Teach Me Tacenda (Teach Series #5)
Kabanata 18
Kabanata 18:
ISANG LINGGO ang lumipas pagkatapos ng araw na 'yon. Mabilis lumipas ang araw at kahapon lang ay nakausap ko si Dr. Morelli at may ibinalita sa akin, kailangan kong um-attend ng mga tour sa ibang lugar bago matapos ang tatlong buwan ko.
Kailangan kong gawin ang mga iyon upang makompleto ko ang requirements nila bago ako tuluyan i-release.
I need to leave my work to go to Palawan.
Hindi ko alam na may ganito ang institution. It's as if they're allowing the patient to explore new places, new people, and new environments. Lalo na raw sa katulad kong ilang taon nanatili sa loob.
Kaharap ko si Samy na madramang umiiyak, kakatapos ko lang sabihin sa kanya na ito na ang huling araw ko dahil sa Lunes ang alis namin at hindi ko alam kung ilang linggo kami roon.
"Bakit naman biglaan, Ate Alice? Kung kailan nasanay na kaming nandito ka tapos bigla kang aalis!" Himutok niya, tipid akong napangiti nang makitang nangilid ang kanyang luha.
Sinabi ko sa kanilang dalawa ni Tonyo ang dahilan ng aking pag-alis at inaasahan kong magagalit sila o katulad ng iba ay katatakutan ako, kukutyain dahil sa aking nakaraan pero hindi nila ginawa iyon bagkus ay ipinaramdam nila sa akin na walang nagbago, ako pa rin ang Ate Alice nila na lagi silang sinusungitan.
Napalingon ako kay Tonyo na nakanguso sa gilid, nagtatampo na naman ang payatot.
Natatawang tinapik ko ang balikat ni Samy.
"Pasensya na kung biglaan, Samy. Kakasabi lang din kasi sa akin kahapon at kahit ayoko man umalis kaagad ay kailangan dahil kasama 'to sa mga requirements nila. I know you'll understand me." Tipid akong ngumiti saka tumingin kay Tonyo. "Take care of our shop huh, Tonyo?"
Kinagat niya ang ibabang labi saka nag-iwas tingin, kakamot-kamot pa siya sa kanyang batok.
Mas natawa ako nang hindi nakapagpigil si Samy at mahigpit akong niyakap. Tinapik ko ang balikat niya habang nakatingin kay Tonyo, bakas kong malungkot din siya.
Nang magtama ang aming mata ay inilahad ko ang aking kamay kaya mabilis siyang lumapit at mahigpit kaming niyakap.
Natatawang tinapik ko ang mga likod nila, pakiramdam ko ay maiiyak ako kaya idinaan ko na lang sa pagtawa.
Mas lumakas ang hagulgol ni Samy, pakiramdam ko tuloy ay hindi na ako babalik sa lakas ng iyak niya, si Tonyo naman ay sumisinghot-singhot na.
"Papakabait kayong dalawa, kapag tuluyan na akong naging maayos ay bibisitahin ko kayo."
"Ate Alice naman!" Si Tonyo, humiwalay na ng yakap sa amin.
"So you're finally calling me Ate huh?"
Hindi siya sumagot, suminghot siya kaya natawa ako. Ginulo ko ang buhok ni Samy.
I'm wishing the best for their business.
Tipid lang akong ngumiti, kahit hindi ko man sabihin dalawa sa kanila ay tinuring ko na silang para kong mga nakakabatang kapatid. Kahit sa ilang buwan lang namin pagsasama-sama ay naging mahalaga sila sa akin.
Mamimiss ko 'yong tawanan nilang dalawa, 'yong pagkain namin tatlo nang sabay-sabay tuwing lunch. Yung paghintay nila sa sundo ko tuwing hapon bago sila umalis, 'yong pagtawag ng Ate sa akin.
"Done?" bungad sa akin ni Alas nang makasakay ako sa kanyang kotse.
Malungkot akong tumango, ipinahinga niya ang palad sa ibabaw ng aking hita.
"They'll understand, Love. Bisitahin na lang natin sila sa susunod, 'kay? We can visit them anytime, isipin mo na lang na pagkatapos nito ay magagawa mo na ang gusto mo. You can visit your friend freely," mahabang sabi niya sa paos na boses.
Tumango ako saka tumingin na lang sa labas ng kotse.
Hindi niya inalis ang kamay sa akin habang nasa biyahe kami, paminsan-minsan ay pinipisil niya ang laman ko roon.
