ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 11

SaviorKitty

Kabanata 11:

Magkasaklob ang kamay namin ni Alas habang papasok sa restaurant na sinasabi niya, ayaw niyang bitawan ang aking kamay. Akala ko ay sandali lang pero hanggang makababa kami ay kinuha niya ulit ang kamay ko.

Tinaliman ko ng tingin ang likod niya dahil bahagya siyang nauunang maglakad. He walked so proud and glory.

"Welcome, Ma'am and Sir," bati ng guard nang pagbuksan kami ng pintuan.

Akala ko ay hindi iyon papansin ni Alas pero bahagya niyang tinapik ang balikat ng bantay.

"Thank you, Kuya."

Napanguso ako, he looks so friendly and respectful.

Ngayon ko lang napansin na gano'n nga siya, simula noon. Sa bawat pupuntahan namin ay lagi siyang nagpapasalamat sa guard or waiter na sasalubong at magsisilbi sa amin kahit iyon naman talaga ang trabaho nila, malaki rin siya magbigay ng tip kaya siguro madami na rin siyang kakilala, parang lahat ng puntahan namin ay may kakilala siya.

Katulad ng sinabi niya kanina ay mukhang opening nga, ang dami rin tao na kumakain. Hindi ko maiwasan pasadahan ng tingin ang plain shirt na suot ko, malayong-malayo sa mga suot nila.

Huminto siya sa paglalakad nang may sumalubong sa amin isang babaeng staff.

"Walk in or for reservation, Sir?"

"Reservation for Dela Torre," matigas na sagot niya sa babae.

May chineck ang babae sa hawak niyang tablet bago humarap sa amin, nakita kong pinasadahan pa siya ng babae ng tingin, I didn't look away.

What are you looking at, woman? That's my guard, my Police.

"Reservation for Mr. Dela Torre, table for two, private balcony. This way, Sir."

Bahagya niyang pinisil ang aking kamay nang iginiya kami ng babae papunta sa isang lamesa sa ikalawang palapag, maganda ang naging pwesto namin. Tanaw ang malawak na daan sa ibaba, kung medyo maliwanag lang sa labas ay paniguradong makikita ang ibang nagtataaasan gusali sa paligid. Kahit madilim ay tanaw ko ang bundok Arayat sa pwesto namin, mukhang napansin niya ang pagtitig ko roon.

"You wanna try hiking?"

Umiling ako. Hindi ako para sa gano'n, madali akong mapagod at isa pa, para saan ba 'yon?

Pagkaakyat ng bundok ay magpi-picture tapos ay bababa na, nakakapagod lang kung pwede naman sa ibaba na lang mag-picture, gano'n din naman.

Pinaghila niya ako ng upuan, hinayaan ko na siya tutal mukhang gustong-gusto naman niya 'yong gawin.

Akala ko ay sa tapat ko siya uupo pero hinila niya ang kanyang upuan para lumapit sa akin, doon na nagsalubong ang aking kilay nang umupo siya sa mismong tabi ko, parehas na kaming nakaharap sa balkony.

"Pwede mo ng bitawan ang kamay ko, Officer. Sobra na 'yong I wanna feel you mo, abuso na."

Alas pouted. "Naging mabait ka na kanina sagadin mo na," singit pa niya.

Naiiling na binawi ko na ang kamay ko sa kanya, namamawis na 'yon kaya rin gusto ko ng bawiin sa kanya, mukhang wala naman siyang pakielam doon. Kumuha ako ng tissue sa lamesa, pinunasan ko muna ang kamay ko bago ang sa kanya, matigas ang kanyang palad at mahahaba ang kanyang mga daliri, malinis ang mga kuko.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nangingiti na naman siya habang pinapanuod ang ginagawa ko sa kamay niya.

Binato ko sa mukha niya ang tissue na ginamit ko. "Stop imagining things. I made your hand wet that's why," I explained.

Alas chuckled. "Wala na nga akong sinasabi nagagalit ka pa, ngumingiti na nga lang ako," pagdadahilan pa niya.

Sakto naman ay dumating ang babaeng staff, inabot niya ang menu sa amin. Hinayaan ko siyang pumili at nagpaalam akong magbabanyo muna. Tipid akong ngumiti nang makita ang pagsunod ng mata ni Alas sa akin hanggang makapasok ako sa banyo.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi.

Something was off.

