Ayos lang, Papi. Ayos naman na ako, naiiyak lang ako kasi masaya ako nandito na ako ngayon kasama ka." Bumuga ng hangin ang babae, animong kumukuha ng lakas para ituloy ang kwento. "T-Tapos iyon, hindi natuloy 'yong kasal namin. N-Nang gabi rin na 'yon namatay 'yong asawa ng Tita ko..."
Palihim siyang napalunok, pinapanuod niya ang mukha ng babae wala siyang makitang kahit ano roon. Masiyado pang bata ang asawa noon, hindi niya maisip na may mga gano'n tao.
"Sakit ba?"
Pinaglaruan ni Savy ang kanilang kamay saka tipid na ngumiti, hindi niya alam kung malungkot na ngiti iyon o ano.
"Napatay siya ng anak niya, 'yong anak niya sa unang asawa hindi roon sa Tita ko kasi hindi nga sila magkaanak. Masiyadong magulo."
"So... he died because of his..."
"Son." Pagpapatuloy ni Savy.
Sandali siyang natahimik, masiyadong kumplikado ang nakaraan ni Savy. Kaunti pa lang ang alam niya pero sumasakit na ata ang ulo niya, nakakatawa lang na mag-iisang taon na sila ay ngayon pa lang niya nalalaman ang lahat ng ito.
"T-Tapos ayon na, Papi. Hindi naman nakulong si Alas kasi self-defense 'yong naging resulta, hindi ko na masyado alam 'yong nangyari roon." Napalabi si Savria animong may nakakatawa.
Hindi niya maiwasan magselos, fuck. Who's that Alas? Kung banggitin ito ng asawa ay parang close na close.
"Syempre si Alas na lang natitirang lalaki sa kanila, pinagkasundo ulit kami." Natatawang kwento ni Savy.
Sumama na ang mukha niya dahil doon. Tingnan mo 'tong babaeng 'to, parang kinikilig pa.
"Gwapo ba 'yon?" Hindi niya maiwasan magtanong. "Oh, e bakit hindi kayo natuloy?" Medyo maangas na tanong niya, huh.
"Pogi si Alas, saka mabait siya kaya wala rin akong problema talaga..."
Palihim siyang napairap pero sa huli ay napailing na lang, hindi na mahalaga kung sino ang mga iyon. Ang mahalaga ay sa kanya kinasal si Savy.
May panghahawakan siya, hindi katulad ng iba na akala kasal tapos hindi naman pala.
"Eh, bakit ka sa akin kinasal? Wala naman makukuha ang Tita mo sa akin," seryosong sabi niya.
Hindi niya maiwasan maisip ang mga perang inilabas ni Savy na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tinatanong. Kung gustong sabihin iyon ng babae ay matagal na nitong sinabi at isa pa, malaki ang tiwala niya sa asawa.
"Wala ng kinalaman si Tita rito, hindi ba sinabi ko naman sa'yo? Gusto kita," deretsyahan sabi ni Savy, may nakakalokong ngiti na sa labi nito.
"Huwag mo na sasaktan ang sarili mo ah?" bilin niya.
"Ikaw nga nananakit sa akin." Natawa si Savy. "Charot lang, gutom na ako. Pwede na bang kumain?"
Napailing na lang siya nang magsimula na ang babae, sinabayan na rin niya.
**
NANG maihatid niya si Savy sa school ay imbes dumeretsyo sa opisina ay bumalik siya sa bahay para may tingnan na hindi niya magawa kanina.
Hinalungkat niya ang pinaka ilalim ng cabinet niya, nandoon ang files na binigay rati ng kaibigan niyang Pulis.
Nang makita iyon ay bumalik siya sa kama at naupo roon bago buksan, hindi niya nabasa iyon nang buo noon. Ang mga unang mga nakasulat ay tungkol kay Savy, sumunod sa Tita nito at ilang negosyo. Bumaba ang mata ni Terron sa background details ni Savria.
Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng ama ng babae.
Father's name:
Salvador Ramos
Mother's name:
Riana Ramos
Sandali siyang natigilan. Ramos... but Savy's maiden name was Dela Torre.
Tiningnan niya ang pangalan ng tiyahin ng asawa at iba rin ang apelido, hindi katulad ng sa asawa.
Pinicturan muna niya iyon bago ibalik sa pagkakatago, mabilis siyang pumunta sa opisina dahil may kailangan siyang ipasa. Tatanungin na lang niya si Savy mamaya tungkol doon.
Nang makarating sa opisina ay kaagad siyang sinalubong ng assistant niyang si Dan na kadalasan umaayos ng schedule niya.
"Engineer! Mabuti at nakabalik na po kayo!" masayang bungad ni Dan sa kanya, bata pa ito. Siguro ay kaka-graduate lang.
Dumeretsyo muna siya sa opisina roon.
"Kumusta ba, Dan?" Lagi naman silang nagkakausap sa email, lalo't ito rin ang madalas nagpapadala sa kanya ng mga mensahe galing sa office nila.
"Ayos lang po, Engineer. Mabuti at pumunta po kayo, may bigatin tayong kliyente, Pulis po."
Napataas ang kilay niya, wala pa man siyang pahinga. Trabaho na naman.
"Hmm, ano raw?"
"Bahay raw po, kayo raw po ang gustong Engineer sa bahay nila. Boss, kasi raw po sabi ni Client malapit na daw pong bumalik 'yong asawa niya kaya magpapatayo na silang bahay, mukhang mapera, madaming ipon ata," ganadong kwento ni Dan.
Ganyan talaga kapag bago pa lang, ganado pa sa trabaho.
"Sige, nag-set ba ng meeting?"
"Wala pa naman po, Engineer. Tatawag na lang po ulit."
Tumango siya, lumabas naman na si Dan ng opisina niya. Inayos niya ang mga file na ipapasa niya, lumipas ang ilang minuto ay may kumatok at pumasok si Dan.
Hawak nito ang telepono at bahagya pang tinatakpan. "Engineer, nasa skype po 'yong sinasabi ko kanina."
Kumunot ang noo niya, mabilis niyang inabot ang phone na hawak ni Dan.
Kumunot ang noo niya nang parang pamilyar ang lalaki sa kabilang linya. Kita niya ang tattoo nito sa braso dahil bahagyang malayo ang screen nito, ngumisi ang lalaki sa kanya.
"Good afternoon, Engineer De Vega. I'm Lieutenant Colonel, Alastair Jamall Dela Torre."
_________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store