Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Kabanata 23
Warning: Sexual abused.
Kabanata 23:
"Please s-stop!" My voice cracked as I tried to push away the man on top of me.
Pinilit kong pumasag habang gumagala ang kamay niya sa aking batang katawan. Ramdam ko ang mainit niyang palad, pilit pinipisil ang mga pribado kong parte, mula sa dibdib hanggang sa ibaba. I awoke when someone approached my bed, and the next thing I know, someone covering my face with a pillow so I wouldn't see him.
Kinilabutan ako nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg, suminghap siya roon saka mahinang tumawa.
Nasaan si Ate? Sino 'tong nakapasok sa bahay? Anong gagawin ko?
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung ano-anong sernarya ang pumasok ang naisip ko.
Ang huli kong naaalala ay nagkasagutan sa kusina kanina si Kuya Travis at Ate Aryan bago ako umakyat sa aking kwarto at nagising lang dahil sa mabibigat na yabag sa aking kwarto.
Isang lalaki lang ang naisip kong pwedeng makapasok sa bahay. Siya lang ang malayang makakagawa nito.
Pinilit kong sumigaw pero balewala iyon dahil sa unan na nakadagan sa aking mukha, ang tangi kong naisip ay mamamatay na ako. I silently pleaded and prayed that if this is my last night, don't make it brutal, don't give this man what he wants.
Just kill me.
Hindi ko alintana kung magsugat-sugat ako o masaktan niya ako pabalik. I punched, kicked and scratched him.
Kung masasaktan niya ako ay sisiguraduhin kong masasaktan ko rin siya pabalik.
Ang luha ko ay sunod-sunod nang tumulo kasabay ng piping sigaw nang mahawakan niya ako sa pribadong parte.
The man was so strong, he gripped my waist and flipped me over without a warning.
Natanggal ang unan na tinabing niya sa aking mukha, sinubukan ko siyang lingunin habang umiiyak pero kaagad niyang tinakpan ang mata ko gamit ang kanyang matigas na kamay.
I'm so scared, I'm gonna die.
"N-No! Please! Let me go! L-Let me!" I cried.
Ramdam na ramdam ko ang malaki niyang katawan sa aking likuran, halos bumaon ang mukha ko sa aking kutson.
Mas lalo akong kinalibutan ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking batok. He kissed my neck while covering my eyes tightly, sinubukan kong tumayo para maalis siya sa aking likuran pero walang silbi, hindi siya natinag at pakiramdam ko ay mas nanggigil pa siya dahil lumalaban ako.
Umiyak ako nang umiyak, wala akong magawa.
Nagagalit ako para sa sarili ko.
"Hush, love," he whispered.
Sobrang lalim ng kanyang boses, hindi ko halos marinig dahil sa pag-iyak ko ang sinabi niya. May mga binubulong siya pero wala na ako maintindihan pa, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay dahil hindi na ako makahinga, ang huli kong naaalala ay ang pabango niya.
Sigurado akong hindi ko makakalimutan ang amoy na 'yon, ang amoy ng lalaking sumira sa akin. Sumira ng tiwala ko, ng kabataan ko.
Nang magising ako ay nag-aalalang mukha ni Alas ang bumungad sa akin. Nakaupo na siya sa gilid ng kama habang hinihimas ang aking ulo, gumagalaw ang kanyang panga.
Mas lalo akong napaiyak dahil buhay pa ako. Na panaginip lang 'yon, na tapos na 'yon, na nalagpasan ko 'yon.
"It's okay. You're safe, love. No one can hurt you," he mumbled while removing hair strands on my wet face.
Dahan-dahan akong tumango dahil sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung gaano ako nagtagal sa gano'n posisyon bago tuluyan kumalma, doon ko napansin na nakasuot na ako ng malaki niyang shirt habang naka-boxer siya.
Sinubukan kong umupo at kaagad naman niya akong inalalayan.
Napangiwi pa ako dahil sa sakit ng ibabang parte ko, balakang at hita. Pakiramdam ko ay naging manananggal ako kagabi at kababalik lang ng ibabang parte ko kaya masakit pa.
"Nauuhaw ako," bulong ko.
Gusto ko siyang sigawan at sisihin, pero sino bang niloko ko? Ako itong may pa-make me happy, ibang klase pala siya magpasaya, nakakalumpo.
Hindi siya nagsalita, pumunta siya sa lamesa sa maliit na ref sa kwarto at kinuha ako ng tubig. Pinunasan ko ang basa sa aking pisngi, pilit kinakalma ang sarili.