Kinuha ko ang aking pouch at nilabas ang aking cellphone para ilagay ang mga notes na, like my diary. Sinusulat ko simula ng makalabas ako, hindi lang nangyayari sa akin pati na sa aking paligid . . . para kung sakali man makalimutan o kailanganin ko isang araw ay may kopya ako.

- Alice Alcaraz
- 27 years old
- June 24 (my released from institutions)
- I'm living with a Policeman named Alastair Jamall Dela Torre.
- I saw him with a man. (I think he's gay)
- Alas confessed he likes me. (No, he's not gay)
- His perfume.
- His password AA_1024
- Policeman hugged me; his name starts with the letter D. (If I'm not mistaken)
- I met a woman in the market; she called me AA and said some weird things. (That I have a fiance and a baby)
- I work at a jewelry shop with Samy and Tonyo.

Mabilis akong nag-type at dinagdag ang nangyari ngayon araw.

- I met Dr. Jace's wife, Ate Angel. She asked me about my study.
- I felt something weird to Alas. I think he's planning something for me; I need to know what and why.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at may dinagdag pa sa dulo.

- If something wrong or bad happens to me, Officer Alas will be the suspect.

Malakas akong napabuntonghininga nang i-save ang notes na iyon at nilagyan ko na ng password ang app.

I'm not trusting him, I'm not trusting any one anymore and if he wants to play, we will play.

Alam kong delikado, pero hindi ako matahimik ng kunsensya ko. Noong nakaraan ko pa ito iniisip, hindi nagkataon lang ang lahat, his not just my normal body guard. Hindi ko sigurado kung nagkataon lang ba o nag-o-overthink lang ako, pero ang kutob ko ay hindi nagkakamali.

"Alice, are you okay?" Napatingin ako sa nakasarang pintuan ng kumatok si Alas.

Inayos ko ang aking sarili bago tuluyan lumabas, naabutan ko siyang nakakunot na naman ang noo saka ako pinasadahan ng tingin.

"Sumakit tiyan mo?" bulong niya.

"Hindi, madami lang tao kanina sa loob," I lied.

Tumango siya, bahagya pa akong napaigtad nang alisin niya ang ilang buhok ko sa noo.

"Naka-order na ako, tingnan mo na lang kung may gusto ka pang idagdag, uh akin na muna ang pouch mo," maingat na sabi niya.

Umiling ako. "Hindi na, phone ko lang naman ang nandito at wallet." Nilagpasan ko na siya at dumeretsyo s lamesa.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal kumakain. May kinukwento siya tungkol sa pag-aaral niya ng Pulisya, tumatango-tango ako kahit ang isip ko ay iniisip na kung saan ko ba siya nakita noon.

Nakita ko na siya noon hindi ko lang matandaan.

"Nagkita na ba tayo noon, Officer?" I asked him, finally.

Natigilan siya sa tanong ko, uminom muna siya sa iced tea niya bago umayos sa pagkakaupo.

Akala ko ay hindi niya iyon sasagutin kaya nagulat ako nang magsalita siya. "We met before . . . sa jeep. Malapit sa University mo, uh. Hindi mo ba naaalala?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, sandali ko siyang tinitigan habang hinahalungkat sa ala-ala ko ang sinabi niya. Sa jeep?

Unti-unting nanlaki ang aking mata nang maalala nga iyon. He was the criminology student?! That ugly guy!

"Wow, glow-up!" manghang sabi ko nang mapagtanto ang sobrang pagkakaiba ng itsura niya ngayon at noon.

Hindi masyadong malinaw ang mukha niya sa ala-ala ko pero sigurado akong hindi pa siya ganito noon. He changed well huh?

Tipid na ngumiti si Alas. "At least you remembered me. So yeah, I was that guy. What a coincidence, isn't it?"

Kumurap-kurap ako. "Yeah. . . hindi na tayo nagkita pagkatapos no'n tama?"

Marahan siyang tumango. "Tama."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

He chuckled. "Sa sungit mong iyan, baka barahin mo lang ako kapag nagkwento ako."

I smiled at him. "Pwede ka na magkwento sa akin simula ngayon," I assured him.

Nakita kong natigilan siya pero sa huli ay tumango siya bago namin ipagpatuloy ang pagkain ng dessert.

Sa ilalim ng lamesa ay nakakuyom na ang aking kamao. I'm fucked up.

Sana hindi ko pagsisihan itong mga ginagawa ko.

Habang nasa gano'n kaming posisyon ay may tumawag sa akin, nagsalubong ang aking kilay saka lumingon sa lalaking tumawag sa aking pangalan.

