ZingTruyen.Store

SDSS 1: Wrath

Kabanata 9

SaviorKitty

K A B A N A T A 9

༺❀༻

          Mabilis na humakbang si Sabrina para makalabas na sa lugar na iyon. Tama na ang kagagahan niya. Oo nga't nagkamali siya pero hindi ibig sabihin no'n ay deserve na niya lahat ng sakit na ito. Siguro nga ay hindi na siya kaagad makakahanap ng trabaho, ipapaliwanag na lang niya iyon kay Devon.

She needs Devon's hug.

Gusto na lang niya umuwi. Gusto niya itong puntahan sa ospital at iyon ang gagawin niya, pagod na rin siya ipilit ang sarili sa asawa.

Mabibilis ang kaniyang hakbang pero nakakailang hakbang pa lang siya at nasa gitna pa rin siya ng madaming tao nang may humigit sa kaniyang braso.

"Sabrina," kusang lumapat ang palad niya sa pisngi ni Demitri.

Nagngingitngit sa galit ang kaniyang kalooban habang nakatingin dito wala na siyang pakielam kung pinag-titinginan pa sila o kung marinig ng lahat ang totoo.

Pagod na siyang magmukhang masama sa harap ng iba para lang mailigtas ang iba.

"A-Are you happy now, Demitri? Masaya ka na ba?!" sigaw niya na dumagundong sa buong lugar.

Lahat ay natahimik, alam niyang lahat ng mata ay nakatingin sa kanila habang siya ay patuloy ang pag-agos ng luha sa magkabilang pisngi.

Sinampal niya ulit ito sa kabilang pisngi, gumalaw ang panga ni Demitri, umamba itong hahawakan siya pero umatras na siya.

"Para 'yan sa kagaguhan mo!" singhal niya rito. "Do you think I deserve this kind of pain? Dahil ba sinaktan kita ay may karapatan ka na rin na saktan ako? Gano'n ba 'yon Demitri? Siguro nasaktan kita noon pero hindi kita binaboy! Hindi kita ginanito!" buo ng hinanakit na aniya na rinig ng lahat.

Umingay ang iba at nagbigay ng kani-kaniyang komento.

"You cheated on me." Iyon ang lumabas sa bibig ni Demitri.

Pagak siyang tumawa pero walang buhay. Gusto na niyang matapos ang lahat ng kasinungalingan na ito.

Sobra na ang sakit.

"Cheated? How are you sure that I'm cheating on you? Huh?" panghahamon niya rito.

Nagsalubong ang makapal nitong kilay.

"Y-You left a letter. Sumama ka sa ibang lalaki mo! Iniwan mo ako! You're a slut, a gold digger!" sigaw pabalik ni Demitri sa kaniya puno ng galit.

Mariin siyang napapikit.

Maybe this is the right time to tell everyone her secret. Nang idilat niya ang mata at tipid siyang ngumisi.

"I hate you, Dem. Galit ako sa'yo hindi ko alam na masiyado kang makasarili. Do you even know what I feeling?" madamdamin usal niya at hindi na nag-abalang punasan pa ang luha dahil mababasa lang din naman iyon ulit.

"I don't care—"

"Yes. That's it! You never care to me Demitri, alam ko iyon. Wala ka ng pakielam sa akin, so bakit mo pa ako pinipigilan ngayon? Hindi ba masaya ka na? Ano pa ha? Kulang pa ba 'yong ganti mo?"

"Gusto mong malaman kung bakit ako biglang nawala noon? B-Baka hindi mo kayanin at sarili mo mismo kamuhian mo kapag nalaman mo ang dahilan ko," madiin wika niya.

Tumulo ang luha niya habang inaalala ang mga nakaraan habang nakatitig sa kaniya ang asawa na dahilan ng lahat.

She smiled bitterly befor she caressed his right cheek. Bahagya iyon namula dahil sa kaniyang sampal, maingat na hinimas niya iyon.

