ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 14

SaviorKitty

Kabanata 14:

"Maybe we can ask for a sallary huh?" Alastair commented on my back.

Hindi ko pinansin ang kanyang komento saka pinagpatuloy ang pagtulak ng cart na may mga laman paint at brush. Ilang beses din kaming huminto tuwing nakakakita ako ng paint bottle na nakatalikod o hindi nakaayos ang pagkasalansan at ang lalaking kasama ko ay kanina pa komento nang komento.

Kesyo dapat daw ay swelduhan kami, sino ba kasing may sabing tulungan niya ako? Nakikiayos din naman siya.

Sumabay siya sa akin ng paglalakad, nang huminto ako sa tapat ay nawala na siya sa gilid ko.

I scanned the pallette board shelves and through my peripheral view, I noticed him approaching the sales lady and asking her something.

Tumuwid ako ng tayo saka inabala na lang ang sarili.

Tsk, kahit saan talaga napaka babaero e.

Hindi ako lumingon pero pinakiramdaman ko sila. Hindi ko naman sinasama ang isang 'to, pero syempre dahil para siyang surot ay kung saan-saan siya lilitaw, ang hirap paalisin.

Sabi niya noon ay hindi ko malalaman na susunod siya at babantayan ako pero sa ginagawa niya, mukhang palpak siya sa trabaho.

Kung alam ko lang manbabae lang pala ang ipinunta niya rito ay hindi na lang ako pumayag na sumama siya, dapat ay nag-commute na lang ako tutal ay may gagawin din naman ata siya sa station nila.

Kahit si Beno na lang ang nag-drive sa akin.

"Love, there's acrylic paint and-"

"Shut up."

"Huh?"

Hindi ko siya nilingon nang dungawin niya ang aking mukha. Kumunot ang noo niya habang sinisipat ang mata kong iniiwas sa kanya.

Dinampot ko ang isang wood pallete board.

Alastair Jamall Dela Torre poked my right cheek.

"Nagsusungit ka na naman."

"Nambabae ka na naman," I fired back, but almost a whisper.

Hindi siya kaagad nakasagot. Hah! See, men!

Inilagay ko na sa cart ang napili kong board at tinalikuran na siya. Hindi pa man ako nakakalimang hakbang ay naramdaman ko na siyang nakabawi at sumunod sa akin.

Alas rested his left arm on my shoulder, halos mapaigtad ako sa biglaan niyang akbay sa akin. Masyadong malapad ang kanyang katawan kaya halos matumba ako roon.

"Ano ba?" tinabig ko ang kamay niya sa aking balikat.

Nang magtama ang aming mata ay mas lalo akong nainis nang makita ang kinang sa mga iyon.

He gave me a malicious look.

"Is my love jealous?" he whispered to me.

Halos bugahan ko siya ng apoy dahil sa sinabi niya, tinulak ko ng kanyang tiyan. Ramdam ko ang katigasan doon, tuluyan akong nakaalis sa kanyang pagkakaakbay at pakiramdam ko'y pinagbigyan niya lang ako.

I gritted my teeth and marched up to the counter.

Nakita ko nang nakatayo sa gilid ang sales lady na pinagkausap niya kanina, tinutulungan ang nasa counter.

Okay, she's pretty.

So ganito ang type niya pala? Chinita huh?

"Ito na po lahat, Ma'am?" Tumango ako sa nasa babaeng nasa counter at tinulungan siyang kunin ang mga binili kong materials sa cart.

Nakita kong tumingin ang chinitang sales lady sa likod ko. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na dahil sa pabango niyang kaagad kumalat sa aking ilong.

He added set of acrylic paint. "Pakisama 'to, Miss. Thanks."

"Sir, nakita niyo na po 'yong mga pinturang hinahanap niyo?" tanong ng babaeng chinita sa kanya na ngayon ay ngiting-ngiti na.

Bakit ako kanina ay hindi niya nginitian?

Nilingon ko si Alas, tipid siyang ngumiti at tumango sa babae kaya naningkit ang aking mata.

