ZingTruyen.Store

SDSS 1: Wrath

Kabanata 3

SaviorKitty

K A B A N A T A 3
༺❀༻

        Napabuntonghininga si Sabrina at napatigil sa pagwawalis ng mga dahon na nahulog mula sa malaking puno sa hardin dahil hindi mawala sa kaniyang isip ang nangyari kagabi.

She clearly remembers what exactly happened last night. Every detail and feeling is still vivid in her mind.

Muli silang nagtagpo ng asawa na matagal na niyang hindi nakikita. Dapat ay matuwa siya, pero iyon ay kung nasa ibang pagkakataon sila, hindi sa ganitong panahon.

Sadyang mapaglaro nga ang tadhana.

Ito mismo ang gumawa ng paraan upang magtagpo sila. Upang paglapitin ang daan na matagal na niyang pinutol.

Halos wala rin siyang tulog dahil sa tuwing ipipikit niya ang kaniyang mata ay ang galit na mukha ni Demitri ang kaniyang nakikita.

She saw how he hated her, she felt him stilled when she hugged him. Siguro ay puno ng disgusto ito sa kaniya kaya gano'n ang naging reaksyon.

Mapait siyang napangiti.

Who would accept her after what she did? Why did she hope that when he saw her again, he would greet her with a big hug and a sweet kiss?

Kalokohan.


Marahan niyang pinunasan ang luha na tumulo na pala sa kaniyang mata bago napatingin sa malaking bahay. She had no idea Demitri would be like this. She knows her husband is a hard-working person, and she trusts him in that aspect, but this type of wealth is another. Alam niya noon na may kaya ang pamilya ng lalaki, may negosyso pero hindi niya inaasahan na mala-palasyo ang ipapatayo nitong bahay pagkalipas lang ng ilang taon.

How about his condo?

Noong nagsasama kasi sila ay sa condo muna sila dahil sabi nito ay pinapagawa pa ang bahay nila. Hindi na niya iyon nakita dahil nga umalis siya.

Ito kaya 'yong pinagawa ni Demitri? Pero imposibile iyon paniguradong hindi ro'n titira si Dem kung nagkataon baka ibinenta na nito ang pinagawa nitong bahay para sa kaniya para lang mawala lahat ng koneksyon nila.

Nagbaba siya ng tingin sa mga dahon na nagsisimula na naman kumalat.

Katulad ng pagkatao niya, limang taon niya itong inipon pero nang makita niya ang lalaki ay para itong hinangin at nagsisabog.

Gano'n ang pakiramdam niya kagabi.

Nagpapasalamat na lang siya nang magising siya kaninang umaga ay wala na ito. Hindi na siya nagtanong pa sa mga kasama kahit sa mayordoma.

Mas mabuti ngang wala roon si Demitri para makakilos siya nang maayos sa bahay.

Napatingin siya sa gilid niya nang may nagsalita.

"Rina, pinapatawag ka ni Manang, magpapatulong ata sayo sa itaas," imporma ng isa sa mga kasamahan niyang katulong. Rina ang pakilala niya sa mga ito, iyon na kasi ang ginagamit niya simula noon makabalik siya.

"Sige tapusin ko lang ito," nakangiting sagot niya, ibinalik naman nito ang ngiti bago pumasok sa loob.

Mabilis niyang tinapos ang winawalis, ilang beses siyang nagpalinga-linga dahil pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya o nanunuod.

O baka sadyang kulang lang siya sa tulog?

"Manang, ano po iyon ipapagawa niyo?" magalang na tanong sa mayordoma nang maabutan ito sa may kusina.

Malakas siyang bumuga ng hangin. "Samahan mo ako maglinis ng library iha."


Napatingin siya sa mga kasamahan, ang iba ay naglilinis at naghihiwa. Abala sa mga kaniya-kaniyang ginagawa.

Naisip niyang ayos din iyon, mas madali ang gagawin niya roon.

"Sige po Manang, kukuha lang po ako ng basahan pamunas."



•••

"Grabe naman 'to!" Halos mapanganga si Sabrina nang makita ang library sa bahay ni Demitri. Pakiramdam niya ay maliligaw siya rito kung iiwan siya roon. Ilang oras silang nagpupunas ng mga istante ng magpaalam si Manang para sabihan ang ibang kasambahay sa ibaba na magluto na ng tanghalian.

Mahina siyang kumakanta habang nagpupunas ng lamesa at inaayos ang mga nagkagulong papeles sa nang marinig niyang bumukas ang pinto. Hindi niya ito binalingan ng tingin sa pag-aakalang ang Mayordoma ito.

