ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 6

SaviorKitty

Kabanata 6:

Napahiwalay ako sa lalaking yumakap sa akin nang malakas na hinila ako ni Alas, kaagad siyang pumagitna at inilagay ako sa kanyang likuran upang itago sa lalaking hindi pamilyar sa akin. My face heated up with surprise, I don't know what to react.

Do I know him?

Bumakod ang malapad na balikat ni Alas, kayang-kaya niyang takpan sa aking paningin ang lalaki sa aming harapan.

I peeked slightly and saw them battling with a sharp glare. Like, they can talk to each other through their eyes.

Sinubukan kong alalahanin kung saan ko nakita ang lalaking yumakap sa akin pero hindi ko matandaan, hindi naman siya pamilyar sa akin, hindi ko naman siya kilala.

Pinasadahan ko ang suot niyang Police uniform, hindi sila magkatulad ng pangangatawan ng nobyo ni Alas.

Medyo kayumanggi ang lalaking 'to, parang hindi naman siya 'yon, sino ba 'to? At ano raw, miss na niya ako?

"P-Paano nangyari 'to, Alas? P-Paanong—"

Hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin nang kaladkarin siya ni Alas palabas ng office, susunod sana ako pero pumasok ang isang pulis na babae na sa tingin ko'y mas bata sa akin.

Kaagad niyang isinarado ang pintuan at humarang nang makitang lalabas din ako, kumunot ang aking noo dahil sa kanyang ginawa lalo na nang idipa niya ang kamay.

"Palabasin mo ako, Miss," mahina ngunit madiin na sabi ko.

Baka mamaya magsuntukan ang dalawang 'yon, hindi naman siguro?

Eh, ano rin naman pakielam ko? Wala naman.

Marahas siyang umiling. "H-Hindi ho, pwede. K-Kabilin-bilinan po ni Lieutenant Dela Torre na huwag po kayong palabasin at pasunurin sa kanila, ako po ang malilintikan sa asawa n-niyo po kung h-hindi kayo susunod Ma'am, p-pasensya na po napag-utusan lang ako," mahabang paliwanag niya.

Bakas ang takot sa kanyang mukha kaya naningkit ang aking mata.

Sa hinaba-haba ng mga sinabi niya ay tumuon ang atensyon ko sa isang salita.

Asawa...

I hate that word.

Nang dahil sa salitang 'yon ay ang daming nangyari sa akin, nawala si Ate, nawala ang mga kaibigan ko.

"Hindi ko siya asawa," sabi ko na may kasama pang pag-iling.

Sandali niya akong tinitigan, umawang ang labi niya pero sa huli ay itinikom na lang ang bibig saka marahan tumango sa akin.

Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harap ng dibdib habang nakatingin sa kanya, neat na neat ang kanyang buhok habang matindig ang tayo. She had no intention of letting me go.

Anong gusto niya? Magtinginan lang kami rito?

Sandali ko pa siya tinitigan, nag-iwas lamang siya ng tingin, inabala niya ang mga mata sa kisame habang pumipito. Sa huli ay umupo na lang ako sa sofa at naghintay sa pagbalik ni Officer Alas.

Anong klaseng bantay 'yon? Iniiwan ang binabantayan.

Humalukipkip ako roon, ilang minuto pa bago may kumatok ng dalawang beses at bumukas ang pintuan. Gumilid ang babae para tuluyan makapasok sa loob si Alas, blanko ang aking mukha nang pumasok siya.

Iginala niya ang mata sa loob ng office niya animong may hinahanp, nang magtama ang aming mata ay sumimangot ako.

Wala naman siyang galos kaya hindi naman siguro sila nagsuntukan sa labas.

Maybe that was his ex huh? Or my ex?

What? Ba't ako magkaka-ex nang hindi ko alam? Ano ba 'yan Alice, lutang ka na naman.

"Hey," he said to me then dismissed the Police woman.

Tumango ang babae saka lumabas.

Nang sumarado ang pintuan at maiwan kaming dalawa ay roon pa lang siya lumapit sa akin.

He licked his lower lip while brushing his onyx hair. He walked straight over the empty seat across from me.

"Sino 'yon? Kilala . . . mo ba 'yon?" mabagal kong saad, pinag-aaralan ang paggalaw ng kanyang adam's apple kapag lumulunok siya.

Narinig ko ang malakas niyang buntonghininga. "He's my friend . . ."

"And?"

"Nah, he thought he knew you. His vision was hazy, I think. Wait, I'll just sign the documents here and we'll be leave." Nagkibit-balikat siya at saka mabilis tumayo, pinanuod ko siyang bumalik sa kinau-upuan niya kanina animong walang nangyare.

Siguro nga ay baliw ako pero hindi ako tanga.

Hindi na ako nagsalita pa pero sa isip ko ay tinatandaan ko na ang itsura ng lalaki kanina.

