ZingTruyen.Store

Teach Me Again (Teach Series #2)

Kabanata 2

SaviorKitty

I just wanna say na kung nabasa niyo po 'yong 'Teach Me, Sir' ito na po 'yong time na binisita nila sila Sascha at Daryl sa bahay. If hindi niyo pa nababasa story na 'yon mas okay sana if mabasa niyo para may background kayo kung sino ba 'yong bida rito. Pero hindi naman maaapektuhan 'yong flow kahit hindi niyo basahin. Anyway, enjoy.

Kabanata 2:

Pinanuod kong maganang kumain ng siomai ang anak kong apat na taon na. Her long hair is covering some part of her face, I smiled because of that. Kinuha ko ang ponytail sa akin pulso saka inipon ang kanyang buhok upang mas makakain siya nang maayos.

"Mama, ibang lasa nito." Turo niya sa pagkain.

"Sa ibang store ko kasi iyan binili, is it bad or good?" Hindi naman kasi ako mahilig sa gano'n pagkain.

Hindi ko alam kung saan ba 'tong bata na 'to nagmana.

Ang singkit na mata ni Isaiah ay mas lalong sumingkit nang ngumiti siya. "Masarap syempre Mama, but I think it has different flavor."

Tumango-tango na lang ko sa sinabi niya, pati ba naman 'yon napansin?

I stared at her for a moment before sighing. I don't want to leave her tomorrow but I need to.

"Tomorrow morning, I'll send you to grandma 'kay?" Hinimas ko ang kanyang likod upang tingnan kung nandoon ang bimpo niya.

Mukhang nakuha ko ang atensyon niya. Tinapos niya ang pagnguya bago magsalita. "Why Mama?"

"I might be late tomorrow, may pupuntahan kasi ako. Mommy had a friend in college, right? Umuwi na sila," kwento ko sa kanya.

Isaiah looked at me with her innocent eyes.

"Okay po."

I tapped her head, I wish I can give and tell you everything you deserves.
           

༺❀༻

           Napabuntonghininga ako nang huminto sa tapat ng isang kulay puting bahay ang kotseng sinasakyan namin nila Lisa. Nag-isang sasakyan na lang kami gamit ang kotse ni Kevin. Inayos ko ang aking suot na salamin nang makababa kami, alam kong sinusulyapan nila akong dalawa pero nagkunwari akong tinitingnan ang bahay sa harap.

Nagsisikuhan pa sila animong nagtatalo kung sino ang unang magsasalita.

"Kinakabahan ako," wika ni Lisa sabay kapit sa braso ng kasintahan.

Nang bumukas ang pintuan ay kaagad dumapo ang aking tingin sa lalaking iyon habang hawak niya ang kanyang asawa.

He looked matured, I noticed his spiky quiff hair.

I forced myself to smile at them, I'm happy that they're finally home after almost six years.

"Nade!"

Tuluyan akong naiyak nang yakapin ako ni Sascha, I hugged her so tight. I'm really proud of this girl because I knew what's her story. Sobra-sobra rin ang pinagdaanan ng babaeng ito kaya masaya ako na ngayon ay nasa kamay na siya ng taong alam kong aalagaan siya nang husto.

"Namiss ko kayo!" she whispered on me.

"I'm happy that you're okay now," I sincerely said to her.

Nang maghiwalay kami at humupa ang iyakan ay naupo na kami sa kanilang sofa. Malaki ang bahay pero kaunti pa lang ang gamit, siguro nga dahil kakauwi pa lang nila.

Itinuon ko ang aking atensyon kay Sascha habang kausap niya sila Lisa, hindi ako gumalaw dahil alam kong may isang pares ng mata na nakatingin sa akin.

Itinikom ko ang aking mga binti, I practiced this scene hundred of times in my mind. Alam kong babalik sila at alam ko rin na ikinasal na sila, I should be okay by now because I know that we can't have everything we want.

Sinabi ko sa sarili ko na kapag nagkita kami pagkaraan ng madaming taon ay wala na ang atraksyon, pero mukhang mali ako dahil kung ang tagal ng hindi pagkikita ang pagkawala ng atraksyon ay bakit ganito pa rin ang reaksyon ng puso ko.

Tumikhim ako upang tigilan na ang pag-iisip sa bagay na 'yon.

For pete's sake Nade, mag-asawa na sila. Tama na ang pagiging martir.

Umalis si Daryl sandali at doon pa lang ako nakahinga nang maluwag.

God, why you made him more attractive than other men? Napaka unfair para sa iba no'n.

Pinanuod ko ang kanyang bulto papalayo, nang bumalik ang tingin ko kay Sascha ay naabutan ko siyang nakatingin na sa akin.

Ngumiti siya.

Nakakahiya ka Nade! Asawa niya 'yon bakit mo tinitingnan, umaasa ka pa rin ba? Ano ba naman 'yan?

