ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 24

SaviorKitty

Kabanata 24:

"Bakit hindi ka makasagot, Alas? You want me to be honest with you, but what about you huh? Sino ka ba talaga Alastair Jamall Dela Torre? Who are you?" malumanay kong tanong habang hawak ang kanyang pisngi.

Naramdamann ko ang paggalaw ng kanyang panga habang nakatingin sa akin animong nananantiya.

Hindi siya makapagsalita kaya mas nasaktan ako, totoo lahat. So, tama ang lahat ng hinala ko?

Nakaawang ang kanyang labi, hindi inaalis ang tingin sa akin na para bang hindi pa niya tuluyan napo-proseso ang sinabi ko.

"Do you know what type of woman you're in love with? Siguro nga baliw ako pero hindi ako tanga, Alas. I observed every details from day one, lahat ng sinabi at ginagawa mo ay alam ko pero hindi ko maintindihan kung bakit ako? So now, tell me huh, be honest with me, b-bakit ako?" nanginig ang boses ko.

Pakiramdam ko ay nanuyo ang aking lalamunan sa samu't saring emosyon. Hinimas ko ang kanyang pisngi, napapikit siya sandali na para bang sinusulit ang oras at nang dumilat ay tipid siyang ngumiti.

"Ano bang sinasabi mo, Love? You okay?" tanong niya sa malumanay na boses, hinimas niya ang aking buhok.

Sandali ko siyang tinitigan saka ko dahan-dahan ibinaba ang aking kamay.

At least I tried, Alas. I'm giving you a chance to ready yourself. Kung hindi ka pa handa ay iintindihin ko, maiintindihan ko, iintindihin kita hanggat kaya ko.

Hinuli niya ang kamay ko kung nasaan ang singsing na ibinigay niya saka iyon hinalikan. Seryoso ang kanyang mukha, wala akong mabasa na kahit ano.

Kung kinakabahan ba siya o natatakot.

I'm good at reading emotion, and I can say that he's good. Wala akong mabasa kahit ano, parang totoo ang sinasabi niya. Na wala talaga siyang alam sa aking tanong.

Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

"So I was wrong," I sighed. "Baka nga nag-o-overthink lang ako. Kasi imposible naman na may connection ako sa adoptive father mo and maybe I was wrong too about you, being engaged. I assumed because of the marks on your finger," I said to him.

Hindi siya kaagad nagsalita, gumalaw ang kanyang panga.

"When I was in college, I had a promise ring. I gave myself a promise ring, which I removed when I graduated." His voice sounded so sincere.

"Is that so?" nakangiting tanong ko.

Dahan-dahan akong umalis sa kama, hind siya nag-angat ng tingin. Mabilis akong pumasok sa banyo at doon na sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil sa pinaghalong galit at kaguluhan.

Damn, why I'm in love with him this much?

Na kahit alam kong may tinatago siya ay hinihintay ko pa rin na maging handa siyang sabihin 'yon. Na naiisip kong baka hindi naman tungkol sa akin ang tinatago niya at hihintayin ko ang paliwanag niya pero sino bang niloko ko? Alas, he won't tell me anything 'till he succeeds.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng banyo upang kumalma, paglabas ko ay wala na siya sa kwarto.

Kinalma ko ang aking sarili hanggang hapon, inabala ko ang sarili ko sa pagsama sa mga kasama ko sa institution. Sa pag-alalay kay Kevin at paggawa ng activity nila at hindi ko na muling nakita si Alas ng araw na 'yon, alam kong iniiwasan niya ako.

Akala ko ay sa gabi ay uuwi siya, na magigising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa yakap niya pero hindi iyon nangyari.

Hindi siya umuwi sa akin.

Ang isang araw ay naging tatlo, hanggang isang linggo at naging dalawang linggo na. Hindi ko alam kung umalis na ba siya sa Palawan o nandyan lang at binabantayan ako.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na nagbabantay siya sa akin mula sa malayo, nagpapalamig o baka may inaasikaso pero habang lumilipas ang araw ay naaawa na lang ako sa sarili ko kakahintay.