Naalis lang ang atensyon ko nang sabihin ng babae sa counter ang babayaran ko. Mabilis kong kinuha ang aking wallet, naunang naglapag si Alas ng card niya.

I looked at him flatly. He pursed his lips together. Mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin, I don't want him to pay my materials.

"A-Ah, tumatanggap kayo ng card, Miss?" baling niya sa cashier.

Mabilis tumango ang babae. "Oho, Sir. Ah, kayo po magbabayad?"

Sinulyapan niya pa ako ng isang beses bago umiling sa babae. "Ah, no. Survey lang. My wife will pay."

Hindi na ako nagsalita pa roon, nakita kong bumaba ang tingin nilang dalawa sa aking kamay kaya mabilis ko iyon ibinulsa at kunwaring may hinahanap.

Si Alas ang nagbuhat ng ilang paper bag ko, para may pakinabang naman ang mga muscles niya.

Habang nasa parking lot ay naisip ko ang ginawa ko kanina.

What the hell, Alice? What was that?

Bigla akong napangiwi sa naisip ko, anong kaartehan 'yong kanina at saka ano raw, my wife? Ano naman sa akin kung makipag-usap siya, paki ko naman.

Napapailing na pumasok ako sa sasakyan niya, inayos niya ang mga dala namin sa likod.

Maybe this is just a side effect of my meds. Baka nga gano'n lang, kaya madali uminit ang ulo ko, tama!

Nang sumakay siya sa driver seat at pumikit na ako at humalukipkip. Ayokong makita ang panget niyang mukha, maiinis lang ako panigurado.

"Stop looking na, drive," utos ko habang nanatiling nakapikit.

Akala ko ay aasarin pa rin niya ako tungkol kanina kaya nakahinga ako nang maluwag ng hindi na niya iyon binalikan pa.

Talagang susuntukin ko siya kung magkataon.

"Kumain muna tayo bago umuwi."

"Ayoko."

"Fine, I'll cook. Sa bahay na lang," pagsuko niya.

Marahan akong tumango at hindi siy nilingon. Mas ayos na 'yon kaysa sa labas, baka kung ano na naman mangyari.

༺❀༻

INIPIT ko ang humahangin na hibla ng aking buhok habang nakatayo sa isang puno hindi kalayuan sa malaking puting gate. Even though it's nearly ten o'clock, the lights in the modern house are still on.

Ganyan siguro kapag parehas guro ang mag-asawa, kahit gabi ay gising pa.

Hindi ko maiwasan mapangiti habang pinag mamasdan ang bahay nila Sascha.

Nandyan sa loob, ito ang kanyang tahanan, kung saan siya ligtas at walang mananakit sa kanya.

Gusto ko sana siyang makausap pero alam kong hindi pa pwede, hindi pa tapos ang tatlong buwan na ibinigay sa akin bago sila tuluyan malapitan kaya ngayon ay nakukuntento na lang ako sa pangangamusta sa mga tinuring kong kaibigan mula sa malayo.

I don't have plans to do this, wala naman sa isip kong bisitahin si Sascha pero hindi ako makatulog kaya tumakas ako at balak ko silang lahat na bisitahin.

Nakakatawa lang isipin na ang babaeng gusto ko noon ang siyang asawa naman ngayon ng lalaking kinakainisan ko.

Tatalikod na sana ako para umalis nang bumukas ang gate.

I came to a halt when I saw Kuya Travis carrying a baby while throwing a garbage bag outside their house. Dahil malapit lang ang aking kinakatayuan sa gate nila ay narinig ko ang binubulong-bulong niya.

"Ako na nga naghugas, ako pa pinagtapon basura, ako pa nyan maglalaba bukas. Pasalamat siya buntis siya kung hindi—" He stopped ranting when our eyes met.

Nakita ko ang gulat sa kanyang mata bago nagseryoso, bumuntonghininga ako bago umayos ng tayo.

Nakita na niya ako, wala ng silbi kung magtago pa ako kaya tuluyan na lang akong lumabas mula sa gilid ng puno kung saan ako nakatayo.

Hinalikan niya ang baby na dala niya, sumunod ang tingin ko roon. Parang may kurot sa puso ko nang may maisip.