"My husband . . ." bulong niya tapos ibinaba ang kamay. "Wala kang ideya kung ano ang pinagdaanan ko ng limang taon. Kung sa tingin mo ay impyerno ang dinanas mo sa loob ng magara mong mansyon. Bakit hindi mo ako tanungin kung anong pakiramdam na tumira sa loob ng kulungan?" aniya kasunod ng paghikbi.

Nakita niyang napa-awang ang labi ni Demitri. Napailing ito animong hindi naniniwala sa kaniyang sinabi.

"You . . . in jail—I mean, t-that's impossible—" hindi nito na tuloy ang sasabihin nang magsalita siya ulit. Gusto na niyang matapos ito kaagad para tumigil na ang kirot sa kaniyang puso.

"We got home from Maldrid that time for your business meeting, lagi mo akong kasama. Hanggang sa may in-attend-dan kang meeting at nagkaruon kayo ng salo-salo, you got drunk because you win a project. Dumating ka sa hotel natin sa Maldrid na sobrang lasing ka. Ang buong akala ko ay ayos lang lahat at normal na lasing ka lang . . ." Tumigil siya sa pagku-kwento at mariin pumikit bago salubungin ang mata ng lalaki. "Ayos ang lahat hanggang maka-uwi tayo sa Pilipinas. Pero nabago iyon nang pumunta ka sa Palawan, habang wala ka ay may dumating na madaming lalaki na nakaitim at hinahanap ka nila. The old man—" Inaalala niya ang nakakatakot na mukha ng lalaki nang araw na iyon.

"Sabi ng matanda na nasagasaan mo ang anak niya sa Maldrid at namatay ito, tatlong araw sa ospital at iyon ay 'yong araw na lasing ka." Tuloy tuloy ang pag-agos ng luha niya. "Huhulihin ka nila at ikukulong para akong mababaliw noon hindi ko alam kung sasabihin ko sa'yo o ano. Then, I made a decision. I offered myself to paid for your freedom. Inako ko 'yong kasalanan na hindi ko ginawa."

Napahikbi siya pero tinuloy niya pa rin.

"Kakasimula pa lang ng kompaniya mo noon at hindi ko kayang bumagsak ang pinaghirapan mo at ng magulang mo. Alam ko sa panahon na iyon na uunlad ka pa na madami ka pang mararating. I choose what I think is right. Sumama ako sa kanila, sinabi kong ako ang nagmamaneho sa sasakyan sa araw na iyon," paliwanag niya.

Narinig niya ang pagsinghap ng karamihan, mga bumulungan.

"Pinalabas kong sumama ako sa ibang lalaki para hindi mo ako ipahanap. I was devasted that time. Nakulong ako sa Maldrid at alam mo ang masakit ginawa ko iyon para sa isang lalaking alam kong kakamuhian ako. Do you even know what I feel that time? I was alone. Wala akong kakilala roon pero tiniis ko para s-sayo iniisip ko na lang na para sa'yo lahat iyon. Alam kong galit ka sa akin but can you blame me? I'm in love with my husband, hindi kita kayang makitang lumubog ng gano'n lang. I sacrificed my freedom for you." Tuloy tuloy na tumulo ang luha niya habang sumisikip ang dibdib niya sa mga pinagtatapat.

Ang tagal niyang itinago ito.

"Alam mo ano 'yong masakit Demitri? Alam mo 'ypng ibabalita ng kaibigan ko na ang asawa ko sa Pilipinas ay may k-kasintahan na? Chester told me," aniya. Si Chester ay baklang kaibigan niya nuong highschool pa. Kilala ito ni Demitri, ito lang ang nakakaalam na nakulong siya dahil tumatawag siya rito nuong nasa Maldrid siya kapag pinayagan siya kaya nang bumalik sa Pilipinas ay ito ang nakasama niya.

"Three months pagkatapos kong makulong ay nabalitang may girlfriend ka na. Who cheated? Sige ipaalala mo sa akin? They saw you outside the hotel while kissing." Tiningnan niya ang asawa na bahagyang naka-awang ang bibig habang nakatingin sa kaniya.