"Alice Alcaraz? Oh, hahaha ikaw nga?! Wow, nakalaya ka na? Hindi ka na ba baliw?" nabigla ako sa sinabi ng lalaki.

Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita, kaagad ko rin siyang namukhaan dahil sa kanyang balat sa bandang braso. He was one of my school mates, noong college. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa IT department sila.

Pinilit kong kumalma kahit sa loob ko ay kinakain na ako ng kaba, isa ito sa mga bagay na iniiwasan ko.

Ang may makasalubong o may makakita sa akin galing sa dati kong paaralan.

Mas naikuyom ko ang aking kamay dahil tumitingin na ang ibang nasa kabilang lamesa, tumigil na si Alas na sa pagkain.

Mas lumapit ang mga lalaki, dalawa sila. "Hindi ba ikaw 'yong nagnakaw ng answer sheet noon? 'Yong tomboy? Bakit sabi nila na-mental ka? Mukhang ayos ka naman ah?" magaspang na sabi niya, pakiramdam ko ay may dumukot sa puso ko dahil s mga pinagsasabi niya, ayokong malaman iyon ng iba.

Gusto ko na lang tumayo at umalis nang lumingon siya sa lalaking katabi ko na tahimik lang, ni hindi ko magawang lumingon kay Alas.

"Boyfriend mo? Alam niya ba?"

Tumikhim ako. "Sorry, Mister. Baka nagkakamali ka lang ng kinakausap."

Nagtawanan silang dalawa, hindi ko alam kung nakainom ba siya o ano dahil ang lakas ng loob niyang lapitan ako, samantalang ni hindi nga kami gano'n magkakilala.

"Ay gano'n? Hindi kilala? Baka nakakalimutan mo, sikat na sikat ka school natin noon? Hindi ba napatay mo 'yong ate mo?"

Naningkit ang aking mata, balak ko sanang sumagot pero naagaw ng atensyon ko ang pagbaba ni Alas ng kanyang tinidor.

Dahan-dahan siyang tumayo habang may nakakalokong ngisi sa labi.

"Alas," I called him.

He looked at his wrist watch. "Finish your dessert, give me five minutes, Love. I'll just talk to them."

Nanlaki ang mata ko nang akbayan niya ang lalaking dating school mate ko at walang kahirap-hirap na hilahin papunta sa isang pasilyo roon, hindi ko alam kung saan papunta.

Gusto ko sana silang sundan pero nakabantay ang isang staff, akala ata niya ay tatakas ako kaya wala na akong nagawa kung hindi hintayin na bumalik si Alas at ubusin ang leche plan na order niya sa akin.

Lumipas ang limang minuto ay bumalik si Alas, nagpupunas siya ng kamay sa panyong itim niya.

Napatayo na ako saka nilingon ang pinanggalingan niya.

"N-Nasaan na sila?" mahinang tanong ko.

Natakot ako dahil baka kung ano pa ang sinabi ng mga tukmol na iyon sa kanya, baka kung ano pa ang malaman niya tungkol sa akin.

"Umuwi na sila, masama ang pakiramdam."

Umiling ako dahil hindi ako naniniwala sa kanya, bumaba ang tingin ko sa kamao niya. Pulang-pula iyon, nanlaki ang mata ko saka hindi makapaniwalang napatingin sa kanyang mukha.

"Y-You..."

"We talked, Love. Don't worry, they're still alive," bulong niya sa akin bago kausapin ang babaeng staff upang magbayad.

Hinila na niya ako paalis pa roon, hindi ako nagsalita habang madami pang tao, nang nasa kotse na kami ay roon ko siya tinanong.

"Dapat ay hindi mo ginawa iyon, P-Pulis ka paano kung may nakakita sa'yo!" Hindi ko maiwasan magtaas ng boses.

Alam niya ang rules nila, naka-uniporme man o hindi.

Gumalaw ang kanyang panga. "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan nilang bastusin ang babaeng gusto ko sa harapan ko? Ako nga ingat na ingat sa'yo tapos sila biglang susulpot at huhusgahan ka na parang . . ." Mariin siyang pumikit, nang dumilat siya ay lumamlam na ang kanyang mata. "Sorry, Love. I didn't stop, I snapped."

Napailing ako sa kanya.

"Paano kung magreklamo ang mga 'yon? Lasing ata sila."

"Huwag mo na isipin 'yon, ako ng bahala roon. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka," sabi niya bago buhayin ang kotse.

༻❁༺

NANG gabing iyon hindi ako makatulog kaya napagpasyahan kong lumabas at tumambay sa pool niya sa likod ng kanyang bahay.