'Ang bilis naman ni Manang.'

Kumunot ang kaniyang nuo sa pagtunog ng dala niyang phone. Tumingin siya sa pintuan para sana magpaalam sa Mayordoma kung pwede niyang sagutin ang tawag kahit sandali pero wala roon ang Matanda. Nasaan na 'yon?

She felt happy when she saw Devon's name on the screen. She immediately anwer the call.

"Hello?" Kinakabahan siya dahil baka may masamang mangyare, pero huwag naman sana.

"Hello Sab?" napabuntonghininga siya nang ang kaibigan na si Chester ang sumagot nito.

"Kamusta Chest? Ayos lang ba diyan?"

"Ayos lang kami Sab, nakarating ka ba sa trabaho mo nang maayos? Mabait ba naman ang amo mo? Baka pinagmamaltratuhan ka diyan!" buong pag-aalala ng kaibigan kaya napangiti siya, kung alam lang nito kung sino ang amo niya baka sunduin pa siya nito.

"I'm fine Chest," aniya at napabuntonghininga ulit. "Kamusta si Devon?" parang may kumurot sa puso niya.

"Devon is devastated, hinahanap ka niya noong nagising siya kanina. Aba't gusto ba naman lumabas sa ospital at hanapin ka." Nakagat niya ang ibabang labi. Isa ito sa dahilan kung bakit kailangan niyang kumita ng pera. "He cried," duktong nito.

Sumisikip ang dibdib niya habang naiisip ang itsura nito habang sumisigaw at tinatawag ang pangalan niya.

"Ikaw na muna ang bahala kay Devon. Sabihin mo babalik ako, kailangan ko lang talaga gawin ito alam mo naman 'di ba? Kahit ilang buwan lang para maka-ipon ako tapos babalik na ako," aniya.

Narinig pa niyang ang madramang bumuntonghininga ng kaibigan.

"Hindi mo naman kailangan gawin ito," wika nito.

Kahit hindi niya nakikita ay alam na alam na nakanguso na ang kaibigan.

"I need to do this, Chester. Devon is my responsibility. You know that, hindi ko siya puwedeng iwan ng gano'n na lang." Mabilis na nangilid ang kaniyang kaniyang luha.

She missed him so much, kung pwede lang sana sila magsama ay ginawa na niya, kung puwede lang na manatili siya sa tabi nito ay ginawa na niya.

"Hay nako! Basta magtext ka ha? Sige na patayin ko na 'to, hindi ako naka-unli e. Balitaan na lang kita pag gumising ulit si Devon. I'll tell him that I called you," sabi nito.

Napatango naman siya kahit hindi nakikita ng kaibigan. Ilang minuto pa siyang napatitig sa screen ng kaniyang phone kahit patay na ang tawag

"I see. You're doing all of this shits because of that bastard." Halos mahigit niya ang sariling hininga nang biglang may nagsalita.

Gano'n na lang ang panlalaki ng kaniyang mata at kabog ng dibdib nang marinig ang boses na iyon. Napatingin siya sa madilim na parte ng library kung saan galing ang boses, lumabas doon si Demitri. He's jaw tightened but his face is still calm and blank.

Natulos siya sa kaniyang kinakatayuan habang palapit ito. Nakabulsa ang dalawang kamay nito pero alam niyang nakakuyom iyon.

Alam niya kung kailan galit ang asawa. His ears turned bright red. That was the sign that Demitri was irritated or angry.

"Kaya ka pumasok bilang katulong para ipagamot ang lalaki mo?" Pagak itong tumawa. "Pity," dugtong nito saka siya pinasadahan ng nanunuyang tingin.

Hindi siya nakasagot dahil sa sinabi nito, pakiramdam niya ay namutla siya. Narinig ba nito ang tawag niya? Kanina pa ba ito nandito?

"Leave. My. House. Now!" madiin usal nito sa bawat salita dahilan para manlaki ang kaniyang mata.

No! She can't leave! Hindi pwede!

"D-Demitri, please . . ." aniya kahit kumakabog nang sobrang lakas ang dibdib ay pinilit niyang magsalita, bahagya pa siyang nautal dahil doon.

Hindi nga niya alam ano bang dapat sabihin. Hindi ito nagsalita, madilim ang mukhang tinitigan lang siya nito para bang kinakalkula ang bawat sasabihin. Iniisip ang bawat bibitawan salita.