"Momma! Momma!" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng ingay na 'yon bahagya akong napanganga nang makita ang dalawang bata.

Tumakbo ang mga ito papalapit kay Sascha.

"Momma, who are they?" bulong ng isa na kulot ang buhok.

Imbes na siya ang sumagot ay si Daryl ang nagsalita.

"Guys, this my sons... Genesis and Revelation. Kiddos, they are Daddy and Momma's friend. I told you before right? May friend si Daddy rito."

Napakurap-kurap ako roon, kasing edad nila ang anak ko. Si Isaiah.

"K-Kamukang-kamuka sila ni D-Daryl," bulong ko.

Nagtama ang mata namin ni Daryl, bahagyang tumabingi ang ulo niya sa akin animong pinag-aaralan kung anong nabago sa akin.

Bigla kong naalala noong mga bata pa kami, nagkita na kami sa cruise ship noon akala ko ay hindi na kami magkikita pero noong collage ay naging magka-klase kami, iyon nga lang ay mukhang hindi na niya iyon naaalala at hindi ko naman na sinubukan pang sabihin sa kanya na ako 'yong batang nakalaro niya noon, hanggang umalis sila ng bansa ni Sascha anim na taon na ang nakaraan.

Para saan pa? That was just a game.

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan nila, nang magpasyahang maghapunan ay lumabas muna ako para kunin ang aking phone na naiwan sa kotse ni Kevin.

Madilim na ang paligid, sinipa ko ang maliit na bato sa akin paa.

"Hello, Mama? Pauwi ka na?" bungad ng aking anak sa kabilang linya.

"Hindi pa baby, sandali na lang ito kakain lang kami tapos bibiyahe na kami, mag-dinner ka na dyan ah? Matulog ka na rin," paalala ko sa kaniya.

"Opo Mama, byebye na!"

Pinatay na niya ang tawag kaya napangiti ako, mukhang naglalaro ata.

"Baby huh?"

Halos manlaki ang aking mata saka humarap sa nagsalita. Gano'n na lang ang kabog ng aking dibdib nang makita si Daryl na nakatayo roon habang nakapamulsa.

"D-Daryl..."

I held my breath as he briskly looked over my face and down to my phone. I want to run. Literally run!

He smiled weakly at me. Even weary eyes couldn't deny that he looked marvelous. "Your husband called?" he asked in an effortless baritone voice.

Marahan akong umiling saka nagpeke ng ngisi, itinago ko ang aking cellphone sa bulsa. "Not married," ulit ko.

Sinabi na nila Kevin kanina sa loob na single pa ako, hindi pa siya naniniwala?

Tumingin ako sa likod niya. "Si Sascha?" Tumama ang liwanag ng ilaw sa poste sa kanyang mukha.

Hindi ko mapagkaka-ilang mas tumangkad siya, mas naging seryoso ang kanyang mukha at lumaki ang katawan kumpara noon.

Ganyan ba ang alagang Sascha huh? Mas guwapo siya kaysa noon o mas nag-matured lang ang itsura niya.

"Hey!" Pumitik siya sa harapan ko.

"Ay gwapo!" gulat na usal ko.

He chuckled because of my reaction. "Sino ako?"

Ano ba naman, Nade! Stop spacing out! Patay na patay ba?

"Asa. Mabuti naman ay nakabalik na kayo," pag-iiba ko sa usapan.

Tumingin siya sa ilang puno sa bakuran kahit pa madilim sa parteng 'yon. "Yup, I need to do some business here. How about you? Ma'am?" Nangingiting wika niya.

Napangiti rin ako sa sinabi niya. "Ito nagtuturo na, hindi ka na tumuloy? Hindi ka nagturo?" tanong ko.

Umiling siya saka tipid na ngumiti, mas lumapit sa akin. Pakiramdam ko ay bigla akong nilagnat.

Mahirap kasi umarteng hindi ka apektado sa harap ng taong gustong-gusto mo. Yung tipong gusto ko mangisay sa kilig pero back off ka na kasi bawal na, tamang pigil lang.

"Nakapagturo naman ng ilan taon, pero kailangan kong hawakan ang business ng Tito ko ngayon kaya binitawan ko muna ang pagtuturo."

"Ganon ba..." Iyon na lang ang nasabi ko. "Uhm, pasok na tayo," aya ko sa kanya.

Hindi ko gusto ang pakiramdam na kami lang dalawa.

Tumalikod na ako sa kanya para sana makapasok na pero tinawag niya ako.

"Nade."

Nanglingunin ko siya ay kagat niya ang kaniyang labi, napatitig ako doon. Don't be hard on me Daryl, please. Marupok ako, pagdating sayo.

"Are we still friends right?"

Sandali ko siyang tinitigan. That's the problem here Daryl, we're just friend at mananatili na lang iyon na ganoon dahil may pamilya ka na at may anak naman na ako.

"Of course, we're friends Daryl."

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store