ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 13

SaviorKitty

Kabanata 13:

Before, I hate people for asking things about myself, my past and my plans. Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayokong makipag-usap sa ibang tao, sa mga bagong kakilala. Bagong tanungan na naman, paulit-ulit kaya kung minsan ay mas pinipili ko na lang na huwag makipagkilala.

Pero ngayon na halos dalawang buwan na ako rito sa labas ay nasasanay na rin ako, lalo na sa trabahong pinasukan ko.

Kailangan kong makipagsalamuha, kailangan makisama, na kahit ano pa lang sabi kong kaya ko naman mag-isa ay hindi pa rin pwede.

Dadating pa rin 'yong panahon na kailangan kong gawin 'yong mga bagay na ayoko.

"Oh, si Ateng Alice ang sasahod ngayon no?" Samy announced.

Isang hapon habang binibilang niya ang pera na hulugan namin katulad ng usapan noong unang linggo ko pa lang.

Unang sumahod si Tonyo noong nakaraan buwan at ako naman ngayon.

"Baka naman manlibre ka pa ng milktea ha, Alice," Tonyo teased while moving his brows.

Ibinaba ni Tonyo ang dalang box at inilagay sa gilid, naningkit ang aking mata dahil basta na lang niya iyon sinalpak doon, bagay na ayoko.

Mukhang nakita niya ang naging reaksyon ko kaya nagtaas siya ng kamay bilang pagsuko bago natatawang ayusin ang box.

Sa mahigit dalawang buwan ko na kasama sila ay mas nakabisado na nila ako at gano'n din naman ako sa kanila. Noong una ay mahirap dahil hindi nga ako talaga sanay makisalamuha, hindi ko alam kung paano babati kapag may kostumer at isa pa ay hindi 'to ang inaasahan kong trabaho ko pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.

Jewelries are similar to humans, the more attractive you are, the more attention you will receive.

Sinong mag-aakalang ang dalawang 'to ay makakatagal sa ugali ko bukod sa isang taong kilala ko?

"Sows, Tonyo. Huwag mo ngang sulsulan si Ate Alice. Ikaw nga ang kuripot mo e, noong sumahod ka bigla ka na lang nawala." Humarap siya sa akin saka ngumiti. "Mabuti pa ay gamitin mo 'yang pera mo para bumili ng para sa sarili mo, Ate. Oh kaya naman kumain ka sa mamahalin restaurant ganern!" bakas ang tuwa sa kanyang boses, parang mas excited pa siya sa makukuha kong pera.

Marahan akong tumango sa sinabi niya.

I already made plans in my head. I want to paint or draw so I plan to buy materials.

Sa sobrang tagal kong naglagi sa loob ng institution ay pakiramdam ko ay ngayon ko pa lang nadidiskubre ang mga bagay na hilig ko at magiging hilig ko.

Nakakatawa lang dahil parang huling-huli na ako para roon. I'm twenty-seven years old but have no life experience.

Naging abala si Samy sa tawag galing sa kanyang ama, bumalik ako sa columnar na aking ginagawa para sa mga resibo.

Wala pang minuto ay lumapit si Tonyo sa akin, sigurado akong mang-aasar na naman.

Dumungaw siya sa aking ginagawa, naghila pa siya ng upuan at naupo sa aking harapan.

Nilipat ko ang resibo saka kinuha ang invoice number, sa gilid ng aking mata ay alam kong nakatitig siya habang nakapalumbaba.

"Huwag kang masyadong tumitig, Tonyo. Baka ma-child abuse ako nyan," I stated.

Madrama siyang suminghap. "Grabe ka naman maka-child abuse, ilang taon lang naman ang tanda mo sa akin."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ang pisngi niya ay humpak na humpak pa rin dahil sa kapyatan, lahi raw nila ang payat.

"Mas matanda pa rin, kaya dapat katulad ni Samy ay Ate ang tawag mo sa akin," puna ko.

Dumukwang si Tonyo, umakmang bubulong upang hindi marinig ni Samy na abala sa kausap sa telepono.

"Huwag ka maniwala sa edad ni Samy, matanda na 'yan nagpapabata lang," mahinang sabi niya na parang isang malaking sikreto iyon.

Kumunot ang noo ko.

Ito talagang bata 'to, kung ano-anong sinasabi para lang magkausap kami.