Kakahintay ng paliwanag na sa tingin ko'y wala naman siyang balak na ibigay sa akin.

Naiisip kong sana ay hindi ko na lang siya kinonpronta, sana ay ayos pa kami. Ganito pala magmahal? 'Yong kahit masakit ay mas pipiliin mo pa rin masaktan.

Tanga na nga ako, may mas itatanga pa pala ako.

Malakas akong napabuntonghininga habang kumakain, kasalukuyang lunch namin. Nasa harapan ko si Kevin na deretsyong-dertsyo ang upo, inagaw ko ang kutsara at tinidor niya saka pinaghimay siya ng isda sa ulam niyang paksiw.

"Lisa, don't like paksiw," mahinang bulong niya.

"Kev..." banta ko sa kanya.

"Alice, paano mo nakakaya?"

Natigilan ako sa paghihimay. "Ang alin?"

"Ang sisihin ang sarili mo sa lumipas na taon? Kasi ako, halos isang taon pa lang wala si Lisa at sinisisi ko ang sarili ko ay parang araw-araw na rin akong pinapatay. Ang hirap, ni hindi ako makatulog." Sumikip ang dibdib ko sa tanong ng aking kaibigan.

Sinubuan ko si Kevin ng kanin at ulam na tinanggap naman niya.

"May iba-iba tayong pain tolerance, siguro sa environment na rin na kinalakihan ko kaya nakakaya ko. Iba kasi tayo, don't worry Kevs. I won't leave you, okay? Sasamahan kita hanggang gumaling ka," mahinang sabi ko saka sinubuan ulit siya.

Tipid siyang ngumiti.

"I'm sorry, Alice."

"Huh?"

"Sorry because I judged you easily. Aminin ko sa'yo, natatakot pa ako sa'yo noon kasi iniisip kong delikado kang tao, na . . . uhm, baliw ka. Hindi ko naisip na si Alice ka, you're our friend. Masama ang tingin nila sa'yo pero ang totoo ay hindi gano'n. Telling Sascha the truth was the best thing you could have done for her. We're sorry for what happened to your sister; we blamed you without knowing the full story. Sorry kung no'ng panahon na may mga sinasabi silang masama sa'yo ay hindi ka namin ipinagtanggol. Nahihiya talaga ako sa'yo lalo na lagi kang nandyan para sa amin, hindi ka nagtatanim ng galit, hindi ko alam kung paano mo 'yon nagagawa." Nanginig ang boses niya.

Nagpapasalamat na lang ako at hindi niya nakikita ang luha sa aking mata, mabilis ko iyon pinunasan saka pagak akong natawa.

"Pinapaiyak mo 'ko bakla ka!" segunda ko.

Natawa na rin siya saka ako kinabig upang yakapin, ginantihan ko ang yakap niya. Parang gumaan ang isang mabigat sa dibdib ko, kahit papaano.

"Thank you, baks," he whispered.

Nang matapos kaming kumain ay hinatid ko si Kevin sa cabin niya para makapagpahinga, bukas ay pupunta kami sa isang ginagawang school dito sa palawan. Hindi ako sigurado kung para saan pero pinapapunta kami roon.

Nang maghapon ay tumambay ako sa gilid ng dagat. Sinisipa-sipa ko ang pinong buhangin habang pinapanuod ang paglubong ng araw.

"Uy, nabalitaan mo ba? Grabe 'yong nangyari sa kanila, sa may . . ." Binanggit ng babae ang dating institution na pinagpasukan sa akin kaya napalingon ako sa kanila.

Nakaupo sila sa buhangin, doon ko napansin na staff sila ng institution kung nasaan ako ngayon, pinag-uusapan nila ang dati kong institution.

Anong meron?