Napanguso ako nang maalala ang nangyari sa amin. Gusto kong sampalin ang sarili ko.
Tama nga ang mga kaibigan ko noon, kung anong kinaamo ng mukha ay siyang kinadumi ng isip ko. Mukhang magagamit ko rin pala ang mga natutunan ko sa mga binabasa kong BL stories noon.
Napailing ako nang malala ang itsura ng sawa niya, nakakita na ako ng gano'n noon sa mga binabasa ko pero hindi gano'n live na live. 'Yong mga nakikita ko ay naggo-glow lang or blured kaya nabigla ako sa nakita ko iyon, malinaw na malinaw at pakiramdam ko ay kapag pumikit ako ay makikita ko pa rin iyon.
Nang makabalik siya ay kaagad niyang inabot ang baso sa akin. Pinanuod niya akong uminom nang matapos ay inilapag niya rin ang baso sa malapit na lamesa, parang hanggang ngayon ay kabado pa rin siya.
Siguro ay maingay ako kaya nagising din siya.
Nakakunot ang noo niya nang umupo sa aking harapan. He put his hand on my thigh and gently squeezed it.
"Sorry, nagising kita," nasabi ko na lang.
"Okay lang, kanina pa rin ako gising. Tinititigan kita nang magsimula kang umiyak, akala ko pina-prank mo ako," mahinang sabi niya.
"Hindi ka ba galit?"
"Huh?"
"Because I woke you up, 'yong mga kasama ko sa ward noon sa loob ng indtitution laging galit sa akin dahil naiistorbo ko sila, kahit mga bantay nagagalit," mahinang paliwanag ko.
Napatuwid ako ng upo sa kama nang pisilin niya ang hita ko. "Ayos lang, kahit siguro araw-araw akong magising dahil sa'yo ay ayos lang, Alice."
Kinagat ko ang aking ibabang labi, he smirked a little.
"What's your dream? Pwede mong sabihin sa akin." Ramdam ko ang pag-iingat sa kanyang boses, pinaglaruan ko ang aking mga daliri sa ibabaw ng aking mga hita.
"Nothing."
"What's nothing? Kung wala 'yon ay hindi ka iiyak ng gano'n habang tulog, Alice. Alam ko mahirap sa'yo, huwag hindi ka pa handa ay huwag mong sabihin pero tandaan mong mag-asawa na tayo, hindi man legal pero para sa akin mag-asawa na tayo at may karapatan akong malaman ang mga nangyayari sa asawa ko. I need you to trust me, love."
Malakas akong bumuntonghininga, parang may humaplos sa puso ko. Alam ko naman nasabi ko na sa kanya ito noon, hindi nga lang buo at isa pa parang ayaw rin niyang pag-usapan ito noon o natatakot siyang magtanong. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na gano'n nga.
"It has something to do with my p-past. When, um, someone attempted to violate me. Well, nasabi ko naman na 'to noon hindi ba?"
Nakita kong gumalaw ang kanyang panga bago marahan tumango. Sinimulan ko sa kanyang ikwento nang mas detalyado sa kanya ang panaginip ko at aminin ko man o hindi ay nakakatulog ang presensya siya ngayon upang kumalma ako habang sinasabi iyon sa kanya.
Nanatili ang kamay niya sa aking hita. He didn't look away; instead, he focused his full attention on what I was telling him. All of that, as if he's ready to take notes.
"I know that this is unimportant. I'm not interested in this, nothing will change because I'm still in love with you. I know, this is not big deal but because of you, everything will be big deal to me so I'd like to know if it was the reason why you lost your . . ." Hindi niya natuloy ang sinasabi, ipinirmi niya ang kamay sa aking hita.
"Virginity?" Patuloy ko, nakita ko ang paggalaw ng kanyang lalagukan.
Gumalaw ang kanyang panga. Wala sa sariling inabot ko iyon at hinimas, bahagyang tumutubo na ang mga buhok niya roon.
Napapikit siya, nang dumilay ay marahan siyang tumango.
"Sasabihin ko pero sa isang kondisyon."
"What is it?" mabilis niyang tugon.
"Be honest with me too, may itatanong din ako sa'yo at gusto kong sagutin mo ng totoo," tipid akong ngumiti sa kanya.
I caressed his cheek using my thumb, hinuli niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Okay, I promised. Love."
Sandali kaming tahimik, iniisip ko ang magandang salitang gagamitin ko.
