ZingTruyen.Store

Teach Me Tacenda (Teach Series #5)

Kabanata 10

SaviorKitty

Kabanata 10:

My lips protruded as I stared at the woman in front of me, who was sipping iced coffee. Ate Angel, Dr. Jace's wife, and Kuya Travis' best friend.

Hindi kami gano'n ka-close pero kilala ko siya bilang matalik na kaibigan siya ng dating asawa ni Ate, kaya bago pa niya maging asawa si Dr. Jace ay nakikita ko na siya. Hindi ko inaasahan na magkikita kami rito sa labas dahil ang huli kong natatanda na pagkikita namin ay binisita niya ang asawa sa institution at nasaktong nasa opisina ako noon.

"Pineapple lang sa'yo? What else do you want pa ba? Ako naman ang mag-pay," konyong pilipit na tanong niya habang may ngiti sa labi.

Wala akong makitang takot o pagkailang sa kanya habang kaharap ako.

Na para bang hindi niya alam na galing akong mental.

"May trabaho pa ho ako," sabi ko sa mahinang boses.

Nakakaintimida ang ganda niya, para siyang model. Nakikita ko na siya noon at mas masasabi kong mas gumanda siya.

"Sige na, just ubos your juice na lang, then you may go na." Narinig ko ang mahinang hagikgik niya nang makita ang pagngiwi ko dahil sa paraan ng pagsasalita niya, na para bang kanina pa niya inaabangan ang reaaksyon kong iyon.

Hindi ko alam pero tumango ako at nagsimulang inumin ang in-order niyang juice.

When we first met near at the shop, she quickly yanked me away. Sinabihan ko siyang magpapaalam ako sa trabaho ko, naabutan namin si Tonyo na kakatapos lang kumain at ang Totoy ay natulala naman nang makita kami. Hanggang makaalis kami ay nakanganga lang siya kay Ate Angel, hindi ko alam kung naintindihan ba niya ang paalam ko.

Para siyang natuod doon, sana ay ayos lang siya. Mukha pa naman hikain ang isang 'yon, kawawa naman.

"Bakit mo nga pala ako dinala rito? Uh, A-Ate."

Hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya, she's a couple of years older than me.

Nakita kong kumurap-kurap siya, palihim akong namamangha sa paggalaw ng kanyang mahabang pilikmata.

Ang ganda rin ng kutis niya, parang walang peklat at mukha naman siyang mabait, bagay sila ni Dr. Jace.

"Actually may imi-meet akong pasyente roon sana ako pupunta tapos na-see kita, I believe you know him naman. I'm his nurse kasi, he's blind," sabi niya sa malungkot na boses.

Kumunot ang noo ko dahil sa tinuran niya, unti-unti kong prinoseso ang sinabi niya, doon ko naalalang Nurse nga pala siya.

Bulag na kilala ko, sino?

Matagal ako sa loob kaya hindi ko na rin alam ang mga nangyari, halos hindi ko na rin maalala ang iba kong kakilala.

"Kapag ba tinanong ko kung sino ay sasabihin mo?"

Tumawa siya nang malakas kaya halos pagtinginan kami ng ibang taong kumakain.

"Of course . . . hindi rin."

"Eh bakit sinabi mo pa sa akin?" Hindi ko maitago ang bahagyang inis sa aking tono, tumaas ang sulok ng kanyang labi animong may nakakatawa sa mukha ko.

"Wala lang, so you'll isip na who that guy hindi ba? Para may challenge. Oh, not sure pala kung guy talaga." Naningkit ang aking mata dahil sa pinagsasabi niya, ayos lang ba siya? Parang sa kanya ata tine-testing ni Dr. Jace 'yong mga gamot, parang bangang pa siya e.

"What about you? Kumusta ka naman? Hmm, you look good na ha, not that panget ka before, maputla ka kasi no'n, ngayon medyo gumaganda na ang pangangatawan mo. Alagang bebe boy mo ba 'yan?" Bakas ang pang-aasar sa kanyang tono, ngayon alam ko na kung paano natatagalan ni Dr. Jace ang mga kausap niya sa institution.

Nagkibit-balikat ako.