Suminghap si Sabrina, kahit ano gagawin niya.

"Huwag mo akong paalisin, kailangan ko talaga ng trabaho. Please." Tuluyan ng tumulo ang kaniyang luha.

Sa iisipin mawawalan siya ng trabaho sa ngayon panahon ay hindi gano'n kadali humanap ng kapalit kaagad. Hindi siya pwedeng mawalan ng pera ngayon lalo't may nalalapit na operasyon si Devon. Hindi siya pwedeng basta umalis, aabutin na naman ng buwan bago siya makakita ng papasukan trabaho, siguradong hindi aabot ang sweldo kung gano'n.

"P-Please, kailangan ko ito Demitri! Gagawin ko lahat," buong pagmamaka-awang wika niya, kahit wala ng matira para sa sarili niya.

Nagtama ang kanilang mata ng asawa, tumulo ang kaniyang luha dahil alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi mabubura ang galit nito. Nasaktan niya, alam niya ang mga mangyayatri.

Unti-unti siyang lumuhod sa harap nito, nakita niyang natigilan ang lalaki ngunit sandali lang iyon.

Her pride? Wala na siyang pakielam doon.

Kita niyang mas nagdilim ang mukha ni Demitri sa ginawa niyang pagluhod. Wala na siyang maisip na paraan kung ito lang ang paraan ay gagawin niya kahit halikan pa ang paa ng asawa.

"You're begging for him? That's it? Bakit mamamatay na ba iyang lalaki mo?" husga nito saka walang buhay na tumawa, sinuklay nito ang sariling buhok animong hindi makapaniwala sa pinaggagawa niya.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan sumagot. "That's your karma, Sab. You choose that life huh."

Napahikbi siya sa sinabi nito habang nanatiling nakaluhod.

"Three months . . ." sabi nito pagkaraan ng mahabang katahimikan kaya napa-angat siya ng tingin at nabuhayan ng loob. "After three months aalis ka na. I'll you give what you want, give me what I need. You'll be out of my life."

Natigilan siya sa sinabi nito, parang hindi siya makahinga sa sinabi ng asawa at nagpaulit-ulit iyon sa kaniyang isip.

Out of his life?

Talaga bang wala ng pag-asang patawarin siya nito?

Ayaw niyang tumango hindi rin siya makatayo. Masakit. Parang dinudurog ang puso niya.

Nakaluhod pa rin siya sa harap nito at nakatingala.

Nag-iwas tingin ito sa kaniya. Siguro ay kahit tingnan ay nandidiri ito sa kaniya.

"Three months. I'll accept you as my maid but after that, you will sign the papers. Wala kang makukuhang kahit katiting na pera mula sa akin lalong hindi ka na magpapakita rito," malamig na sabi nito na para bang wala lang dito ang sinabi samantalang siya ay halos durugin na ang puso niya.

"P-Papers?"

Mayroon ng ideya sa isip niya pero ayaw niyang tanggapin iyon, hindi kayang iproseso ng isip niya. Pero nang sumagot ito ay tuluyan nadurog ang pag-asa na iyon.

"Annulment papers."

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Noon ay naisip na niya ito, paniguradong hihiwalayan siya nito oras na makita siya. Ine-expect na niya iyon pero ang sakit pala na harap-harapan na iyon hiniling ng asawa niya.

Gusto niyang humagulgol pero tahimik na tumutulo ang luha niya.

Tuluyan na itong tumalikod habang nakaluhod pa rin siya. Binuksan nito ang pinto at bago lumabas ay humarap ulit ito sa kaniya, walang kahit emosyon ang mukha.

"You were my Queen but you choose to be like this. Iniwan mo ang kaharian ko para sa kahirapan? Maybe this is your karma. This is your worst nightmare. Nagsisimula pa lang ako, slut like you doesn't deserve any respect." Halos natulala siya sa binitawan nitong salita.

She deserves this pain.

"For me, my wife, the woman I love and treasure, has been dead for a long time. You, I don't know you anymore; you're just fucking maid," buong puot na usal ng asawa bago siya tuluyan iwan sa kwartong iyon.

Kumawala ang hikbing kanina pa niya pinipigilan. Sinapo niya ang kaniyang dibdib, sobrang sakit nito parang pinipiga.

"You can do it heart. Para kay Devon, para kay Demitri, para sa kanila," bulong niya bago punasan ang luha.

Three months, then she will never be Mrs. Sabrina Flavier.

____________
SaviorKitty

Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store