ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 5

SaviorKitty

Kabanata 5:

Dalawang linggo na ang nakaraan simula nang kumain kami sa rooftop ni Officer Dela Torre-Oh yeah, Alas. Ayaw niyang tinatawag ko siyang gano'n, minsan pa ay hindi talaga siya lilingon at sasagot kung apelido ko siya tatawagin.

Sa lumipas na linggo ay naging mailap ako sa kanya, hindi ko nagustuhan ang pag-iyak ko sa kanyang harapan.

Siguro nga ay naging emosyonal ako noon lalo't kakalabas ko pa lang at nagkasabay-sabay ang mga iniisip ko.

I don't want him to see me as vulnerable, not stable woman.

Hanggat maaari ay iniiwasan ko siya sa mga araw na natili ako sa loob ng kanyang bahay.

Kung minsan ay kumakain kami sa labas, nasundan pa iyon ng ilang beses pero lagi na akong tahimik habang siya naman ay puro tungkol sa trabaho ang kinukwento.

I feel so drained, nakakapanibago dahil hindi naman na ako sanay sa labas, kung minsan ay pakiramdam ko ay napa-paranoid ako dahil sa dami ng tao, baka masaktan ko sila, baka may nakakakilala sa akin mula sa dati kong paaralan.

May mga gabing umaalis siya at bumabalik ng alas tres ng umaga, hindi na ako nagtatanong pa kung saan siya pumupunta pero walang gabi na hindi iyon nangyari kaya kinakain din ako ng aking kuryosidad.

Maybe because of his work?

May duty siguro sa gabi o baka nakikipagtagpo sa kasintahan niya, hindi kaya 'yon nagseselos dahil may kasama ang boyfriend niya na babae, sabagay . . . kahit siguro mag-tambling ako na naka-hubo't hubad ay balewala rin sa kanya, kaya siguro ayos lang sa kanyang tumira ako sa kanyang bahay.

Nakakapagtaka lang na iniiwan niya ako sa gano'n oras, hindi ba siya natatakot na tumakas ako? O baka naman may mga hidden camera sa kwarto ko?

Hinilot ko ang aking sentido dahil sa naisip habang naglalakad sa gilid ng kalsada, maaga akong umalis sa kanyang bahay dahil hindi ako makatulog.

Hindi ko alam kung narinig niya akong umalis o nakasaunod siya, wala naman akong balak tumakas o ano man. Gusto ko lang maglakad-lakad, naubos na ata lahat ng linisin sa bahay niya. Tuwing maaga akong bumabangon ay halos baliktarin ko na ang kanyang bahay para lang may magawa ako, because if I do nothing, I will dwell on bad thoughts.

Habang naglalakad ay may mangilan-ngilan na rin na tao, mga nagjo-jogging at nagtitinda sa gilid ng kalsada. Bahagyang tumabingi ang aking ulo nang matanaw ang babaeng lilinga-linga sa paligid.

Naagaw ang atensyon ko dahil sa hawak niyang mahabang tinapay na kinukurot-kurot niya.

Where did she get that? Gusto kong mag-uwi, kaso wala pala akong pera.

Pagpapatuloy na sana ako sa paglakad at babalik na lang sa bahay ng magtama ang mata namin ng babae, kumunot ang noo niya nang mapansin bumaba ang tingin ko sa tinapay na hawak niya. Halos mapaatras ako sa gulat nang lumapit siya sa akin saka malawak na ngumiti.

"Hi! Gusto mo, mare?" alok niya na para bang kakilala niya ako.

Umiling ako saka akmang lalagpasan siya nang humarang siya. Pinantayan ko ang tingin niya, kung budol siya ay wala naman siyang makukuha sa akin, wala akong ibang dala kung hindi sama ng loob.

Mag-aalok ba siya ng sim card na may load na o baka naman mga halaman?

"Tiga rito ka ba?" tanong niya, tinitigan ko ang kanyang mata at wala akong makitang sa titig niya, talagang curious siya o magaling siyang magtago?

Hindi ako sumagot, pinasadahan ko siya ng tingin.

Maayos naman ang kanyang pananamit, matambok ang kanyang pisngi.

Naglahad siya ng kamay. "Ako pala si Samantha, Samy na lang. Galing akong Zambales pero tiga rito talaga ang Mama ko sa Pampanga," sabi niya.

Pakiwari ko'y mas bata siya sa akin, base na rin sa pagsasalita niya.

"Sige," sabi ko saka tumalikod na, mas binilisan ko ang lakad.

Ramdam ko ang kanyang pagsunod sa akin. "Teka lang, nagmamadali ka ba? Gusto ko lang naman makipagkaibigan. Malapit lang ba bahay mo rito? May itatayo kaming jewelry shop slash souvenir shop dito sa susuod na linngo." Ano naman sa akin? Ba't ba feeling close 'to, ayoko nga ng kaibigan. "Baka gusto mong magtrabaho, ano g mare?" sabi niya ako tuluyan hinawakan sa braso upang huminto.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya, seryoso ko siyang tiningnan.

