ZingTruyen.Store

Teach Me, Sir (Teach Series #1)

Special Chapter

SaviorKitty


Special Chapter

"Good bye class, have a good day," wika ko saka inayos ang aking mga dala.

Nagsi-labasan ang aking mga istudyante, ngumiti ako sa kanila. Lumapit ang isa kong istudyante. "Ma'am kami na po magdala sa faculty ng mga notebooks," ani ng isa.

Ngumiti ako saka tumango. "Sige, pakilapag na lang doon sa may lamesa sa gilid ha, tapos umuwi na kayo pagkatapos. Thank you."

Lumabas na ako sa classroom saka hinawakan ang medyo kalakihan ko ng tiyan. Hmm, nagugutom na ako. Naglakad ako, may ilang istudyanteng binabati ako, binabati ko rin sila pabalik.

I wonder if I can buy a mango shake.

Mang makarating ako sa Principal office ay kumatok ako bago pumasok. Kaagad akong napangiti ng makita ang aking asawa na may kausap sa cellphone. Nang makita ako ay kaagad siyang lumapit saka kinuha ang aking bag bago ako halikan sa labi ng mabilis.

"Yes, maybe next week. Thanks," usal niya sa kausap bago patayin ang tawag.

"Tired?" tanong ni Travis.

Niyakap niya ako mula sa likod dahil takot siyang maipit ang baby namin. Hinalikan niya ang aking leeg. "Hindi naman, masyado. Nagpa-lecture lang ako kanina."

"I told you baby, mag leave ka na. Kabuwanan muna sa susunod na buwan," mahinahong aniya.

Hinimas ko ang pisngi niya habang nasa ganoon kaming posisyon. "Ayos lang naman ako, saka mababagot lang ako sa bahay kaya ko pa naman magturo."

He groaned on my neck. Hindi na siya nakipagtalo pa, lagi na namin itong pinag-uusapan. Noong nalaman namin na buntis ako ay gusto na nga niyang huminto ako sa pagtuturo kahit na hindi pa man malaki ang aking tiyan noon.

Pero ayoko talaga, pakiramdam ko'y kapag nasa bahay ako ay manghihina ako saka kilala ko naman ang aking katawan. Alam ko kung nahihirapan ako o hindi.

"Gusto ko ng mango shake," usal ko.

Naramdaman kong pag-angat ng sulok ng labi niya sa aking pisngi. "Sure baby, let's go home?" malambing na aniya.

Hawak kamay kaming lumabas sa office niya. Hindi ko maiwasan hindi siya hangaan. Nakaka-proud lang na asawa ko siya, na masasabi kong sa akin siya.

"Don't look at me like that baby," aniya ng mapansin ang pagtitig ko sa kaniya habang naglalakad kami.

Ngumisi ako. "I love you Sir." wika ko.

Naitikom niya ang bibig, kitang-kita ko kung paano niya pigilan ang pagngiti niya.

"Ayieh, kinikilig ang asawa ko oh," humagalpak ako ng tawa.

Ngumuso siya saka ipinalibot ang braso sa akin.

"Sa'yo lang naman ako kinikilig, Ma'am."

Kinindatan pa niya ako bago inalalayan pumasok sa kotse.

NANG SUMAPIT ang sumunod na linggo ay isinama ako ni Travis sa Nueva Ecija, Bulacan dahil may seminar siya doon ng ilang araw. Kahit gusto kong magpa-iwan ay hindi siya pumayag.

Hindi raw siya mapapakali na malayo ako lalo't buntis ako.

Humigop ako ng buko juice na nasa aking baso habang nanunuod ng tv. Ako lang mag-isa sa tinutuluyan namin bahay dito. Hindi namin inaasahan na aakyat ng bundok ang seminar nila, magseseminar sila sa mga nakatira doon sa itaas ng bundok. Medyo liblib na ang lugar kung nasaan kami.

Sabi ni Travis ay babalik siya kaagad. Pangalawang araw na namin dito, hanggang apat na araw lang kami rito.

