Teach Me Back (Teach Series #3)
Kabanata 3
Kabanata 3:
"Dyan na lang ako sa may kanto," mabilis na sabi ko kay Reymark.
Bahagya ko pangtinapik ang balikat niya para mas malaman niyang ayokong i-diretso niya ang motor sa harap ng bahay namin.
Imbes na sundin ay binagalan niya lang ang pagmamaneho.
Ang isang kamay ko ay naka-hawak sa hawakan sa likuran ng mio na gamit niya, habang ang isa ay naka-patong sa kanan niyang balikat.
"Ayos lang, idiretso ko na, ang lapit na para hindi ka mapagod maglakad." Natatawang aniya.
Gusto ko siyang kutusan, okay na siguro mapagod ang paa kong lakarin ang kaunting distansya sa bahay at sa kanto kaysa mapagod ang singit ko kakakurot ni Mommy.
Lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko nang maihinto niya ang motor sa gilid ng gate namin. Kaagad akong bumaba, natatarantang inabot sa kanya ang helmet niya.
Gosh, what am I doing to my life?
Bahagya kong nilingon ang bahay namin, maliwanag na sa loob nh bahay. Madilim na rin ang paligid, siguro naman ay hindi kami makikita, hindi naman siguro lalabas bigla sila Papa at Mommy.
"Thank you sa pagpayag, Lisa. I really enjoy this day." Kumamot sa batok si Reymark habang may ilang na ngisi sa labi.
Ngumiti ako para ipakitang nag-enjoy rin ako sa ginawa namin. Halos ilang buwan na rin kasi kaming magka-chat, lagi kaming nagkikita sa school. Hindi naman pormal na nanliligaw siya pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na gusto niya ako. Nitong nakaraan araw ay inaya niya akong lumabas at ito nga't napag-desisyunan namin na ngayon araw gawin iyon dahil matapos na ang school year.
"Thank you rin nag-enjoy talaga ako. Saka salamat pala rito." Tinuro ko ang goto na binili namin.
I really find it cute, simple but sweet. Akala ko noon ay sobrang mayabang at pa-cool si Reymark, but actually he's humble. Alam mo 'yung maloko pero 'yong magaan lang kasama.
He chuckled. "Actually, ikaw lang ang naka-date ko na dinala ko sa gotohan, some girls asked me to mall or restaurant. Mukhang mas lalo akong mahuhulog sa'yo nyan," biro niya.
Natawa rin ako sa sinabi niya, hindi naman sa ayaw ko sa mga gano'n.
Naisip ko lang na, paniguradong maraming tao sa mga lugar na iyon ngayon dahil Sunday tapos lagi na rin naman ako nando'n, kaya nag-suggest ako na sa gotohan na lang kami sa San Fernando kumain, kung saan ako dinala ni Kevin dati.
"Ahm... papasok na ako. Ingat sa pag-uwi," sabi ko.
Tinapik ko ang harap ng sasakyan niya para umandar na pero nakatitig lang siya sa akin, mas nailang ako roon.
"Mauulit naman 'to hindi ba? I mean, nag-enjoy talaga ako kanina baka lang... baka gusto mo lumabas ulit tayo sa susunod?"
Grabe, pakiramdam ko ang ganda ko. Maybe it's okay huh? Una pa lang naman 'to, baka pwede ko pa siyang bigyan ng pagkakataon.
Inayos ko ang buhok ko at inilagay iyon sa likod ng aking tainga, nakita ko pang sinundan niya iyon ng tingin.
Oh men, ang rupok niyo.
"Sure, message mo na lang ako."
Unti-unti sumilay ang ngiti sa labi niya, hinawakan niya ang pulsuhan ko saka ako hinila papalapit sa kaniya. Halos mapaigtad ako nang halikan niya ako sa tungki ng ilong ko.
Napakurap-kurap ako roon.
"B-Bakit?" gulat na tanong ko. Binitawan niya ang aking kamay.
"Ah, sorry nabigla ba kita?" nahihiyang wika niya.
"Bakit sa ilong?"