"Kung gusto mong masayang makauwi sa bahay niyo, bitawan mo ako," malumanay kong sabi.

Napahugis letrang O ang kanyang labi saka dahan-dahan binitawan ang aking kamay. "Galit kaagad, mare? Nag-aalok lang ng trabaho e, kanina pa nga ako naghahanap ng makakasama at unang kita ko pa lang sa'yo ay magaan na ang loob ko," marahan sabi niya sabay nguya ng tinapay.

Pinanuod ko siyang lunukin iyon, bahagya akong napangiwi nang makitang ang kalat niyang kumain, may mga nalalaglag pa.

"Ano? Huwag ka mag-alala hindi ako scam no! Iyon 'yong shop namin, nakikita mo 'yong kulay pulang signage? 'Yon ang shop namin. Kapag pumayag ka saka natin pag-usapan ang sweldo at pasok mo, ano?" maganang sabi niya pa habang ngumunguya.

My face heated up in irritation.

"Will you . . ." Putol ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung tama ba ang salitang gagamitin ko.

"Will you ano? Will you marry me ganern?" natatawang sabi niya, umiling ako.

"Huwag kang magsalita habang kumakain," mahinang sabi ko.

She covered her mouth, I thought she was going to stop but slowly a smirk appeared on her lips.

Kumagat siya ulit saka nagsalita. "Hindi hmm ako titigil . . . hanggat hindi ka p-pumapayag,' sabi niya pa, paputol-putol ang salita dahil puno ang bibig.

Gustong-gusto kong kunin ang tinapay sa bibig niya sa sobrang inis.

Ba't ba ang kulit ng babaeng 'to? Wala naman siyang mapapala saa akin.

"Hindi ako pwedeng magtrabaho, may sakit ako," seryosong sabi ko, saka isa pa ay baka hindi rin ako payagan.

Nilunok niya ang kinakain saka ako pinasadahan ng tingin. "Nakakalakad ka?"

"Oo, malamang nakikita mo naman e," mabilis kong sagot, gusto kong ayawan niya ako pero mukhang malabo dahil mas nagningning ang mata niya.

Tumabingi ang kanyang ulo, nilagay pa niya ang kamay sa baba habang tinitingnan ako. "Nagagalaw mo naman ang kamay mo? Nakakapgsalita ka naman?"

Ano bang mga klaseng tanong 'yan?

"Yes, of course."

"Then you're hired!" masiglang sabi niya, siya mismo ang kumuha ng kamay ko at nakipagkamay.

Nagsalubong ang aking kilay dahil sa ginawa niya.

"Balik ka rito sa Monday ha, ano kasi pangalan mo?"

"A-Alice . . ." wala sa sariling sabi ko.

Pumalatak siya saka kumaway. "Sige bye, Alice. Kitakits next week!"

Napakurap-kurap ako nang lagpasan niya ako bumalik siya sa harap ng shop na tinutukoy niya kanina, pinagpatuloy niya ang kanyang kinakain. Weird.

Napapailing na naglakad ako palayo roon, hindi naman ako babalik. Wala akong balak.

━━━༻❁༺━━━

When I returned home, I found Alas dressed in his Police uniform, his muscles flexed when he was fixing his belt. Mabilis at halatang sanay ang kanyang mga kamay sa sunod-sunod na pag-aayos ng kanyang uniporme habang nagluluto ng almusal. He is currently cooking friedrice, the egg and smoked mackerel fish are already lying on the table.

"Nagpapawis ka?"

Hindi na ako nagulat nang magsalita siya kahit pa hindi siya lumilingon sa akin, sa dalawang linggong magkasama kami ay napansin kong malakas ang kanyang pakiramdam.

Dumeretsyo ako sa ref, nang madaanan ko siya ay nalanghap ko ang kanyang pamilyar na pabango. Malakas akong bumuntonghininga, sumandal ako sa counter habang umiinom ng tubig, nagtama ang aming mata.

"You should inform me, tutulungan kitang magpapawis," nangingising sabi niya saka pinatay ang kalan.

"What's your perfume?" I asked innocently.

He raised an eyebrow at me, like he'd never expected my question. "Why you like it? Pwede kong ibigay sa'yo 'yong luma ko, bibili na lang akong bago," sabi niya habang naghahaain, sanay na sanay siya sa bahay at kulang na lang nga ay swelduhan ko siya.

"Hindi, natanong ko lang. Pamilyar lang," sabi ko.

Maghihila sana ako ng upuan pero inunahan niya ako.

"Baka kamukha lang, anyway, pupunta ako sa station ngayon, may ipapasa lang akong report," he said and changed the topic.

