Teach Me Again (Teach Series #2)
Kabanata 3
Note: Maiiba po talaga mood nitong story dahil mas matanda na sila rito, mas matured na. Hindi na po mabait si Daryl dito. lol. Enjoy reading. :>
Kabanata 3:
NAPANGITI ako sa aking anak habang mahimbing siyang natutulog. Dahan-dahan akong umupo sa kaniyang kama saka hinimas ang kaniyang ulo. Before, I was asked by my cousin whether there are some regrets that really I shouldn't be, and my answer for that is having Isaiah, my daughter at my young age.
I was twenty years old that time, kaka-graduate ko pa lang. Kung may pinagsisisihan man ako siguro ay iyong na-disappoint ko si Daddy dahil natigil ako noon, dapat ay kukuha na ako ng exam pero na-postponed dahil nga dinala nila ako sa probinsya ni Mama sa Cagayan.
Even my friends, Kevin and Lisa didn't know about Isaiah. Nang bumalik kasi ako rito sa Pampanga ay magdadalawang taon na si Isaiah.
Hinalikan ko siya sa noo saka lumabas. Dumeretsyo ako sa aking kwarto upang simulan ang mga lectures ko. Mabilis lumipas ang oras hanggang maghating gabi at hindi ko lang iyon mapapansin kung hindi lang tumunog ang messenger sa phone ko.
My forehead creased because of that, who would call me this time?
"Holyshit!" I gasped.
Literal na bitawan ko ang aking cellphone nang makita ang pangalan at larawan ng nagme-message request sa akin.
Daryl Ajax Yoshida
Tahip-tahip ang kaba sa aking dibdib, huminga muna ako ng malalim bago kunin iyon. He also sent me a friend request! Damn it, ganito talagang oras? Bakit? Noong magka-klase kami dati ay hindi nga niya ako in-add at dahil ma-pride ako ay hindi ko rin siya in-add.
Napailing ako sa naisip ko, we're friends of course! Nade, come on kaibigan mo siya baka mamaya si Sascha ang may hawak ng account niya! Tama!
Dahil sa isipin iyon ay kaagad ko siyang ina-accept. Nakita ko kung paano gumalaw ang tatlong bilog, ibig sabihin ay nagta-type ang may hawak ng account.
Daryl:
You still awake, I see.
Kinagat ko ang aking ibabang labi, this is not Sascha.
Nade:
Hey, what's the problem?
Is Sascha okay?
Daryl:
Yeah?
I just randomly saw your
facebook account, so I added you.
Nade:
Okay.
Huminga ako ng malalim para patigilan ang malakas na kabog ng aking puso. Para bang may sarili itong buhay at alam niya kung sino ang ka-chat ko ngayon at gusto niyang lumabas sa dibdib ko para makibasa sa chat.
Daryl:
I honestly want to offer you a job.
Nade:
I have regular job.
Daryl:
I know but you might want
to try it. Can we meet tommorow?
Nade:
Sorry I can't. I have a
sched tommorow maybe
next time. Good night, Daryl.
Halos ibalibag ko ang aking cellphone dahil doon, kaagad kong pinatay ang internet ko para may dahilan ako kung tanungin man niya ako kung bakit hindi na ako nagreply sa kaniya.
What kind of job is that?
Hindi ko natapos ang ginagawa ko sa kakaisip sa chat na iyon hanggang dalawin na ako ng antok.
KINABUKASAN pumasok ako sa school katulad ng nakasanayan pero ng sumapit ang hapon ay nakatanggap ako ng isang text. Kaya bago ako umuwi ay dinaanan ko muna iyon. Ilang beses na rin kasi ako nakatanggap ng text niya at sa tingin ko ay kailangan ko na talagang makipagkita sa kaniya.
I gritted my teeth as I watched, Imigo.
Ngumiti siya sa akin, alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang lahat sa amin.
"What do you want to eat?" tanong niya habang sinisipat ang menu.
