Kabanata 2
K A B A N A T A 2
༺❀༻
Palakad-lakad si Sabrina sa kwarto ng mga kasambahay katulad niya habang kagat-kagat ang kaniyang daliri. Sobra siyang kinakabahan, ang kabog ng kaniyang dibdib ay halos marinig na rin niya. Hindi niya lubos maisip na ang huling taong gusto niyang makita ay ang amo pa niya!
Nice!
Gusto niyang umalis o tumakbo palayo sa mala-palasyong bahay na ito pero naisip niyang hindi pwede, bukod sa nangangailan siya ng pera ay mahihirapan na ulit siya makahanap ng susunod na trabaho at ayaw niyang magutom ang mga umaasa sa kaniya.
Kinagat niya ang itaas na labi habang naalala ang pangyayari sa kusina kanina.
Hindi niya alam kung magpa-
pasalamat siya ng bigla na lang tumayo si Demitri nang makita siya at malalaking hakbang na lumabas sa kusina.
Hindi niya alam kung saan pumunta ang lalaki, roon lang sila nakahinga nang maluwag.
The shock on Demitri's face could not be erased from her mind. She was startled too. Sabrina cannot deny that he has always been attractive. However, she can admit that his elegance has grown over the years and his appearance has matured. Even though they had only met a while earlier, his presence was intimidating.
Siyempre pinagalitan kaagad siya ng mayordoma bago siya papasukin sa kwarto. Baka hindi raw nagustuhan ng amo nila ang niluto niya. Paano kaya nalaman ni Demitri na luto niya iyon? Naaalala pa rin ba nito ang lasa kung paano siya magluto?
Noon kasi ay kahit ilang buwan lang silang nagsama bilang mag-asawa ay araw-araw naman niya itong pinagsisilbihan, inaalagaan.
Mariin siyang napapikit.
Pinilig niya ang kaniyang ulo para alisin ang ala-ala na iyon, dapat ay hindi na niya naiisip ang mga bagay na matagal ng taon ang nakalipas.
Limang taon na simula nang umalis siya sa puder nito.
Ni hindi nga niya alam kung anong nangyari rito pagkatapos ng araw na iyon at wala siyang lakas ng loob na alamin pa dahil siya naman ang may kasalanan.
It's her fault, she left him.
Kahit kabado ay lumabas siya sa silid dahil alam naman niyang hindi siya maaaring manatili sa kwarto lang. Nauuhaw na rin siya at kumakalam ang sikmura. Hindi naman kasi siya nakakain kanina dahil sobrang kaba na naramdaman niya.
Madilim na ang buong bahay, kagat-labing pumunta siya sa kusina habang hawak ang tiyan.
Pagkapasok niya roon ay hindi pa rin niya binuksan ang ilaw, ayaw naman na niyang makagawa ng ingay o ano mang dahilan para magising ang iba.
Dahan-dahan niyang binuksan ang refrigerator, kaagad dumapo ang mata niya sa fried chicken na nando'n, napabuntonghininga siya saka kinuha iyon.
Tahimik na nagsimula siyang kumain. pagkatapos maubos ang pagkain. Naaawa siya sa sarili dahil palihim pa siya kumakain.
"Si Devon kaya kumain na?" mahinang bulong niya.
Sumasakit ang puso niya tuwing maiisip na hinihintay siya ng lalaki, paniguradong hinahanap na siya nito.
Pero kailangan niya magtrabaho dahil wala na silang pera.
"So you're with that fucking guy until now."
She almost jumped in panic when she heard that baritone voice. Her eyes immediately searched where that hoarse voice came from. Kaagad nagtama ang kanilang mata ng asawa.
Ibang-iba na ito sa dating Demitri na iniwan niya.
Halos hindi siya makahinga nang makita si Demitri sa isang gilid sa dilim na parte ng kusina, habang kampanteng naka-upo. Pinapaikot-ikot nito ang alak sa basong hawak habang nakatingin sa kaniya na puno ng disgusto ang mga mata.
"D-Dem . . ." Nanginig siya habang binibigkas ang pangalan ng asawa.
"Don't fucking call me like that!" He snapped.
Bahagya siyang napaatras dahil sa gulat. Hanggang maramdaman niya sa kaniyang likod ang malamig na pintuan ng ref. Kahit madilim ay kitang-kita niya ang galit sa mata ng asawa habang nakatingin sa kaniya.
She felt small because of the way he looked at her.
Nagbabaga ang mata nito sa galit at pagkamuhi, bahagya pang gumagalaw ang bagang ng lalaki. Siguro nga ay hindi sila nagkasama nang matagal pero kasal pa rin sila kaya naman kilalang-kilala niya ito. Ngayon niya lang ito nakitang gano'n kagalit.
"So you went from chef to maid. What a nice glow up, huh?" may panunuyang wika ng lalaki kaya naman palihim niyang naikuyom ang kamao.