Naiiling na tinulak ko ang noo niya palayo sa akin, pero marahan lang kasi baka matanggal 'yong leeg niya sa lakas. Dahil sa kapayatan ng katawan ay kaagad siyang napabalik sa kanyang upuan at napaayos ng upo.

"Tss, magbantay ka na roon sa labas bata, kailangan namin ng sobrang macho at gwapong guard doon," sarkastikong sabi ko.

Lumawak ang ngiti niya saka sumaludo bago lumabas.

Nilingon ko si Samy sa kabilang lamesa, nagpaulit-ulit sa aking tainga ang sinabi ni Tonyo. She looks younger to me though, bakit naman siya magpapabata? Oh well, baka wala lang magawa si Tonyo kaya kung ano-ano ang sinasabi.

Lumipas ang oras at sampong resibo ang natapos ko hanggang mag-uwian.

Bahagya ko pang hinilot ang aking batok nang makalabas sa shop sa sobrang sakit ng aking ulo. Nauna na akong umalis dahil may hinihintay sila Samy na delivery ng mga alahas.

"Oh, out muna, Miss sunget?" bungad ng nagde-deliver sa amin, si Chen.

Isang Chinese-Pilipino na siyang nagde-deliver kila Samy ng alahas. Kada linggo ay pumupunta siya sa shop kaya naman kilala ko na siya.

Lumawak ang ngiti niya nang mas makalapit, mas lalong sumingkit ang singkit na niyang mata.

"Nasa loob sila Samy."

"Excited pa naman akong mag-deliver dito tapos maaga pala ang out mo," he said playfully.

Sumisigaw ng pala-kaibigan ang awra ni Chen, halos kasing edad ko lang siya ngunit higit na mas matangkad. Maybe because he's a half Chinese.

Noong una ay hindi ko siya kinakausap pero nang isang beses ay wala si Samy at nag-deliver siya ay wala akong choice kung hindi kausapin siya. Simula no'n ay tuwing magde-deliver siya ay binabati na niya ako.

Tinapik ko ang kanyang braso para papasukin na siya sa loob dahil mukhang dadaldalin pa niya ako katulad noong nakaraan linggo.

"Una na ako, Chen," pormal na sabi ko.

"May sasakyan ka ba? Hahatid na kita. Sandali lang, kausapin ko lang si Samy tapos hatid kita."

Tipid akong ngumiti at marahan umiling. "Hindi na, abala lang 'yon.  May susundo rin sa akin."

"Boyfriend?"

Ngumisi lang ako.

Mangungulit pa sana siya pero may huminto ng itim na pamilyar na kotse sa amin harapan. Hindi naman umalis si Chen kaya parehas kaming nakatayo roon at naghihintay bumukas ang pintuan.

Tumango ako sa kanya bago buksan ang pintuan.

Humugot muna ako ng malalim na buntonghininga bago isinalampak ang sarili sa loob ng kotse.

Kumaway si Chen sa akin kahit hindi na ako kita dahil sa tinted na salamin bago tuluyan pumasok sa shop.

Hindi pa man ako nakakatagal sa loob ay bumalot na kaagad ang panlalaki niyang pabango. Palihim kong naikuyom ang aking palad dahil doon.

Bumuntonghininga ako saka inayos ang seatbelt.

Sa lumipas na buwan ay nagpaulit-ulit lang ang senaryo namin, siya ang susundo o kung minsan na may ginagawa siya sa station ay pinapabantayan niya ako kay Beno. Hindi na naulit ang pagkain namin sa labas, iniiwasan ko na rin naman lalo't baka maulit lang 'yong huling nangyari nang may makakita na nakakakilala sa akin.

"Lagi bang pumupunta 'yong Chinong hilaw na 'yon diyan?" malumanay na tanong ni Alas pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Bahagya ko siyang nilingon.

"Anong chinong hilaw?" takang tanong ko, ngayon ko lang siya narinig magsalita ng gano'n.

Umismid siya. "Wala, so lagi nga siyang nandyan? Delivery huh?"

"Every sunday."

"Ah, close na kayo? You two seem very close," he concluded, he turned to me for a moment before returning his attention to the road.

Isinandal ko ang ulo sa aking upuan habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ngayon nga lang pala niya talagang naabutan si Chen na kausap ako.

"Hmm, he's nice."

