Teach Me Whelve (Teach Series #4)
Kabanata 16
Note: Huwag po malilito sa pagtalon ng timeline, isasabay ko po kasi 'yong present nito sa present time ng Teach Me Back. Next chapter po ay present, which is mag-one year na silang kasal.
Kabanata 16:
"Good evening, Boss. Kakadating lang po ng asawa niyo, naglalakad po siya galing sa parking lot hindi ko po nakita kung may naghatid," bungad sa kanya ng guard sa condominium building, tuwing gabi ay nagbabalita ito sa kanya kung nakauwi na ang asawa lalo't malayo siya.
"Gano'n ho ba? Maraming salamat po. Pasabihan na lang ako kapag lumabas siya ulit." Hindi niya maiwasan magtangis ang panga.
Hinilot niya ang kanyang sentido at saka napatitig sa laptop at mga papel na nasa kanyang harapan.
Ang mga oras na hindi siya pinapansin ni Savy ay naging araw, na lumaon ay naging linggo hanggang umalis siya patungong Davao. Hindi sila pormal na nagkaayos, kinakausap siya ni Savria pero parang iba na. Parang napipilitan na lang ang babae na kausapin siya.
He still remember what he said that night, kapag hindi siya umalis ay ito ang aalis kaya kahit labag sa kalooban niya ay tumuloy na siya sa Davao.
Halos sampong buwan na siyang pabalik-balik sa Pampanga at Davao. Kada buwan naman ay umuuwi siya at mananatili roon ng isa o dalawang linggo. Kung pwede lang sanang araw-araw siyang umuwi ay ginawa na niya.
To Wife:
Nakauwi ka na ba?
6:08 pm
I'm finishing some work, medyo nagka-abirya 'yong stocks namin. Magtext ka kapag nasa bahay ka na ha? Take care there.
6:34 pm
I kinda miss you, baby.
7:01 pm
Baby?
7:14 pm
Inis na sinuklay ni Terron ang kanyang buhok nang hindi magreply ang asawa. Kanina pa ang uwi no'n, baka lowbat?
Sumandal siya sa sofa saka napatitig sa lamesa niya kung nasaan ang wedding picture nila, kinuha niya ang mga larawan sa kanyang ina bago siya umalis saka mga larawan sa site noong sinama niya si Savy.
Napangiti siya habang nakatingin sa pictures nila.
"Just wait baby, babawi ako pag-uwi ko."
Binuksan niya ang isang tab sa laptop kung nasaan ang dinesign niyang bahay.
During the past month, he spent hours planning it while doing little at night. Hanggang sa mga gamit sa loob ay plinano na niya.
Gusto ng asawa niya ng gano'n bahay. Siguro naman ay sapat na ang ipon niya para masimulan iyon, kapag balik niya sa Pampanga ay hahanap na siya ng lupa na pwedeng bilhin para masimulan na.
While waiting for the text from Savy, he just finished his job. He was so grumpy the whole day.
Bago matulog ay nakatanggap siya ng mensahe galing sa asawa.
From Wife:
d2 na aku
Iyon lang, sinubukan niyang tawagan pero walang sumasagot. Nakatulugan na lang niya ang paghihintay kaya nang gumising siya at wala pa rin reply ang asawa ay badtrip na kaagad siya.
Masyado ba silang madaming ginagawa?
Nag-text siya sa asawa na mag-video call sila mamaya. Hindi niya alam kung busy lang ang babae o talagang iniiwasan siya nito, mas lumala na ngayon kasi dati naman ay nagre-reply pa ito.
Pagkatapos ng meeting ay nakatanggap siya ng text notification galing sa banko.
Pabagsak na naupo siya sa swivel chair habang binabasa iyon, nag-withdraw si Savria ng thirty thousand tapos sumunod ay twenty thousand sa magkakaibang bangko kahapon at ngayon umaga ay nag withdraw ulit ng sa twenty five thousand at pagkaraan ng kalahating oras ay naglabas ulit ng twenty five.
"What the fuck?" mahinang mura ni Terron habang binabasa ang mensahe.
Ipinatong niya ang siko sa lamesa habang iniisip kung saan gagamitin ng asawa ang gano'n kalaking halaga ng pera.
Bago siya umalis ay binigyan niya ng access ang asawa sa account niya para kung may emergency at may babayaran sa school. Ayos lang naman sa kanya kumuha ang babae kasi iyon nga ang dahilan bakit siya nagta-trabaho pero hindi ganito kalaki sa dalawang araw lang.
Narinig niyang bumukas ang pintuan, pumasok si Jaren at nakita nito ang lukot niyang mukha, umupo ang kaibigan sa visitor's chair.
"Tungkol ba iyan—"
"Not now, Jaren. Something is happening," madiin wika niya saka mabilis nagtipa sa cellphone upang i-text ang asawa na tatawag siya
Yumukod ang kaibigan papalapit sa lamesa kaya napailing siya.
"Bakit anong nangyari?"
Bumuga siya ng hangin, ayaw na niyang sabihin sa kaibigan ang problema pero parang sasabog naman ang ulo niya kung ililihim nito, hindi niya maisip kung saan gagamitin ng asawa ang perang iyon.
