Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 4
Kabanata 4:
"Huwag kang malikot, itatarak ko 'tong nail pusher sa'yo," banta ko kay Kevin habang nililinisan siya ng kuko.
Kevin rolled his eyes. "Grabe ka naman kasi magkutkot, balak mo atang tanggalin buong kuko ko. Dahan-dahan lang kasi, Li," maarteng aniya. He's the only one calling me like that, Li.
"Basta ipirmi mo lang 'yong kamay mo." I grabbed his pulse so he can't move again.
Kanina pa kami naglilinisan ng kuko pero tumagal sa kanya dahil ang daming arte, habang nililinis ay roon ko napansin ang mahahaba niyang daliri na parang daliri ng Koreano, ang puti at malambot.
"Hindi ka gumagawa sa bahay no?" I teased him.
Pumalumbaba siya saka pinanuod ang ginagawa ko sa kanyang kamay. Ramdam ko ang pagkayamot niya pero dahil tiis-ganda ay hindi na siya umaanggal pa.
"Gumagawa ako, hindi lang mabibigat na gawain. Wala naman binubuhat-buhat sa bahay, tiga-hugas ng pinggan at walis lang ako roon," bagot na aniya saka pa-simpleng hihiga sa kama ko nang hilahin ko siya.
This man!
"Come on, Beb. Papatuyuin lang natin 'to tapos pwede mo na isukat 'yong pang-maid costume," I said like it's an agreement. We both bought maid costume, mahilig mag-cosplay si Kevin kaya nagaya na rin ako.
Para siyang nabuhayan sa sinabi ko at tuwid na umupo.
Nang matapos sa kanyang kamay ay sinuklay ko ang medyo mahaba na niyang buhok, hanggang ilalim na ng tainga. They are too soft and shinny.
"You've been warned to cut your hair, right? Baka hindi ka nyan makapasok next year kapag hindi mo 'to pinaiklian, third year pa naman tayo. Magsisimula na 'yong observation natin niyan," paalala ko sa kanya.
Simula highschool hanggang nag-college ay naging magkaklase na kami kaya rin siya na ang lagi kong kasama, bukod pa roon ay kilala nila Papa at Mommy.
He protruded his lips.
"Ayoko nga magpagupit e, ang tagal ko kayang pinahaba 'yan. Parang tungek naman kasi, kaya ko naman mag-aral kahit mahaba buhok ko. Bakit ba kasi may gano'n rules, kapag ako naging Presidente, aalisin ko 'yan," mahabang litanya niya.
I laughed and handed him his costume.
Walang hiya-hiyang tinanggal niya ang shirt niya at sweater short, tanging boxer lang ang natira.
He's not masculine, his body type is like Korean actor, matangkad na medyo payat. Pinasadahan ko siya ng tingin habang sinusuot niya ang maid costume niya.
Tumaas ang sulok ng aking labi nang makitang nahihirapan siyang isara ang zipper sa likuran niya, sinenyasan ko siyang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa kama.
Mabilis niyang ipinakita sa akin ang likod niya. I can't help but to look at his booty, it's too cute. Omg.
"You look so sexy," I said in puzzling tone. He's really cute maid. Pwede bang ako na lang ang Boss?
"Bihis ka na rin, Beb tapos picture tayo!" excited na sabi niya.
Tumayo ako at kinuha ang sa akin, nilingon ko siya. "Tumalikod ka," utos ko.
"Luh, bakit? Ang arte nakita ko naman na 'yan ah."
"Gagi, may mens ako. Makikita mo dugo ko, usto mo eon?" biro ko sa huli.
His face turned pale. Napangiwi siya saka tumalikod. "Dugyot nito e, kaya hindi tinuloy ni Reymark panliligaw sa'yo dugyot ka," komento niya.
Natawa ako saka mabilis nagbihis habang nakatingin sa likod niya.
"Pinatigil ko siya, ako may gusto no'n tumigil siya no. Hindi ko keri ang long distance, saka mamaya kapag nasa abroad na siya may makilala siya roon edi mas mahirap," sabi ko at tuluyan naisuot ang maid costume.
Reymark migrated to Canada, sinama siya ng Papa niya roon. Medyo okay naman si Reymark, mabait saka masaya kasama ang kaso ay aalis siya at ayoko ng malayo. Hindi ko pa kaya ng gano'n kahit pa nanliligaw pa lang. Mas okay na rin iyon, saka bata pa naman kami siguradong marami pa roon makikilala.
"Woy, Kevs tanggalin mo nga 'yong tag sa likuran ko. Hindi ko pala natanggal, ang kati," inis na sabi ko nang maramdaman ang tag price sa may bandang batok.
Mabilis lumapit si Kevin, hinawi niya ang buhok ko saka hinila ang tag pero ayaw matanggal.
"Ay, ang strong naman nito. Mas strong pa sa relasyon." Natawa kami parehas, pero kaagad din akong natigil at napatayo nang tuwid nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko.
He bit the string to cut the tag price, I blinked because of that.
Nang matanggal ay kaagad siyang pumunta sa harap ng full body mirror ko saka nag-pose roon. Hindi kaagad ako nakakilos, ano ba 'tong nararamdan ko.
Bigla akong kinabahan.
"Hoy, ano tinutunganga mo ryan? Lika rito dali, picture tayo beb!"
Pinilit kong ngumisi saka lumapit sa kanya.
Nakailang pose kami sa harap ng salamin, gumawa pa kami ng video na sumasayaw kami.