Nang hapon na iyon ay umalis si Alas dahil may tumawag sa kanya. I didn't ask him about the phone call, although it appears to be urgent. Sinabi niya lang na sandali lang siya at uuwi rin kaagad, sabay kaming magdi-dinner. Kung minsan nga'y naiisip kong hindi naman na talaga niya ako binabantay, hindi katulad noong mga naunang linggo o sadyang hindi ko lang namamalayan na may sumusunod sa akin, baka pinapasunod pa rin niya si Beno kapag wala siya.
Buong umaga kong inabala ang aking sarili sa pagpipinta at nang maghapon ay napagpasyahan kong lumabas ng bahay.
I didn't forget the man from last week. 'Yong gwapong lalaki na inakala kong kasintahan ni Alas.
Sinabihan niya ako noon nakaraan linggo na magkita kami sa simbahan malapit sa pinagtatrabahuhan ko.
Noong una ay ayokong pumunta dahil naisip pero naisip kong wala naman mawawala. Hindi naman siya kikilos nang gano'n kung wala lang, kung hindi importante ang kanyang sasabihin.
Tahimik akong nakaupo sa batong upuan sa gilid ng simbahan, may mangilan-ngilan tao na naglalabas-pasok at may ilang nagtitinda rin sa gilid.
Palinga-linga ako habang hinihintay siya, lumipas na lang ang isang oras ay wala pa siya hanggang madagdagan pa ng kalahating oras. Unti-unti nang dumilim ang langit, naiisip kong kailangan ko ng umuwi dahil siguradong mag-aalala na naman 'yong surot na 'yon.
Noong nakaraan gabi na hinayaan niya akong bumili ay ginabi ako dahil umulan, at ang surot na 'yon ay nagpatawag kaagad ng baranggay.
Nakakahiya dahil naabutan ko silang nagme-meeting sa labas ng bahay kung paano ako hahanapin.
"Bakit ba ako naniwala roon?" bulong ko saka tumayo na.
Pinagloloko lang ata ako no'n lalaking 'yon, pinapunta ako tapos hindi naman pala pupunta.
Malakas akong napabuntonghininga saka nagsimula nang naglakad pauwi. Sinipa-sipa ko pa ang maliliit na bato na aking nadaraanan.
Habang naglalakad ay nakapagtanggap ako ng tawag galing kay Beno, ilang beses siyang pinagbantay ni Alas sa akin kaya may numero na rin niya ako.
Tumigil ako sa paglalakad bago pa ako makalabas sa gate ng simbahan.
"Hello?" I answered him.
"Hello, Ma'am?" Nagsalubong ang kilay ko sa tono ng kanyang boses, bahagyang maingay sa kabilang linya.
"Si Officer Alas?"
Iyon kaagad ang tinanong ko, narinig kong may tumawag kay Beno. Mukhang nagkakagulo sila kung nasaan man sila.
"A-Ah, 'yon nga po ang tinawag ko. Kasama niyo ho ba si Lieutenant Dela Torre?"
Marahas akong umiling kahit pa hindi niya nakikita. "Hindi, pupunta raw siya sa station. May nangyari ba?"
"Ano kasi, Ma'am. May biglaan ingkwentro kaming pinuntahan, may hinoldap pong banko. Wala sana sa plano ang makipagputukan pero nanlaban ang kausap namin."
Pakiramdam ko ay umakyat sa ulo ko ang dugo sa aking dibdib, kinagat ko ang aking ibabang labi habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Ayos lang ba siya? Nasaan siya?"
"I-Iyon nga po ang itatanong ko Ma'am, pagkatapos po kasi ng putukan ay may mga sibilyan din na nadamay. Lieutenant Dela Torre killed the holdaper, kaso m-may dalawang sugatan sibilyan at isang patay na guard M-Ma'am. Bigla pong nawala si Sir nang malaman iyon..." Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin, kaagad ko siyang binabaan ng tawag.
Malalaki ang aking hakbang upang umuwi sa kanyang bahay, baka nandoon siya.
Kung ano-anong pumasok na senaryo sa isip ko pero ang tumanim sa akin ay ang pakiramdam na makasakit ka ng iba na hindi mo sinasadya, alam ko ang pakiramdam no'n.
Tatawid na sana ako ng kalsada para makapasok sa village nang may humila ng aking braso, kaagad akong napabaling sa babaeng humarang sa akin.