Kuya Travis walked towards me, closing their gate and placing his palm on his son's back for support.

Nang magtapat kami ay mas nakita ko ang mukha ng kanyang anak, kamukang-kamuka niya ito habang nakahilig sa kanyang balikat at napipikit-pikit pa.

"How old is he?" I asked.

Kuya Travis sighed. "Nearly two."

"Bakit gising pa siya? Gabi na," malumanay na puna ko. Ngumiti ang baby na lalaki sa akin kahit inaantok na sa braso ng kanyang ama.

"He can't sleep, medyo mahirap patulugin ngayon."

Napatango ako at wala ng masabi pa. Hindi siya nagulat na nasa labas na ako, bakit pa nga ba ako nagtaka? Siya ang nag-request na makalabas ako sa institution kaya alam kong alam niya rin kung saan ako tumutuloy ngayon.

Of course he'll make sure to take his family away from me.

Tumikhim si Kuya Travis. "Gusto mo bang pumasok, Alice?"

Natawa ako sa tanong niya.

"You know I can't."

He didn't respond; instead, he glanced at me as if he was thinking something.

"Kumusta ang tinutuluyan mong bahay? Maayos ka ba roon? I'm sending some financial help but the institutions told me that you declined it."

"Buhay pa naman ako so ayos lang ako kung nasaan ako." Sandali kong tiningnan ang kanyang kargang bata na tuluyan nang nakatulog sa kanyang bisig. Walang duda na anak niya, hindi ko tuloy maiwasan maisip kung ano ang reaksyon niya kung malaman niyang ang inaakala niyang anak kay Ate ay hindi naman talaga niya anak. "And about money. Don't send again. May trabaho na ako at tingin ko'y sapat na 'yon para buhayin ang sarili ko."

"But I promised-"

"You promised to my sister, Kuya Travis. Hindi sa akin, kay Ate Aryan mo ipinangako ang bagay na 'yon." Huminga ako ng malalim.

Hindi ako handa sa komprontasyon na ito, wala ito sa aking plano.

"Itabi mo na lang pera mo para sa pamilya mo, ninyo ni Sascha. Sapat na ang mga naitulong mo sa akin sa lumipas na panahon," mahinahon na usal ko.

Lumamlam ang kanyang mata.

Tumalikod na ako habang hindi pa tumutulo ang namumuo kong luha. Hindi ko alam kung para saan iyon, galit? Sakit? Takot?

Bago ako tuluyan makalayo ay lumingon ako sa kanya, nakita ko siyang nanatiling nakatayo roon.

"Hindi ko alam kung kailan ulit tayo magkikita o gusto pa ba kitang makita . . . but I want to know . . . w-why?"

Nanginig ang aking boses, nagpasalamat na lang ako at malayo na ako sa kanya kay hindi niya makikita kung sakali mang mangintab ang aking mata sa nagbabadyang luha.

"Alice."

"Why y-you ruined me? Hindi ako magsasawang itanong sa'yo 'to, bakit mo nagawa 'yon Kuya Travis? Isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ko noon. Masaya ako para sainyo ni Ate p-pero bakit? Y-You tried to abuse-"

"No. Alice. Paulit-ulit ko rin ipapaliwanag sa'yo na wala akong ginawa sa'yong gano'n! Oo, nalalasing ako pero alam ko pa ang ginagawa ko!" Mariin siyang pumikit, nang dumilat siya ay nangungusap na ang kanyang mata pero wala akong maramdaman kundi kirot sa aking dibdib. "Hindi ko magagawa sa'yo iyon o kahit sino man babae. I never touched you that way, Alice."

Umiling na ako saka pagak na natawa.

Sana nga hindi, sana hindi nga nangyari iyon pero alam ko. Tandang-tanda ko ang kanyang pabango.

"You can't lie to me. I remember your perfume that day. Hindi ko alam kung anong pinainom mo sa akin ba't nanghina ako noon o dahil naalimpungatan ako pero tanda ko ang amoy ng lalaki ng gabing iyon at hinding-hindi ako magkakamali dahil pagkatapos lang ng ilang araw ay ang pabango ng iyon ang gamit mo. S-So tell me? Coincidence ba 'yon?" Hindi ko maiwasan magtaas ng boses.