I love dancing, well... Kevin learned how to dance because of me. Ang dami ba naman oras na magkasama kami na bigla na lang ako kekembot o tatabling, nahawa ata siya.
Sabay kaming napalingon sa nakasarang pintuan ng kwarto ko nang may malakas na kumatok.
"Ate! Nandyan sa ibaba 'yong Daddy ni Kuya Kevin." Nagkatinginan kaming dalawa at sabay pang nanlaki ang mata.
"Huwag mong bubuksan ang pinto!" sigaw ko.
Kaagad tumalikod si Kevin, tinulungan ko siyang ibaba ang zipper no'n.
Nagmamadali siyang nagbihis, halos liparin niya ang mga damit na hinagis niya kanina. Kevin is close with my family, gano'n din ako sa kanila pero hindi pa nila alam na bakla si Kevin, siguro may pakiramdam si Papa pero hindi namin iyon pinag-uusapan, si Mommy naman, hindi ko alam. Basta ang importante sa kanya ay makipagkaibigan ako sa may kayang pamilya, ayos na iyon.
"Shit!" Napamura si Kevin nang natataranta siyang sinuot ang pantalon, lumuhod ako para tulungan siyang i-angat iyon sakto naman bumukas ang pintuan.
"Ate, 'yong Daddy nga ni ohh—my gulay!" Sabay kaming napalingon sa bunso kong kapatid. Lumabas sa ilong niya ang iniinom na milktea, kaagad akong tumayo.
Damn, Lisa.
Napaubo ang kapatid ko, kaagad ko siyang sinenyasan na huwag maingay. Tumango siya saka dahan-dahan lumabas, pagkasarang-pagkasara ng pintuan ay bigla siyang sumigaw.
"Mommy! Si Ate Lisa at Kuya Kevin nag-aano! Nag-tu-toot!" sigaw niya at nagtatakbo pababa.
Sabay kaming napamura ni Kevin, kaagad siyang lumabas habang mabilis naman akong nagbihis.
Bakit ba kasi gano'n ang kapatid ko, sinabi ng huwag buksan, bubuksan pa. Dapat ata sinabi ko baliktad para hindi niya buksan.
Inayos ko ang aking sarili at bumaba, naabutan kong nagtatawanan si Mommy at Papa ni Kevin habang kumakamot sa batok si Kevin sa gilid.
Pinandilatan ko ang aking kapatid, ano na naman kaya sinabi ng punggok na 'to?
"Ganyan talaga ang mga kabataan ngayon, kung ano-anong naiisip." Natatawang sabi ni Mommy.
"Kevin, anak. Baka bigyan mo kami nyan ng apo hindi pa kayo graduate ni Lisa," ani ng Papa niya.
Napasinghap ako dahil doon, mukhang alam ko na kung anong sinumbong ng kapatid ko.
"P-Papa naman, hindi po gano'n 'yon." Malumay ngunit malalim na ang boses ni Kevin, wala na ang lambot doon.
Tuluyan na akong lumapit at nagmano sa Papa niya na kita ko ang saya sa mukha. Kung alam niyo lang Tito, hindi kami nagbahay-bahayan sa kwarto, parehas po kaming maid.
"Oo na, sige na sabi mo e. Sige na magpaalam ka na sa nobya mo't pinapasundo ka na ni Mama mo."
Tumango si Kevin, nilingon niya ako at napanguso, ngumisi ako sa kanya.
I know, beb. I know.
Alam kong nahihirapan siya dahil hindi pa niya maamin sa magulang niya.
***
MABILIS lumipas ang linggo at buwan, nang pasukan ng last sem ng taon ay nakilala namin si Sascha. She's a tranferee student. Mahiyain pa siya noong una, mabuti at kahit papaano ay gumaan na ang loob niya sa amin at kay Alice.
She's sweet and funny. I like her.
"Nasaan si Sascha?" I asked Kevin, isang hapon pauwi na kami.
I looked at Alice, nakita ko ang paglibot niya ng tingin sa paligid animong doon lang niya namalayan na nawawala si Sascha. She's too busy with her manwha.
May binabasa siyang lalaki na naka-maskara, iyon lang ang nakita ko kanina. Bj—hmm something. I forgot.
"Hmm, si Ate mo girl nagbanyo raw," ani Kevin habang subo-subo ang lollipo, tinuro niya ang restroom na malapit sa amin.
Tumango ako. "Iihi rin muna ako, teka lang! Diyan lang kayo, oh bantayan mo bag ko." Inabot ko ang aking kulay pink na bag kay Kevin.
Hindi ko na sila hinintay pa, pumasok ako sa banyo. Nakita ko ang bag ni Sascha sa lababo kaya pumasok na ako sa isang cubicle para magbanyo, narinig kong bumukas ang kabilang cubicle.
Tatawagin ko sana siya para hintayin ako nang marinig kong may kausap siya sa telepono.
"Oo nga, nabayad ko na 'yong pinadala mo no'ng nakaraan. Hmm, oo ayos naman 'yong school," sandaling natahimik. "May mga kaibigan na ako... ano? Huwag ka na magpadala ng pera, may allowance pa naman ako. S-Sige na, bye na."
Hanggang makalabas si Sascha ay nakakunot ang noo ko. Napadala ng pera? Allowance?
Nanlaki ang aking mata sa naisip.
Oh my gosh, may sugar Daddy siya?
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store