Hinimas ko ang tiyan ko saka ako napangiwi dahil biglang kumirot ang aking tiyan.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng maramdaman kong may umaagos na likido sa aking hita. Shit! Pumutok na ang panubigan ko.

Suminghap ako't habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. Nakangiwing inabot ko ang aking cellphone para tawagan si Travis.

Nakailang ring pa lang ay sumagot na siya.

"Hello baby?"

"Travis! Ma-Manganganak na ako!"

Hindi kaagad siya nakapagsalita, tiningnan ko ang aking phone dahil akala ko ay wala na siya pero nandoon pa rin, anong nangyari?

"Travis ano ba?!" sigaw ko.

Napakapit ako sa upuan ko. Ang sakit!

"O-Oo a-andyan n-na ako... K-Kumalma ka muna, uuwi n-na ako," naramdaman ko ang pagpapanic niya.

Huminga ako ng malalim, sinubukan kong tumayo. Lilipat ako sa kama.

"Kumalma ka Travis, bilisan mo."

Pinatay ko na ang tawag, pinilit kong kumalma kahit halos mamilipit na ako sa kirot. Mabilis ang aking paghinga, napahikbi na ako ng dugo na ang nakikita ko sa aking hita.

Tinanggal ko ang suot kong panty, mabuti at naka-duster ako. Pinilit kong kumalma sa kama, pilit kong inalala ang itinuro sa akin kapag manganganak na.

Pakiramdam ko ay lalabas na!

Para akong bubuga ng apoy na humahangos na pumasok si Travis. Namumutla na siya. Nang makita niya ang dugo umaagos sa hita ko at kumakalat sa kama ay nanigas siya doon.

Shit!

"Travis ano ba?! Dalhin mo ako ospital!" sigaw ko.

Doon siya kumurap-kurap at dinaluhan ako. "Y-Yes baby... nagpakuha na ako ng sasakyan sa labasan para makapunta tayo sa pinaka-malapit na ospital. Calm down okay, follow me. Exhale, inhale," paulit-ulit na aniya.

Pakiramdam ko ay mas kailangan niya iyon. Parang siya pa ang mas namumutla. Shit! Matagal pa 'yon kung hihintayin at bibiyahe pa. Lalabas na talaga!

"T-Travis, hindi ko na kaya! Ahhh!"

Nahampas ko siya sa sobrang sakit.

Itinaas ko ang aking suot na duster. Pakiramdam ko ay lalabas na talaga hindi ko na kaya!

"T-Travis lalabas na."

Nanlaki ang mata ni Travis. Dinungaw niya ang aking pagkababae mas lalo siyang namutla sa nakita doon. "B-Baby 'yong ulo lumalabas na!" sigaw niya.

Kaagad siyang pumunta sa aking ibaba. Napaiyak na ako sa sakit, umiri ako nang umiri. Kailangan ko mailabas ang anak ko, nilakasan ko ang loob ko.

Mahigpit na kumapit ako sa bed sheet, halos maihampas ko na ang aking ulo sa sakit.

Huminga ako ng malalim saka umiri ulit.

"Good job, baby. More... sige pa! You can d-do it," wika ni Travis.

Naririnig ko ang pagnginig ng boses niya pero mas nananaig ang sakit sa akin.

"H-Hawak ko na, iisa pa. Kaya mo 'yan mahal. Last na ibigay mo na lahat! Come on, I'm here," kinakabahan wika niya.

"Ahhh!" malakas na iri ang ginawa ko.

Hapong-hapo ako, pagkatapos. Naiiyak ako bumaba ang tingin kay Travis. Mas napahikbi ako ng marinig ko ang iyak ng baby namin.

Nangilid ang luha ni Travis habang nakatingin sa anak namin, saka tumingin sa akin.

"Y-You did a great job, baby."

Pagod akong ngumiti sa kaniya, naibagsak ko ang binti ko kanina'y nakabukas.

Pakiramdam ko ay ang bigat ng talukap ng mata ko, bago ako pumikit ay tiningnan ko muna ang anak namin na karga niya at bahagyang tinatanggalan ng dugo.