"Hindi natuloy 'yon, noong gabing 'yon. Hindi ko alam kung anong nangyari basta nang magising ako kinabukasan ay mag-isa lang ako sa kwarto. Sinisi ko si Kuya Travis, pero nitong nakaraan naisip kong hindi basehan ang pabango para isisi iyon sa kanya. To make the long story short, I l-lost it inside the institution."
Pinigilan kong pumiyok, siguro ay nakita niya ang kamay kong hindi mapakali kaya hinawakan niya iyon nang mahigpit.
Nakita ko ang kalmado niyang mukha ngunit bakas ang pagkaseryoso, salubong na ang makapal niyang kilay at patuloy na gumagalaw ang panga.
"What do you mean?" tanong niya sa madiin na boses.
Nagbaba ako ng tingin.
"I lost everything. Dumaan din ako sa stage na hindi nakakausap, hindi kakain at higit sa lahat ay tulala. Hindi ko na alam 'yong nangyayari sa akin no'n, s-someone inside the institution, a male staff that delivering our food . . . uh, violated me."
"Alice!" sigaw ni Alas at mahigpit akong niyakap, doon ko napansin na umiiyak na ako. "Huwag mo nang ituloy!"
Marahas akong umiling.
Gusto kong sabihin sa kanya lahat, gusto kong malaman niya lahat.
"H-Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat, Alas na wala ako masyadong maalala noong mga panahon nasa loob ako. H-Hindi lang isang beses, alam ko. Paulit-ulit akong ginamit. Kapalit ng sabaw, wala akong magawa e, ginugutom ako sa loob! Doon sa unang institution na pinagdalhan sa akin, hindi ako dini-deliver-an ng pagkain, lumilipas ang linggo ni tubig wala! Para mabuhay, gusto kong mabuhay e, gusto kong g-gumaling, gusto kong makalabas, g-gusto kong itama lahat. Kaya oo! Ginagamit ako sa loob, kapalit ng sabaw na nagiging lakas ko para lang maka-survive sa putanginang mundong 'to." Malakas akong napahikbi habang nasa bisig niya.
"Love, please," he whispered like he's in pain.
Mahigpit niya akong niyakap, halos hindi ako makahinga roon.
"N-Now tell me, do you still love me huh? Masisisi mo ba ako kung hindi ako kaagad nagtiwala sa'yo noon? Kasi alam ko, lahat gagamitin lang ako. Para ngang nabuhay lang ako sa mundong 'to para maging gamit ng iba. Hindi ko alam kung deserve ba kita, sakim ba ako kung sasabihin kong pumayag akong magpakasal sa'yo kasi gusto kong sumaya kahit sandali lang?!"
Tuloy-tuloy lang na tumulo ang luha ko, ang masikip na dibdib ko ay unti-unting lumuluwag dahil nasabi ko sa kanya ang bagay na 'yon.
Ramdam ko ang panginginig niya dahil sa galit.
"You don't deserve your traumas," he whispered, he sounded mad and serious.
"I'll make them pay, Love. Sisiguraduhin kong mawawala sa mundong 'to lahat ng mananakit sa'yo at kung hindi ko man magawa 'yon, gumawa na lang tayo ng sarili natin mundo kung saan walang mananakit sa'yo," he whispered to me.
Napangiti ako kahit humihikbi, alam kong gusto niyang pagaanin ang loob ko.
Hindi ko alam kung may ibang ibig sabihin ba 'yon.
Pinilit ko siyang ilayo sa akin. Matalim ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung para kanino iyon. Mabilis niyang pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.
Hinimas ko ang umiigting niyang panga upang kumalma siya.
"Ayokong manakit ka ng iba para sa akin. Promise me."
Marahas siyang umiling saka pumikit. "I don't want to promise, Alice. Galit ako, galit na galit ako ngayon pero pinipigilan ko kasi ayokong makita mo. Please, don't make me promise."
Nang dumilat siya ay tipid ko siyang nginitian, hinimas ko ang pisngi niya.
"Ako naman ang magtatanong . . ." Binasa ko ang aking labi, saka deretsyo siyang tiningnan sa mata. "What's my connection to your adoptive father and ex fiancé, Officer?" I asked him. Unti-unti ay nanlaki ang kanyang mata, nagbaba ako ng tingin saka tumulo ang luha ko.
"Alice..."
"Bakit ako, Alas? Anong nagawa ko para saktan niyo ako ng ganito hmm? P-Pease, tell me so I'll understand why you're planning to kill me."
__________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store