"Mas mabait kaysa sa akin?" Natawa ako sa tanong niya, humaba ang nguso ni Alas saka napailing na rin. "Stop laughing, Love. Nahahawa ako." He chuckled.

Napailing ako saka nag-iwas tingin, pinilit kong itago ang ngiti dahil mukha siyang tanga.

Alam na alam kung paano alisin ang pagod ko.

"Why? Is the Lieutenant feel jealous, huh?" matapang na sikmat ko para ibahin ang usapan.

Sandali siyang hindi nagsalita kaya nilingon ko na siya, seryoso na ang mukha niya. When our stares crossed, he gave me a wry smirk. Like, I don't have to be worried about him.

"Why would I, Love? Mas lamang ang tuwa ko kaysa pagseselos."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi ko sigurado kung sarkastiko ba iyon kaya tuluyan niyang nakuha ang atensyon ko.

Binibiro ko lang naman siya, masyado naman seryoso 'tong Pulis na 'to.

"Huh?"

Officer Alastair wet his lips. I can see his adam's apple. "The woman I admire is finally trying to start again, to socialize, to build her circle of friends. You deserve it, Alice. My jealous is nothing."

"But you . . . like me?" Napakurap-kurap ako sa sarili kong tanong, hindi namin ito madalas pinag-uusapan simula nang gabing iyon.

Parang issue na dumaan lang iyon na hinayaan na namin. Kaya nga hindi ko maiwasan magduda kung totoo ang nga sinabi niya noon, kung talagang gusto niya ako bakit parang ang dali naman niyang sumuko?

That's it?

"Yeah?" sagot niya animong hindi niya alam paano nasali sa usapan iyon.

Napalabi ako saka umayos ng upo.

"I see, so you're not a possessive type of boyfriend."

Naghihintay ako ng duktong niya pero hindi siya nagsalita, salubong ang kilay na nilingon ko siya at mas nagsalubong pa nang makitang kagat-kagat niya ang ibabang labi, may naglalarong kakaibang emosyon sa kanyang mata.

"What?" naguguluhan tanong ko.

Parang tanga 'to, ano bang nginingisi-ngisi niya?

"Boyfriend huh?" he chuckled.

Nanlaki ang aking mata lalo nang bumalot sa loob nang kotse ang halakhak siya animong kinikiliti ko siya.

"Huwag kang tumawa!" inis na sabi ko.

Alastair's board shoulder shifted slightly as he tried to relax. He pursed his lips together but he can't hide his smirk. Damn it!

"So I'm your boyfriend huh?" tukso pa niya talaga, mas binagalan niya ang pagmamaneho kaya gusto ko na lang tuloy maglakad.

"Of course not! Syempre hindi, example lang 'yong kanina. It was just a sentence okay?" paliwanag ko.

Marahan siyang tumango ngunit sa mukha ay nanatili siyang nang-uuyam. Sasapakin ko na talaga 'to, nakakairita ang ekspresyon na ginagawa niya.

Like he didn't believe me!

"What I feel for you is not vague, Alice. We're both old enough, kung gusto mo kumilala ng mga bagong tao, sumubok ng mga bagong bagay. I'll support you. Masyadong maraming taon na ang nasayang mo, hindi ako gano'n kababaw na tao para pigilan ka sa gusto mo. Let just say that my feelings is not possessive type. You can do whatever you want and I can still adore you," he smiled.

Bumuga ako ng hangin dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ngunit hindi ko iyon pinahalata sa kanya.

"B-Bakit ka ganyan? You know you can keep it to yourself. Ba't ang dali mong sabihin 'yan?" bawi ko, bahagya pang nanlaki ang mata.

Bahagyang tumagilid ang kanyang ulo na nilingon ako. "Sinasabi ko lang, ayoko lang dumating ang panahon na wala na akong pagkakataon sabihin sa'yo."

"Alam m-mo mabuti pa ay bilisan mo na lang ang pagda-drive, mas mabilis pa 'yong nagbi-bike sa atin. G-Gusto ko na magpahinga," mabilis kong sabi saka nag-iwas tingin.

"Masama ang pakiramdam mo?" Alas asked.

I sighed, it's astonishing how he knows that tiny detail about me even when I don't say it.

"Hindi naman," pagtanggi ko saka siya nilingon, pinausad na niya ang kotse nang mas mabilis.