Nakatambay na ako rito noong mga unang araw ko pa lang dito pero umaga iyon, ngayon lang ako tatambay rito ng gabi.

Yakap ko ang aking katawan nang umupo ako sa gilid ng pool.

Madilim na ang paligid, tanging maliit na ilaw galing sa fountain sa kabilang gilid ng garden ang nagbibigay ng liwanag kung nasaan ako.

Tumingala ako sa buwan, bahagya 'yong natatabunan ng ulap. Paminsan-minsan ay sumisilip lang at natatakpan ulit.

Malamig ang tubig sa aking paa pero parang may kulang, parang gusto kong lumangoy.

Napabuntonghininga ako bago ko hubarin ang suot kong pantulog, nalaglag iyon sa gilid ng pool at lumantad ang hubad kong dibdib at tanging panty na lang ang aking suot nang dahan-dahan akong bumaba sa pool.

Kumalat ang malamig na tubig sa aking katawan.

Nang makagitna ako sa pool ay unti-unti kong inilubog ang aking ulo. I was hoping to relax when I hear a loud splash of water, and the next thing I knew... some firm arm wrapped around my waist and dragged me up the water.

"Fuck!"

My eyes widened when I saw Alas' furious face. Pulang-pula ang kanyang mukha habang mahigpit ang kapit sa aking beywang at walang kahirap-hirap akong iniangat sa tubig.

"Alas! A-Anong ginagawa mo?!" nataranta ako bigla lalo't naramdaman ko ang lamig ng hangin dahil sa hubad kong katawan at init dahil sa lapit ng kanyang hubad na katawan sa akin.

Pumasag ako upang makawala sa kanya pero hindi niya hinayaan iyon. Matalim ang kanyang mata para sa akin.

"Ikaw! Anong ginagawa mo, Alice? What the fuck are you trying to do huh?! Are you going to leave me again huh?" puno ng galit ang kanyang boses.

Nanghina na ako lalo nang makita ang mapupula ng kanyang mata. Dinala niya ako sa gilid ng pool kung nasaan ang hagdanan, sinakop ko ang dalawa kong dibdib upang hindi niya makita at mukhang balewala naman iyon sa kanya dahil hindi bumaba ang tingin niya sa hubad kong dibdib, nanatili ang matalim na mata sa aking mukha.

Ipinirmi niya ako sa unang baitang ng hagdan, kalahati ng aking katawan ay nakalubog sa pool.

"A-Alas, bitawan mo ako. Ano ba, h-hubad ako," I panicked.

Sinapo niya ang aking mukha, suminghap ako dahil doon. "Don't scared me like that again, don't hurt me like that again," mahinang bulong niya saka dahan-dahan akong niyakap.

Umawang ang aking labi dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.

"Ano na naman bang pinagsasabi mo?" pinilit kong magsalita, mas humigpit ang yakap niya nang bahagya kong itulak ang balikat niya palayo sa akin.

Sandali kaming natahimik, hinalikan niya ang gilid ng aking sentido at mukhang walang balak na bumitaw pa.

Naiilang na ako, hindi ko alam kung kanino ang malakas na kabog ng dibdib. Kung sa akin ba o sa kanya.

"Don't hug me like this. I'm not yours," pag-iiba ko sa usapan.

Mas dumiin ang katawan niya sa akin, nang-aangkin ang mainit niyang katawan sa akin.

"Then be mine, Alice. Be my Mrs. Dela Torre, please," he whispered.

Hindi ako kaagad nakapagsalita. May bigla akong naisip.

"Are you proposing while I'm fucking naked?" Suminghap ako nang mahinang natawa si Alas, akmang aalis siya ay mahigpit ko siyang niyakap upang hindi niya makita ang hubad kong dibdib. I hope I'm doing right. "Ready the ring."

"Huh?"

Nagtama ang aming mata, seryoso ko siyang tinitigan. May emosyon akong hindi mapangalan doon.

"You're proposing right? So where's the ring?"

"Alice . . ." Nanlaki ang mata niya nang maisip siguro ang sinasabi ko, umawang na rin ang labi niya. "Love. Y-You don't have to . . . uh, are you really?"

Lihim akong napalunok.

"Tomorrow, get the ring and the church ready. I don't need a grand wed. I'll visit someone tomorrow morning, and we'll get married before the sun goes down," desididong wika ko bago abutin ang damit ko sa gilid at suotin iyon sa mismong harapan niya.

______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store