ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 15

SaviorKitty

Late update, training kasi namin. Ngayon lang po nakasulat. Bawi ako. Thank you for waiting.

Kabanata 15:

Umawang ang bibig ni Terron dahil sa  kanyang sinabi. Marahas umiling ang lalaki na para bang hindi naniniwala sa sinabi niya.

"It's Papi, okay? Asukal de papa, whatever it is. Just don't call me by my name," he demanded.

Pagak na tumawa si Savria, sasagot pa sana siya nang may nag-doorbell. Sandali isang nagkatitigan ni Terron, walang gumalaw hanggang sumigaw ang kumatok sa labas.

"Sir? Yung kasama niyo pong babae nawalan ng malay sa baba!" malakas na sigaw ng isang lalaki saka nag-doorbell ulit.

Kitang-kita niya kung paano na bahala ang mukha ni Terron, sa isang iglap ay nakalimuta siya't malalaki ang hakbang nitong tinalikuran siya't lumabas ng condo. Mariin pumikit si Savy habang nakatitig sa nakasarang pintuan.

He left her after she confessed.

Sunod-sunod na tumulo ang luha niya habang unti-unti na rin dumidiin ang pagkuyom ng kamay. Nagbabakasaling lumipat doon ang sakit sa dibdib niya pero walang nangyayari.  Dinampot niya ang mga biniling pagkain sa sahig at dineretsyo iyon sa basuran.

Pinigtas niya ang bracelet at tinapon na rin iyon.

"Nakakaingit, ang swerte niya kasi mahal na mahal mo siya."

**

HOURS of silence.

Hindi umalis si Savria, tumalikod lang siya at pumasok sa kwarto kung saan siya unang natulog pagkatapos sabihin iyon sa asawa. Hindi niya napigilan ang sarili, kahit sino naman sigurong matatag na tao dadating ang puntong guguho na lang.

Tahimik siyang nakaupo sa bathtub na walang tubig, ilang beses kumatok ni Terron sa banyo pero hindi niya iyon binuksan.

Hindi niya kayang matulog sa kamang iyon. Terron with his ex, the reason why she's with Terron, why he married her. To forget that woman... his first love.

Kahit sinabi niya noon na magpapagamit siya sa asawa para makalimutan ang babae ay masakit pala.

Pinunasan ni Savy ang mga natitirang luha sa kanyang pisngi, gusto niyang umalis pero hindi pwede. Hindi pa ngayon, kaya pa naman niya. A sad smile appeared from her lips as she stared at the scars on her thigh that she was hiding.

Isang rason kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon ngayon. She needed to hurt herself just to escape, kinailangan pa niyang masaktan para lang makaalis doon.

Napailing si Savria saka umalis na sa bathtub, hindi niya alam kung ilang oras na ang lumipas para lang kumalma siya

Tumapat siya sa salamin sa banyo at dinuro ang sarili.

"Kaya mo 'yan, si Savy ka, naiintindihan mo! Malakas ka! Kaunti na lang Savy, kaunti pa," bulong niya sa sarili.

Ngumiti siya kahit hilam na ang kanyang mga mata, siguradong bukas ay magang-maga iyon.

Gusto pa niyang mag-drama at umiyak pero wala siyang oras para roon. Nasaktan siya pero hindi pa huli, alam niyang nagsisimula pa lang talaga ang lahat.

Hindi niya maiwasan maalala kung paano tingnan ng asawa ang dati nitong kasintahan kanina. Savria laughed in agony because she knew Terron would never look at her like that, he would never look at her with passion and love in his eyes.

Malakas siyang bumuntonghininga saka nag-ayos ng sarili bago lumabas sa banyo, halos mapatalon pa siya sa gulat nang makitang nakaupo si Terron sa gilid ng pinto, nakadukmo sa dalawang tuhod nito.

Nang maramdaman siguro nito ang kanyang presensya ay nag-angat ito ng tingin. Terron's eyes widened when he saw her, her husband immediately stood up to explain about what had happened but Savy immediately cut it off.

She smiled.