Nagsaimula akong magsandok ng pagkain, bago ako maglagay sa aking pinggan ay nilagyan ko ang sa kanya, pinanuod niya akong lagyan ng kanin at isda ang pinggan niya habang naglalagay siya ng mainit na tubig sa tasa, muntik pang matapon kung hindi ko siya tinapik sa kamay ay hindi pa siya titigil.

"Bakit ka nagpapaalam sa akin? Edi umalis ka," balewalang sabi ko, nagsimula akong kumain.

When I returned my gaze, I noticed a slight smile on his lips, lumitaw ang biloy niya kanan niyang pisngi.

"Hindi ako nagpapaalam, Madam. Iniimporma kita dahil isasama kita, kaya kumain ka nang madami baka magutom ka ro'n."

Tumango na lang ako, nagpatuloy kami sa pagkain.

"So, are you accepting the job offer?"

Mukhang hindi niya napigilan tanungin iyon, see! He was following me!

"Huwag kang maingay habang kumakain," pag-iiba ko ng usapan.

Humalakhak siya. "Huwag kang mag-alala sa susunod na may kainin ako, ikaw ang mag-iingay." His voice has a fun tone to it.

Naningkit ang aking mata, hindi ko gets.

"What?"

Mas lumakas ang tawa niya. "Wala, kumain ka na nga para makaalis na tayo."

Napairap ako, ang ganda ata ng gising ng baklang 'to? Dapat talaga magkasama sila ni Kevin, ang baklang kaibigan ko noon. Siguradong magkakasundo sila, wait . . . single pa ba si Kevin?

━━━༻❁༺━━━

Nang makarating kami sa Police station ay hindi kami kaagad bumaba sa kotse, may tinawagan pa siya. "Are you sure that he's not there? Sigurado ka? Okay, I just want to make sure." Narinig kong sabi niya sa kausap sa telepono.

Bago niya buksan ang pintuan niya ay hinarap niya ako. "Let me open the door for you," marahan sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "What's the big deal?" buong kuryosidad na tanong ko, sigurado akong hindi lang dahil gusto niyang magpaka-gentleman.

"Just me let me do it."

"Fine, Officer."

Pinanuod ko siyang mag-jog papunta sa aking gawi para buksan ang pintuan, napailing na lang ako.

Nang makarating kami sa loob ay binabati siya ng ilang nakasalubong namin, sinalubong siya ng batang Pulis na kausap niya noon lumabas ako ng institution, May sinabi ang lalaki kay Alas, tumango si Alas at parang may inutos sa lalaki bago niya ako hinawakan sa siko hanggang makarating kami sa isang pintuan. Binuksan niya iyon, tumambad sa akin ang isang office, malinis at neat ang pagkakaayos ng mga gamit doon.

"Office mo?" I asked him.

"Yes." Binitawan niya ang aking siko, dumeretsyo siya sa lamesa kay may kinuha sa ibabaw no'n na folder. "You can sit for a while, may pipirmahan lang ako," sabi niya saka tinuro ang sofa sa gilid na kulay itim.

Tumango ako, imbes na umupo ay binasa ko ang mga throphy at certificate na naka-display sa isang gilid, may sariling estante ang mga iyon.

Alastair Jamall Dela Torre

Nilingon ko siya sa kanyang lamesa, nakaupo na siya sa kanyang swivel chair habang may suot na reading glasses.

"Malabo mata mo?" takang tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "Sa mga letters na malalapit lang, kapag maliliit ang letters," paliwanag niya.

Hindi ko maiwasan tumaas ang labi, gwapo pala siya huh?

Parang may kamuka siyang character doon sa binabasa ko rati.

Mukhang napansin niya ang ngisi ko, sumandal siya sa kanyang swivel chair at bahagyang tinapik-tapik ang ballpen sa lamesa habang nakatingin din sa akin animong may iniisip siya. Hindi ako nag-iwas tingin, sa huli ay bumuntonghininga siya at naiiling na bumalik na lang sa ginagawa.

Magtatanong pa sana ako nang bumukas ang pintuan, sabay kaming napalingon doon.

Kumunot ang noo ko nang magtama ang mata namin ng lalaki, napaawang ang kanyang bibig na para bang nakakita siya ng multo, ng taong matagal ng wala. Malalaki ang ginawa niyang hakbang upang makalapit sa akin at kinabig ako upang mahigpit na yakapin.

Halos lumuwa ang mata ko sa gulat.

What the . . .

"M-Miss na miss na kita. Ba't ngayon ka lang?" Nanginig ang boses niya.

Sobrang higpit ng kanyang yakap, may narinig akong pagkahulog ng mga gamit, bahagya kong tinulak ang lalaking naka-Police uniform din palayo sa akin pero malakas siya.

"Let go of her, D!" Alastair's voice echoed throughout the room.

______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store