"Naglabas nang malaking halaga ng pera si Savy, karaniwan ay naglalabas siya pero pinaka malaki na ang isang libo gano'n tapos sasabihin niyang pangbili ng groceries o sa school nila. But this, one hundred fucking thousand!"
Suminghap siya pilit pinakalma ang sarili.
Mabilis niyang tinawagan ang paaralan ng asawa, alam niyang nakabayad na ito ng tuition hanggang graduation nito sa susunod na taon pero baka kasi may biglaan bayarin.
"Hello, good afternoon," bungad ng contact niya sa University ng babae, kinuha niya ito noon bago siya umalis.
"Good afternoon, this is Mr. De Vega. I just want to ask if there are any sudden school fees? Will you please check my wife's account? It's Savria DT. De Vega." Kinagat niya ang ibabang labi habang pinapakinggan ang pagtipa sa computer ng babae sa kabilang linya.
"Wait a second, Sir. Okay... here we go. The last transactions of your wife was last sem, she fully paid her tuition and also paid the other fees including the graduation fee," magalang na sabi ng babae.
Malakas siyang bumuntonghininga saka nagpasalamat at pinatay ang tawag, ang sunod niyang tinawagan ay ang front desk sa building nila.
"Good day, Mr. De Vega," bati nito.
"Good day, tanong ko lang kung may biglaan bang bayarin sa condo namin? May penalty ba kami?" Naisip niyang baka may biglaang siningil at binayaran na ng asawa niya.
"Wala naman po, Sir."
Nagpasalamat siya saka pinatay ang tawag, inis na napasandal siya sa upuan saka lang nagtama ang mata nila ng kaibigan na kanina pa siya pinapanuod.
"You should ask her," komento nito.
Hindi siya nakapagsalita, isa lang ang naisip niya. Gusto na niyang umuwi.
***
"DIYAN na lang ako sa tabi, Jamall," sabi ni Savria sa lalaki nang ihatid siya nito kinagabihan. Inihinto nito ang kotse sa madilim na parke ng parking lot.
Ayaw niyang itapat sa building, alam niyang maraming matang nagbabantay sa kanya.
"Are you sure, you'll be okay? Aalis ako ng ilang linggo, sigurado ka bang magiging ayos ka lang?" Napalingon siya sa lalaki nang ilagay nito ang kamay sa kanyang hita.
Marahan siyang tumango saka ngumiti.
"Ayos lang ako, ano ka ba? Babalik ka naman hindi ba?" paninigurado niya.
Jamall sighed. "I'm worried, babe. Gusto mo sumama ka na lang sa akin? Magbabakasyon naman na kayo hindi ba?"
Napanguso si Savria, hindi niya maiwasan matawa sa sinasabi ng lalaki.
"Sira, hahanapin ako ng asawa ko. Uuwi 'yon."
"Tsk. Iniisip mo pa rin 'yang lalaking 'yan. Ni wala nga siyang alam sa mga nangyayari, ba't hindi mo sabihin?"
Marahas siyang umiling, hindi iyon gano'n kadali. Dahil kung gano'n lang ay sinabi na niya noon pa.
"So you're still pretending infront of him huh? Happy-go-lucky?" may panunuyang sabi ni Jamall.
Napapailing na binuksan na niya any pintuan ng kotse, kumaway siya sa lalaki bago malalaki ang hakbang na pumasok sa building, sa gilid ng kanyang mata ay alam niyang nakasunod ang tingin ng guard.
Nang bumukas ang elevator ay natigilan pa siya nang makilala ang sakay no'n. Lumabas sa lift si Lisa at ang kaibigan nitong maputing bakla.
Savria tried to smile so hard to the woman she hated the most. Her husband's ex. Alam niyang wala naman ginagawa ang babae sa kanya pero dahil alam niyang mahal ito ng asawa nasasaktan pa rin siya.
"Hi, Savria," bati ni Lisa, nakaakbay sa balikat nito ang kamay ng baklang kasama nito, kilala lang niya sa mukha pero hindi sa pangalan.
"Woy, Lisa Girl, kumusta?!" masiglang tanong niya.
"Ayos naman, uuwi ka na?"
"Halata ba? Hehe. Kayo bakit kayo nandito?"
Ngumiti si Lisa, ang totoo ay madalas naman sila magkakita. Mabait naman ito sa kanya. "Ah, sinamahan ko lang 'tong bestfriend ko. May kakilala siya rito, may hiniram lang kami."
Humaba ang nguso niya nang bumukas na ulit ang elevator, bago sumakay ay kinuha niya ang dalawang mamon sa shoulder bag na dala, inabot niya sa maputing lalaking kasama ni Lisa iyon. "Mamon para sa pusong mamon," sabi niya sa gulat na bakla.
Kumaway pa siya bago tuluyan sumara ang pintuan ng lift, unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya.
Nang makapasok sa bahay ay binalot kaagad ng katahimikan. Sa lumipas na sampong buwan ay ganito palagi, nagpapatugtog na lang siya para kahit papaano ay hindi niya maramdaman nag-iisa.