Napangiti ako, my baby.

Bago ako makatuloy kita ko pang umiiyak na si Travis habang hawak ang aming anak.

--

"I'm home!" napangiti ako ng marinig ang boses ng aking asawa mula sa sala.

Pinatay ko ang kalan saka humarap sa ref para kumuha ng juice. Nang isara ko iyon ay siya naman pagpasok ng lalaki.

Ngumiti siya ng makita ako.

Lumapit siya't naglalambing na yumakap.

"Ang bango naman ni Misis," komento niya.

"Yung niluto ko 'yon, hindi ako."

Inabutan ko siya ng juice na kaagad naman niyang tinanggap. Nang matapos siyang uminom ay pinaharap niya ako sa kaniya.

Nang magtama ang aming mata ay kumabog ang aking puso. Ganon pa rin ang epekto niya sa akin kahit lumipas pa ang panahon.

Bahagya kong hinimas ang aking kamay sa kaniyang buhok na may puting buhok na. Hmm. Still handsome even at the age of 50.

"Wala pa ang mga bata?" tanong niya habang marahan akong sinasayaw kahit pa wala naman tugtog.

Nakapalibot ang kaniyang braso sa aking beywang, habang ang sa akin ay nasa kaniyang leeg.

"Maaga pa, mamay pang ala-sais ang mga iyon," wika ko.

Marahan niya akong pinaikot saka ibinalika sa kaniyang bisig. "Hmm, noon ang ingay pa ng bahay dahil maliliit pa sila, ngayon malalaki na nakakamiss mag-alaga ng bata."

Humalakhak ako.

"So anong ibig mong sabihin Mr. De Vega? Na gusto mo ng bata ulit sa bahay? Ipapa-alala ko lang sayo 43 years old na ako. Okay na 'yong apat na anak natin," naiiling na wika ko.

Inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib habang marahan kaming umiikot.

"Kaya pa 'yan," malambing na aniya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya, always horny. Nako! Hindi na talaga nag bago.

Tumingala ako sa kaniya. "Something hard poking my tummy," pinaningkitan ko siya ng mata dahil naramdaman ko ang kaniyang alaga na tumatama sa aking puson.

Humalakhak siya.

"You are so beautiful, and I love you I can't help it, baby."

Piningot ko ang kaniyang ilong. "Uuwi na ang mga bata, mamaya na lang gabi."

Ngumisi siya saka hinalikan ako sa noo.

"Okay, I'm excited."

Nangingiting ibinalik ko ang ulo sa kaniyang dibdib. Mas lalo akong napangiti ng marinig ang malakas na kabog ng puso niya sa tapat ng aking tainga.

Hmm, my husband loves me.

Nagpatuloy kami sa marahan na magsayaw, napapikit ako ng marinig ang pagkanta niya. Ang aming love song, yung kanta namin noong kasal. You're still the one.

Thank you Lord, for giving me this man.

Hinalikan niya ang aking noo habang kumakanta.

Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday.

Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng naging desisyon ko. Marahan niyang hinimas ang aking likod saka siya tumigil sa pagkanta.

Tumingala ako sa kaniya. Nawala ang ngiti sa aking labi ng makita namumula ang kaniyang mata.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko.

Umiling siya saka ngumiti sa akin.

"Thank you for teaching me how to compromise, be selfless, appreciate the small things, and make sacrifices," he whispered.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya saka masuying ngumiti.

"No, ako dapat ang magsabi niyan. Thank you for everything, Sir."

~ THE END ~



Author's Note:

Thank you for reading and supporting "Teach Me, Sir". Hope you like the story of Travis Klaus De Vega and Sascha Gayle De Vega.

I know this is too much but please leave a message/comment about this story or for the author. Gusto ko lang malaman kung ano reaction niyo sa story.

Thank you! See you on the next story. Share niyo rin sa mga friends or kakilala niyo 'tong story. Salamat.

Started: Dec, 20 2019
Ended: Jan, 31, 2020

S A V I O R K I T T Y

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store