"Magaling ang nag-aalaga sa akin," mahinang sabi ko, hindi ko maiwasan mapangisi nang maalala ang matikas na chef slash bantay ko sa bahay.

Hinampas niya ang lamesa animong kinikilig kaya napangiwi ako, kilig agad?

Hindi ko maiwasan maalala ang huling pinag-usapan namin ni Alas kanina, ang panget na surot na 'yon.

Dapat sa kanya ay tapalan ang bibig para hindi kung ano-ano ang sinasabi, pati tuloy ako ay kung ano-ano na ang iniisip.

Akala ko ay aasarin niya pa ako kaya nagulat ako nang abutin niya ang kamay kong nakapahinga sa ibabaw ng lamesa, bahagya pa akong napaigtad dahil sa biglang galaw niyang iyon.

Bumaba ang tingin ko sa kamay niya bago bumalik sa mukha.

"Don't be mad sana huh? Ayaw naman kitang ma-offend, uh but if you want lang naman I can help you with your study." Nanlaki ang aking mata sa sinabi niya, hindi ko inaasahan iyon. "I know, hindi ito alam ni Jace, labas din si Trav dito. Desisyon ko ito, please Alice. Pursue your degree, I'll help you, don't worry you can pay me naman anytime." Ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses.

Sandali akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

Dahan-dahan kong binawi ang aking kamay sa kanya.

"Hindi ko ho isinasara 'yong oportunidad sa akin para riyan pero . . . hindi pa ho siguro para sa akin iyan ngayon. Kakalabas ko pa lang at hindi ko alam kung kaya ko bang bumalik na sa pag-aaral, kaya ko bang makipagsabayan sa kanila? Sa mas mga bata, mas maayos ang pag-iisip? Napag-iiwanan na ako," pag-aamin ko sa kanya.

Nakita kong bumagsak ang kanyang balikat.

"Hindi mo naman kailangan makisabay, Alice. Study based on what you need and understand. Masasanay ka rin naman hindi ba? Sayang kasi, isang taon na lang at graduate ka na hindi ba, madali nang habulin iyon."

Tumaas ang sulok ng labi ko, gano'n lang sana kadali iyon. Hindi lang din naman iyon ang iniisip ko, wala na akong tiwala pa sa sarili ko. Pakiramdam ko ay hindi ko kaya, kaya ayokong subukan dahil sayang lang ang ipapaaral at oras. Sayang lang ulit.

"Salamat ho sa alok niyo, pero sa ngayon ay hindi ko pa ho nakikita ang sarili ko ulit sa pag-aaral." Tumayo na ako.

Napatayo na rin siya.

"Basta, kapag nag-change ang mind mo, contract me na lang huh?" konyong sabi niya, tumango ako kahit ang totoo ay hindi ko alam kung mababago pa ang desisyon ko na 'yon.

Naglakad na ako palabas ng cafe, hindi na ako nagulat nang makita ko si Alas sa labas habang nagsisigarilyo at nakasandal sa pader animong kanina pa naghihintay. Sinisipa-sipa niya ang maliliit na bato sa kanyang paanan.

Sabi ko na nga ba, nakasunod na naman 'tong surot na 'to.

Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang presenya ko. Seryoso ang mukha na pinanuod niya akong lumapit sa kanya, bumuga siya ng usok na kaagad din niyang itinaboy paalis gamit ang kanyang kamay. Nang tuluyan makalapit ay kinuha ko ang sigarilyo sa kanyang bibig saka tinapon sa aking paanan at tinapakan ko iyon.

Alas wet his buttom lip.

"Tapos na kayo mag-usap? Papasok ka pa ba sa trabaho?" His voice was gentle.

Mukhang wala siyang balak tanungin kung anong pinag-usapan namin ni Ate Angel, kung kilala niya si Dr. Jace ay kilala rin niya ang asawa nito.

"Makakasama sa'yo ang paninigarilyo. Masisira ang kidney mo," puna ko imbes sagutin ang kanyang tanong.

Sinuklay niya ang kanyang buhok at kinagat ang labi na para bang nagpipigil siya ng ngiti.

"Oh, All right. Hindi na po."

