Kabanata 8
K A B A N A T A 8
༺❀༻
Nagising si Sabrina nang may maramdaman na nakatingin sa kaniya kaya kaagad siyang napadilat. Kaagad tumama ang mata niya sa abuhing mata ni Demitri na nakatayo sa gilid ng kama nito. Bumalik kaagad sa kaniyang ala-ala ang mainit na pagsasalo nila kagabi.
Hindi lang isang beses siyang inangkin ng lalaki, dahil nagising ulit siya nang maramdaman ang mainit na dila nito sa kaniyang kaselanan.
Pagkatapos no'n ay nasundan pa ng isa at isa pa at isa. Kaagad na mula ang kaniyang pisngi at nagbaba ng tingin dahil sa naisip.
Bakit ba hindi niya napigilan ang sarili? Kaunting haplos at halik lang nito ay natatameme na siya at kusang bumibigay.
"Get up, we have a sched," malamig ang boses nito.
Dahan-dahan siyang umupo at kaagad binalot ang hubad niyang katawan sa puting kumot. Nanuot sa kaniyang ilong ang amoy ng asawa. Napatingin siya rito at naabutan itong nakapamulsa at nakatingin sa kaniya na blanko ang mukha.
Doon niya napansin na bihis na bihis na ito.
Saan naman kaya sila pupunta?
Hindi niya maiwasan mapangiti nang makitang may pain patches ang tuhod niyang masakit kahapon, ang ilang pasa rin niya ay may parang cream na nakalagay. Ginamot siya ng asawa kagabi?
Malakas na bumuntonghininga si Demitri saka lumabas sa kwarto, nakita niyang nilingon pa siya nito bago isarado ang pintuan.
Kinagat ni Sabrina ang ibabang labi pagkaraan ng ilang segundo bago dumapa ang kaniyang tingin sa kabilang gilid ng kama.
Nakita niya ang isang black fitted gown na nakalagay sa itaas ng kama at isang itim na stiletto.
Si Demitri ba ang bumili nito?
Tuluyan na kaya siyang nakapasok ulit sa puso ng asawa? Wala na ba ang galit nito sa kaniya? Napatawad na ba siya nito?
Magaan ang kaniyang loob na tumayo at pumasok sa banyo. She can't help to sing her favorite song while cleaning herself, inayusan niya rin ang sarili para bagay naman sa kaniyang suot.
Nang matapos siyang mag-ayos ay napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin. Mapait siyang napangiti nang may maisip, kailan nga ba siya nakasuot ng ganitong damit?
Halos hindi na niya matandaan kung kailan siya nakapag-ayos ng ganito. Paniguradong kapag nakita siya ni Devon ay sasabihin nitong maganda siya.
Bumukas ang pinto at agad siyang napaharap kay Demitri, nakita niyang bahagya itong natigilan nang makita siya.
She smiled genuinely.
Hindi man niya aminin sa sarili ngunit umaasa siya na sana ay mapatawad siya nito sa pang-iiwan niya noon. Hindi niya alam kung makakapag-paliwanag pa siya pero isa lang ang alam niya, sisiguraduhin niyang hindi mawawala si Devon dahil sa sakit nito. Pagkakatapos nitong magpagamot ay roon siya magpapaliwanag sa asawa kung ano ba ang totoong nangyari.
Doon na lang niya iisipin ang nakaraan, ang importante ay ngayon.
"Let's go?" anito kaya tumango siya.
Hindi niya alam kung ngingiti o yuyuko siya nang akayin siya ni Demitri palabas ng mansyon habang nakahawak ito sa kaniyang balakang.
Padilim na ang buong paligid.
Tahimik ang buong biyahe nila. Hindi niya alam kung bakit tahimik lang si Demitri habang nagda-drive animong pinag-iispan nito ang isang bagay.
Minsan ay nakikita niya mula sa gilid ng kaniyang mata na sumusulyap ito sa kaniya tapos ay ibabalik ang atensyon sa kalsada. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa isang kilalang hotel. Kaagad kumalabog ang kaniyang puso nang makita ang magagarang kotse na nakaparada roon.
Bumaba sila ni Demitri, pansin niya ang blankong mukha nito kaya hinawakan niya ang siko nito upang kunin ang atensyon. Mukha naman nakuha niya ang atensyon ng asawa dahil nilingon siya nito.
"May problema ka?" Kinakabahan siyang magtanong, ayaw niyang sirain ang gabi na ito dahil baka bigla na lang siyang bulyawan ng lalaki.
Umiling ito bago sila tuluyan pumasok sa loob.
Mariin siyang pumikit kasabay ng pagliwanag ng paligid. Tumambad sa kanila ang magandang hall na pinaggaganapan ng isang formal party.