Wala na siyang paki sa ibang tao nakatingin sa kanila.

"Kinaya ko lahat ng iyon, Dem. Kahit mahirap kinaya ko. Alam mo kung bakit?" Siguradong rinig na rinig ang hinanakit sa puso niya. "Kinaya ko kasi may bata sa sinapupunan ko no'n. I was pregnant that time. A-Alam mo ba kung gaano kahirap magbuntis sa loob ng kulungan hah?! 'Yong may gusto akong kainin pero hindi ko makuha.'Yong may gusto akong puntahan pero hindi ko magawa. Alam mo 'yong masakit? 'Yong lumaki si Devon sa loob ng kulungan." Napahagulgol na siya sa naalala.

"I gave birth to Devon sa loob ng kulungan alam mo 'yon? Wala akong asawa. Wala akong masasabihan na masakit na nahihirapan na ako. Hindi ako pwedeng mag-inarte kasi desisyon ko naman iyon. Nang ilang linggo na ay kinuha na nila si Devon sa akin at inilagay sa isang facility, may oras lang kada araw para makasama ko siya." Narinig niya ang pagsinghap ng ibang tao ang ilan ay umiiyak na rin.

Mapait siyang napangiti.

"Pinalabas ko lang na sumama ako sa ibang lalaki, I used Devon name. Dahil sa tingin ko iyon 'yong tama. Kung ibabalik man ang nakaraan gagawin at gagawin ko pa rin iyon. I will sacrifice myself for you again and again that's how much I love you, moron!" aniya at napahikbi.

"I need money kaya ako nagtatrabaho. After four years nakalaya ako hindi ko alam kung paano pero pinatawad ako ng matandang lalaki sabi niya  umuwi na ako. Kasama ko si Devon umuwi rito sa Pinas. Bakit hindi ako bumalik sa'yo? Paano ako babalik kung alam kong hindi na ako ang kailangan mo? Ilang beses kong sinubukan kausapin ka pero wala ka na sa dati natin tinitirhan."

Pinunasan niya ako luha, saka binasa ang tuyong labi.

"D-Devon is sick mahina ang resistensya niya. Nagkulang ako habang pinagbubuntis ko siya. Kaya kailangan ko ng pera, kaya gagawin ko lahat para sa pera kasi nakasalalay roon ang buhay ng anak ko, Demitri," pag-amin niya.

Humakbang si Demitri para lumapit sa kaniya pero umatras siya.

Parang may kumurot sa puso niya habang tintingnan ang luha sa mata ng asawa.

"I didn't k-know, wife." Umiling-iling ito habang umiiyak, pulang-pula ang mukha. "Hindi ko alam Sab. I'm sorry, sorry, love sorry." Paulit-ulit na sabi nito tapos ay unti-unting lumuhod sa kaniyany harapan.

Mahigpit nitong hinawakan ang dalawa niyang kamay habang nakaluhod sa kaniyang harapan.

Umiling-iling siya habang umiiyak rin. Sana gano'n lang kadali.

"Is my tears enough for your forgiveness Demitri? Masaya ka na ba nakikita akong nahihirapan?" Humakbang ulit siya paatras pero mahigpit na hinawakan ng lalaki ang kamay niya.

"No. No. Love No. I'm sorry. Please."

"Do I deserve your wrath Demitri? Because I'm tired now. This slut, gold digger bitch is finally stepping out of your life."

Mabilis na winaksi niya ang kamay upang mabitawan ng asawa saka mabilis na tumalikod paalis sa lugar na iyon.

Kasunod ng sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang luha ay parang kutsilyong sumasaksak sa kaniyang puso lalo nang marinig niyang humahagulgol si Demitri sa harap ng madaming tao habang nakaluhod.

For the last time, she turned to look at her husband.

Nakita niyang sapo-sapo nito ang ulo  habang nakaluhod at nakatingala.

Good bye, love.

____________
SaviorKitty

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store