Kinagat ni Kuya Travis ang kanyang labi, sandali siyang natigilan animong may naaalala.

"What perfume? Alice, ang daming gano'n pabango sa mundo. My Police friend gave that to me as a gift. Ano bang sinasabi mo?" He sounds frustrated.

Bahagya niyang inalog-alog ang anak sa braso nang bahagya itong gumalaw animong naingayan sa amin.

"Sige nga! Kung totoo ang sinasabi mo, sinong kaibigan ha? Ikaw lang ang lalaking nakakalabas-pasok sa bahay kaya imposible ang sinasabi mo! Bakit hindi mo na lang kasi aminin? You tried to rape me!" I sobbed.

"Damn it, we are not related by blood but I treated you like my own sister, Alice!" Humakbang siya upang lapitan ako.

Bubukas pa sana ang bibig ko para sagutin siya pero narinig ko na ang pagbukas ng pintuan ng kanilang bahay.

"Trav, ang tagal mo naman? Si Baby Trade nahahamugan, ano bang ginagawa mo?" Si Sascha.

Sa taranta ko ay mabilis na akong tumalikod, kaagad kong pinunasan ang luha ko.

༺❀༻

ALAS-DOS na ng madaling-araw ng makauwi ako, kumurap-kurap pa ako nang makita ang galit na mukha ni Alas na nakaupo sa kanyang sofa habang matalim ang tingin sa akin.

Humakbang ako pero muntik ng matisod dahil sa pag-ikot ng aking paningin.

Mabilis siyang tumayo upang alalayan ako sa braso.

"Uminom ka?" madiin tanong niya.

I chuckled and nodded a little. "Hm, pampaantok." Binawi ko na ang aking braso sa kanya.

Hindi naman ako lasing talaga, nakaya ko pa ngang umuwi.

Pasalampak akong umupo sa sofa, ipinahinga ko ang aking ulo sa sandalan. Naramdaman kong umalis siya, wala pang ilang minuto ay bumalik na siya't naupo sa aking tabi.

"Uminom ka ng tubig, bakit ka ba nagpakalasing?" Hindi ako sumagot. "And will you stop silencing your phone? Hindi ka naman lumalabas sa gabi, ngayon lang. Saan ka pumunta? Hindi mo ba alam na-"

"Pwede bang huwag ka ng magalit?" mahinang sabi ko saka dumilat, naabutan ko siyang nakanganga.

Halatang natigil sa kanyang pagsasalita. Alas pursed his lips, pinanatili niyang seryoso ang mukha at pinaramdam sa akin gamit ang kanyang mga mata na hindi talaga siya natuwa sa pagtakas ko.

"You know this can affect your records?" He asked me using his Officer voice.

Hindi kaagad ako nagsalita, nagbaba ako ng tingin sa aking mga daliri. Ayokong makita niya ang ano man emosyon sa aking mata.

Ayoko sanang sabihin pa 'to sa iba pero pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko kung hindi ko mailalabas lahat.

"Alam mo naisip ko lang, bakit gano'n? Bakit sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa atin ay naghahanap tayo ng masisi?" I played my nails. "I visited my friends, medyo nagkasagutan kami ng dating asawa ni Ate. After that, I visited Daryl, may dalawa na siyang anak at sa tingin ko'y may ugnayan na sila ni Nade. Hindi naman ako lumapit, nakita ko lang sila sa pababa ng kotse." Huminga ako nang malalim. "I visited Kevin too, my old gay friend. I found out that he's b-blind now. They got into an accident, nakaligtas siya pero si L-Lisa, she died on the spot."

"M-Masakit sa akin kasi silang dalawa 'yong una kong naging kaibigan sa college, sila 'yong tumanggap sa akin." Hindi ko alam bakit ang dali kong sabihin ang bagay na ito kay Alas.

Napahikbi na ako habang inaalala ang mga nalaman ko kanina.