Imbes na pansinin siya ay binuksan ko ang aking cellphone, 'yong bigay ng institution. Ni hindi ko alam na may paganito sila, dahil ba matagal na ako roon at bilang regalo nila dahil nakalabas na ako? Ano 'to pampalubag loob?

Maybe I should download socia media apps again huh?

Oh, but I don't have internet.

Nilingon ko si Officer Alas, kunot ang kanyang noo habang pumipirma. Mabilis ang mata niya sa pagpasada sa mga papel sa kanyang harapan.

"Do you have a wifi ba?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Yea, do you need an internet?"

"Oo sana, bubuksan ko mga dati kong account," imporma ko sa kanya.

Tumango siya saka gamit ang ballpen na hawak ay sinenyasan niya akong lumapit sa kanya.

"Sabihin mo na lang, ba't lalapit pa?" tanggi ko.

"Mahina ang signal diyan, dito sa malapit sa lamesa ko ang malakas. Dito ka umupo malapit sa akin para maka-connect ka," paliwanag niya habang seryoso ang mukha.

Bagot na tumayo ako at umupo sa visitor chair sa harapan lamesa niya, kagat niya ang kanyang ibabang labi nang tuluyan akong makalapit.

"Let me connect you," sabi niya sabay lahad ng kamay.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya, there's a mark on his ring finger. May singsing siya rati?

Umangat ang tingin ko sa kanyang mukha nang igalaw niya ang kamay animong pinagmamadali ako.

"Just tell me the password, ako na lang ang maglalagay."

"Akin na."

"Ako na nga e."

"Fine! AA_1024," sabi niya saka bumalik na sa ginagawa.

What's that? His birthday? Or their monthsary?

Nagsimula akong kalikutin ang cellphone na ibinigay sa akin. Sinubukan kong buksan ang mga dati kong account pero hindi ko maalala ang password sa sobrang tagal.

Ano ba kasi ang nilagay ko rati?

Nang niisa ay wala man akong nabuksan ay inis na inilapag ko na lang ang aking telepono sa lamesa, lumingin sa gawi ko si Officer Alas pero kaagad din bumalik sa ginagawa.

"Are you done? Add me," sabi niya habang nakatuon ang mata sa mga papeles na nakalatag sa harapan.

"Hindi ko naman nabuksan, hindi ko maalala ang password na inilagay ko noon." Pakiramdam ko tuloy ay humihina na ang memorya ko, baka sa dami ng gamot na iniinom ko? Nakakaapekto ba 'yon? Pero wala naman sinabi si Doctor Jace.

Inilahad niya ulit kamay, nagtaas ako ng kilay.

"I'll try to open," sabi niya.

Pagak akong tumawa. "Ano ka hacker?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi saka mas sumandal sa swivel chair niya.

"What if I am? I'm a Police afterall, I have a background about hacking so . . ." Pinutol niya ang sasabihin, hindi ko naniniwala kaya malakas ang loob kong inabot sa kanya ang telepono.

Sobrang laki ng kamay niya para roon, sobra ang mga daliri niya upang hawakan nang buo. Pakiramdam ko nga ay sumusobra ang mga daliri niya kapag pumipindot ng letra.

Mabilis gumalaw ang kanyang mga daliri, may pinindot din siya sa laptop niya saka bumalik sa phone ko.

Nakita ko tumabinggi ang ulo niya animong may hinihintay bago iharap sa akin ang screen.

"Got it, Love," bakas ang yabang sa kanyang boses.

Hindi ko maiwasan mamangha, I didn't know he has that kind of talent. Dapat pinagkakakitaan niya iyan, baka mas yumaman pa siya.

Imbes na puruhin ay nginisian ko lang siya saka kinuha ang aking cellphone.

Nang mag-scroll ako sa facebook ay unti-unting sumikip ang aking dibdib nang makita ang mga tags sa akin sa lumipas na taon.

Lisa and Kevin graduated pictures with the caption. 'Hope you're with us, sissy! We'll wait and remake this shot! Love you Alice!'

Lumunok ako para pigilan ang pamamasa ng mata saka nag-scroll ulit

Ang sunod na tag ay post ni Daryl, hindi ko alam lugar. Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang baby na buhat niya. He has twin son! Wow. May asawa na pala siya?

I chuckled when I saw his caption. 'So blessed to have you both, oh mga ninong/ninang be ready!'

Napahinto ako sa pag-scroll nang makita ang pamilyar na pangalan.

Sascha Gayle De Vega.

Pakiramdam ko kinalibutan ako, ilang beses pa akong lumunok bago dahan-dahang tiningnan ang post niya sa timeline ko, tatlong buwan pa lang ang nakakaraan.

Picture namin dalawa noong college kami na magkayakap, kung hindi ako nagkakamali ay sasayaw no'n sila Kevin at Lisa sa isang dance contest at nasa audience kami.

Hindi ko alam kung maiiyak o tatawa ba ako nang makita ang caption niya.