"I'm not here to eat, Imigo. What do you want to tell me?" deretsyong wika ko sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya saka ini-abot ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa. Hindi na ako nabigla sa galaw niyang iyon, pero wala rin akong naramdaman.
Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa kaniya.
"Nade, please come back. Miss na miss ko na kayo ni Isa. Please give me another chance," puno ng pagsusumamong wika niya.
Sinubukan niyang abutin ulit ang kamay ko pero inalis ko na iyon sa lamesa. I should know about this, dapat alam ko ng ganito lang ang sasabihin niya.
"Imigo, you lost your chance when you..." I bit my lower lip because of the irritation. "When you cheated on me." Humina ang aking boses sa sinabi ko.
Mariin siyang napapikit. "Hindi ko sinasadya 'yon Nade! Natukso lang ako, please hindi ko na uulitin. Pangako ko sa'yo, sainyo ni Isaiah..."
Nangilid ang aking luha sa sinabi niya. Naiiyak ako para sa akin anak, naiiyak ako kasi naaawa ako sa anak ko lalo na noong mga panahon nagloko siya sa amin.
Umiling ako. "I gave you a chance but you lost it. If you really treasure us like what you said, you would never hurt us. A-Alam mo 'yan... alam mong masasakan si Isaiah noon. A-Alam mong sa akin ay ayos lang kaya ko 'yon dalhin, kaya ko 'yong sakit pero 'yong bata hindi mo naisip 'yon?"
Hindi ko maiwasan taliman siya ng tingin. Ang gagong 'to!
Kung wala lang kami sa pang publikong lugar ay baka sinaktan ko na 'to. Pagkatapos niyang paiyakin ako at ang anak ko, babalik siya.
Dibale na, mas okay na 'to.
Sinubukan niya akong abutin, pumiglas ako sa hawak niya sa braso ko akmang mas ilalapit pa niya ako sakaniya upang yakapin ay may kamay na pumigil sa kaniyang pulso.
Napa-angat ako ng tingin sa may-ari ng kamay na 'yon at ganon na lang ang aking gulat nang makita si Daryl.
There's a sarcastic smile plastered on his face.
"Kapag ayaw ng babae, huwag pilitin." Nakangiting wika niya.
Napatayo ako sa gulat. "D-Daryl..."
Tinapunan niya ako ng blankong tingin, he's wearing a tuxedo. I can't deny that he's freaking hot!
Gusto kong kutusan ang sarili ko, talagang napansin ko pa 'yon sa ganitong sitwasyon?
Pabalibag niyang binitawan ang kamay ni Imigo saka ako hinawakan sa braso. Walang sali-salitang hinila niya ako palabas sa restaurant na iyon, narinig ko pang tinatawag ako ni Imigo pero hindi ko na siya nagawang lingunin dahil ang buong atensyon ko ay sa bilis na ng tibok ng aking puso.
Nang makalabas kami ay huminto kami sa harap ng isang kotse, binitawan na niya ako.
Kinalma ko ang aking sarili. "B-Bakit ka nandito?"
"I had a meeting, so that's your very important schedule huh?" nang-uuyam na usal niya.
Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang buhok. Nagulat ako sa tonong ginamit niya sa akin, wala na ang pagiging kalmado na para bang may nagawa akong masamang bagay.
Bahagyang nagsalubong ang aking kilay, sinusubukan kong isipin ang sinabi niya. Iyon ba 'yong kagabi? Galit ba siya?
"Kakilala ko iyon medyo nagkasagutan lang kami. Thank you, you save me there, that's nice of you, gentleman ka pa rin," biro ko sabay pilit na ngiti upang pagaanin ang tensyon sa amin.
Ang aking ngiti ay unti-unting nawala nang seryoso niya akong tingnan. The corner of his mouth turned up.
"I'm not that nice, Nade. You know I can fuck you where you stand."
***
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store