Sandali niya akong tinitigan bago natawa. "Gusto mo sa lips? Haha. Sige susunod at—"
"Beb you're here!" Halos masamid ako ng sarili kong laway nang marinig ang sigaw ni Kevin mula sa bahay namin. Lumingon ako at nakita kong nakadungaw ang ulo niya sa pintuan. "Tito nandito na si Lisa—oh wait! May kasamang lalaki, Tito oh!" sigaw niya.
Napangiwi ako saka mabilis na humarap kay Reymark.
"Ah, umalis ka na Reymark baka mapagalitan tayo, sige na."
Bahagya ko siyang tinulak-tulak, kahit naguguluhan ay binuhay niya ang makina ng motor. "Ayos lang naman, teka ano mo ba iyon?" tukoy niya kay Kevin.
"Sige na! Kita na lang tayo bukas sa pagkuha ng card."
Tumango siya saka umalis, napa-buntonghininga na lang ako.
Pinanuod kong makalayo ang sinasakyan niya bago pumasok sa gate, kaagad nalukot ang aking mukha nang maabutan si Kevin sa may pintuan namin.
"Anong ginagawa mo rito? Gabi na ah," I pointed out.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo sa labas, gabi na ah." Pabirong inirapan ko siya saka kami sabay na pumasok.
Nauna akong pumasok naabutan ko si Papa na nanunuod ng tv kaya nagmano ako, nandoon din ang bunso kong kapatud. Kaagad na dumapo ang mata ni Papa sa dala kong goto.
"Saan ka galing, Lisa? Kanina pa nandito ang kaibigan mo. Tinatawagan ka ni Mommy mo, hindi ka sumasagot, aba't nag-cellphone ka pa." Naglalambing na tumabi ako ng upo kay Papa.
"Papa, dyan lang naman ako sa San Fernando, saka nagpaalam ako kay Mommy kanina na aalis ako, wala ka naman kanina e." Sana gumana.
Ngumisi ako sa kanya pero nailing lang siya. "Saan ka galing? Akala ng Mommy mo si Kevin ang kasama mo." Tinuro niya ang kaibigan ko.
Napanguso ako napatingin kay Kevin na prenteng nakaupo sa sofa namin. Bakit naman kasi nandito 'tong bakla na 'to e? Edi sana may pwede akong idahilan kung wala siya rito. Hays.
"Nako, Tito nakipag-date iyan," sabat ni Kevin.
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang epal talaga.
"Totoo ba iyon, Lisa? Hindi ba't si Kevin ang kasintahan mo? Huwag mo sabihin nangangaliwa ka," sermon ni Papa.
Nakasimangot na tumayo ako para makapagbihis na.
"Papa naman e, mag kaibigan lang kami nyan, saka tingnan mo nga siya mas maputi pa siya sa akin, mas mahaba pilik mata at mas maarte iyan sa akin."
Tumalikod na ako, dumretso ako kay Mommy na naghahain na sa kusina. Tumikhim muna ako.
"Hi, Mom. I'm home." Hinalikan ko siya pisngi. Nilapag ang goto sa lamesa.
"May naghatid daw sa'yo? Lalaki? Akala ko ba kila Kevin ka pupunta, kaya kita pinayagan kanina kasi si Kevin naman makakasam mo," aniya.
I bit my lower lip, wala na huli na talaga ako.
"My, k-kaibigan lang po iyon."
Inismidan niya ako bago patayin ang kalan. "Anong apelido no'n? Mayaman ba ang pamilya?" kaagad na tanong niya.
I sighed because of her question, for her the status in life is more important.
Hindi mahigpit si Mommy kung mag-boyfriend ako o ano, basta 'yong mayaman daw at kaya akong buhayin. Kaya nga rin siguro hindi siya mahigpit sa amin ni Kevin, dahil kilala sa lugar namin ang ama ni Kevin.
Hindi sila gano'n kayaman pero may kaya, nasa gitna lang.
"Look at your Ate, Lisa. Nakapangasawa ang Ate mo ng abogado, gano'n dapat ang kuhanin mo," pangangaral niya.