He tightened his hold on the steering wheel with his left hand and reached for my jaw with his other. Bahagya akong natigilan nang salatin niya ang hiwa ng aking panga gamit ang likod ng kanyang palad habang hindi inaalis ang matalim na tingin sa kalsada.

Ibinaba niya ang kanyang kamay at ipinahinga iyon sa ibabaw ng kanyang hita. I can't help but notice his dark slacks, gripping his thigh perfectly.

"Medyo mainit ka, dadaan muna tayo sa botika. May gusto kang kainin mamaya?" marahan tanong niya.

Kinabig niya ang manibela upang makaliko kami.

Isinandal ko ang ulo sa upuan, nilingon niya ako habang seryoso ang kanyang mukha.

Galit ba siya?

Huminto siya sa isang botika sa labas ng village. Pinanuod ko siyang nakapamulsang lumapit sa counter. Alas wearing all black didn't match the all white pharmacy.

Dahil glass wall ay kita ko ang pagkaaligaga ng buntis na bantay. May sinabi ang babae kay Alas saka bahagyang tumawa, hindi ko naman makita ang reaksyon ng babaerong pulis.

Napaismid ako nang lumipas ang limang minuto pero wala pa rin siya. Lumabas ako sa kotse at balak na sana siyang pasukin doon nang may humawak sa aking braso, kaagad akong napalingon doon at gano'n na lang ang aking gulat nang makita ang pamilyar na lalaki.

'Yong inakala kong boyfriend dati ni Alas, kaya akala ko gay siya.

"Alice." Napatuwid ako ng tayo nang banggitin niya ang aking pangalan. Kilala niya ako?

Bahagya kong binawi ang braso ko pero hindi niya hinayaan. Nilingon niya ang Pharmacy Shop kung nasaan si Alas na abala pa rin bago ibalik ang tingin sa akin.

"Ngayon lang ako nagkaruon ng pagkakataon na malapitan ka dahil lagi kang may bantay, ayaw talaga niyang malaman mo," mabilis na wika niya, madiin ang boses at dumidiin na rin ang kamay sa aking braso.

"Bitawan mo ako," malumay kong sabi kahit sa loob ko ay nagsisimula na akong mag-panic.

"Please, sasabihin ko sa'yo lahat. Hindi ngayon kasi kaunti lang ang oras ko at hindi ko maipapaliwanag laht. Sa susunod na linggo, alas-sais magkita tayo sa gilid ng simbahan kung saan ka nagta-trabaho."

"Bakit ako magtitiwala sa'yo?"

Mariin siyang pumikit bago bigong dumilat.

"I'm trying to help you, okay? Ayoko na maulit ang nakaraan."

Magtatanong pa sana ako pero mabilis na siyang tumalikod at humalo sa mga taong naglalakad sa gilid ng kalsada.

"Hey."

Halos mapatalon ako sa gulat nang may tumapik sa aking balikat, nang lingunin ko iyon ay nag-aalalang mukha ni Alas ang bumungad.

"Bakit ka lumabas? Nakabili na ako ng gamot saka vitamins kung sakali." Ipinakita niya ang paper bag na hawak.

Sinulyapan ko pa ang nilakaraan ng lalaki pero tuluyan na siyang mawala.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang tungkol doon kay Alas.

Hanggang makauwi kami ay iyon ang laman ng aking isip. Ang balak ko ay maglilinis lang ako ng katawan at bababa na upang kumain pero nakatulog ako sa bathtub sa sobrang sama ng pakiramdam at pag-iisip.

Nagising lang ako nang maramdaman may malambot na bagay na yumakap sa aking hubad na katawan at iniangat ako.

I forced my eyes to open, I saw him carrying me. Pakiramdam ko ay ang pungay ng aking mata habang nakatingin sa kanya, gusto kong magsalita, paalisin na siya at sabihin iwan na ako pero nanlalata na ako.

Naramdaman kong binaba niya ako sa kama at iniupo sa bandang gilid. Doon ko nakita ang malaking tuwalyang nakapulupot sa aking katawan.

Simula balikat hanggang itaas ng tuhod.

"Can you take your med, Love? Kumain ka muna kahit kaunti saka ka uminom ng gamot bago matulog para paggising mo ay ayos na ang pakiramdam mo," he whispered while fixing the hem of the towel.

