ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 13

SaviorKitty

Kabanata 13:

"Papi, faster! Faster!"

Napailing si Terron nang marinig ang sigaw ni Savria, kabababa lang nila ng kotse papunta sa site. Walang klase ang babae ngayon araw, napagdesisyunan niyang isama na lang ito pero parang maling desisyon ata iyon.

Para siyang nag-aalaga tuloy ng bata.

Hinila ni Savy ang braso niya papasok sa site, kaagad niyang binitbit ang dala nitong bag sa kabilang balikat habang ang bag niya sa kabila. Para kasing balak ata ng asawa mag-picnic sa site, ang daming dala.

"Don't run, baby," mahinang sabi niya nang magtatakbo ito papasok.

May ilang trabahador na ang lumilingon sa kanila, ang iba ay binabati siya na tinatanguan niya.

"Huy, Papi ikaw nagsemento no'n?" Turo nito sa isang building na hindi pa tapos.

Terron chuckled before putting his arm to his wife's shoulder. "No, may ibang gumawa no'n. Iba 'yong trabaho ko."

Hinawakan ni Savria ang kamay niyang nakaakbay rito habang naglalakad sila at pinagsaklob iyon. Lihim siyang napalunok.  "Gano'n? Gusto ko pagawa tayong bahay 'yong pwedeng magsampay sa labas, 'yong malaki bakuran gano'n."

Bumaba ang tingin niya sa asawa, abala ang mata nito sa kakalibot sa lugar.

May mga bumabating trabahador sa kanila, apura ang kaway ng asawa akala mong kakandidato sila.

"Ayaw mo sa condo natin?" takang tanong niya.

"Gusto rin, pero kapag madami na tayong anak hindi na tayo kasya roon kasi bet ko 'yong may takbuhan sila, saka napanuod ko roon sa youtube. Yung kumanta ng tears in heaven, kilala mo 'yon? Alam mo ba na nabuo niya 'yong kanta na 'yon no'ng namatay 'yong anak niya, nahulog sa 50 floor apartment building," mahabang kwento sa kanya ni Savy.

Hindi siya nakapagsalita.

Ang naisip lang niya ay ang unang sinabi nito na magkakaruon sila ng mga anak. Naiisip na iyon ng babae samantalang siya ay wala pa sa gano'n.

Imbes na sumagot ay ginulo na lang niya ang buhok nito.

"Kung ano-anong naiisip mo."

Binuksan niya ang opisina saka iginaya ang asawa sa loob. Mabilis niyang inilibot ang paningin sa loob dahil baka may kung anong kalat, mabuti na lang at wala naman. Inilapag niya ang bag nila sa sofa roon.

Hindi gano'n kalaki ang opisina niya lalo't hindi naman siya madalas nandito.

Umupo si Savy sa swivel chair niya saka inikot-ikot. "Ganito pala ang feeling na maging Engineer," natatawang sabi nito.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi saka sumandal sa gilid ng lamesa niya habang nakatingin sa asawa. "Dito ka muna o gusto mong sumama? Mag-check lang ako sa labas," sabi niya.

Inalis niya ang ilang buhok ng asawa sa mukha.

"Sama ako, Asukal de papa."

"Okay. Come here." Inilahad niya ang kamay sa asawa saka kinuha ang isang kulay gray na safety helmet para sa mga bisita sa site.

Tinanggap ng babae ang kanyang kamay. Sinuot niya iyon sa asawa, nang matapos ay may nakakalokong ngiti ito sa labi kaya napairap siya. Mukhang may naiisip na naman itong kalokohan.

"Gwapo mo pala lods. Number mo?"

Terron rolled his eyes again. Kinuha niya ang kulay puting helmet para sa mga Engineer at sinuot iyon.

"Stay with me, huh? Delikado sa labas. Huwag makulit."

"Ginagawa mo naman akong parang bata, Papi," angal ng babae kaya natawa siya.

"Hindi ba? Bata ka naman talaga a," pang-asar niya rin.

Nang makalabas sila sa office ay parang ginawang park ng asawa ang buong lugar kakakuha ng picture. Hinahayaan niya lang at mukhang ngayon lang nakakita ng mga bakal at semento ang asawa.