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking tuhod.

Nang magtama ang aming mata ay may kakaiba ng emosyon doon.

"Y-Yon lang ang nalaman ko pero hindi ako naniniwala hanggat hindi nakikita ang katawan ni Lisa. I want an investigation," madiin wika ko, hinawakan ko ang kanyang braso.

Nakita kong bumaba ang tingin niya roon. "Can you help me, Officer? Hindi ba madami ka naman kakilala? I want to protect my friends. Can you send your men for my friends? Bantayan sila gano'n? I want to make sure that they're fine," desperadang sabi ko.

Hindi ko alam kung dahil sa alak pero nawala na ang hiya ko sa katawan.

Akala ko ay hindi siya papayag dahil hindi kaagad siya nagsalita, nanatiling nakatingin sa aking mata animong may tinatansya roon.

Alas caressed my left cheek. "Huwag ka ng umiyak, I'll help you okay? Anything for my love," he whispered while clenching his jaw.

Para bang may nakakagalit, tinuyo niya ang pisngi ko gamit ang kanyang mainit na palad.

Kumunot ang noo ko dahil may kakaiba akong naramdaman.

Bumaba ang tingin niya sa aking labi, ilang beses akong napalunok nang unti-unting lumapit ang kanyang labi sa akin.

Alas kissed my dry lips, then flipped me and placed me on his lap, deepening the kiss. Hindi ko maiwasan mapadaing nang ipasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at bahagyang sipsipin ang sa akin.

Napahawak ako sa kanyang braso bilang suporta, gusto ko siyang itulak pero parang mas nalasing ako nang marinig ang mahinang mura niya.

"Love, fuck," he groaned and pulled me closer to him.

Ang kaliwa niyang kamay ay nakasuporta sa aking panga upang mas palalimin ang kanyang halik, hindi ako tumugon pero hindi ko rin siya pinigilan. I opened my mouth and gave full access to him.

Naramdaman ko ang isa niyang kamay na nakasuporta sa aking likod, sa loob ng aking shirt.

Para akong napaso nang maramdaman ang mainit niyang palad sa aking tagiliran at bahagayang dumadakot doon, parang nangigigil.

"Alas..." I called him when he sucked my lower lip.

Pinilit kong dumilat kahit namumungay na ang aking mata, gumagalaw ang kanyang panga at matalim ang tingin sa akin. I can see desire through his eyes.

We stared to each other before he lean in to kiss my jaw. Dampi lang iyon pero para akong napaso lalo nang unti-unting bumaba ang halik niya sa aking leeg.

My head turned back when he kiss my neck, sucking a small part of skin making me gasped.

Para akong sisilaban nang maramdaman ang kakaibang init sa katawan. Pinilit ko siyang itinulak sa balikat upang pigilan ang aking sarili.

I moaned when he kissed my collar bone.

"S-Stop," I whispered.

Kaagad siyang tumigil at namumungay ang mata na nag-angat ng tingin sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi nang mapansin pulang-pula na ang kanyang leeg at pisngi.

Suminghap ako. "I-I don't like men. Stop kissing me, I'm not attracted to you." I stated while looking at his swollen lips. I'm so drunk to his kisses. I don't know anymore.

Alastair eyes gleamed in amusement at desire.

Hindi niya inalis ang tingin sa akin, namungay ang kanyang mata nang mabasa ang emosyon sa aking mata.

I almost moaned when I realized his right big hand was already inside my pants, caressing my thin underwear.

When he rubbed his thumb over my sensitive buds, my mouth opened. I can feel the roughness of his skin against the cloth.

Napahigpit ang hawak ko sa kanyang balikat, mainit ang hininga na hinalikan niya ako sa gilid ng aking tainga habang ekspertong tinutudyo ng daliri ang guhit sa aking pagkababae.

"Are you sure?" His voice sounds so sweet. His thumb rubbed so fast to my clit.

I gulped. "Y-Yes."

"Hmm, then why are you so wet down here, my love?" he muttered and pushed the thin fabric that was blocking my wet sensitive flesh.

__________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store