Umiling ako, hindi ko alam kung nagawa ko ngang umiling o imahenasyon ko na lang.

Pumikit na ako ngunit nanatiling nakaupo sa gilid ng kama.

Naramdaman ko ang kamay niyang humimas sa aking buhok. "Come on, Love. I don't like this, mas okay nang tarayan mo ako kaysa ganito."

Hindi ako nagsalita, inaantok na ulit ako pero gising pa ang diwa ko.

Narinig ko ang malakas niyang buntonghininga bago lumuhod sa aking harapan. Gusto ko sanang dumilat para paalisin siya pero pakiramdam ko ay lalo lang akong mawawalan ng malay sa oras na idilat ko ang mata ko.

Alas tapped my knee.

"Close your legs, Love. Bibihisan kita huh?"

Hindi ko alam kung kanino niya iyon sinasabi, sa akin ba o sa sarili niya.

Naramdaman kong may manipis na tela sa aking paa. "Lift your ass a little,  brief 'to don't worry hindi panty okay?" Suminghap siya.

Hindi na ako nakapagsalita, sinunod ko ang gusto niya at naramdaman kong yumakap na sa pribado kong parte ang isinuot niya sa ibaba.

Narinig ko ang mahinang mura niya bago ako humiga sa kama pero hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

"Kahit tshirt na lang okay? Sandali na lang," bulong niya. Ako ba ang kausap niya? Ang tagal sumasakit na ang ulo ko.

Naramdaman kong inangat niya ang kamay ko, bahagyang pinunasan pa ang braso, kili-kili at leeg bago ako pasuotin ng malaking shirt. Kinalas niya ang tuwalya sa akin nang tuluyan ko na iyon mausot.

Ibinagsak ko na ang katawan ko sa kama habang nanatiling nakatapak ang mga paa sa sahig.

Nakarinig ako ng ilang kaluskos bago ko siya maramdaman sa gilid ko, hinawakan niya ang balakang ko at walang kahirap-hirap na hinila sa gitna ng kama.

I groaned and pulled his arms to stop him moving me. I wanna rest. Arms?  Oh, his neck.

Ba't ba ang likot niya?

Niyakap ko ang leeg niya nagbabakasaling hindi na siya maglilikot.

Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga, tumatama iyon sa aking pisngi.

"L-Love, iinitin ko 'yong ulam mo."

I groaned again.

"Stay." I forced to speak.

Galaw nang galaw, nahihilo na ako. Gusto ko na matulog.

"Hindi ata m-magandang ideya 'yan."

Hinila ko pa siya, bahagya akong napaingit nang masubsob siya sa aking katawan, tuluyan nakapatong sa akin ngunit naitukod ang siko upang hindi ako tuluyan madaganan.

"Alice, malaki ako. Madadaganan kita. God!"

"Sasaktan mo ba ako?" I asked unconsciously.

"O-Of course not. Hindi syempre. Alam mong hinding-hindi ko 'yon gagawin sa'yo."

I smiled at little. "Good. Kasi kapag nasaktan pa ako ng isang beses pa, hindi ko na alam kung kaya ko pang magpatawad."

Narinig ko ang malulutong na mura niya bago tumahimik.

Finally! Silence.

Parang binibiyak ang ulo ko kaya kahit gusto ko siyang tingnan at asarin ay hindi ko na magawa.

Bago ako tuluyan dalawin ng antok ay narinig ko ang pagtunog ng kanyang phone. Naramdaman ko ang mainit niyang labi sa aming noo na dumampi, bago niya alisin ang pagsalubong ng kilay ko gamit ang kanyang hinlalaki.

Umalis siya sa ibabaw ko, namatay ang tunog ng telepono. Unti-unti ay lumabo na ang pandinig ko kaya hindi ko na narinig ang sinabi niya sa kausap sa telepono kahit gustuhin ko.

"Hello, oo. Hindi ko alam kung makakauwi ako ngayon gabi—Uuwi ako sa linggo, pasensya na alam mo naman 'tong trabaho ko. May pasalubong ako sa kanya. Gising pa rin ba siya?—Sige, huwag ka magpuyat bawal sa'yo ang mapuyat hindi ba? Oo naman, miss na miss na kita, alam mo 'yan, pati ang bata. Don't worry about me, okay? I love you too, Wife."

_____________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store