ZingTruyen.Store

Teach Me Whelve (Teach Series #4)

Kabanata 12

SaviorKitty

Kabanata 12:

KINABUKASAN ay naabutan ni Terron sa kusina si Savy na naghahalo ng kape, ilang beses muna siyang lumunok bago lumabas ng kwarto dahil sa ginawa niya kagabi na halos hindi niya matingnan ang asawa pagkalabas niya ng banyo.

Maski siya ay nagulat, he fucking imagined his wife while pleasuring himself.

Great.

Kumunot ang noo niya nang makitang parang may inalagay na kulay puting maliit na tableta ang babae sa kape.

"Ano 'yan?" Tumikhim siya para kunin ang atensyon ng babae.

Napatalon si Savria at gulat na napalingon sa kanya, seryoso ang mukhang lumapit siya sa counter table kung nasaan ang babae. May dalawang tasa ang nandoon, nasa bandang kaliwa ang naabutan niyang nilalagyan ng kung ano ni Savria.

He didn't want to think bad about his wife, but she had just recovered from a fever and he thought maybe it was because of it... because of that medicine. Baka kung ano-ano ang iniinom ng babae kaya nagkakasakit o may sakit ang asawa. Fuck.

"K-Kanina ka ba diyan, Papi?" tanong nito at bahagyang napatuwid ang tayo.

Sumandal si Terron sa counter table at hinipo ang noo ng asawa na hindi na mainit katulad kahapon.

"Ngayon lang, mabuti naman at wala na ang lagnat mo. What time is your first class?" Palihim na bumaba ang tingin ni Terron sa kape.

He will take that cup in the left.

"A-Ah, oo nga Papi! Mabuti na, thank you sa pag-alaga hehe plus point ka sa langit. Mamaya pang ala-una, isang subject lang kami ngayon." Inusog ng babae ang kape sa kanan papalapit sa kanya. "Kape?"

Tumaas ang sulok ng labi niya habang deretsyong nakatingin sa mata ng asawa. "I want the other one."

"H-Ha?"

"Yung nasa kaliwang tasa ang gusto ko."

"B-Bakit? Pareho lang naman iyan."

She's really hiding something. Bakit naman iinom ng gamot ang asawa na isasama sa kape, kung normal na gamot lang iyon ay bakit itinatago sa kanya?

"Yeah right, they're the same so give me the other cup," he said calmly.

Nakita niyang napanguso ang asawa at dahan-dahan ibinigay sa kanya ang tasang nilagyan nito ng kape. Hindi niya inalis ang tingin sa babae ng mabilis niya iyon inumin, walang kakaiba sa lasa na magdududa ka na may gamot.

Wala naman sigurong magiging epekto 'to sa kanya.

Nakita niyang nag-iwas tingin si Savy saka inusog ang isang plato na may sandwich, naging tahimik ang kanilang almusal.

Nang maubos niya ang kape at akmang liligpitin na ni Savy ang pinagkainan nila ay hinawakan niya ang kamay nito. He wet his lips when she almost jumped.

"Bakit, Papi?"

Nanatili siyang nakaupo habang nakatayo ang babae at hawak niya sa braso. Malakas siyang napabuntonghininga, ayaw niya ng ganito.

He hates secret.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" tanong niya sa babae. Alam niyang baka nahihirapan pa ang babae na magtiwala sa kanya pero mag-asawa na sila.

Nang hindi magsalita ang babae ay masuyo niyang hinimas ang braso nito, tuwid na tuwid ang tayo nito. "I know we just met but you can trust me, you know... I'm your husband now. May problema ka ba? Actually, I saw you putting something in your coffee, so I purposely picked that," pag-aamin niya.

Nakita niyang natigilan ang babae at napakurap-kurap.

"Now tell me, ano 'yon?" seryosong tanong niya.

Bumaba ang tingin ng dalaga sa kamay niyang braso nito bago bumuntonghininga at humagikgik ang babae.

"W-Wala 'yon, Papi. Hays, akala ko hindi mo makikita. Sorry, ang totoo ay slimming pills iyon. Gusto ko kasing magpapayat, k-kaya ayon umiinom ako ng gano'n. H-Hindi ko masabi kasi nahihiya ako. Sorry na, hehe baka magtae ka nyan," mabilis na paliwanag ni Savy saka nag-peace sign pa sa kanya.

Terron frowned.

Iyon lang pala, akala niya kung ano. "Bakit ka naman magpapayat? Your body looks good. You're beautiful."

Savy pouted. "M-Mataba kasi ako, may bilbil ako tapos..."

Natatawang ipinalibot niya ang braso sa beywang ng babae habang nanatiling nakaupo.

"A-Asukal de papa..." gulat na wika nito sa biglang galaw niya.

"Huwag ka na uminom no'n okay? Baka makasama pa sa'yo saka ayos lang kung kumain ka lalo't nag-aaral ka, kailangan mo ng lakas. If you want to be fit then I'll help you, let's be healthy together. Okay? May iba naman paraan, you can dance. Let's dance every morning, be gentle to yourself, Savy," siniguradong niyang maingat ang bawat salitang bibitawan niya.