"Papi, picturan mo ako rito dali." Inabot sa kanya ng asawa ang phone nito saka nag-pose sa mga hilera ng mga hollow blocks.

Naiiling na kinuhanan niya ang asawa ng tatlong shot.

"Ayos Pre. Full-time ah."

Napalingon siya sa nagsalita at napairap nang makitang si Jaren iyon na malaki ang ngisi.

Hindi niya pinansin ang kaibigan saka kinuhanan pa ng isa si Savy na naka-peace sign. Napangisi siya, hmm maybe I'll send this to me later.

Nang matapos ay inabot na niya ang telepono kay Savria na dumeretsyo sa isang gilid at may tinitingnan saka nilingon ang kaibigan.

"Dumating na ba 'yong mga materyales para sa isang building sa likod? 'Yong mga bakal natingnan mo?" kaagad na tanong niya, tumango ang kaibigan saka siya bahagyang siniko.

Sa mukhang iyan ni Jaren ay alam na alam na niya.

"Buti sinama mo ang asawa mo," anito saka nginuso ang asawa niya kinakausap ang mga naghahalo ng semento sa gilid.

Terron folded his arms on his chest while looking at his wife. Mabuti na lang at naka-pants at malaking shirt ang asawa, puro pa naman lalaki sa site. Hindi naman sa ano pero ayaw niya lang mailang ang babae, gusto niya kapag kumilos ito ay walang makikita na kahit ano, siya lang dapat, sa kanya lang dapat.

"Wala naman akong ibang isasama," bagot na sabi niya habang pinapanuod ang asawa.

Unti-unti ng dumadami ang mga lalaki na nakikipag-usap sa babae kaya unti-unti na rin nagsasalubong ang kilay niya.

"Baka matunaw 'yan," ani Jaren.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ng asawa habang may ikinukwento ito sa mga lalaki roon.

"Bakit hinahayaan mo lang makipag-usap siya sa madaming lalaki? Baka—"

Pinutol niya kaagad ang kaibigan. "I have a trust on my wife, hindi ko siya babawalan makipag-usap kung gusto niya. Alam naman niya limitasyon niya," mahinang sabi niya.

Pumito ang kaibigan.

"Malala na 'yan ah."

Napailing siya saka nilingon si Jaren. "Can you see her ring?"

"Huh?"

"Nakikita mo ba 'yong singsing niya, sa ganitong distansya? Halata ba?"

Lumingon ang kaibigan sa asawa niya dahil sa kanyang sinabi. "Hmm, hindi masyaso depende sa pose ng kamay niya, bakit?"

Malakas siyang bumuntonghininga. "Maybe I should buy a new one. A big one with large diamond huh?" bulong niya sa sarili.

Gusto niyang kahit malayo ay makita ng lahat na kasal na ang babae, gusto niyang kahit hindi itanong ay mahahalata. Siguro dapat niyang tanungin ang Kuya niya kung saan bumili ng singsing para sa asawa nito, paano ba naman kasi... ang ina lang niya ang nag-asikaso ng singsing nila, masyado tuloy manipis.

"Ayos naman singsing niya ah? Hindi masyadong abala," komento ng kaibigan pero nagkibit-balikat na siya.

He'll buy a new one.

Nilagpasan niya ang kaibigan at hinawakan sa beywang ang asawa. Gulat na tumingin sa kanya ang mga lalaking nandoon, nagulat sa presensya niya at parang may dumaan na anghel na mabilis na nagbalikan sa mga kanya-kanyang ginagawa.

"Una ka na sa office, pupunta ako sa bandang dulo." Lumingon sa kanya ang dalaga saka itinapat ang camera sa kanila.

"Picture tayo, Papi para may remembrance man lang tayo," makahulugan sabi ng babae.

Bago pa siya makatanong ay pinindot na nito ang camera, seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa asawa, tuloy si Savy lang ang naka-pose.

Pagkatapos no'n ay kumaway na ito at naglakad pabalik sa office niya. Napapailing na hinintay niya pa ang babae na tuluyan makapasok bago magpatuloy sa paglalakad.

**

UNTI-UNTING nawala ang ngiti sa labi ni Savy nang makapasok siya sa opisina ni Terron, kaagad niyang inilibot ang tingin sa itaas kung may mga camera at nakahinga siya nang maluwag ng wala naman.