Binuhay niya ang cellphone na nakapatay dahil alam niyang tatawagan siya ng asawa. Alam niyang malalaman nito ang ginawa niya.
Sunod-sunod na pumasok ang mga mensahe.
Ginabi na siya ng uwi, na naman. Masyado siyang naging abala nitong mga nakaraan araw. Umuuwi nga lang siya para kumuha ng damit o maligo tapos aalis na naman.
Naglinis muna siya ng katawan bago nahiga sa kama ni Terron, doon na siya natutulog ulit.
Tinawagan niya si Terron para sa video call habang nakasandal sa headboard ng kama, mahigpit niyang niyakap ang unan nito. Matagal bago nakasagot si Terron sa snapchat app account na ginawa nito para sa kanya.
Sinagot ng lalaki ang tawag, kumunot ang kanyang noo dahil hindi nakatapat ang screen sa mukha nito. Gumagalaw-galaw ang screen, animong inaayos iyon ng lalaki.
"Asukal de papa?" tawag niya.
Tumapat na ang camera sa mukha ni Terron, inilapag nito ang phone sa gilid. Mukhang nasa working table pa rin si Terron, doon niya napansin ang ilang bote sa ibabaw ng lamesa.
"Uminom ka ba?" Hindi malakas ang alcohol tolerance ni Terron, alam niya iyon. Bakit ba umiinom ang lalaki? May problema ba sa site?
Terron chuckled, he motioned his fingers saying that he drink a little. "A little." Pulang-pula ang mukha nito, base sa mga alak ng bote sa lamesa ay hindi iyon kaunti.
"Bakit ka nakapikit dumilat ka nga," bahagya siyang nag-aalala.
Unti-unting dumilat si Terron, hindi nito ma-focus ang tingin sa screen, mas niyakap niya ang unan nito bahagya iyong inamoy.
"You're beautiful huh?" Lasing na puri nito sa kanya.
Palihim siyang napaismid. Ayaw niya sanang kausapin si Terron ng lasing pero nag-iiba nga raw kapag lasing kaya hindi niya maiwasan sakyan ang kalasingan ng asawa.
"Totoo? Mas maganda pa sa asawa mo?" tanong niya.
Kumunot ang noo ni Terron saka marahas na tumingin mas inilapit nito ang mukha sa cellphone animong bubulong.
"S-Syempre mas maganda Misis ko, matambok pisngi," parang batang sabi ng lalaki, tumaas ang sulok ng kanyang labi nang pumalumbaba ang lalaki saka siya lasing na tinitigan.
"Nakahubad ka? Patingin nga," tanong ni Savy nang mapansin wala itong damit pang-itaas.
Terron groaned. "Ang bastos mo."
"Hindi mo ba ako kilala?" Mas inilapit ni Terron ang mukha sa screen animong kinikilala siya.
"Artista ka?"
Savria chuckled. "Pereng tenge."
Bumalik si Terron sa palumbaba nito sa lamesa habang nakatingin sa kanya. "M-Miss, anong gagawin ko?"
"Huh?" Hindi niya masiyadong narinig ang sinabi ni Terron dahil mahina lang ang boses nito.
"Anong gagawin ko sabi!" malakas na ulit ni Terron saka sinuklay ang buhok.
"Bakit ba? Ano bang problema mo?" mahinahong tanong niya.
Bumagsak ang balikat ni Terron. "M-May lalaki ata 'yong asawa ko... m-may iba na ata siya habang wala ako. Anong gagawin ko?" Napaayos siya ng upo dahil sa mahinang sabi ni Terron, literal na natigil ang paghinga lalo nang makitang namula ang mata ng lalaki.
Tumingin si Terron sa screen saka natawa. "L-Lagi siyang may kasamang lalaki. G-Gago ako pero hindi ko naman siya niloloko. Ginawa ko naman gusto niya, umalis ako para sa kanya," mahinang sabi ni Terron.
Bumuga ang lalaki ng hangin.
"Matulog ka na, bukas na lang tayo mag-usap, Asukal de papa."
Terron shook his head. "Don't call me that, si Savy lang pwede."
"Ako nga si Savy ang kulit naman. Nahawa ba kita?" Natatawang tanong niya.
Terron forehead creased. Kinuha nito ang phone at mas inilapit, parang nakilala siya nito dahil unti-unting ngumiti si Terron.
"H-Hey, wife. I miss you."
"I miss you too, mahiga ka na nga." Parang mas kumurot sa puso niya.
Mabilis sumunod ang lalaki, magulo ang camera. Nahiga ito patagilid sa kama nito at itinapat ang camera sa mukha.
Napapailing na hindi na siya nagsalita, hindi niya pinatay ang tawag saka siya dahan-dahan din nahiga at ginaya ang posisyon ng asawa.
Napangiti siya ng halikan ni Terron ang screen.
"Uuwi na ako, Mrs. De Vega," seryosong anito, bahagya nang nakapikit ang mata.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ni Terron. Lumitaw sa screen ang isang unan na yakap ni Terron, umawang ang labi niya nang makitang damit niya ang punda ng unan.
"I want a child, Savy. Be ready, I won't stop this time."
________________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store