Mas humaba ang nguso ng babae animong natatawa bago nito himasin ang ulo niya kaya napangiti siya. She's too cute.

Ang totoo ay ayos lang sa kanya, wala siyang problema sa katawan ng babae, she looks beautiful, her body type doesn't define how worthy she is.  Kung noon ay big deal sa kanya iyon, naisip niya ngayon na kahit ano pang klaseng katawan ang mayroon ang asawa ay tanggap niya iyon.

Damn.

"Kahit may bilbil ako, kahit utong lang meron ako?" Terron choked and chuckled.

"Don't worry, I always appreciate small things." Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa dibdib ng babae bago bumalik ulit sa mukha nito.

"M-Maraming salamat, tatandaan ko 'yan," sabi nito, bumaba ang tingin niya sa labi nito na kahit walang kolorete ay pulang-pula.

Hindi niya inalis ang yakap sa beywang nito. Ibinukas niya ang dalawang hita upang mas mayakap ang babae papalapit sa kanya.

He's not clingy, he just want her to feel that he likes her inside and outside. Gusto niyang mawala ang ilang nilang dalawa, gusto niyang maging kampante ang babae sa kanya.

"I want you to be honest with me, okay? I'll tell you everything too," he assured her. "May aaminin pa ako, uhm... pinaimbestigahan kita." Nakita niyang nanlaki ang mata ng asawa. "Gusto ko lang makasigurado, sorry. I found out about your aunt. Pwede kang magkwento sa akin..."

Napalabi si Savy.

"Edi nagbayad ka, Papi? Sayang naman dapat tinanong mo na lang ako tapos pinangkain na lang natin 'yong pera. Awit," komento nito bago natawa. "Ano bang tungkol sa tita ko? Hmm, kapatid siya ng Papa ko at maagang namatay ang magulang ko kaya roon na ako tumira. H-Hindi talaga masyadong maganda 'yong trato sa akin doon Papi. Ang sungit kaya niya, pero hindi naman ako sinasaktan ng pisikal. May isang beses lang 'yong asawa pangalawang asawa niya muntik na akong saktan buti hindi natuloy," dire-deretsyong sabi ni Savria, may ngiti sa labi animong balewala lang iyon.

Gumalaw ang panga niya dahil sa sinabi ng babae.

"Sinaktan ka?" Maybe he can hire his friend again, gusto niyang hanapin 'yong putang-inang iyon.

Tumingin si Savy sa itaas animong may iniisip, mas lalo siyang naguluhan ng tumawa ang babae.

"Matagal ng patay si Tito," sabi nito animong may nakakatawa roon. "Basta mahabang istorya, Asukal de papa basta ang mahalaga ay nandito na ako. Wala naman na sa akin iyon."

Sandali niyang tinitigan ang babae saka napatango, tama si Savy. Tapos na iyon, dapat ang isipin na lang nila ay ang hinaharap na magkasama sila.

"Gusto ko rin maging tapat sa'yo," malakas siyang bumuntonghininga. Kailangan niyang sabihin ito, respeto na lang sa asawa.

"Ano 'yon?"

Napasinghap siya nang umupo sa kaliwang hita niya si Savy, nanatiling nakayakap ang kanyang mga braso sa babae.

"Nangawit na ako kakatayo, Papi hehe paupo lang. Anong sasabihin mo? Mangungutang ka ba? Wala akong pera, pass," bakas ang malokong tono sa babae kaya napailing siya.

"Hindi, makinig kang mabuti ha? Hindi ko na 'to uulitin."

"O—Oh okay po, sherr."

Terron tsked. "Gusto kong sabihin sa'yo 'to kasi karapatan mo naman malaman. I-I'm starting to like you... yeah, I don't know the exact word pero nag-aalala ako sa'yo, naiisip kita. Pero alam kong hindi pa gano'n kalalim kaya sana mahintay mo." Bumaba ang tingin niya sa braso niyang nakayakap sa babae, ayaw niyang salubungin ang tingin nito.

"I mentioned before that I had an ex, well... medyo matagal kami at nang magpakasal tayo ay... halos kakahiwalay lang din namin. My point is, hindi pa ako gano'n nakaka-move on sa relasyon na iyon nang pasukin ko ang relasyon na 'to, na kung anong mayroon tayo. Sana maintindihan mo."

"Mahal mo pa ba siya?" Nag-angat siya ng tingin dahil sa deretsayahang tanong ni Savy, nakangiti ang babae sa kanya.

Hindi siya nakapagsalita dahil alam niyang oo ang sagot sa tanong ng asawa.

Hinimas ni Savria ang kanyang braso. "Naiintindihan ko, Asukal de papa. P-Pero may plano ka naman kalimutan siya hindi ba? Kasi kasal na tayo... may plano ka naman?" parang nagdududang tanong nito saka dinuro ang dibdib niya kung nasaan nakatapat ang puso. "Dapat ako lang ang laman nito, kasi ako ang asawa mo. Hindi ba?"

Kinagat niya ang ibabang labi at wala sa sariling tumango.

Savy smiled at him while caressing his arm.

"Use me. Gamitin mo ako para kalimutan siya."

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store