Tinitigan niya ang nanginginig niyang kamay, ayaw niyang gawin iyon pero kailangan. She asked the workers about her husband, kaunti lang kasi ang kanyang oras kaya naman hindi na siya nagsayang pa ng oras lalo't isa ito sa madalas puntahan ng asawa.

Napanguso siya ng mabasa ang text ni Jamall.

'Your husband sent the payment already, kapag nagkita tayo hahatian ka namin. Haha, take care babe. I miss you already.'

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan matawa. Alam niya ang ginawa ni Terron, nagkataon lang talaga na ang kaibigan ni Jamall at kaibigang Pulis ng asawa ay iisa.

Niloloko tuloy siya ng Pulis na hahatian siya sa bayad.

Dumeretsyo siya sa lamesa ni Terron at naupo ulit. Kaagad niyang binuksan ang drawer nito, malinis ang mga gamit sa loob.

Kumunot ang kanyang noo nang makitang parang may pakete roon ng candy. Sa akalaing bubble gum iyon ay binuksan iyon ni Savy, mas lalo siyang naguluhan dahil may naka-sachet doon.

Savy opened the small sachet using her teeth.

"Woah..." Napamaang siya at nadismaya rin nang hindi candy ang nasa loob. Kinuha niya ang box at binasa. "Glow in the dark condom?" patanong na basa niya.

Bakit may ganito si Terron dito?

Imbes na isipin iyon ay mas na-curious pa siya kung totoong ilaw iyon. Well, ngayon lang siya nakakita no'n.

Sa sobrang kuryosidad ay binuksan ni Savy ang isang balot, napalunok siya nang unti-unting iladlad ang nakapaikot na plastik.

Naghanap siya ng bagay na pwedeng gamitin para isukat ang condom pero wala kaya ginamit na lang niya ang kanyang kamay.

Savy started to roll the glow in the dark condom to her left hand. Malakas siyang natawa nang mapasok ang buong kamay roon. Mabilis siyang tumayo at pinatay ang ilaw pero may liwanag pa rin galing sa bintana kaya pumasok siya sa ilalim ng lamesa ni Terron para mas madilim.

"Luh, ang lupet hehe."

Ginalaw-galaw niya ang kamay habang nakabalot ang condom, nag-go-glow nga pero hindi gano'n kailaw.

Savy frowned before opening the other sachet. Nakailang bukas at lagay siya sa kamay niya para mas lalong umilaw.

Napahagikgik siya dahil ang cute tingnan ng kamay niyang umiilaw, pinicturan niya iyon para ipakita kay Terron.

Nang magsawa ay lumabas na siya sa ilalim ng lamesa upang hubarin ang condoms pero ayaw nang matanggal sa kanyang kamay.

"Hala, Papi….." bulong at pilit hinihila pababa ang mga condom na patong-patong pero ayaw na, sobrang sikip na sa balat niya.

Naiiyak na siya.

Pakiramdam niya ay mamamatay na ang kamay niya, baka maipit ang dugo kaya kaagad at natataranta siyang lumabas sa office para humingi ng tulong sa asawa.

Pinagtitinginan siya ng mga nadadaanan trabahador, ang ilang ay tumatawa pa.

Nang makita niya si Terron na nasa dulo, malapit sa isang hagdanan ay may mgakausap ang lalaki.

Kaagad siyang lumapit.

"P-Papi..." Hinila niya ang manggas ng lalaki na kaagad lumingon sa gawi niya.

Naluluhang itinaas niya ang kamay, nanlaki ang mata ni Terron at napaawang ang labi, narinig niya ang malakas na tawa ni Jaren.

Tuluyan na siyang napaiyak.

"B-Bakit ganito? A-Ayaw maalis? Ganito ba nangyayari sa putotoy niyo? Kailangan ba pampadulas? Hindi naman mag-cu-cum kamay ko, anong gagawin ko, a-ayokong lumaki anak ko tutuksuhin... ah nanay mo naka-condom! Tapos kapag sasakay akong jeep at iaabot sukli sasabihin ko... p-palagay na lang po sa condom.  Wahh! Asukal de papa, heeeelp!!"

______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store