Nagulat ako sa kaagad niyang pagpayag, o baka naman sinabi niya lang 'yon.

"Anong hindi na po? Hindi na isang piraso? Isang box na sa susunod no?"

Tumaas ang sulok ng kanyang labi bago tumingin sa aking labi. Kaagad kong tinakpan ang aking bibig dahil doon at hindi ko inaasahan ang pagsabog ng tawa niya. Alastair broke out laughing.  Lumitaw ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin, mas sumingkit ang kanyang mata. My brows furrowed even more as my heartbeat raced for no apparent reason.

Ano na naman ba 'tong nangyayari sa akin?

Nag-iwas tingin ako.

"Don't worry, Love. I won't kiss you without your consent. I've turned into a gentleman," natatawang sabi pa niya, bakas ang tuwa at pang-aasar sa kanyang boses.

Naningkit ang aking mata. Isa pa, sasapakin ko 'to.

Marahan niyang inalis ang aking kamay na nakatakip sa aking bibig, napatingin ako sa kamay niya.

Pakiramdam ko ay napaso ako kaya binawi ko na ang kamay ko sa kanya, hindi ko alam kung naramdaman din niya 'yon pero napanguso siya sa biglang tabig ko sa kanyang kamay.

"Hindi mo ba tatanungin kung sino at ano ang pinag-usapan namin ng kausap ko sa loob?" Ako na ang nagtanong.

Tipid siyang ngumisi. "Sasabihin mo naman kapag komportable ka. Komportable ka bang sabihin sa akin?"

Nag-iwas ako ng tingin, bigla akong nainis sa pagngisi niya.

"Papasok na ako, baka nandoon na si Samy," sabi ko saka siya tinalikuran.

Narinig ko pa ang pagtawa niya nang mahina sa aking likuran, parang nang-uuyam iyon. Ano na naman bang nakakatawa?

Ramdam kong nakasunod lang siya habang naglalakad ako pabalik ng shop, kahit malalaki na ang hakbang ko ay naaabutan pa rin niya sa haba ng kanyang biyas.

Bago ako tuluyan makaliko ay bilisan niya ang lakad at sinabayan ako pero hindi siya lumingon.

"We have a dinner date, later. You're mine later, 'kay?" he whispered.

༻❁༺

         NANG hapon na iyon ay maagang umalis si Samy, masiyado siyang busy sa mga hawak na pera. Roon ko nalaman na hindi lang pala ito ang negosyo nila, may maliit na karinderya rin sila sa probinsya ng Batangas.

"May sundo ka ba, Alice? Gusto mo hatid na kita, sumasakay ka ba sa single na motor?" tanong ni Tonyo pagkasara ng shop.

Tipid ko siyang tinanguan. "Nakasakay na ako sa ganyan noon, huwag ka na mag-abala malapit lang naman din dito ang tinitirhan ko at may sundo rin ako. Umuwi ka na baka hinahanap ka na ng asawa mo," sabi ko habang chine-check ang dalang pouch.

Sinigurado kong wala akong naiwan sa loob.

Madramang sinapo ni Tonyo ang kanyang buto-butong dibdib. "Uy, ikaw ha. Style mo ah!"

Naguguluhan ko siyang nilingon.

"Huh?"

"Gusto mo lang malaman kung may asawa ako, hindi mo pa diretsyohin," natatawang sabi niya.

Naiiling na tinapik ko siya sa balikat. Kawawa naman 'tong batang 'to.  "Sige, Totoy. Gutom lang 'yan ha? Matulog ka ng maaga nang magkalaman ka."

Nilagpasan ko na siya, narinig ko pa ang ungot na reklamo niya pero hindi ko na siya nilingon.

Dumeretsyo ako sa gilid ng church kung saan nakaparada si Alas, naabutan ko siyang nakatayo roon sa labas habang nakapamulsa at may kausap sa telepono kaya maingat akong lumapit.

"How's your feeling? Hmm, basta magpahinga ka na lang diyan. May inaasikaso lang ako, pasensya ka na kung hindi kita . . . hindi ko kayo mabantayan sa ospital. I'll visit you tomorrow, babe. Yup, I'm fine. Oo naman, kumakain ako sa oras, Savy. Ikaw ang huwag makulit. Para kang tanga, ano na naman pinagsasabi mo, hindi nga ako bakla ang kulit." Nakita ko ang pagtawa nang mahina ni Officer Alas animong komportableng-komportable siya sa kausap niya.