Bahagya siyang napahawak pa sa braso ng lalaki nang makita kung nasaan sila. Gano'n na lang ang pagkalabog ng kaniyang puso nang makita ang ilang kilalang tao.
Mula sa mga dating kaibigan, kasama sa school noon at pati ang ilang kamag-anak ni Demitri ay nandoon.
Mas lalo siyang nanliit nang makita ang panunuyang tingin sa kaniya ng mga tao. Mas lalong sumabog ang kaba sa kaniyang puso ng biglang inalis ni Demitri ang pagkakahawak niya sa braso nito at lumapit ito sa isang kamag-anak at nakipagbatian.
Sabrina looked down. Bakit ba dinala pa siya ni Demitri rito?
Gusto niyang tumakbo palabas, gusto niyang magpaliwanag sa lahat ng kakilala dahil alam niyang alam ng mga itong iniwan niya si Demitri para sa ibang lalaki.
Naninikip ang puso niya habang parami nang padami ang mga matang nakatingin sa kaniyax rinig na rinig niya ang mga bulungan ng mga ito animong talagang pinaparinig pa sa kaniya.
Natulos lang siya sa kinakatayuan habang pilit hinahanap ng mata si Demitri nakikipag-usap na ito sa isang lalaki.
Sinama ba siya nito para gawin katawanan dito? Sinadya ba ng lalaki na ipahiya siya sa lahat ng tao?
"Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa rito."
"She's a bitch."
"Mukhang pera, paniguradong wala ng pera ang lalaki niya kaya lumitaw siya ulit."
"Demitri is happy now. Bakit bamalik pa iyang hitad na iyan?"
"I can't believe, she's really here eh?"
Gusto niyang takpan ang tainga para hindi marinig ang mga sinasabi ng mga ito.
Demitri is happy without her.
Parang may sumaksak sa lalamunan niya lalo nang makita ang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa hindi pamilyar na grupo ng lalaki, mas lalo siyang nagimbal nang may lumapit na babae kay Demitri.
She remember her.
Siya iyong kina-kapatid ni Demitri na may gusto sa asawa niya noon pa man. Gusto niyang tumakbo papalapit sa mga ito at magwala pero nakatayo lamang siya roon habang kinukutya at pinagtatawanan ng ibang tao na walang alam kundi manira.
Ipinalupot ng babae ang braso nito sa leeg ng asawa at halikan ito sa labi.
She closed her eyes intently, ayaw niyang makita kung ano man kababuyan ang ginagawa ni Demitri sa mismong harap niya.
She wants to remember Demitri as a loving husband.
Nang idilat niya ang mata ay nasa stage na ang dalawa malawak ang ngiti ng babae — She's Selena iyon ang natatandaan niyang pangalan nito.
Nakakapit ito sa braso ni Demitri.
Nang magtama ang mata nila ng asawa ay sinugurado niyang makikita nito ang sakit na bumalatay sa buo niyang pagkatao.
Mabilis ang pagtaas baba ng kaniyang balikat dahil sa paghinga. Gusto niyang tumakbo papunta sa stage at agawin si Demitri pero wala siyang nagawa kundi titigan ang gwapong mukha nito.
Her husband.
Napahugot siya ng hininga nang magsalita si Selena.
"We invited you all here to announce a very important event to our life," maarteng usal nito tapos ay nakita niyang ngumiti ito sa kaniya animong inaasar pa siya samantalang ang mata niya ay nakatutok lang kay Demitri na pinagmamasdan din siya.
K
umunot ang kaniyang noo, unti-unting sumisikip ang bawat paghinga niya.
"We gladly announce to you that me and Demitri will gettint married three months from now. I will be Mrs. Flavier," masayang pahayag ng babae.
Kasunod ng malakas na sigawan at tuwa sa paligid ay pag-agos ng luha sa kaniyang mata. Umawang ang kaniyang labi, alam naman niyang ayaw na sa kaniya nito pero bakit sa ganitong paraan pa ipapamukha sa kaniya iyon?
Akala niya ay ayos na sila? Akala niya ay kahit papaano ay okay na sila.
She saw Demitri stilled, still looking at her crying face.
Mapait siyang napangiti.
This is what you want Demitri? Ito ba ang gusto mo, ang makita akong nahihirapan? Ang makita kung paano ako lumubog.
Sinalubong niya ang abuhing mata nito.
Tuloy-tuloy na umagos ang kaniyang luha. Kaya pala siya pinapunta rito ng lalaki para ipamukha sa kaniya na wala na siyang parte sa buhay nito at may iba na itong mahal.
She stepped back while still looking at him.
Nakita niyang rumagasa ang emosyon sa mukha ni Demitri nang humakbang na siya paatras pero nakatutok pa rin ang mata niya rito habang umiiyak siya.
"I'm letting you go . . . Love," she murmured before turning back.
___________
SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store