'I can still remember this day! Sabay tayong nagbihis sa likod ng room kasi punuan ang banyo. I missed you, Alice. See you soon!'

Nag-scroll pa ako, may ilan akong kaklase noon na nangangamusta. Nagulat pa ako na kahit hindi na active ang account ko sa lumipas na anim na taon ay may bumabati pa rin sa akin ng happy birthday.

Nang makuntento ako ay isinara ko na 'yon, nang mag-angat ako ng tingin kay Officer Alas ay naabutan ko siyang nakatingin sa akin, pinaglalaruan ang kanyang ballpen sa daliri.

Kumunot ang noo ko.

Kanina pa ba siya nakatingin?

"Tapos ka na ba?"

Tumango siya saka ibinaba ang ballpen.

"Do you wanna see your friend?" tanong niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ang sabi ni Doctor Jace ay wala pa akong lumapit sa kanila nang tuluyan hanggat wala pang tatlong buwan.

Siguro ay kapag ayos ako ng tatlong buwan ay roon pa lang pwede.

"B-Bawal," sabi ko.

Ayokong makagawa ng ikakabalik ko sa loob, ang malala ay sa kulungan na ang bagsak ko. Hindi ko rin alam ba't hanggang ngayon ay hindi pa ako hinuhuli. I confessed everything I did to my sister, I told them that I killed her but until now. I'm free, I'm still here.

Hindi ko maiwasan maisip na baka . . . baka sinusubukan niya lang ako. Maybe this is just test huh?

Tumayo siya saka ngumisi sa akin, inilahad niya ng kanyang kamay.

"Bawal lang kung malalaman."

━━━༻❁༺━━━

Blanko ang aking mukha habang nakatingin kay Sascha, she's pregnant. Bahagyang tumabingi ang ulo ko habang pinapanuod siyang makihalubilo sa mga batang estudyante.

Her smile is too sweet and genuine. I'm hoping to be able to smile like that again.

Siniko ang ni Alas, hindi ko siya nilingon.

"Best friend mo?" tanong niya, kasalukuyan kaming nasa loob ng kanyang kotse.

Umiling ako, higit pa si Sascha sa bestfriend. Higit pa.

"Crush ko," sabi ko habang pinapanuod siya, gumagalaw ang kanyang buhok habang nagsasalita.

Pagak na tumawa si Alas sa aking tabi kaya nilingon ko siya, akala ata niya naagbibiro ako.

"Anong nakakatawa?"

He cleared his throat. "Paghanga? Like, you want to be like her?"

"No, I want her. I love her."

Ibinalik ko ang tingin kay Sascha, ang ganda-ganda pa rin niya, parang si Ate.

Hindi kaagad siya nagsalita kaya nilingon ko siya, seryoso siyang nakatingin sa akin. "You like her uh . . . romantically?" paninigurado pa niya, bakas ang pag-iingat sa boses.

Tumango ako, wala akong dapat itago at isa pa ay siguradong maiintindihan niya ako dahil may karelasyon siyang lalaki rin.

"How sure are you?"

Napapantastikuhan ko siyang tinitigan, napaka chismoso naman niya. "Huh? I want to be with her, I feel at ease with her, and she has always been there for me, unlike other people," I pointed out.

"But it doesn't mean that you love her."

"Anong ibig mong sabihin, Officer? Namali ako ng nararamdaman? Na hindi ko kilala ang sarili ko?" natatawang tanong ko.

"My point is maybe you just like the idea of her, 'yong may bagay kang hinahanap na sa kanya mo nakita." Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. Galit ba siya?

"Yeah, that's why I like her, I like woman, I hate men and—"

"Shut up."

Napamaang ako nang bigla niyang sabihin iyon na para bang napigtas ang kanyang pasensya, hindi siya nagtaas ng boses pero mas nakakatakot dahil madalang kong makita ang ganyan ekspresyon.

"You don't love her," madiin sabi niya.

"Bakit ba mas marunong ka pa sa akin?" naiinis na ako.

Isa pa, sasapakin ko siya sa ulo . . . sa itaas.

"No!"

"Anong problema mo? Tatanong-tanong ka tapos ayaw mo naman maniwala.  Kahit tanungin mo pa mga nakakakilala sa akin, alam nilang—anong. . ."

Bahagya akong mas napaatras sa pagkakaupo nang kalasin niya ang seatbelt niya at humarap akin. Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang hawakan niya ang aking batok at hilahin ako sa kanya.

Halos lumawa ang aking mata nang ilapit niya ang mukha sa akin. Tumama ang mainit niyang hininga sa akin mukha, gumalaw ang kanyang panga.

Sinubukan ko siyang itulak, hinawakan niya ang kamay ko at ipinirmi sa hita niya nang walang kahirap-hirap.

"I don't need to ask anyone because I know you better than they do, Love." When his lips almost touched mine, I gulped.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao sa ibabaw ng kanyang hita nang tuluyan lumapat ang kanyang mainit na labi sa akin.

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store