My mouth dropped when I saw Sascha.
"A-Alice . . ." gulat na sabi niya, mukhang hindi inaasahan na makita ako.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon nasa harapan ko siya. Napalingon ako sa likuran niya kung nasaan ang malaking gate ng village.
"Alice, h-hindi ko alam na nandito ka! Alam ba 'to nila Kevin? M-Maraming nangyari Alice, m-masaya akong makita ka." Mahigpit niya akong niyakap, hindi ko siya ginantihan ng yakap.
Ang tanging nasa isip ko ay makauwi na, nawala na sa isip ko na matagal ko ng gustong makausap si Sascha.
Dahan-dahan kong binaklas ang kanyang yakap saka siya tipid na nginitian.
"Ayos ka lang ba? Saan ka pupunta?" natarantang wika niya nang akmang lalagpasan ko siya.
"My man needs me right now." I tapped her head, like before. "We'll talk soon okay? I'm sorry. I can't talk to you right now."
Nakita ko ang paglaglag ng kanyang panga, hindi ko na siya hinintay pang magsalita at mabilis ko siyang tinalikuran.
Maliliit ang aking biyas na naglakad-takbo hanggang makarating sa bahay ni Alas. Halos mapamura ako nang makitang nandoon na ang kotse niya sa parking lot niya pero hindi maayos ang pagkaka-park.
Malalaki ang hakbang na pumasok ako sa bahay.
"Alas?" I called him.
Tahimik ang buong bahay, kaagad akong umakyat sa itaas kung nasaan ang kanyang kwarto.
Nanlaki ang aking mata nang makita sa kama ang nagkalat niyang damit, kahit kulay itim ay bakas ang matsya ng dugo roon. Mas lalo akong kinabahan dahil kaagad kong naisip na galing sa kanya ang dugo na iyon.
Nakalatag sa kama ang kanyang baril at ilang bala.
Malakas ang buhos ng tubig sa banyo, kumatok ako pero walang sumasagot.
"I'll open the door!" I informed him before pushing his door.
Mas lalo akong nahabang nang makita siya sa ilalim ng shower, nakayuko lang siya roon. Tanging pantalon ang suot, umaagos ang tubig na kulay pula sa kanyang katawan hanggang sa puting tiles.
Kaagad akong lumapit, pinatay ko ang shower.
Hindi niya ako nilingon, nakatitig lang siya sa ibaba. Pakiramdam ko ay takot siyang salubungin ang aking mga mata.
Walang nagsalita sa amin, hindi ko alam kung anong salita ang dapat kong sabihin para pagaanin ang loob ko. Bigla akong nalungkot dahil kapag ako ang nakakaramdam ng ganito ay alam na alam niya kung paano ako damayan samantalang ako ay walang magawa.
"I-I killed innocent people," he whispered. "I'm a monster."
Napatingin siya sa kanyang kamay, nanginginig iyon. Napamura ako sa aking isip nang dahan-dahan siyang umupo sa tiles.
Pakiramdam ko ay nanghina siya nang makita ang mga dugo sa kamay niya
"Alastair!"
Napaluhod din ako, dahan-dahan siyang yumuko sa kanyang tuhod.
Gustong itago ang mukha sa akin pero hindi ko iyon hinayaan.
Pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil alam ko ang pakiramdam no'n, ang pakiramdam na makasakit ng ibang tao na labag sa kalooban mo, at hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin iyon. Dala-dala ko kahit sa pagtulog.
Mahigpit kong niyakap si Alas, ipinalibot ko ang aking mga braso sa kanyang katawan. Alam kong hindi sapat iyon pero umaasa akong sa mga yakap ko ay maibsan ang sakit na nararamdaman niya.
Kahit kaunti lang.
Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg, hinimas ko ang kanyang buhok at likod. Unti-unti na rin nabasa ang aking damit pero wala na akong pakielam, parehas kaming nakasalampak sa malamig na banyo.
"Pagod na pagod na ako, p-pagod na ako." He cried to my neck.
I bit my lower lip.
"It's okay, ayos lang. I won't judge. It's okay my love," I whispered and kissed his temple.
Unti-unti ay narinig ko na ang kanyang pag-iyak sa aking bisig. Tahimik pero puno ng sakit, na para bang sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang nailabas ang luha na 'yon.
Magiging ayos lang lahat mahal ko.
____________________
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store