Bahagya pa akong lumapit, tinigil ko na ang pagsipa sa buhangin. Kunwari ay nakatingin lang ako sa dagat pero pinapakinggan ko ang usapan nila.

"Ay nako, nabalitaan ko nga. Napasara sila?"

"Eh jusko naman, paanong hindi mapapasara may mga ginagawa pala sila sa loob! Kawawa 'yong mga pasyente nila. Wala na nga sa tamang pag-iisip ay ginagawan pa nila ng kahayupan, nakakakilabot," sabi ng isang babae.

Nanlaki ang aking mata. Naipasara?

"Mabuti na rin 'yon sa kanila. At alam mo ba ano ang weird? Nawawala 'yong ibang lalaking staff. Halos dalawang linggo na! Bago ipasara ay nawala na sila," mahinang sabi ng babae.

Napakurap-kurap ako kasabay ng malakas na tibok ng aking puso. Nawawala?

Gusto ko pa sanang magtanong pero umalis na sila.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Ang matuwa dahil sa wakas ay napaisara na sila, pero nasaan ang ibang staff? Nagtago na?

Nagtangis ang aking bagang.

Nanatili ako sa gilid ng dagat hanggang sa dumilim na ang paligid. Tinawag ako ng isang staff na kakain na pero tumango lang ako.

Hindi ko alam kung gaano pa ako katagal nandoon, napanuod kong pumalaot ang ibang mangingisda. Pinanuod kong lumayo ang kanilang mga bangka hanggang ang mga ilaw na dala nila ay unti-unti nang lumiit sa aking paningin.

Nasa gano'n akong posisyon nang may malaking braso akong naramdaman bumalot sa aking katawan.

Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil kilala ko ang pakiramdam ng katawan niya sa aking balat.

Mabuti naman at umuwi ka na sa akin.

Alas kissed my shoulder, he rested his chin while hugging my waist. Mas humigpit ang yakap niya sa akin nang maramdaman hindi ako gumalaw.

"I miss you, Love," he whispered.

Hindi ako nagsalita, kinilabutan ako sa kanyang boses, sobrang lalim no'n. Gusto ko siyang sigawan, saan siya galing? Bakit ngayon lang siya nagpakita?

Hinimas ko ang braso niyang nakapalibot sa aking tiyan.

"Saan ka galing?" malumanay na tanong ko.

Ibinaon niya ang mukha sa aking batok. "May inasikaso lang."

"Gano'n katagal?" Bakit hindi ka nagpaalam? Bakit ang tagal mo?

Suminghap ako dahil hindi ko na kayang idugtong pa iyon.

"Matagal kasi importante iyon. I'm sorry."

Bumaba ang tingin ko sa braso at kamay niya, kumunot ang noo ko nang makita ang mga sugat doon. Mga hiwa at pasa ata, hinimas ko iyon. Ni hindi siya napaigik kahit alam kong sariwa pa iyon.

"Anong nangyari rito?"

"Wala lang 'yan," kaagad na sabi niya.

Tumingin ako sa dagat. "Gusto mong pagkatiwalaan kita pero ako hindi mo kayang pagkatiwalaan."

"Alice, hindi kasi gano'n kadaling. . ." Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin.

Parang may kumurot sa puso ko pero blanko ang aking mukhang hinarap siya. Kita ko ang pagod sa kanyang mukha, gusto ko siyang kumustahin, gusto ko siyang pagpahingahin, itanong kung kumain na ba siya, na ayos lang pero natatakot akong baka masanay siya na gano'n lagi.

Naayos lang na iwan ako at babalik kung kailan gusto niya. Ayoko 'yon. Ayokong masanay siyang nagsisinungaling.

"Mahal mo ba talaga ako?" deretsyahang tanong ko.

Mabilis siyang tumango, sinubukan niyang hulihin ang siko ko pero iniwas ko iyon sa kanya.

"Gaano mo ako kamahal?" mahinang tanong ko. I hate being suspicious about things.

His eyes glinted. "I could destroy myself for you, Alice."

__________________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store