My older sister got married at the age of twenty one, ang daming ipinakilala sa kanya ni Mommy at nauwi siya sa isang abogado na mas matanda sa kanya ng sampong taon.
I don't like that idea.
Na hindi ko kayang yumaman nang ako lang, na kailangan ko pang humanap ng mayaman para yumaman ako. I want to prove to my Mom that I can do it on my own. That I don't need a man just to say I'm successful.
Imbes na makipagtalo pa kay Mommy ay inilapag ko ang goto sa lamesa, bumaba roon ang mata niya. "Ano naman 'yan?"
"G-Goto po."
"Yung nabibili sa gilid-gilid? Baka magkasakit ka dyan. Baka kapag nakatuluyan mo iyan naka-date mo at iyan lang ang ipapakain sa'yo." Malakas siyang tumawa.
Gustong-gusto kong sagutin si Mommy pero alam ko naman na kahit anong sabihin ko ay sarado ang isip niya dahil may iba siyang paniniwala sa buhay.
Inilagay ko na lang sa ref ang goto at nagpaalam na sa kanya na magbibihis na.
Nang dumaan ako sa sala paakyat sa kwarto ay nagtama ang mata namin ni Kevin. Nakita kong may sinabi siya kay Papa bago sumunod sa akin sa taas.
Nang makapasok ako ay wala pang ilang segundo ay pumasok na rin siya.
Kaagad akong dumiretso sa aparador para kumuha ng damit, sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang umupo sa kama.
"Bakit ka ba nandito? I texted you 'di ba? Sabi ko may lakad ako ngayon." Tumalikod ako sa kanya saka hinubad ang blouse na suot ko.
Wala akong banyo sa kwarto, saka ayos lang. Si Kevin lang naman 'to.
Mabilis kong sinuot ang malaking t-shirt ko, nang humarap ako sa kanya ay naabutan ko siyang nakahiga na sa kama, nakatagilid habang nakatingin sa akin.
"Nabo-boring ako sa bahay," he whispered.
"At dito hindi?" Tumalikod ulit ako, hinubad ang pantalon.
"Bakit ganyan panty mo? Nakaipit sa pwet," natatawang wika niya.
"Gago, huwag ka tumingin." Sinuot ko na ang panjama.
Nang humarap ako ay tumatawa pa rin siya. "Wala ka kasing pwet kaya naiipit, dapat huwag ka na magpanty."
"Eh, ikaw bakit ka nagbi-brief? Wala ka naman—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko.
Napailing na lang ako sa usapan namin. Lumapit ako sa kama, sinundan niya ako ng tingin.
Hinila ko ang binti niya. "Tara na baba na tayo."
"Did he kissed you?" tanong niya.
Hindi ako sumagot, mas hinila ko siya para tumayo na.
"Saan?" tanong niya ulit.
"Inggetera naman 'to, sa ilong lang." Natatawa ako kasi nahuhulog na siya sa kama. "Kevin dali na, ang bigat mo!" Natatawang usal ko.
Isang malakas na hila sa paa niya ang ginawa ko para tuluyan na siyang mahulog.
Napatili ako nang isama niya ako pahulog, hinila niya ang kamay ko kaya sabay kaming natumba sa ibaba, sa ibabaw niya.
Nanlaki ang mata namin nang tumama ang aking labi sa kaniya.
Shit!
Mabilis akong tumayo at inis na tiningnan siya nang masama.
"Yan kasi! Ang likot mo kasi!" sisi niya sa akin sabay punas ng labi niya, eksaheradang niyakap niya ang kaniyang katawan habang nakaupo na rin sa lapag. "You took advantage of me!" pag-aakusa niya.
"H-Hoy! Ikaw 'tong nagpapahila! Malay ko bang matutumba ako, first kiss ko iyon bwiset ka!" Akala naman nitong baklang 'to inabuso ko siya.
"First kiss ko rin 'yon no!" maarteng aniya habang yakap pa rin ang sarili.
"Edi patas lang." Mabilis akong tumayo at naunang lumabas ng kwarto. Shit!
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store