"Bili mo nga ako ng ice cream, Papi. P-Please!" She giggled, trying desperately not to break her voice.

Laglag ang panga ni Terron, halatang hindi inaasahan ang biglang ngiti niya. Mas lumapit ang lalaki animong sinisipat ang kanyang mukha, tumigil ang mga tingin nito sa kanyang mata.

"Umiyak ka?"

"Ay hindi, nagshabu sa loob."

"S-Savy I'm not joking..."

Kupal! Gustong isigaw ni Savy pero natawa lang siya.

"Charot lang, ayos lang. Saka alam ko naman, hindi ba napag-usapan na natin 'yon no'ng nakaraan. N-Nagulat lang talaga ako kanina d-dapat kung papapuntahin mo siya at may g-gagawin kayo ay i-text mo ako para h-hindi muna ako uuwi... alam mo naman asukal de papa baka—"

"Kasalanan ko."

"Oo nga, hindi ko naman inaako, kasalanan mo talaga," mabilis na sabi niya.

Kumunot ang noo nang asawa, sinubukan nitong hawakan ang braso niya pero mabilis siyang umatras. Kaya niya itong kausapin at magpanggap na ayos lang pero ang katawan niya, nandoon pa rin ang takot na baka saktan siya ng lalaki kaya hanggat maaari ay hindi siya masiyadong lumalapit.

"A-Are you mad at me?"

"Tanga ka, Engineer?" Nakangiting tanong niya.

Kinagat ni Terron ang ibabang labi, hindi nakasagot sa tanong niya. Bobo talaga si Terron, sabi na niya e. Una pa lang talaga malakas ang pakiramdam niya bobo ang papakasalan.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Siyempre galit ako, n-nakita ko ang asawa ko na may kasamang ibang babae sa kwarto," pag-aamin niya gamit ang malumanay na boses.

He pursed his mouth, as if he was still digesting what she said. "Bakit hindi ka sumisigaw? Sigawan mo ako, sumbatan mo ako, Savria."

Lihim siyang napaismid, may kasalanan na nga uutusan pa siya.

"Kapag ginawa ko ba iyan, mamahalin mo ako pabalik?" kalmadong sabi niya, wala ng pakielam kung anong magiging reaksyon ng lalaki.

Malalaman din naman ng asawa, mabuti at unti-untiin na niya.

"Y-You really love me?" tanong ni Terron, medyo may pagdududa ang boses.

Hindi siya marupok, gusto na niya talagang tanggalan ng itlog si Terron pero may kailangan siyang tapusin na sinimulan niya. Hanggat hindi pa maayos ay magtitiis muna siya, kaya pa naman niya.

"Oo, ang totoo ang ay tinakot ko ang parents mo kaya tayo kinasal. Pinilit ko sila kasi gusto kita," deretsyong usal niya, sa isip niya ay gusto niyang palakpakan ang sarili.

Magaling, Savy.

Peke siyang humikab. "Inaantok na ako, Papi. Pwede bang matulog na ako? Dito na lang ako sa guest room ulit no? Medyo malamok sa kwarto mo promise." Itinaas pa niya ang kamay, hindi nagsalita ang lalaki kaya dumeretsyo na siya sa kwarto nito upang kunin ang kanyang unan.

Nang pabalik siya sa guest room ay nandoon pa rin sa pintuan si Terron at sinusundan ang galaw niya.

Tipid siyang ngumiti bago isarado ang pintuan, nang tuluyan masarado ay unti-unting nawala ang pekeng ngiti na iyon.

Hinawakan niya at unti-unting umupo sa gilid ng kama. Malakas bumuga ng hangin si Savria bago kapain ang kutsilyong tinago niya sa ilalim ng kama.

**

HINDI kaagad nakatulog si Terron sa gabing iyon habang iniisip ang ginawa. He's fucked up! Ayaw niyang gawin iyon sa asawa pero kapag nandoon na ay hindi niya napipigilan.

He was wrong, Lisa was drunk and he took advantage of that to be with her.