Dati siyang chef sa isang restaurant bago sila nagkakilala, dahil sa trabaho na iyon ay nagkakilala sila. Umattend sa isang meeting si Demitri noon sa pinagta-trabahuhan siya, hanggang napadalas na ang punta nito. Isang araw ay inaya na siya nitong makipagdate.
Hindi niya pinagsisisihan ang kaniyang nakaraan.
Naikuyom niya ang kamao habang titig na titig sa mukha ni Demitri na ilang dangkal na lang ang layo sa kaniya.
Gusto niya itong yakapin at humingi ng tawad pero hindi niya magawa. Gusto niyang lumuhod dito at sabihin ang lahat pero hindi niya maibukas ang kaniyang bibig, natatakot na baka hindi naman na siya tanggapin.
"Are you happy?" malamig na bulong nito sa kaniya kaya napakurap-kurap siya.
Hindi na niya napigilan ang luha na tumulo sa kaniyang pisngi.
Kapag ba niyakap niya ang asawa ay itutulak ba siya nito palayo? Gusto niyang pigilan ang sarili sa bugso ng damdamin pero parang may sariling buhay ang katawan niya.
Tiningala niya ang lalaki saka dahan-dahan humakbang papalapit sa asawa. Mahigpit niyang niyakap ang asawa. Isinubsob niya ang mukha sa matipunong dibdib nito, gusto niyang umiyak nang malakas pero tanging hikbi lang ang lumabas sa kaniyang bibig. Gusto niyang magsumbong dito sa lahat ng nangyari sa lumipas na panahon pero natatakot siyang husgahan siya nito.
Naramdaman naman niyang natigilan ang asawa animong hindi inaasahan ang kaniyang ginawa. Hindi niya ito pinansin kahit ngayon lang ay pag bibigyan niya ang sarili.
"Mi dispiace, Demitri mi dispiace," bulong niya at mas hinigpitan ang yakap.
Hindi ito nagsalita ng ilang segundo.
Dimitri patawarin mo ako.
Pagak itong tumawa saka padabog na inalis ang kaniyang kamay na nakayakap dito. Kaaad niyang pinunasan ang luha para hindi nito makita iyon.
Tiningnan siya nito na parang isang nakakadiring nilalang.
"Don't touch me!" madiin wika nito sa mismong mukha niya.
Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi, alam niyang hindi nito naintindihan ang kaniyang sinabi kahit naman noon hindi nito naiintindihan.
Ang laki ng pinagbago nito mula sa pisikal pati pag-uugali, kung dati ay nakakatakot na ito ay ngayon ay mas nadagdagan pa.
Nagbaba siya ng tingin dahil nanliliit siya sa sarili. Mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib nag makita ang suot niya, malayong-malayo ang antas nilang dalawa.
"Why are you here huh? After five years of hiding. Bigla kang lilitaw at yayakapin ako?" puno ng disgusto ang boses nito.
Suminghap siya dahil doon, hinanda na niya ang sarili sa mas masasakit pang salita na bibitawan nito.
"Wala na bang pera iyong lalake mo at nagtatrabaho ka bilang katulong ko ngayon? How Ironic huh?" may panunuyang usal ng asawa at ngumisi.
Parang nanuyo ang kaniyang lalamunan dahil sa sinabi nito. Naalala niya ang dahilan ng pag-alis niya.
Kung sasabihin ba niya ang lahat dito ngayon may mababago ba? Maniniwala ba si Demitri? Alam niyang nasaktan niya ito at pinagsisisihan niya ang araw na iyon pero alam niyang tama lang ang ginawa niya. Sa nakikita niya ngayon kay Demitri alam niyang kahit papaano ay may magandang kinahantungan ang ginawa niyang desisyon noon.
Ang pinaka mahirap na desisyon na ginawa niya sa kaniyang buhay.
"I will make your life a hell," banta nito at hinawakan nang madiin ang kaniyang braso, para bang sinisindak siya nito.
Ni minsan noon ay hindi siya nito pinagbuhatan ng kamay ko masaktan man lang kaya nagulat siya sa marahas na hawak ng lalaki.
Gumalaw ang bagang nito bago siya marahas na binitawan at iwan sa kusina.
Doon na sunod-sunod na tumulo ang luha na kanina pa namumuo sa kaniyang mata. May kumawala rin na hikbi sa kaniyang labi.
Her husband, Demitri hates her. She can feel and see that.
Galit ang kaniyang asawa dahil sa ginawa niya pero alam niyang hindi na mababago ngayon ang ginawa niyang desisyon limang taon na ang nakalipas.
"Nabuhay na ako sa impyerno Dem. Limang taon, limang taon akong nakulong sa impyerno. Huwag mo na akong ibalik doon," mahinang sabi niya at tahimik na umiyak habang yakap ang sarili.
__________
SaviorKitty
Bạn đang đọc truyện trên: ZingTruyen.Store