Huminto ako ng ilang dipa na lang ang aking layo sa kanya.

Babe? Savy huh? Siya ata 'yong kausap niya rin dati.

Ang gulo din talaga ng Pulis na 'to, kung sino-sino ang kausap. Siguro iyan talaga ang kasintahan niya? So talagang hindi siya bakla.

"Oo, kasama ko siya. Kailan ko siya isasama riyan? Hindi ko pa alam, Sav." Nakita kong unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Officer Alas animong may sinabi ang kausap niya sa kanya. "Alam ko ang ginagawa ko, huwag ka mag-alala hindi ako mapapahamak. Sige na tatawag na lang ulit ako, kumain ka na. Bye." Napatitig siya sa kanyang telepono at malakas na bumuntonghininga, bago pa siya makalingon ay mas lumapit na ako, gulat siyang napalingon sa akin.

My eyebrows rose at his reaction. "Kape ka nang kape, Officer."

"Kanina pa ba riyan, Alice?"

Umiling ako saka inosenteng tinitigan siya. "Hindi naman, kakadating lang din. Bakit?"

Nakita ko ang pagpakawala niya ng malakas na buntonghininga, pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse. "Wala lang, tara na?"

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang parehas na kaming nasa loob.

"Doon sa gym na kinainan natin dati."

"Sa rooftop ulit tayo?" 

He gave me a sidelong glance. The corner of his lips turned up.

"Ano na naman bang iniisip mo?" inis na tanong ko, unti-unti ay nakakabisado ko na siya. Sa ilang linggo namin na magkasam ay alam ko na ang mga pagngisi niyang ganyan.

"Nothing, Love. But for your question, hindi sa rooftop. Sa tabing restaurant doon, kaibigan ko ang may-ari, opening nila," sabi niya saka nagsimula ng mag-drive.

"Okay."

Tumikhim siya. "Hmm, you're not bothered by the fact that I'm calling you Love, are you? Ayos lang sa'yo?" tanong niya.

Humalukipkip ako. "Kapag naman sinabi kong huwag, hindi ka naman nakikinig. So what's the point, surot."

Alas groaned. "What surot?"

Ngumisi ako. "Walang pakielamanan ng tawagan. Matandang surot."

Narinig ko pa ang pagtutol niya pero pumikit na lang ako at hinayaan siyang mag-drive.

Ramdam ko ang paglingon niya sa akin.

"Ano na naman?" tanong ko nang hindi talaga siya tumigil kakalingon habang nagda-drive, nanatili akong nakapikit habang naka-krus ang mga braso sa harap ng dibdib.

Bumuga siya ng hangin, rinig na rinig ko. "I wanna hold you."

Lihim akong napalunok, hindi ako dumilat.

"Bakit?" Naramdaman kong kinabig niya ang manibela.

"Hindi ko alam pero gusto kong hawakan ka, gusto ko maramdaman 'yong init ng balat mo ulit . . . sa akin. I just wanna hold you, feel you. I genuinely don't want you to be upset with me." Bakas ko ang pag-iingat sa bawat salitang binibitawan niya.

Dumilat ako at nilingon siya. Naabutan ko siyang kagat-kagat ang ibabang labi, malikot ng kanyang mata sa kalsada animong hindi mapakali.

Nag-iwas ako ng tingin at tinuon na lang ang tingin sa labas ng kotse bago ko inilahad ang aking kamay sa kanyang gawi.

Naramdaman kong bahagyang bumagal ang takbo ng kotse, binusinahan kami ng nasa likuran namin sa biglang preno niya. Lilingunin ko na sana siya para pagalitan pero kinuha na niya ang kamay ko, pinagsaklob niya ang mga kamay namin at pinirmi iyon sa ibabaw ng hita niya habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela. Walang nagsalita sa amin, unti-unti na ulit bumilis ang takbo ng kotse kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko, na naman.

_______________________

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store