Tinawag lang siya ng isang staff ng lugar na pinag-inuman ng babae dahil isa ang numero niya sa mga emergency contact nito. Hindi niya alam kung bakit naglalasing ang babae, inuwi niya sa condo para sana mahimasmasan saka niya tatawagan ang kaibigan nito.

Sa sala lang sana pero nagtatakbo ang babae sa kwarto, parang katulad noon magkasintahan pa sila. Hindi naman niya gustong papasukin sa kwarto si Lisa, hinila niya ang babae pero malikot ito kaya sila natumba.

His wife entered the scene, she saw him on the top of Lisa.

Inis na ginulo ni Terron ang buhok saka lumabas ng kwarto, hindi na siya hindi katabi ang babae. His wife just confessed, hindi niya makalimutan ang sinabi nito lalo na ang malakas na kabog ng dibdib niya kanina dahil doon. She loves him, romantically.

Nang makatapat sa guest room ay dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi iyon naka-lock.

Gusto niyang mag-sorry ulit dahil muntik na niya itong pagbuhatan ng kamay, hindi niya alam na magagawa niya iyon kahit siya ay nagulat.

Pumasok siya kwarto para tumabi sa asawa, inaasahan niyang mahimbing ng natutulog si Savy kaya gano'n na lang ang gulat niya nang makita itong nakatali ang dalawa kamay sa headboard ng kama.

"Savy!" malalaki ang hakbang na lumapit siya sa asawa.

Parang may kumurot sa puso niya nang sumiksik ang babae sa head board ng kama palayo sa kanya.

"H-Huwag kang lumapit sa akin! Huwag kang lalapit!" she shouted.

Hindi niya pinakinggan ang babae, sinipat niya ang cable tie zip na mahigpit sa kamay ng babae, bumaba ang tingin niya sa isang kutsilyo sa sa malayo napamura si Terron saka mabilis iyon kinuha.

Bahagya pang napaigtad si Savy na umiiyak na, maingat na kinuha niya ang cable wire upang makaalis sa asawa.

Hindi niya alam kung anong nangyayari, tinali ba ng asawa ang sarili? Impossible may nakapasok sa bahay nila at kung mayroon man ay dapat narinig niyang sumigaw ang babae.

Nang tuluyan makalagan ang asawa ay sinapo niya ang mukha ng babae na tahimik na humihikbi.

"Anong nangyari? Bakit ka nakatali ha? Tell me, baby? What the hell is happening? Is it because of your sleep walking?" gumalaw ang kanyang panga, sa ilang gabi nilang magkatabi ay parang hindi naman nagising ang asawa sa gabi. Wala siyang maalala na nagising ito at nag-sleep walk.

Savy's hurting herself?

Hindi nakasagot si Savy, tinabig nito ang kamay saka sinapo ang sariling pulsuhan.

"Umalis ka rito!" utos ng babae, matalim na ang boses at tingin sa kanya na para bang siya ang dahilan ng lahat ng ito.

Hinawakan niya ang balikat ng asawa. "Anong nangyayari sa'yo ha? Savy come on. I'll never judge you."

Umiling si Savy, kitang-kita niya kung paano sunod-sunod na tumulo ang luha nito, parang may dumakot sa dibdib niya. Hindi siya sanay makitang ganito si Savy.

"H-Hindi ba aalis ka papuntang Davao sa susunod na linggo?" tanong nito, pinunasan ng babae ang pisngi.

Kumunot ang kanyang noo. "Paano mo nalaman?"

"Tumuloy ka. Iwan mo ako."

"S-Savy..."

Binaklas ng babae ang kamay niya sa braso nito. Nagtama ang mata nila, seryoso ang mga ito.

"Savy, hindi pa ako sigurado. Hindi na lang ako tutuloy, sabi nila baka abutin ng ilang buwan o taon. Wala kang kasama rito, tatanggihan ko na lang—"

"Ayaw kita rito, umalis ka na lang. Iwan mo na lang ako rito. P-Please, please... k-kung hindi ka aalis ay ako ang aalis sa bahay na 'to."

_______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store